By: G
Chapter 2: Nakakubling pangarap sa papel.
Pauwi na ako mula sa aking pag babanat ng buto, dala'y salapi mula sa aking pinaghirapang pag-babad sa ilalim ng araw. Natanaw ko ang aking Ama't Ina na nag tatalo, madalas ko naman silang nakikitang nag-tatalo. Ngunit ang aking mga kapatid ay nag huhumagpis. Agad kong nilapitan ang aking mga kapatid na puro pasa sa katawan, lalo na ang aming bunsong babae. Silay aking tinanong kung ano ang nangyayari kina Ama't Ina at bakit sila puro pasa.
Ako: Anong nangyari sa ating mga magulang bakit sila nag tatalo? At bakit may pasa nanaman ang inyong buong katawan? Si Ama nanaman ba ang may gawa niyan?
Ymaw: Kuya kasi wala kaming naiabot kay Ama ng mang-hingi sya saamin ng pambili ng kanyang alak naibigay nanamin kay Ina lahat ng kinita namin ni Rona sa pag titinda ng basahan at sampaguita. Nakita kasi kami ni Ama na kumakain ng biskwet, inabot lamang iyon samin nung babae sa may simbahan habang kami'y nagtitinda, pinag hatian namin iyon ni Rona para sa miryenda. Agad kaming hinatak ni Ama pauwi dito sa bahay para kami'y bugbugin. Sinabi namin sa kanya ang totoo na binigay na namin kay Ina at kami'y patuloy parin pinararatangan habang nilalatayan ng sinturon at suntok.
Mahabang lintaya ng aking kapatid, habang si Rona naman ay patuloy padin sa pag huhumagpis sa sakit na nadarama.
Rona: Kuya kaya po nag aaway sila Ama't Ina dahil inaakusahan ni Ama si Ina na may kalantari.
Pag-dagdag na inpormasyon ng aking bunsong kapatid. Wala na akong masabi, sahalip sila'y aking niyakap at sabay akong nagwikang; "Dadating ang araw mapapansin din nila Ama't Ina natayo'y kanilang Anak at hindi Alipin, mag tiyaga lang tayo mga kapatid mag-babago din sila. Huwag nyo sana silang kamuhian sila parin ay ating mga magulang. Sa bawat suntok, tadyak, latay, sampal at pang-bubogbog nila sa atin, pag-mamahal ang ating isukli".
Matapos iyon nag patuloy ang buhay. Balik nanaman kami sa aming pag babanat ng buto. Isang umaga nag paalam ako sa king mga magulang kung pwede ko bang mailaboy si Ymaw at Rona sa parke para makapag saya naman ang mga kapatid ko. Sa unang pagkakataon pumayag sila Ama't Ina. Inilaboy ko ang aking mga kapatid sa parke para sila'y matuwa naman. Katakot-takot na pasasalamat ang aking natanggap mula sa aking mga kapatid. Malugod kong tinanggap ang bawat halik nila sa aking pisngi.
Pero nang isang gabi si Ama'y nanlilisik ang mata, gali na galit, nakatiklop ang kamao parang kahit anong oras handang mangbugbog. Napansin ko ang hawak niyang papel. Lumapit ako sa kanya para mag mano, pero akoy kanyang pinaulanan ng suntok sa muka, katawan, braso, hita at pati sa likod. Gulat na gulat ako sa nangyayari.
Ako: Bakit po Ama? Ano pong nagawa ko?
Ama: Putang ina mo! Pumapasok ka sa eskwela! Saan ka natutong mag sulat?! Kaya siguro lumiliit ang salaping iyong inaabot samin ng iyong Ina! Tarantado ka! Sinabi ko sa iyo na sayang oras lamang iyan! Unahin mo ang kumakalam naming sikmura!
Ako: Hindi po ako pumapasok sa eskwela, natuto po akong mag sulat sa tulong ng aking kaibigan, Ama ayaw ko pong mamatay na mangmang, lagi nalang akong tumpulan ng asaran dahil sa ako ay isang mangmang di marunong mag-sulat at mag-basa. Nag susumikap naman po ako sa pagbabanat ng buto para lang may maibahagi at maiabot sa inyo para din may makain tayo sa pang araw-araw.
Ama: At sumasagot ka pa ha! Gago kaba?! Wag mo silang intindihin! Di sila ang nag papakain sa iyo! Tang ina mo! Tigilan mo yang aral-aral na yan! Kalimutan mong alam mo ang lugar na paaralan! Ito na ang huling mapag aalaman kong nais mong mag-aral!
Ako: Ama gusto ko po talagang pumasok sa eskwela. Nais kong matuto sa paaralan. Ayaw ko po matulad sa inyo, gayun din ang mga kapatid ko.
Ama: Putang ina! Tumigil ka!
Hindi napagod si Ama sa pang bugbog sa akin ng gabing iyon. Hindi ako nag dalawang isip lumayas sa amin. Nag impake ako ng tahimik sabay umalis. Nabugbog narin ako sa katotohanan na kailangan ko ng kumilos para sa kanila lalo na't sa mga kapatid ko.
Naisip kong puntahan si Alexis kaso sabi ng isip ko baka makaistorbo ako sa kanyang paghimbing, dis oras na ng gabi kaya natulog nalamang ako sa lumang sinehan malapit kina alexis. Hindi ako masyadong nakatulog di dahil sa ingay ng mga sasakyan bagkos sa pag-iisip sa aking mga kapatid at magulang. Sa bawat pag dilat ng aking mata aking natatanawan mga binata sa di kaluyaan na sumisinghot ng rugby, sa kabila ay grupo ng mga bakla na naglilobot sa parke mga nakakalat na babae't lalaking nag aalok ng panandaliang aliw. Bahagya akong natakot, pero kailangan ko panindigan ang aking ginawang paglayas.

No comments:
Post a Comment