By: James Silver
James's POV
Sa isip ko humihingi ako ng tawad kay Raffy. Sa maikling oras na kinuwestyon ko kung bakit ko sya minahal ay sandali rin akong naguluhan tungkol sa nararamdaman ko. Natakot ako dahil ang saktan sya, ang kaisa isang bagay na ipinangako kong hinding hindi ko magagawa. Buti na lang alam ng puso ko, kung anong dapat gawin. Kusang ibinabalik ng isip ko kung bakit ko sya minahal. Pag naaalala ko kung paano nya ako ngitian, nagiging buo ulit ang loob ko. Nalagpasan ko ang lahat ng pagsubok dahil sa mga ngiti nyang nakakapanghina. Ang pagmamahal nyang yumayakap saken, saan man ako naroroon. Higit sa lahat, ang buo nyang pagkatao na isinumpa kong pangangalagaan ko hanggang sa huling pintig na kayang ibigay ng puso ko.
Napag-usapan namen nila nanay ang tungkol sa pagkuha ng abogadong magtatanggol saken. Madali kasi akong sinampahan ng kasong kriminal dahil ilang tao din ang nandoon sa lugar ng pinangyarihan. Pati ang mga kamag-anak ng mga namatay ay nagmamakaawa na rin na isulong ang kaso laban saken. Pakiramdam ko ay gipit na gipit ako. Ni hindi ako makapagsalita para ipagtanggol ang sarili ko. Walang naniniwala saken. Kailangan ko ng paghuhugutan ng lakas, pero wala sya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan sya. Yung takot na nararamdaman ko para sa sarili kong kaligtasan ay mas lumalala habang nagtatagal ako dito. Mas lalo pa nung malaman kong dadalhin na ako sa Bilibid. May matinding kaba sa dibdib ko. Parang ang gulo gulo ng paligid ko. Patuloy akong nakikisama sa mga taong hindi ko naman kilala at ni hindi ko alam kung anong pupwede nilang gawin saken.
"Ano bang gagawin ko? Ano bang magagawa ko?" tanong ko sa magulo kong isipan. Napakapit na lang ako nang mahigpit sa ulo ko at sinubukang mag-isip ng matino. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko kaya ang lahat. Kaya pumikit ako at humingi ng tulong sa nag-iisang pag-asa ko. Ang patuloy na nagmamasid saken at naghihintay sa likod ng malawak na langit.
Raffy's POV
Malungkot kaming pinagmasdan ni nanay Martha. Hindi ko alam kung anong nangyayari. At ito namang kaibigan ni James ay matalim pa rin ang titig saken. Lumapit kami kay nanay Martha upang ito'y batiin.
"Magandang araw mare! Mmm mukhang malungkot kayo ah, may problema ba? Anong nangyari?" agad na tanong ni mommy. Si nanay Martha naman na kanina ay malungkot, ngayon ay parang galit na at umiiyak.
"Anong ginagawa nyo dito?" mahinahon pero may bigat na tanong ni nanay Martha.
"Dadalawin sana kayo, pero mukhang mali yata timing namen. Anong problema?" si mommy. Pero ang sumunod na sinabi ni nanay Martha ay talagang nagpangatog ng tuhod ko. Parang naubos lahat ng lakas ko sa katawan na halos mapaluhod nako sa biglaang panghihina.
"Hindi nyo ba alam?! Nakakulong ngayon si James. At kagagawan lahat ito ng walang hiya mong asawa." sabi ni nanay Martha kay mommy. Nangangatal ang bibig kong nakisali sa usapan.
"Nnna.. nay.. ssan po nakakulong si James?" mautal utal kong tanong na may kasamang panginginig ng boses.
"Bakit mo aalamin? Tama na Raffy! Sapat na siguro yung dinanas na paghihirap ni James dahil sayo. Tigilan mo na sya!" sabat ni Limuel na halata sa boses ang matinding galit na kinikimkim. Sandaling napatingin si nanay Martha saken.
"Umalis na kayo. Ayoko kayong gawan ng masama. Kaya pakiusap umalis na lang kayo." sabi ni nanay Martha.
"Bbakit mare? Bakit galit ka samen? Sinisisi mo ba kami sa nangyare kay James?" mahinahong tanong ni mommy.
"Oo. Sinisisi ko kayo! Kung hindi dahil sa inyo hindi ito dadanasin ni James. Sinisisi ko rin ang sarili ko dahil kinunsinte ko ang relasyon nyo Raffy. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana noon pa ay tumutol na rin ako. Andami na ng paghihirap ni James para sa pamilya namen, hindi dapat sya nakakaranas ng ganito. Sobra na! Grabe na ang dinanas ng anak ko, kaya hindi na ako papayag na ituloy nyo pa ang relasyon nyo. Sa tingin ko ay iyon lang ang sagot para matigil na ang paghihirap nya." sabi ni nanay Martha.
Ni sa panaginip ay hindi ko inisip na mangyayari ito. Nakakatakot. Hindi pwede. Sana panaginip lang 'to. Isa 'tong bangungot. Hindi kinaya ng dibdib ko ang mga binitawang salita ni nanay Martha. Kaya ang luha sa mga mata ko ay kusa na lamang lumabas ng hindi ko man lang halos napapansin.
"Umalis na kayo!" may kalakasang boses ni nanay Martha.
"Mare! Wag mo naman sana kaming sisihin. Hindi namen alam ang nangyare kay James. Kung alam ko yun, hinding hindi ko naman mapapayagan yun. Anak ko na rin si James kaya ayoko ring maranasan nya yun. Mare, wag naman sana ganito. Pamilya tayo noon pa. Magtulungan tayo para iligtas si James. Hindi yung umaabot pa tayo sa puntong 'to na pati kaligayahan ng mga anak naten eh madadamay. Isa pa, wala na kami sa poder ni Jigger. Pinutol na namen ang kahit anong ugnayan namen sa kanya. Katulad mo, naga-alala rin ako kay James ngayon. Pakiusap mare, pag-usapan naten 'to at isipin naten kung anong maaari nating magawa ng magkakasama. Wag yung ganito." sabi ni mama.
"Hindi ko alam. Wala akong alam. Magalit lang sa nangyayare ang kaya kong gawin. Mang mang ako eh. Ni hindi ko alam kung papano ko ipagtatanggol si James! Gigil ako nung makita kong nagdudusa si James sa kulungan. Parang gusto ko pumatay ng tao!!! Gusto ko syang hatakin palabas ng kulungan pero... pero kahit ako,,, natatakot... Nahihiya ako sa sarili ko. Kasi wala akong magawa. Humingi ng tulong lang kung kanikanino ang naiisip kong gawin. Kasi hindi ko alam ang dapat kong gawin!!! kasi... kasi... wala akong.." madali akong tumayo para yakapin si nanay Martha.
Ayoko ituloy nya kung anuman ang sasabihin nya dahil isang malaking kasinungalingan yun. Isa ako sa mga saksi kung papano sya nagsikap. Alam kong marami syang tiniis. Kaya hindi ko mapapayagan na mawalan ng pag-asa ang taong ito na pinagkakautangan ko ng malaking utang na loob. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi isisilang ang taong nakalaan para saken. Hindi ko makikilala ang taong naging dahilan ng buong buhay kong kaligayahan. Makasarili man ang dahilan ko ay hindi na importante yun. Hindi lang naman si James ang minahal ko eh. Kundi ang buong pamilya nya.
Bumabaha na ng luha sa mukha ni nanay Martha. Galit, kalungkutan at kawalang pag-asa lang ang nakita ko sa kanya. Ang babaeng ito na tinitignan ko bilang isang mandirigma na mag-isang nagtaguyod ng tatlong anak at isang may kapansanang asawa. Ngayon ay nagpapamalas ng kahinaan. Nangyayari ang lahat ng ito dahil sa amang matagal kong hinanap na akala ko ay magpupuno ng mga kakulangan sa pagkatao ko. Pero nagkamali ako, noon pa kumpleto ang pagkatao ko. At sinisira yun ng ama ko ngayon.
Sa pagkakayakap ko kay nanay Martha na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtangis ay biglang nakaisip ako ng paraan para matulungan si James.
Naramdaman ko rin ang pagsama ni mommy samen ni nanay Martha.
"Kaya natin 'to mare. Magiging maayos din ang lahat. May solusyon sa lahat ng problema." sabi ni mommy.
Nang mapansin kong nagiging ok na ang loob ni nanay Martha ay kumalas nako sa pagkakayakap. May tumapik sa likod ko. Si Limuel. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha sa pagkakatitig saken.
"Pwede ba tayo mag-usap? Tayong dalawa lang." paanyaya nya. Pinaunlakan ko naman sya kaagad.
"Maiwan po muna namen kayo. May pag-uusapan lang kami." paalam ko sa dalawang nanay.
Patuloy pa rin sa pagluha si nanay Martha pero tumango lang ito. Inakay sya ni mommy papasok sa loob at kami naman ni Limuel sa ilalim ng isang puno sa gilid ng bahay. Agad akong hinarap ni Limuel at nag-umpisa ito sa mga gusto nyang sabihin.
"Siguro naman kilala mo na ako. Kasi ako matagal na kitang kilala. Madalas kang maikwento ni James saken noong magkatrabaho pa lang kami. Dideretsuhin na kita. Mahal ko si James at ayaw kita para sa kanya. Pero alam kong mas mahal ka ni James. Tatapatin kita, galit ako sayo. Badtrip ako sayo dahil ikaw ang dahilan ng mga paghihirap ni James. Gusto kita gulpihin ngayon ang kaso lang wala tayo sa tamang lugar at panahon. Pero sa oras na may mangyaring masama kay James, na ikaw ulit ang dahilan. Ipinapangako ko sayo, buburahin kita sa mundo. Tandaan mo yan!" sabi nya na may galit na galit na tono.
Pagkatapos ay agad syang umalis at hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magsalita. Nakaramdam ako ng galit sa kanya pero hindi ko iyon ipinakita dahil ang totoo nyan, naiintindihan ko ang nararamdaman nya. Galit lang siguro sya sa mga nangyayari kay James ngayon. Ako man, galit rin sa sarili ko dahil madalas nga akong maging dahilan ng paghihirap ni James. Pero pag may nangyaring hindi maganda kay James, sisiguruhin ko munang mapapatay ko lahat ng nagpahirap sa kanya. Tsaka ko maluwag na tatanggapin ang parusang ipapataw saken ng isa pang taong nagmamahal din kay James.
Sinundan ko ng tingin si Limuel. Nakita ko ang pagpasok nya sa bahay. Maya maya pa ay sumunod na rin ako at pumasok na rin. Napag-usapan namen sa loob ang kalagayan ni James. Kinakailangan na palang kumuha ng abogado na magtatanggol sa kanya. Madali lang yun para saken dahil may sarili naman akong perang naitabi. Pero hindi ko alam kung hanggang saan tatagal iyon kaya kakailanganin ko ng tulong. Dadalawin ko sana si James ang kaso ay hindi na raw pwede dahil tapos na ang oras ng dalaw. Sa linggo pa namen sya pupwedeng madalaw ulit. Medyo nanghihinayang ako dahil nalalapit pa naman ang pasko pero hindi ko makakasama si James. Hindi ko na iyon masyado pang binigyan ng pansin at muli kong itinuon ang aking isipan kung papano ko matutulungan si James na makalaya.
James's POV
"Bilisan nyo ang kilos! At ayusin nyo ang trabaho! Kayo rin naman ang gumagamit nyan eh!" sabi ng pulis na nagbabantay samen habang naglilinis kami ng banyong ginagamit ng mga preso. Ito ang unang araw kong tutulong sa mga gawain ng mga kasama ko. Tuwing linggo ang toka namen.
Habang naglilinis kami ng banyo sandaling lumabas yung bantay namen. At isang matandang kasama ko sa selda ang kumausap saken. Sa palagay ko nasa sisenta anyos na sya. Maputi na ang buhok maitim at kulubot na ang balat. Medyo kuba na sya pero mukha naman syang malakas pa.
"Kumusta? Anong pangalan mo? Ako nga pala si Ernie. Tatang Ernie ang tawag nila saken dito. Baka kako ayaw mo nang kausap kaya ngayon lang ako nakikipagkwentuhan sayo. Yung iba naman nating kasama eh gusto ka rin kausapin kaso napakatahimik mo eh. Baka raw nagsisintimyento ka pa sa pagkakakulong mo dito." sambit nito.
"Ako po si James. Pasensya na po, tahimik lang po talaga ako. Nangangapa pa po eh." sabi ko sabay ngiti.
"Kumusta ang pamamalagi mo dito? Ayos ka lang ba?" tanong nito
"Ayos lang naman po. Medyo natatakot lang po nung unang araw." sabi ko.
"Masasanay ka rin. Ako nga eh. Bata pa ako nang makulong ako dito. Dito na ako tumanda. Wala na rin kasing nag-asikaso pa ng kaso ko. Mukhang kinalimutan na ako ng pamilya ko. Ni hindi na nga nila ako nagawang dalawin eh. Sya nga pala. Anong kaso mo?" patuloy na pag-usisa nya saken.
"Ano po... ahm..." hindi ko halos alam kung papano ko sasagutin yung tanong nya.
"Wag kang maga-alala, mababait naman itong mga kakosa naten eh. Buti nga dito ka napunta eh. Kung si Renan ang nakasama mo sa selda, malamang pagmasahihin ka lang nun. Ayos saten kaya wala kang dapat ikatakot." sabi nya na nakabawas naman sa alalahanin ko.
"Multiple murder case po ang hinaharap kong kaso. Pero ano po... hindi ko po talaga ginawa yun... hhhindi ko po kaya pumatay." agad kong paliwanag.
"Ganyan naman tayong lahat pag bagong salta eh. Kahit ako eh. Napagbintangan lang din ako sa pagpatay ng isang propesor. Halos mapaos ako nun kakasigaw na wala akong kasalanan. Pero walang naniniwala saken. Sa oras na pinaratangan ka ng hindi totoo, ilan lang ang taong may kakayahang maniwala sayo at ang iba pang natitira ay nabibilang sa mga taong walang pakealam at sa mga taong naniniwalang may kasalanan ka. Ganun ang kalakaran kaya kung ako sayo. May kasalanan ka man o wala, wag ka na lang magsalita. Hayaan mo na lang na lumutang ang katotohanan. Walang sikretong naitatago ng habang panahon." sabi ni tatang Ernie na kahit nakakalungkot eh bumuhay naman sa pag-asa ko.
"Walang sikreto na maaaring itago ng panghabang panahon." inulit ko sa isip ko ang sinabi nya at pinaniwalaan ko ito.
"Kayo po, umaasa pa po ba kayo na lalabas ang katotohanan tungkol sa kaso nyo?" tanong ko.
"Oo, pero kung itatanong mo saken kung gusto ko pang makalaya eh sasagutin kita ng hindi. Hindi na, kasi wala nang buhay na naghihintay saken sa labas. Dito ko na gustong mamatay kesa sa lansangan. Wala na akong alam sa labas eh." sabi nya.
Natahimik ako sa sinabi nya. Iniisip ko kung ano kayang nararamdaman nya. Kung anong klaseng kalungkutan ang bumabalot sa kanya sa tuwing matutulog sya. Kitang kita ko ang eksistensya nya pero parang wala na syang buhay. Hindi ko na matatawag pang buhay ang manatili sa bilangguang ito nang ganoon katagal na panahon. Bata pa sya nandito. Matanda na sya ngayon. Kung ako siguro ito ay matagal na akong nagpatiwakal. Ayokong makulong dito ng ganoong katagal. Parang wala nang kwenta ang buhay kung ganun lang rin. Buong buhay mong makakasama ang mga taong hindi mo naman kilala. Hindi ako mananatili dito.
"Ayoko pong manatili dito ng ganung katagal." sabi ko.
"Hindi naman ikaw ang magsasabi nyan eh. Pero alam ko ang ganyang pakiramdam. Siguro natatakot kang matulad saken noh." sabi nito. Napatango lang ako sa tanong nya. Habang patuloy kami sa kwentuhan, hindi na namen namalayan na bumalik na pala yung bantay na ilang minuto ring nawala.
"Trabaho! Trabaho! Wala kayong matatapos nyan kung puro kwentuhan kayo."
Hindi na namen naituloy ang kwentuhan ni tatang Ernie. Natahimik na kami pare pareho dahil malapit nang matapos ang ginagawa namen. Mukhang masaya silang lahat dahil napag-alaman ko na malayang makakagala ang mga bilanggo sa kahit saang lugar na itinakda ng warden. Pwede daw kami maggala basta dalawampung metro ang layo namen sa pader. Dahil sa oras na makalagpas kami sa itinakdang hangganan ay ituturing nang pagpuga iyon at maaari nila kaming barilin o di naman kaya ay dakpin at ibartolina sa loob ng dalawang linggo.
Natapos na kami sa paglilinis nang sakto sa itinakdang oras. Maaari na kaming bumalik sa selda namen o magtungo sa kung saan mang recreation area, di naman kaya ay sa basketball court o sa chapel. Kahit papaano ay ramdam ko na sa araw na ito ay para rin akong malaya. Malaya sa limitadong mundo na kinalalagyan ko ngayon.
Nagpunta ako sa tanggapan ng mga bisita. Umaasa na baka may dumalaw saken. Isa pa nalaman ko na may ilang patagong naninigarilyo dun. Ilang gabi na rin akong naglalaway sa sigarilyo kaya naman talagang naghahanap na ako. Baka may makilala akong magmamagandang loob na bigyan ako kahit isang stick lang.
Maraming tao sa tanggapan ng bisita. Isa kasi itong parang malaking multipurpose hall at sa paligid naman nito ay parang park. Maraming puno at presko. Tamang tamang pahingahan. Masarap sana tumambay dito araw araw kaso hindi pwede. Maari lang kaming magpunta dito tuwing araw ng Linggo o di naman kaya ay kapag may bisitang dadalaw.
Naglibot libot ako. Maraming dumalaw. Medyo sumilip pa ako baka meron ako. Kaso wala akong nakita. Kaya hinanap ko na lang yung lugar kung saan may palihim na naninigarilyo. Natural usok ang hahanapin ko. Pero mukhang matinding taguan ito. Wala akong makita kahit konting usok. May bigla na lamang kumalabit sa likod ko. At nang mapalingon ako ay namasdan ko ang isang payat na lalake na mukhang laging puyat. Sa mga karakas nito eh mukhang dati syang naga-adik. Pasimple ako nitong inalok.
"Yosi hanap mo noh? Meron ako dito." alok nya.
"Pero wala akong pera dito eh." sabi ko.
"Edi bayaran mo na lang pagdating ng dalaw mo." sabi nya.
"Saan ba tayo pupwedeng pumwesto?" tanong ko.
"Tara, sunod ka saken." sabi nito at hindi na ako nagpaligoy ligoy pa dahil takam na takam na ako sa yosi.
Dinala ako ng lalake sa likod ng malaking puno ng balete. May butas doon at pumasok kami dun. Akala ko ay kung nasaan na kami kaya natakot ako dahil baka barilin kami ng pulis. Pero nang malaman kong nasa likuran lang pala kami ng isang gusaling kinalalagyan ng mga selda namen ay nakahinga ako ng maluwag. Sampu kaming naririto. Kabilang na yung nagtitinda ng sigarilyo. Maya maya pa ay binigyan ako nung lalake ng isang stick.
"Anong pangalan mo?" tanong nito.
"James, James Villacorta." sagot ko.
"Sige tuwing linggo ako naniningil. Dito ka na dumiretso kapag Linggo dapat may dala ka nang pera para hindi tayo magkaproblema." paliwanag nya. Tinanggap ko ang isang stick ng yosing iniaabot nya saken at agad ko itong sinindihan.
"Buti hindi ka nahuhuli dito." tanong ko.
"Wag kang maga-alala ligtas tayo dito. Kahit yang mga parak na yan eh, bumibili rin saken yan. Kaya kahit may pulis na makakita saten dito eh hindi tayo sisitahin. Wag lang si De Guzman, santo yung putang inang yun eh." sabi nya.
"Sino si De Guzman?" muli kong tanong.
"Yung batang pulis dyan na gusto yatang maging bayani sa sobrang tapat sa tungkulin." sabi nya na medyo ikinangiti ko lang.
Hindi rin maganda ang tingin ko sa mga pulis. Pero sa tuwing makakarinig ako ng mga pulis na gumagawa ng matino ay talagang natutuwa ako. Dun ko lang kasi nasasabi na, may pagasa pa ang Pilipinas. Nakakawalang gana rin kasi eh. Kung sino pa yung alagad ng batas eh sila pa yung mga tarantado. Buti na lang at may natitira pa rin palang matitino.
Nang maubos ko ang isang stick ng yosi ay humirit pa ako ng isa pa. Tutal may listahan naman sya eh. Pero muntikan kong maitapon yung yosi nung malaman ko kung magkano 'tong hinihithit ko. Puta! Kinse isa. Limang stick na ang katumbas nito sa labas ah. Bigla ko na lamang naisip na wala nga pala ako sa labas kaya iba ang bentahan dito. Ayos na rin basta may hihithitin. Isang beses lang naman sa loob ng isang linggo eh.
Tinanong ako nung nagtitinda kung iisa pa ba ako. Sabi ko ay tama na. Babalik na lamang ako kapag gusto ko pa. Pagkatapos ay agad na akong lumabas.
Naglakad lakad lang ako dito sa tanggapan ng bisita. Iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. Maaliwalas dito kesa sa selda. Tsaka mahangin. Medyo nakakainip nga lang kaya naupo na lamang ako sa ilalim ng isang puno para makaidlip. Mukhang kailangan kong masanay sa ganitong buhay pansamantala. Alam kong hindi ganun kadali ang hinaharap ko kaya kailangan kong makatagal dito. Hindi naman ako pababayaan ng pamilya ko eh. Kailangan maging mas matatag ako sa pagkakataong ito. Dahil kahit iilan lang ang taong naniniwala saken ay nakasisiguro naman akong hindi sila susuko hanggang sa malagpasan namen ang pagsubok na ito.
Nakaidlip ako sandali. Pero agad din naman akong nagising dahil humangin ng malakas na may kasamang alikabok. Hindi pala magandang pwesto 'to para tulugan kaya naisipan ko nang bumalik ng selda. Naglakad na ako papunta doon sa multipurpose hall. Nandoon kasi ang daan papasok sa basketball court. Karugtong kasi ng hall ang gusali kung saan matatagpuan ang recreation area. At sa susunod na gusali ay naroroon ang mga selda. Paikot lang ang lugar. Parang eskwelahan na ang laman eh puro kriminal.
Nakarating na ako sa hall at papasok na sana ng pinto nang biglang tinawag ako ng isang pamilyar na boses.
"James!" agad akong napahinto sa aking narinig. Ayoko lumingon. Ayokong ipihit ang katawan ko pabalik dahil ayokong madismaya na baka nagkamali lang ako ng dinig. Pppero... Pero nung inulit nya... Nung... Nung inulit nyang banggitin ang pangalan ko ay bigla na lamang namasa ang mga mata ko. Napatakip ang kanan kong kamay sa aking mukha. Marahan kong inikot ang katawan ko pabalik sa pinanggalingan ko. Agad na napako ang paningin ko sa kinaroroonan nya. Bakas sa mukha nya ang labis na kalungkutan nang makita ako. Ang mga mata nyang nais kong makita araw araw na ngayon ay dinadaluyan na ng mangilan ngilang patak ng luha. Ang mga labi nyang impit na tila nagpipigil ng pagtangis. Bumagal ang ikot ng mundo para saken. Isa... Dalawa... Tatlo... ilang hakbang na lang ay mahahawakan ko na sya. Ang unti unting nanghihina kong mga binti na pinapahina ng kanyang presensya ay unti unti ring humakbang papalapit sa kanya. Habang lumuluha ay marahang gumuhit ang ngiti sa mga labi nya. Yun lang. Yung mga ngiting iyon lang ang kailangan ko para maging matatag ulit ako. Walang kahit sinong pupwedeng magpabagsak saken basta buong buhay syang ngingiti para saken.
Nasa harap ko na sya. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko sya. Halos nakatulala ako nang lapitan ko sya para ihilig ang ulo ko sa kanang balikat nya. Unti unti kong naramdaman ang pagbalot ng kaniyang mga braso sa katawan ko. Pahigpit ng pahigpit. Mahigpit. Nangatal ang bibig ko sa ginawa nya. Kailangan ko ang yakap nya, kahit madurog pa ang katawan ko sa sobrang higpit. Habang dinadama ko ang higpit ng yakap nya ay agad din akong yumakap sa kanya. Marahan kong hinalikan ang balikat nya.
Raffy's POV
Ramdam na ramdam ko kung gaano sya nangulila at naghintay sa pagdating ko. Parang magugunaw ang mundo ko nung makita ko ang kalagayan nya. Nung malungkot na naglalakad mag-isa papunta dito sa visiting area. Ang totoo hindi ko alam kung papano ko sya haharapin. Gusto ko syang takbuhin at agad na yakapin pero hindi ko agad naikilos ang mga paa ko. Nananabik ako sa kanya pero mas nangingibabaw ang hiya kong harapin sya.
Ramdam ko ang mga matang nakatitig samen. Pero hindi ko alintana yun. Si James lang ang mahalaga saken. Wala akong pakealam sa mga nakatingin samen.
Nang marinig ko ang mahihinang paghikbi nya ay lalo lang nadurog ang puso ko. Ito na ang hangganan ng matagal nyang paghihintay saken. Hindi ko na sya paghihintayin ulit. Kahit kelan at gagawin ko ang lahat para mailabas sya sa kulungang ito.
"Hinintay kita. Bbbaakit.. Bakit antagal mo?" Para syang batang nagtatampo saken. Kaya ipinaramdam ko sa kanya na hindi ko na sya iiwan pa, sa pamamagitan ng yakap ko.
"Sorry hindi ko alam. Sorry!" habang naginginig ang boses ko.
"Natatakot ako Raf."
"Wag ka na matakot nandito nako. Pangako ilalabas kita dito." paniniguro ko sa kanya.
"Wala akong kasalanan. Hindi ko magagawa yun maniwala ka." sabi nya
"Hindi mo kailangang idepensa ang sarili mo saken. Naniniwala ako sayo. Ikaw lang ang paniniwalaan ko James."
"Salamat, matapang nako ulit. Kasi nandito ka na." sabi nya. Gusto kong marinig ulit iyon. Gusto kong ipaalam nya ulit saken na ako ang dahilan ng tapang na iyon. Gusto kong magsalita sya. Gusto kong magsumbong sya saken.
"Huli na 'to James. Ihanda mo sarili mo dahil hindi magiging madali 'to. Pangako, ipagtatanggol kita kahit kanino. Kahit sa sarili ko pang ama. Pagkatapos nito, magiging masaya na tayo. Hinding hindi na kita iiwan." sabi ko at naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nya.
"Ahm. Mawalang galang na ah. Tao kami... Oo tao kami... At kasali kami dito.. Try nyo umupo. Kasi nakapila na yung mga gustong dumaan sa pinto. Nakaharang kaya kayo dyan." panira ni mommy. Napaangat ang ulo ni James at tinignan kung sino ang nagsasalita. Agad syang napangiti nang malamang si mommy iyon.
"Nay!..." sabi nya sabay takbo sa kinaroroonan ni mommy.
"Ahy.. ang gwapo kong manugang. Halika nga rito anak namiss kita eh. Tagal na nating hindi nagkikita. Ngayon lang tayo nagkita, tapos ang sosyal pa ng venue..." sabi ni mommy. Agad na kumalas si James sa pagkakayakap namen at tumakbo kay mommy. Ako naman ay naglakad papalapit sa kanila. Pagkatapos ay naupo na kami.
Nang papaupo na kami ay bigla na lamang napahinto si James at nanlaki ang mga mata nito. Nakatingin sya sa kasama namen na ipinagtaka ko naman. Bakit kaya?

No comments:
Post a Comment