Pages

Friday, July 8, 2016

Pastor's Child (Part 3)

By: Erick

"Having teenage relationships is not encouraged here in our church..."
Yan ang mga huling salita na sinabi ni Pastor Boy bago magtapos ang isa na namang lumipas na araw ng Linggo. Samantalang laman naman ng usapan sa simbahan ang relasyon ni kuya Jc at ni ate Anne. Ilan ilan din ang nakakaalam sa pakikipag relasyon ni Sam sa non-believer.(na si Marj) Bago pa man ako tuluyan umuwi ay nakasalubong ko si kuya Jc at binigyan niya na lang ako ng isang pilit na ngiti na nangangahulugan na napatawad niya na ko. Habang si Sam ay nakikita ko man paminsan minsan na nakatingin sa akin ay dinadaandanan lang ako na parang hangin.

Ilang buwan na rin makalipas mula ng nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ni Sam. At alam ni Marj ang lahat ng iyon ngunit sigurado akong nanatiling sikreto ang inamin ko kay Sam. Alam kong kahit kanino ay hindi niya iyon sasabihin.

Sa Maynila, isang tahimik at mapayapang gabi habang nakahiga ako sa kama mag isa sa condo ay nakarinig ako ng mga kalabog sa pinto. Bumangon ako para tignan kung sino ang tao sa labas. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Sam, nakatayo. Suot ang kanyang black t-shirt, bleached jeans at top-siders. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at mga mata niya ang una kong nakita. Ilang segundo kaming nagkatitigan at hindi nag iimikan, tila nagpapakiramdaman kaming dalawa kung sino ang unang magsasalita.  Naghintay ako ngunit tinutunaw lang ako ng kanyang mga titig kaya Isinara ko ang pinto ngunit di ko pa man nalalapat ay kinabig niya ito at nagsalita

"Andy, teka lang!"
Dahan dahan ko ulit binukas ang pinto at patuloy ako sa pagpigil ng aking mga luha. Dahil sobrang na lumbay ako noong wala siya. Isang tao lang si Sam pero pakiramdam ko ay buong mundo ang lumayo sa akin.

"Andy..." Sambit ni Sam habang dahan dahan siyang may itinapat sa aking mukha.

"Andy... nangako ka sakin... Na sasamahan mo ko sa lahat ng first time ko...di ba?" Naka ngiting sabi ni Sam sa akin habang nakatapat pa rin sa mukha ko ang dalawang ticket. "So... Pwede mo ba kong samahan? Concert... Ng Silent Sanctuary. Please...?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang niyakap si Sam. Mahigpit na mahigpit.

"Ouch... Teka hahaha. Di ako makahinga." Mahinang sabi ni Sam na natatawa

"Sorry... hahaha na miss lang kita pre." Nahihiya ko naman sinabi

"So... I'll take that as a yes? Sasamahan mo na ko?"

"Oo na..." Sagot ko kay Sam na ikinatawa niya naman ng mahina "edi magbihis ka na...."

"Huh? Ngayon ba yan? Grabe ka naman, teka lang..." Dali dali akong umalis sa kinatatayuan ko para magbihis

"Pre..." Sambit ni Sam habang naghahanap ako ng masusuot at nakatayo pa rin siya sa pinto pinapanood ako

"Ano???" Natataranta kong sinabi

"Na miss din kita..." Napatigil ako sa pagkalkal ng damit at napangiti ako, parang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Binato ko kay Sam ang damit na hawak ko at binigyan niya lang ako ng isang mapang asar na ngiti.

Tahimik lang kami ni Sam sa kotse na itinakas niya pa kay Pastor Boy at tila mga nagniningning na citylights ang makikita sa daan at mga tunog at busina naman ng sasakyan ang maririnig sa paligid.

"Bakit hindi si Marj ang inaya mo...?" Pagbasag ko sa katahimikan

"Actually, right now we're not in good terms..." Mahinang sagot naman ni Sam

"LQ? Ayos lang yan, normal yan. Maaayos niyo din yan, kung ano man yun."

Nakarating na kami sa school ni Sam kung saan gaganapin ang Victory party nila at concert ng Silent Sanctuary. Pagkalabas namin ng kotse ay nagmamadali kaming pumunta sa entrance at narinig na namin ang banda na tumutugtog at nagiingay na ang mga tao. Pagkapasok namin ay nakita namin na punong puno na ang grounds at nagsisiksikan ang mga estudyante na tila hindi mahulugan ng karayom. Naglibot kami ni Sam sa gilid gilid at marami na rin ang mga estudyante na kung saan saan nakatungtong.

"Shit! Paano yan?" Sambit ni Sam
"Hindi pa pwede sa mga buildings niyo? Kita naman natin sila sa taas eh"

Nakangiting tumingin sakin si Sam na tila may masamang balak gawin "Tara..."
Binigyan ko ng isang ngiti si Sam at bigla niyang hinatak ang mga kamay ko at sabay kaming tumakbo sa Admin building ng kanilang unibersidad. Dali dali kaming tumakbo sa hagdan papuntang 5th floor. Nakapatay na lahat ng ilaw at walang ka tao tao. Tahimik ang mga halllways at tanging mga yapak lang namin at malalim na paghinga ang aking naririnig. Pumasok kami sa classroom na hingal na hingal. "wag ka magbubukas ng ilaw, mahuhuli tayo." sambit ni Sam. Nagkasalubong ang mga mata namin at tumawa kami ng malakas, agad agad akong dinala ni Sam sa bintana ng room at doon nilapat niya ang mga kamay niya sa mga malalaking babasagin ng bintana at pinagmasdan ang nakikita sa ibaba na tila ngayon lang nakapunta sa isang concert... Ay oo nga pala first time niya.

"Oh ano? Astig ba?" tanong ko kay Sam

"Wow... ang ganda... Tignan mo yung stage na may mga ilaw, yung mga tao oh!  grabe kung sumigaw at tumalon, ang ganda grabe. Everything's beautiful up here..." Pagkamanghang sinabi ni Sam

Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko ngayon na kasama ko si Sam sa isang madilim na silid at kaming dalawa lang ang nasa loob. Puno ng mga upuan at may malaking white board sa magkabilang dulo ng kwarto. Lugar na kung saan mataas. Mataas na nakikita mo ang lahat ng nasa ibaba kapag dumungaw ka sa bintana. Kitang kita ko kung gaano karaming estudyante ang nagkakagulo at nagsisiksikan, kitang kita ko ang bawat instrumento na gamit ng banda, kitang kita ko ang makukulay na ilaw na gumagalaw sa gabing madilim na paligid... Kitang kita ko ngayon kung gaano kasaya si Sam. At yun ang dahilan kung bakit masaya na rin ako. Lahat ng ingay sa baba ay nawala saking pandinig at para bang bumagal ang lahat katulad ng nangyayari sa mga pelikula.Kitang kita ko ang mga nagniningning na mata ni Sam at napaka tamis niyang mga ngiti na hinding hindi ko maipagpapalit sa kung ano mang bagay meron dito sa mundo. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa mukha niya. Payapa akong sumusulyap sulyap sa kanya habang nagkukunwaring nakabaling lang ang atensyon ko sa banda at sa hindi inaasahan, narinig ko ang gitara na tumugtog ng isang pamilyar na kanta. Isa sa mga kantang paborito ko at isa sa mga pinaka magandang kanta na nadinig ko sa buong buhay ko.

(Minsan oo, minsan hindi...
Minsan tama, minsan mali...
Umaabante, umaatras...
Kilos mong namimintas...)

Habang tinutugtog nila ang napaka gandang mensahe ng kanta ay dahan dahan kong naramdaman ang marahan na pagdikit ng malamig na kamay ni Sam sa kamay ko. Kitang kita ko ang mga mata niyang hindi pa rin inaalis ang tingin sa banda ngunit ang mga kamay niya naman ay papunta na sa akin. Hanggang sa onting onting binalot na ng kanyang mga daliri ang mga espasyo na natitira sa aking kaliwang kamay. Hinawakan niya ito ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na parang hindi niya na ko papakawalan sa buong buhay niya.

Napatitig ako kay Sam na punong puno ng pagtataka at maya maya ay ibinaling niya na rin ang tingin niya saking mga mata...

(Kung tunay nga ang pag ibig mo
Kaya mo bang isigaw...
Iparating sa mundo...)

"Anong ginagawa mo?" Mahinang tanong ko kay Sam

Binigyan lang ako ng isang matamis na ngiti. Our eyes locked all of a sudden and slowly... he turned his lips into mine.

(Tumingin sa'king mata...
Magtapat ng nadarama...)

Napakalambot ng mga mapupulang labi ni Sam at sa pagkakataong ito alam kong hindi na niya 'to malilimutan tulad ng dati. Hindi namin napigilan ang pagtawa habang nagpapakalunod kami sa napaka gandang musika ng banda at sa kakaibang mahika na dulot ng pag ibig.

"Sam..." Nakangiti kong bulong sa kanya
"Andy..."

(Di gusto ika'y mawala, dahil...
Handa akong ibigan ka....)

Magkatapat at dikit na dikit kami ni Sam hawak hawak ang mukha ng bawat isa. Magkapatong ang mga noo namin at puro hingang malalim ang nailalabas namin saming mga bibig.

(Kung maging tayo...

Sa'yo lang ang puso ko.........)

"Bakit...-" Di pa man ako tapos ay tinapat ni Sam ang daliri niya sa bibig ko

"Shhhhhh. Sorry kung... Sorry kung nasaktan kita."
Mangiyak ngiyak na paliwanag ni Sam habang napapangiti siya sa sayang nadarama niya.

Binalot ni Sam ang mga kamay niya sa akin. Hindi ko mawari na totoong nangyayari ang lahat ng 'to sa ilalim ng nagliliwanag na buwan, yakap yakap ang isang tao na nagbigay sakin ng kuhulugan ng salitang pag ibig.

Nagpatuloy ang banda sa pagpapatugtog ng mga kantang ginto para sa tenga at pang hilom para sa mga sugatan na puso.
Maya maya, habang magkayakap pa rin kami at nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Sam nilagay niya ang kanyang kanang kamay saking likuran at kanyang tinaas ang aking isang kamay na para kaming magsasayaw.

"Andy. Hindi ako pinapunta ng dalawang beses sa prom ni papa nung highschool. So... will you be my first dance?" nakangiting tanong ni Sam

"My pleasure Mr. Sam Asuncion" pagbibiro ko naman

Sinimulan akong isayaw ni Sam. Dahan dahan at animo'y parang kusang gumagalaw ang aming mga paa. Pa kanan, pa kaliwa at paikot ikot. Napuno ng tawa ang silid at ramdam na ramdam ko ang pag ibig na lumulutang saming paligid. Pigil na pigil ang aming mga tawa dahil hindi lingid samin kaalaman na katawa tawa na ang aming ginagawa----

Pagkasarado ng pinto ay sinandal ako ni Sam sa pader at sinunggaban ako ng madidiin na halik... Naglalabanan ang ang mga dila. Pababa ng pababa ang kanyang mga halik saking leeg habang tinatanggal niya isa isa ang pagkabutones ng polo ko. Pababa ng pababa hanggang sa nadikit ng kanyang mga labi ang sensitibong parte ng katawan ko na nagpapataas ng libido ko. Hinalik halikan niya ang dibdib ko at salitan niyang nilaro ang aking mga utong.

"Oh shit, tanggalin mo na" bulong ko at agad agad hinubad ni Sam ang pang itaas niya. Kitang kita ko ang libog sa kanyang mga mata na naging dahilan ng pagka agresibo niya.

Sabay kaming sumanggab ng halik at muling kaming naglaplapan. Naglalabanan ang aming mga dila hanggang sa napunta na kami sa kama. Pinaupo ko si Sam at pinahiga ko ang kanyang katawan sa malambot na higaan. Pababa ng pababa ang mga halik ko mula sa kanyang labi papunta sa kanyang leeg. Tinaas ni Sam ang dalawang kamay niya at ginawa niyang unan ito sa ulo. Kitang kita ko na ang kanyang mapuputing underarms na may onting kakapalan ng buhok. "Ughhh..." Ungol ni Sam habang napapapikit. Pababa ng pababa hanggang sa binasa ko na ng aking dila ang magkabilang utong niya at dinilaan ko ang kanyang kanang kili-kili. Ang bango nito kaya lalo akong nag init. Hindi ko rin pinalagpas ang kanyang tiyan na may katigasan. Sinimulan ko na i-unbuckle ang belt niya at onti onti ko ibinibaba ang kanyang pantalon habang hinahalik halikan ko ang matigas at galit na galit nang nakaumbok sa itim ni boxers niya. "Ughhhh... Shit. Andy..."

Hawak hawak ko na ang boxers ni Sam at puno ako ng kaba at pagtataka kung aalisin ko na rin ba ang natitira niyang saplot sa katawan Ngunit hindi ko nagawa, napaupo ako sa sahig at nagulat saking ginagawa.

"Sam, hindi ko kaya..." Sambit ko at agad agad itinaas ni Sam ang kanyang pantalon at nilapitan ako. Nakaupo akong nakasandal sa pader at nilalamon ng konsensya. Lumuhod si Sam sa akin at hinawakan niya ang aking mukha.

"Andy, I'm sorry. I didn't mean to. Sorry..." Sinserong sabi ni Sam habang nakatingin saking mga mata.

"I know..." sambit ko naman

"...tulog na tayo?"---
Tumango si Sam at tumayo na kami para humiga sa kama.

"Sam..." ----
"bakit??" Sagot niya habang patuloy niyang ginugulo ang aking buhok.

"Mali ba 'tong ginagawa natin?" pangamba kong tanong
"Kung oo man, sana hind ko na lang nalaman."---

"Paano si Marj?"
"Ako na bahala dun..."

Lumalim na ang gabi katulad na lang ng paglalim pa lalo ng nararamdaman ko kay Sam. Natulog kaming magkatabi at iyon na ata ang pinaka masarap at pinaka mahimbing na tulog ko mula nang nagkamalay ako sa mundong 'to.

Nagising ako na wala na sa tabi ko si Sam. Pagka check ko ng phone ko ay may text message lang siyang pinadala sakin.
"Sorry I left w/out saying goodbye, last night was fun. Thanks for being such a great friend."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o masasaktan sa sinabi niya. Naguguluhan ako sa kanya, sa mga nangyari kagabi para sakin ay hindi lang magkaibigan yon. Maybe, we're less than lovers but... more than friends. Kahit paano ay masaya pa rin ako dahil sabi nga nila action speaks louder than words at naramdaman ko kay Sam kagabi na espesyal ako sa kanya. Wala man kasiguraduhan o label alam ko lang masaya kaming dalawa. Sapat na sakin yun para sa ngayon.

Isang linggo na lang bago matapos ang 1st term at napagkasunduan ng tropa na pupunta kaming Zambales bago umuwi ng kanya kanya naming province. May ari ng isang inn ang pamilya ni Karl doon kung saan kami patutuluyin. Kasama ang buong barkada kabilang na si Josh, Tina, Marj at ako.

"Pinayagan na kayo lahat ah? Sure na 'to kasi naka reserve na yung dalawang rooms satin." paliwanag ni Karl

"Shit! Omg! Pinayagan si Sam! Sasama daw siya." Tuwang tuwa na pag anunsyo ni Marj habang hawak niya ang cellphone niya. "okay lang naman kasama siya guys dba?"

Um-oo naman ang lahat at wala silang nakitang problema maliban sakin. Hindi ko alam kung maganda bang ideya na magsama sama kaming tatlo. Hindi naman na ko makapag back out dahil matagal nang plano 'to ng tropa. Hindi ko ata kakayanin ang makita silang dalawa magkasama.

Ano na ba kami ni Sam?
Ano ba ibigsabihin sa kanya lahat nung nangyari sa amin nung isang gabi?
Sino ba ang mahal niya, ako o si Marj?
Ano na lang ang mangyayari sa amin sa Zambales?

No comments:

Post a Comment

Read More Like This