Pages

Sunday, July 31, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 8)

By: Bobbylove

Kahit na naroroon si Patrick at mahimbing na natutulog, pakiramdam ko ay naiwanan akong nag-iisa. Naging palaisipan din sa akin ang inakto ni kumag; mukhang bipolar nga yung damuho… matapos akong paratangan ng kung anu-anong kasinungalingan, at indirect na palayasin sa bahay nila; eh dadating siya ng maaga, kukumutan ang nilalamig ko’ng katawan at iimbitahin ako sa isa na namang dinner sa bahay nila. Nakakapagtaka man, pero may kakaibang saya’ng dulot yung Richard na kaharap ko kanina. Hindi lang naman ako nakapagsalita dahil, hindi ko alam kung seryoso siya at lalong hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa kanya.

Pinilit ko’ng bumalik sa pagtulog dahil maaga pa naman, pero ayaw maki-cooperate ng mga mata at ng isip ko. Pa ikot-ikot lang sa utak ko si Richard; alam ko’ng gising na gising ako pero para ako’ng nakakulong sa panaginip – isang maganda at mapayapang panaginip. Gayun man hindi ko maiwasang hindi matakot na baka nag i-imagine lang ako’t bangungot pala yung nakasadlakan ko.

Bumalik sa ala-ala ko yung unang araw ko sa kwarto’ng iyon ng matuon yung paningin ko sa isang maliit na mesa’ng pabilog. Unti-unting gumuhit sa aking isip yung masaya niyang mukha nung sabihin ko’ng sasabayan ko siyang kumain; yung mukha niyang nagpapa-cute at yung nahihiya niyang itsura nung sabihing first date namin yun. Dahan dahan ako’ng nalulunod sa mga ala-ala… naisip ko rin yung ginawa niyang pagyakap sa akin nung makita ako’ng umiiyak. Malamig yung temperatura sa kwarto pero parang may nanunuot na init sa kalamnan ko… wariy nakikiisa ang aking katawan sa pag sariwa sa mainit na yakap ni kumag – yung yakap sa aking katawan na nanuot sa aking puso upang patigilin ang pag hikbi nito.

Naramdaman ko na lamang yung pagtagas ng tubig sa aking mga mata, patuloy lang yun sa pag-agos kahit na hindi ko lubos maintindihan yung rason. Marahan ko’ng tinungo yung shower room. Hinubad ko lahat ng aking saplot, saka binuksan ang shower. Sobrang lamig nung tubig na dumadampi sa buo ko’ng katawan, pero hindi pa rin ako nun nagawang gisingin. Ang nais ko’y sumama sa tubig ang pagkalito ko pati na rin yung mga ala-alang rason nito. Pero wala… walang nangyari…

Pinatay ko ang shower; saka lumingon sa likuran upang kunin ang aking toiletries, pero noon bumungad sa akin ang imahe ng isang taong naka kubli sa isang maskara. Masaya siya, malakas at matalino… pero sa likod nun ay isang taong litung-lito. Unti-unti ko siyang nilapitan, tinitigan ko’ng mabuti ang bawat pagpatak ng mga luha niya. “Bob… dalawang araw nalang… uuwi ka ng Gensan… babalik lahat sa dati…” pag-aasure ko sa tao sa harap ko.

“Bakit mo ba siya iniisip? Bob!!! Umayos ka… Bakla ka lang ok??? Bakla lang… hindi ka TANGA!!!” Sigaw ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko ulit ang imahe sa salamin, bakas pa rin sa mukha niya ang labis na pagkalito. “Ano ba!? Inamin mo na ngang bakla ka diba!? Quota ka na Jun Bob! Tama na! Ayusin mo ang sarili mo! kung ano man yang naiisip at nararamdaman na dahilan ng kalituhan mo, kalimutan mo na yan… wala’ng mangyayari diyan…” Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko’ng repleksyon.

Pagkalabas ni Richard ng pinto ay naiwan ako kasama ng isang weird feeling. Hindi ko alam yung tawag dun… para yung alien na sinusubukang mamahay sa buo ko’ng pagkatao… yung pakiramdaman na yun ang dahilan ng mga paru-paro sa sikmura ko sa tuwing nakikita ko yung mga ngiti niya o yung mga sensero niyang tingin; para naman ako’ng sinisilaban sa tuwing nagagalit siya o sa tuwing tinititigan niya ako ng masama. Nung mga nagdaang araw eh, mas madalas yung pag iwas niya sa akin, pag accuse ng mga kung anu-anong kasalanan na hindi ko naman ginawa, pagsigaw o pagtingin ng masama; may dalang sakit yun sa puso ko pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya.

Tinapos ko ang paliligo, pero bago lumabas sa banyo ay ni-remind ko yung sarili ko na umakto ng maaayos at kalimutan kung ano man ang bumabagabag sa akin. Mabilis ako’ng nakapagbihis, chineck ko muna yung oras sa phone ko 6:00 am na. Tulog pa rin si Patrick, kaya nag decide na lamang ako’ng bumaba at baka sakaling makahanap ako ng makakausap.

Dinala ako ng aking mga paa sa mezzanine, pero busy pa ang lahat sa pag-aayos dito – wala pa’ng mga estudyante. Naalala ko yung piano sa parang lounge malapit sa bungad ng hotel, naisip ko’ng baka pwede ako’ng tumugtog total wala pa naman masyadong tao nun. Lumapit ako sa receptionist at nagtanong kung maaari ko’ng pakialaman ang piano at pumayag naman ito. Hindi ako ganun kagaling sa pagtugtog, natutunan ko lang naman yung pag-gamit nun sa choir na kinabibilangan ko sa school; required kasi yun kasama ng pagkatuto mag basa ng nota. Yung best friend ko talaga yung magaling sa instruments, he can actually play most ng mga instruments except sa mga wind.

Nadaanan ko yung couch kung saan ko unang nakita si Kuya Rantty. Napangiti ako nung maalala ko yung naging reaksyon ko nung nagpakilala siya. “Nakakahiya!!!” bulalas ko sa sarili.

Umupo ako sa harap ng piano, huminga ng malalim saka nagumpisang tumugtog. Nung mga panahong yun eh tatatlo lang ang kabisado ko’ng tugtugin. Bahay kubo, Via Dolorosa at only hope ni Mandy Moore; kaya pinili ko na yung huli – nakakahiya naman kasi tumugtog ng bahay kubo. Sinimulan ko yung intro… nung dumating ako sa first verse ay sinabayan ko na rin ito ng kanta.

There’s a song that’s inside of my soul,
It’s the one that I’ve tried to write over and over again

“Ang galing mo naman. Akala ko babae yung kumakanta.” Sabi ng boses sa likuran ko.

Napahinto ako, bigla nalang akong binalot ng kaba. Malinaw sa pandinig ko yung mga salita, pero hindi ko nagawang malaman kung kanino yung boses dahil sa kasabay nun ay ang pag-awit ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, paulit-ulit ko man itong utusan na huminahon ay hindi pa rin ito sumusunod.

“Sorry sir… ituloy niyo na po, malakas maka ganda ng umaga yung mga ganyan ka gandang boses eh…” sabi niya ulit. Napalingon ako sa aking likuran at doon ay nakita ko ang janitor na nakangiting naka tayo. Hawak-hawak nito ang isang mop na pahaba. Actually hindi ako sigurado kung janitor nga siya kasi nakikita ko rin siyang nag we-waiter sa tuwing kumakain kami, so I guess mas safe if tawagin siyang hotel staff. “Ginulat niyo naman po ako sir…” nakangisi ko’ng sabi sa kanya, nakahinga naman ako ng maluwag.

“Pasensya na po… ang ganda po ng boses niyo para po’ng pambabae.”

“Naku salamat sir, compliment po ba yun?” sagot ko.

“Siyempre compliment sir… tuloy niyo na po sir!” sabi nung mama.

Ngumiti lang ako.

“Sige na sir. Mas masarap mag linis pag may magandang boses ka’ng naririnig.”

“Nako! Nambola pa po kayo. Sige po… pero isang kanta lang alam ko’ng tugtugin eh.”

“Ayos lang po! Sa ganda po ng boses ninyo isang kanta lang solve na yung makakarinig.” Pambobola niya uli.

Natawa lang ako.

Kinapa ko ulit yung mga keys ng piano at nagsimula uli’t tumugtog.

There’s a song that’s inside of my soul,
It’s the one that I’ve tried to write over and over again
I’m awake in the infinite cold
But you sing to me over and over and over again

So I lay my head back down
And I lift my hands
And pray to be only yours
 I pray to be only yours
I know now you’re my only hope

Habang umaawit ay nakita ko si kumag, nakatayo ‘di kalayuan sa akin. Nakikinig siya ng mabuti, wari’y ninanamnam ang bawat titik ng kanta. Straight face pa rin siya, pero this time ay mukhang nakuha ko na yung gusto’ng sabihin ng mga mata niya, yung mga ningning nun ay parang inuutusan ako’ng ituloy ang ginagawa ko’ng pag hele sa kanya. Biglang nag but in sa paningin ko si Kuya hotel staff na busy pa rin sa kakatulak at hila ng mop na hawak. “Imagination nga lang” panghihinayang ng utak ko.

Sing to me the song of the stars
Of your galaxy dancing and laughing
And laughing again
When it feels like my dreams are so far
Sing to me of the plans that you have for me over again

So I lay my head back down
And I lift my hands
And pray to be only yours
 I pray to be only yours
I know now you’re my only hope

Nung i-angat ko uli yung paningin ko ay muli ko na namang nakita si Kumag, naroroon pa rin siya sa spot kung saan ko siya unang nakita. Ganun pa rin yung reaksyon ng mukha niya; pero wala na yung mga ning-ning ng kanyang mga mata, pinalamlam ang mga kinang nun ng mga luha. “Umiiyak siya..?” sa utak ko. Saglit ko’ng tinuon yung paningin ko sa piano para siguraduhing tama ang pinipindot ko, nung tingnan ko ulit yung spot na kinatatayuan ni kumag eh naglaho na siya. Hindi ko alam kung totoo na nakita ko siya o na malikmata lang ako… baka nga nag ha-hallucinate na ako.

I give you my destiny
Im giving you all of me
I want your symphony
Singing in all that I am
At the top of lungs Im giving it back

So I lay my head back down
And I lift my hands
And pray to be only yours
 I pray to be only yours
I know now you’re my only hope

“Ang galing niyo sir!” bulalas ni kuya na kasama pang mga palakpak. Instant fan ko si kuya nun para akong nag concert sa harap niya. “Thanks sir!!!” tipid ko’ng sagot sa mga compliment niya.

“Sir isa pa po!” sigaw niya ulit.

“Naku sir! kagaya nga nung sabi ko kanina isa lang yung alam ko’ng tugtugin eh…” nginitian ko pa siya.

Tumayo na ako upang matuloy na ni kuya yung paglilinis, baka rin kasi gising na sila Jude.

Nasa harap na ako nung receiving area, nung mapansin ko yung lalaking naka upo sa couch kung saan ko unang nakita yung kuya ni kumag. Nakayuko siya, pero hindi ako pwedeng magkamali si Richard yun. Hindi nga ako na mamalikmata kanina, napanood nga niya ako. Ayaw ko’ng makita niya ako kaya mabilis ako’ng kumilos para umiwas, pero naka ilang hakbang pa lang ako eh sinalubong ako ng malakas na bati mula sa receptionist. “Ang galing niyo po sir. Feel free to use the piano po anytime you want.” Nanlamig yung buo ko’ng katawan… alam ko, kahit na hindi ko siya tinitingnan eh nakuha rin nung receptionist yung attention niya. Pinilit ko’ng ngumiti sa babae kahit na ang totoo eh para na ako’ng na je-jebs.

“Bob?” sabi ng boses sa likod ko. Sobrang lamig nun na nagdulot sa akin ng kakaibang kiliti.

Nilingon ko siya at binigyan ng pilit na ngiti. “Kanina ka pa diyan?” tanong ko. Napagmasdan ko yung mga mata niya, may kakaibang lungkot yun… hindi ko pa siya nakitang ganoon ka lungkot… kinumpirma pa yung feeling ko nung mga luhang bumabalot sa mga chinito niyang mata.

Tumango lang siya. “I heard you… and galing mo…” ngumiti siya, saka pinahid yung luhang dumudulas sa kaliwa niyang pisnge.

Gusto ko’ng tanungin kung bakit siya umiiyak, pero wala ako’ng lakas ng loob – nahihiya ako. “Thanks…” halos walang buhay ko’ng sagot. Ang dami ko’ng nais sabihin pero tanging yun lamang ang lumabas sa bibig ko. Muling nagtama yung mga mata namin, yung mga tingin niya ay parang may gustong hukayin sa kaibuturan ko… alam ko na ang susunod na mangyayari - malulunod ako ulit sa mga titig na yun, kaya habang maaga ay pinigilan ko na ito. “Una na ako… check ko lang sina Jude…” malumanay ko’ng paalam sa kanya.

Tumango siya… ngumiti… tapos yumuko ulit. Naka takip yung mga kamay sa mga mata niya, alam ko umiiyak siya, kitang-kita yun sa pag-galaw ng likuran niya.

Mabagal ko’ng nilisan yung lugar na yun. Iniisip ko kung tama ba’ng iniwan ko siya, ginugulo din ako nung idea na umiiyak siya. Nasa front desk na ako banda nung tawagin niya ako ulit. “Bob…” pasigaw pero malumanay niyang tawag. Nilingon ko siya, nakatingin siya sa akin at namumugto pa rin yung mga mata. “Yes?” tanong ko sa kanya.

Straight face siya. “Can we talk?”

 “Tungkol saan?” tanong ko habang lumalapit sa kinaroroonan niya.

Nagkibit balikat siya, “I don’t know… I just know that we need to talk…”

“Ang labo naman nun…” nag kamot ako ng ulo.

“Please… I need someone to talk…” yung mata niya ay tila nagmamakaawa.

Wala na akong nagawa. Naiilang man at nalilito eh… umupo na rin ako sa couch katabi nung inuupuan niya.

Ilang minuto na ang lumipas, pero tahimik lang siya. May mga pagkakataong nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin pero agad niya itong binabawi sa pamamagitan ng pagyuko. Ramdam ko’ng hindi rin niya alam kung pano sisimulan.

“Ahhmmm… gusto mo ba talaga ng kausap?” pag basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin. Napatingin naman siya ng diretso sa mga mata ko nung narinig yun. “Alis na ako… mukhang mas kailangan mo mapag-isa eh…” Useless naman kasi yung pananatili ko kung magtititigan lang kami, saka ramdam ko’ng hindi siya comfortable.

Tatatayo na ako nung bigla niya ako’ng pigilan. “Please stay… Sorry… I just don’t know how to start…” malamig yung boses niya at halatang may pag-aalangan.

Bumalik ako sa pagkakaupo. “Bob, believe me this is not very easy for me to do… alam ko iniisip mo ang kapal ng mukha ko na hilinging kausapin mo pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sayo… but I hope you’ll believe my sincerity… I’m sorry bob…”

Masyadong visible yung genuineness niya para hindi ako maniwala. “Wala yun... I just hope you know na wala akong ginawa at gagawing masama kay jubail…”

“I know…” tumingin na naman siya diretso sa mga mata ko. “Bob alam ko yun… alam ko’ng hindi mo kayang gawin yun… kaya nga humihingi ako ng tawad, nadala lang ako ng takot at galit Bob.”

“Takot? Galit?” medyo confuse ako.

“Natakot ako na baka may nangyaring masama kay Jubie… Kapatid ko yun, at mahal ko yun… Hindi ko kaya’ng mawalan ulit Bob…”

“I understand, at natutuwa ako’ng malaman na mahal na mahal mo yung kapatid mo.” gusto ko’ng tanungin kung ba’t siya umiyak at kung ano yung sinasabi niya’ng takot siyang mawalan ulit, pero nahihiya ako. Baka hindi niya rin kasi ako sagutin at medyo wrong timing dahil ngayon lang naman kami nag-usap ulit.

Tahimik

“Jubail is a nice kid… and cute cute pa…” simula ko.

Ngumiti siya. “Kuya’s girl yun eh… kaya nga mahal na mahal ko yun, kaso ngayon mukhang mas mahal ka na niya eh… may kahati na ako…” natatawa niyang sabi.

“oh? Talaga?”

Tumango siya. “Pero okay lang… I know mahal mo rin siya kaya okay lang…” natahimik kami ulit nakatingin lang siya sa akin… nakangiti. “Galit nga yun sa akin eh… inaway daw kita… kaya nga nag a-apologize ako ngayon eh, para patawarin na niya ako…”

Naging malinaw sa akin na ginawa niya yung paghingi ng tawad hindi dahil gusto niya, kundi para patawarin siya ng kapatid niya. Pero ayos lang, at least alam ko’ng alam niya na hindi ko ginawan ng masama si Jubie.

“Bakit ka nga pala umiiyak?” pag-iiba ko ng topic.

“Wala… may naisip lang……………. ang ganda kasi ng boses mo…”

“Ahhhhh… nakakaiyak pala yung boses ko…” tama nga ako hindi niya sasabihin yung totoo.

“Wala akong sinabi.” Nag smirk siya. “Ang ganda ng boses mo, parang pambabae… Ba’t ‘di mo sinabi na magaling ka palang kumanta?”

“Hindi mo naman tinanong…”

“Sabagay…” natahimik siya saglit. “ang dami ko pa palang hindi alam sayo…”

Tumango ako. “Ang slow naman kasi nung connection mo…”

Natawa siya. Ang cute niya’ng tumawa dahil nawawala yung kanyang mga mata. Akala niya siguro eh, nalimutan ko na yung ipinagmamalaki niyang connection.

“Ang dami ko pa ring hindi alam sayo…” pagtutuloy ko.

“OO nga… I guess kailangan mo rin ng connection…” nag smirk siya ulit.

“Hmmmm…. Pwede… i-consider ko kaya si Jubie? O si Ron? O si Kuya Rantty?” pagbibiro ko.

“Close ka na sa family ko ah…”

“Hindi ah… biro lang yun…” nahiya ako, baka isipin niyang nanghihimasok na ako at feeling close.

“Ayos lang yun…” napansin niya siguro yung pagkahiya ko. “They like you… They have a lot of good stories after nung dinner sa bahay… kinukulit nga ako eh, na mag kwento tungkol sa iyo… kaso, mas marami pa ata silang alam eh…”

“Talaga?”

“Oo… pati si daddy, nag enjoy ata na asarin ka…” medyo nag lighten up yung aura niya.

Nag blush naman ako, yumuko ako para itago yun sa kanya.

Nung tumingala ako eh nakita ko siyang nakatingin rin sa akin. Nagtama na naman yung aming mga mata.

“ang cute mo…” sabay pakawala ng sobrang gandang ngiti.

“Huh?”

“ang cute mo..… sabi ng family ko…” hindi na nawala yung ngiti sa labi niya.

Tahimik.

“Punta ka mamayang gabi ha… papasundo kita…”

“Bakit pa kailangang ipasundo? Pwede namang sabay na tayo…” sa isip ko… “Ahmmm try ko…” sagot ko’ng may pag-aalangan.

“Bakit? Hindi ka ba free mamaya?” seryoso yung mukha niya.

“Hindi ko pa alam eh…”

“May date uli kayo?” mahirap mag assume, pero hindi ko alam kung bakit ramdam ko’ng nalungkot siya.

“Hindi ko pa talaga alam eh… basta I’ll tell you kung makakapunta ako…”

“Cancel mo na muna yun… They want you to be there…” pagpupumilit niya.

Gusto ko itanong if, siya ba gusto niya rin ako’ng nandon. Baka kasi napilit lang ng family niya. “Try ko nga…” sagot ko ulit.

“Isipin mo nalang si Jubie…” kinokonsensya pa ata ako.

“Haayyy… tigas ng ulo… susubukan ko nga…” sabay tayo at paalam sa kanya.

“San ka?”

“Taas!” sabay turo ko rin pataas.

“Sabay na tayo…”

Hindi ko na siya nilingon pero alam ko sumusunod siya. Hindi naman ako nagsisisi na pinatawad at kinausap siya. Hindi naman kasi talaga ako galit, gusto ko lang malaman niya na wala ako’ng ginawang masama. Naiilang pa rin ako sa kanya at hindi ko alam kung magiging okay as-in ‘OKAY’ kami pero masaya rin ako na parang na eliminate namin yung barrier between the two of us.

**************

Nasa lobby na kami, malayo pa lang eh na tanaw ko na si Jude sa labas ng room namin – matiyaga siya’ng naghihintay.

“Pssstttt….” Pagkuha ko ng attention niya.

Ngumiti siya saka nagsimulang maglakad palapit sa amin. Tumango rin siya kay Richard na noon ay kasabay ko. Hindi niya pinahalata pero alam ko’ng nagtataka siya kung bakit kami magkasama.

“San ka galing?” tanong niya.

“Sa baba. Kanina pa ako gising eh… wala naman ako’ng maka-usap kaya bumaba muna ako.”

“Buti bro sinamahan mo ito…” sabi niya kay Richard sabay akbay sa akin. “Suicidal ito eh…”

“Nagkita lang kami sa ilalim… He was playing the piano… magaling siya… at magaling din siyang kumanta…” tumingin siya sa akin. Kita’ng-kita ko yung lungkot sa mata niya, ayaw ko’ng mag assume pero hindi ko maiwasang isipin na nagseselos siya.

“Uy magaling ka pala’ng kumanta?” mas hinigpitan pa ni Jude yung akbay sa akin.

“Hindi mo alam?” tanong ni Richard, yung boses eh parang namangha.

Umiling lang si Jude. “Hindi niya sinabi eh! Pero mamaya kakantahan niya ako…” parang sigurado’ng sigurado yung loko na gagawin ko nga yun para sa kanya.

***************************

Nasa orientation room na kami. Pero bago pa magsimula eh ipinrisinta na ni Jude sa speaker na nag ready ako ng intermission number.

Umayaw ako, pero mapilit si Jude at ginawa ang lahat para gawin ko yung gusto niya. Umarte siyang nagseselos dahil kinantahan ko daw si Richard at kinonsensya din ako sa lahat ng ginawa niya for me. Effective naman yun! Sobrang dami nga namang abala ang ginawa ko sa taong yun.

Pumunta ako sa harap, kinuha ang mic at nagsimula’ng kumanta. “Out of my league” yung na pili ko’ng kantahin pero sinadya ko’ng palitan yung ibang salita sa lyrics.

Its your hair and your eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I’m falling further in love
Makes me shiver but in a good way

All the times I have sat and stared
As you thoughtfully thumbs through your hair
And you purses your lips, bats your eyes as you plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say

Nung dumating ako sa chorus eh biglang tumayo si Jude at lumapit sa akin. Bigla siyang lumuhod sabay alay sa akin ng isang rosas na gawa sa papel. Hiyawan naman lahat ng mga kasama namin, maliban kay Richard. I don’t know kung nag i-imagine lang ako pero ramdam ko’ng parang nagpupuyos siya sa galit, malamang iniisip niya na naman na manloloko ako; hindi pa rin niya kasi alam na imaginary lang yung boyfriend na sinabi ko at wala rin siyang idea na ‘in relationship’ ang status ni Jude.

Coz I love you with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Coz you’re all that I see and your all that I need
And Im out of my league once again

Sumakay na rin ako sa trip ni Jude, lalo’t nakita ko’ng mukhang natutuwa naman yung mga kasama namin. Para kaming nagsasayaw na dalawa at may nalalaman pa siyang pahalik-halik sa kamay. Ang sweet niya pero hindi ko alam kung bakit naiisip ko si Richard; may part ng isip ko na nagsasabing mas magiging masaya ako if siya yung gumagawa nun – kahit na alam ko namang malabo yun! Baka nga yung idea pa lang na gagawin niya yun, eh mandiri na siya… sabi nga niya diba hindi’ng hindi siya mag seselos sa kalandian ng isang bakla. Haaaayyyy…….

It’s a masterful melody when you calls out my name to me
As the world spins around you, you laughs, rolls your eyes
And I feel like Im falling but it’s no surprise

Coz I love you with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cause its frightening to be swimming in the strange see
But I’d rather be here than on land
Yes you’re all that I see and you’re all that I need
And Im out of my league once again

It’s your hair and your eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I’m falling further in love
Makes me shiver but in a good way

All the times I have sat and stared
As you thoughtfully thumbs through your hair
And you purses your lips, bats your eyes as you plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say

Coz I love you with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cause its frightening to be swimming in the strange see
But I’d rather be here than on land
Yes you’re all that I see and you’re all that I need
And Im out of my league once again

“Uy… sobra na yan… magseselos yung destiny niyan bro…” natatawang hirit ni Patrick kay Jude sabay akay patayo sa tahimik na si Richard. Honestly may sayang dulot yun sa puso ko, siya naman kasi yung ini-imagine ko habang kumakanta. Pero nakita ko kung paano siya mag pumiglas at tumanggi… at ang mas masakit pa ay nung sabihin niyang nakakadiri yung gustong mangyari ni Patrick.

Pinigilan ko nalang yung room mate namin ni kumag… mas masasaktan lang ako pag tumagal pa yun eh. “Wag na Pat… Ayaw ko’ng magselos si Jude…” sinabi ko yun gamit ang Mic, gusto ko kasing marinig yun ng lahat para matigil na yung panunukso nila sa amin ni Richard; naisip ko nun na mas okay na asarin nila ako kay Jude… “Loyal ako sa kanya eh…” pagtutuloy ko. Sinadya ko’ng tingnan si Richard nung sabihin ko yun, blangko yung mukha niya pero kita’ng-kita ko yung pag mumble niya… “Loyal daw!!!”

Natapos na yung kalokohan ni Jude. Bumalik ako sa upuan ko katabi ni kumag, bumalik na naman yung pagkailang ko, iniisip ko kasi beast mode na naman siya… kaloka naman kasi yung lalaking yun, parang laging may regla!

Tahimik lang ako’ng nakikinig sa speaker. Nakapatong yung mga kamay ko sa table at pinipilit na mag focus sa orientation. Hindi ko alam kung ano yung ginagawa niya, ayaw ko kasing tumingin sa kanya, o kahit subukan lang na lingunin siya.

Nasa ganoon kaming ayos, nung naramdaman ko ang pagdampi ng mga palad niya sa kanan ko’ng kamay. Mainit yung balat niya at may dala yung kakaibang pakiramdam sa akin. Masarap… sobrang sarap… gusto’ng gusto ko siyang lingunin at para malaman ko kung ano yung sinasabi ng mga mata niya pero natatakot ako’ng baka hindi yun yung inaasahan ko’ng reaksyon niya. Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-ikot ng mundo sa ginawa niya… tanging kabog lang ng puso ko yung naririnig ko, pero noon ay hindi mabilis yung pintig nito… kabaliktaran nga ata yung nangyayari eh… feeling ko anytime ay titigil na siya sa pagtibok.

Nakaramdam ako ng mainit na hangin sa kanan ko’ng tenga; sigurado ako’ng galing yun sa kanya’ng hininga, nalanghap ko pa yung nakakaadik na amoy nun – mabango… nakaka high… sobra! Nasundan yun ng malalambing na salita. “Ang galing mo…” para namang lumundag yung dibdib ko sa aking narinig. Natotorete ako… hindi ko pa rin siya magawang tingnan.

“Pag ako ba yung mag request ng kanta gagawin mo rin?” malambing pa rin yung pagkakasabi niya pero may naramdaman din ako’ng konte’ng lungkot. Nilakasan ko ang loob ko upang magawa ko’ng tingnan siya. “Ano ka ba? Nakakadiri yun diba?” alam ko’ng bakas yung sakit na nararamdaman ko sa bawat pagbigkas ko ng salita pero hindi ako sure if naramdaman niya yun.

Ngiti lang ang naging tugon niya saka binitawan ang kamay ko. Noon, tumigil yung magic! Nagising ako sa pantasya’ng binuo ko…

******************************

4:30 pm nung matapos yung orientation. I decided na hindi na pumunta sa party sa bahay nila Richard, pero ‘di ko alam kung paano sasabihin.

Im with Jude and Jayson, nagpaplano kami’ng gumala since hndi pa kami nakakapag bonding na tatlo. We dicided na sabay na mag dinner tapos maghahanap ng bar, ako at si jayson kasi ay never pa na experience yun. May mga bar naman sa Gensan pero never pa ako nakapasok, hndi naman sa pinagbabawalan ako ng parents ko but maybe dahil na rin sa mga circle of friends ko hindi kasi talaga namin trip yung mga ganun… saka I just turned 18… kaya binyag na maituturin yung plano naming tatlo.

Habang nagkakatuwaan kaming tatlo eh bigla na namang sumulpot si kumag. Tumabi siya sa akin sabay akay, nagulat man ako pero hindi na ako tumutol pa. “Tara na?” sabi niya.

Kumunot naman ang noo dahil hindi ko maintindihan yung pinupunto niya. “Ano?”

“Tara na!!!” pag-uulit niya.

“Saan?”

“Sa bahay…”

“Ahhhh…. Sorry… Hindi ako pwede eh… may lakad kami… i-greet mo nalang ako sa kuya mo…” malumanay ko’ng sabi kay kumag.

“Sama ka na… kahit sandali lang… Please….”

“Sorry Bro… May date kami eh… at matagal na namin yung plinano…” pag but-in ni Jude.

“Sorry bro… pero Im not talking to you…” madiin na sabi ni Richard. Doon nag bago yung templa niya, beast mode siya ulit.

“Sorry talaga Richard… ihingi mo nalang din ako ng tawad sa family mo…” tinitigan ko siya sa mata, pero hindi ganon katagal. Agad kasi siyang umiwas at mabilis na lumayo…

**********************************

Nagpalit na ako ng damit, isang distress na maong na pinares ko sa isang red spongebob shirt. Inayos ko na rin yung bag pack ko, naglagay ako doon ng isang jacket wallet at ear phones.

Biglang pumasok si Richard sa kwarto at diretso’ng umupo sa kama niya. Nakayuko siya at hindi gumagalaw. Nakatigin lang ako sa kanya, ino-obserbahan yung gagawin niya.

“Ayaw mo talagang sumama?” simula niya.

“Hindi naman sa ganun Richard… na una lang talaga yung plano namin… sorry talaga…”

“Ayos lang… pero pwede favor?”

“Ano?”

“Can you help me… get a gift for kuya???” evident yung kaba niya. “Saglit lang… promise…” pagpapatuloy niya.

Tumango nalang ako… yun lang kasi yung pwede ko’ng gawin for him, isa pa para naman sa kuya niya yun na naging sobrang bait sa akin.

Sinukbit ko nalang sa balikat ko yung aking bag, nag tsinelas nalang din ako total sa katabing mall lang naman kami pupunta eh.

Dumating na kami sa parking lot. Medyo confusing yun kasi hindi naman talaga namin kailangan ng kotse para pumunta sa mall.

Umupo ako sa likod ng kotse at hindi naman siya komontra. Tahimik lang kaming dalawa.

Maya-maya pa’y napansin ko’ng medyo iba na yung dinadaanan namin. Kaya kinausap ko na siya, “Saang mall tayo?”

“Im sorry bob… pero I need to do this….” Medyo tense siya.

“What do you mean?”

“Im bringing you home…” madiin niyang sabi.

To be continued…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This