By: Confused Teacher

“Sige po Tita, papunta na ako diyan. Saglit lamang po magpapaalam ako.” Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Bagamat pinipilit kong magpakatatag pero parang gusto na ng utak kong bumigay. Dali-dali akong pumunta sa nurse station at sakto naman naroon ang head nurse namin. Nagpaalam agad ako na may emergency lamang at kailangan kong umuwi. Ayoko sanang mag drive dahil parang hindi ko talaga kayang mag focus pero this is the fastest way para makarating agad ako dahil kung magko- commute ako ay tiyak na aabutin ako ng siyam-siyam kahit pa alanganing oras naman. Kaya kahit magulo at tuliro ang utak ko kailangang kong magpakatatag.
Dalawang taon na rin ang nakakalipas mula noon pero sariwa pa sa akin ang lahat na para bang ang bawat pangyayari, usapan at maging ang sakit ay narito pa rin. Parang kahapon lamang nangyari ang lahat. Ramdam ko pa rin ang lungkot at hindi ko alam hanggang kailan ko titiisin ang lahat ng ito. Kung pwede lamang sumigaw, magwala, iuntog ang ulo ko sa sa batong kinauupuan ko ngayon. Dahil maging ang batong ito ay nagpapaalala sa akin ng malungkot na kahapon. Gusto ko nang kalimutan ang lahat, tanggapin ang mga nangyari pero bakit ganon,