By: Confused Teacher
“The best kind of people are the ones that come into your life, and make you see the sun where you once saw clouds. The people that believe in you so much. You start to believe in you too. The people that love you. The once in a lifetime kind of people.”
Shayne
Tatlong buwan na rin mula nang magkakayos sina Josh at Kuya Paul.
Hindi ko alam kung seryoso ba itong mokong na si Kenzo sa pinagagawa.
“Sino naman ang may sabi sa iyo na dalhan mo ako ng pagkain dito?” singhal ko sa kanya dahil gaya ng dati may dala na namang pagkain kapag oras ng meryenda.
Dahil busy kasi ang aking ex ay lunch na lamang kami magkasabay kumain. Madalas kasi kapag meryenda kung hindi sila magkasama si Kuya Paul ay nauubos na lang ang oras ng dalawang iyon sa kakatext. Dinaig pa ang mga high school students. Haist! Sarap pag untugin ng mga bumbunan kung kailan nagsitanda saka naging malalandi. On the other hand, hayaan ko na nga lamang bumawi ang ex ko kasi hindi naman niya naranasan ang makipag landian noong nag-aaral pa kahit naman kasi nilalandi ko ang walang hiya ay talagang walang epekto ang beauty ko. Ewan ko ba kung anong gayuma ang ginamit ni Kuya Paul at sobra ang lakas ng epekto sa kanya. Saka kahit naman kanino hindi ko talaga naramdamang nagkagusto siya sa iba, kahit pa nga marami ang lantarang nagpaparamdam sa kanya deadma lamang lahat sila ay rejected.
At dahil nga bumabawi sila sa mga nasayang na oras, ang ending ako ang naiwang nag-iisa. Pero hindi rin naman ako makapag-isa dahil itong Kenzo na ito ay lagi na lamang nakabuntot. Ano bang plano kaya ng lekat na ito?
“Alam ko kasi hindi ka lumalabas kapag ganitong oras kaya naisipan ko dito na lamang mag meryenda para may kasama ka.”
“Hoy lalakeng ewan, kailan pa naging extension ng canteen itong HR?”
“Eto naman, sinasamahan ka lamang, sinusungitan mo pa ako?”
“Kung inaakala mo na magmumukmok ako dahil nagka ayos na iyong dalawa, tigil-tigilan mo ako Kenzo, matino ang isip kaya hindi mo ako kailangang samahan, at hindi kailangang i-comfort mo ako.”
“Hindi naman sa ganon, hindi ba parehas tayo, kasi dati kami ni Paul ang magkasama tapos kayo ni Patrick, ngayon nagkabalikan na sila di ba pareho tayong nawalan ng kasama.”
“Hindi iyon parehas, mahal ko si Josh hindi gaya mo, unless mahal mo si Kuya Paul.”
“Oo mahal ko siya kasi magkaibigan kami, parang magkapatid na kami.”
“Ows, hindi nga Kenzo, aminin mo masama siguro ang loob mo at nagkabalikan sila ano.”
“Nasisiraan ka na talaga Shayne, hindi totoo iyan.”
“Baka nga noong sinet-up natin sila sinadya mong sa ibang restaurant papuntahin si Josh para huwag silang magkaayos”
“Nakakainis ka na Shayne, magagawa ko ba naman iyon kay Paul, alam ko naman ang hirap ng pinagdaanan niya nang magkalayo sila ni Patrick.”
“Maniwala ako sa iyo, may gusto ka kay Kuya Paul ano?”
“Wala!”
“Aminin!”
“Oo aaminin ko may nagugustuhan ako pero hindi si Paul,”
“E sino, huwag mong sabihin na si Josh, gigilitan kita ng leeg pag ginulo mo iyong dalawa, hindi ako nagbibiro Kenzo. Ang tagal nating pinag planuhan kung paano sila magkakausap huwag na huwag mo silang guguluhin”
“Hindi si Josh, ikaw Shayne, ikaw ang matagal ko ng gusto”
“Sasapakin kita Kenzo, tigilan mo ako, iyong mga biruan natin huwag mong lagyan ng kulay.”
“I’m serious Shayne, matagal ko na nararamdaman ito kaya lamang kailangan kong pigilan dahil nga ang alam namin boyfriend mo si Patrick, sinabihan din ako ni Paul na huwag ko kayong guluhin dahil ayaw niyang muling masaktan si Patrick.”
Nabigla ako sa sinabi niya, wala talaga akong idea na may ganoon na pala silang usapan. Hindi ako napapagsalita agad. Aaminin ko gwapo si Kenzo, isa sa mga tinitilian ng mga kababaihan at kabadingan hindi lamang sa opisina kundi kahit nasa labas kami. Pero kahit kailan hindi pumasok sa isip ko na may nararamdaman siya sa akin. Sanay naman kasi ako na nakikipag biruan sa kaniya kasi nga common friends nila ni Patrick si Kuya Paul kaya yung mga biruan at pagtawag-tawag niya sa akin ay hindi ko bingiyan ng malisya. Mas naging close lamang pati kami nitong ilang buwan dahil nga sa plano naming pagkasunduin ang dalawa.
“Ewan ko sa iyo Kenzo, lumabas ka na at padating na sila si Sir Angelo baka isipin non e nakikipagdaldalan pa ako sa iyo kahit oras ng trabaho.”
“Pero Shayne totoo ang sinasabi ko, bigyan mo naman ako ng pagkakataong patunayan ang intention ko.”
Medyo kinilabutan ako sa huling sinabi niya, parang ibang Kenzo ang kaharap ko ngayon. Hindi maloko, hindi mapagbiro at kita ko ang pagseseryoso ng mukha niya. Hindi ako sumagot at napilitan na rin lumabas siya nang mgdatingan na ang mga ka opisina ko,
Nang makaalis siya, pinag-isipan kong mabuti kung dapat ba akong maniwala sa kaniya. Kung tutuusin wala namang problema dahil sabi naman niya matagal na silang break ng girlfriend niya at wala rin naman talaga akong nabalitang nililigawan siya o nail- link sa kaniya. Dati raw may bulung-bulungan na may relasyon sila ni Kuya Paul. Marahil dahil silang dalawa ang laging nakikitang magkasama pero wala naman kahit isa ang naglakas ng loob na tanungin sila at siguro nga wala dahil kusang nawala ang issue. Isa pa sa nakikita ko nga sa kanila, para lamang silang magkapatid. Haist bakit ba pinag-iisipan ko ang mga sinabi ng taong iyon. Gusto kong alisin sa isip ko ang mga sinabi niya pero may bahagi ng utak ko ang parang nagsasabi na dapat akong maniwala.
Pero hindi pwede, kaibigan ko si Kenzo, at dapat hanggang doon lamang ang nararamdaman ko. Kaya lamang sino ba naman ang hindi kikiligin sa gaya niya, ang gwapo niya, ang ganda ng height, napaka gentleman dagdag pa iyong ang galing niyang kumanta. Ilang beses na kaming nag videoke at madalas ko siyang pinagmamasdan habang kumakanta siya. Saka ko lamang naalala na iyong mga love songs na kinakanta niya ay madalas idine dedicate muna niya sa akin bago niya kantain. Tapos kikindatan pa ako. Pero dahil nang mga oras na iyon ay okupado pa ni Josh ang puso ko hindi ko iyon ine-entertain sa utak ko.
Hanggang sa makauwi ako sa amin. Siya pa rin ang nasa isip ko. Naalala ko noong nag swimming kami sa Puerto iyon kasi ang first time na nakausap ko siya ng matagal. Aaminin ko noon ay nakaramdam na rin ako ng paghanga lalo pa sa kabaitan niya iyong pag-asikaso niya sa amin ni Josh. Dinalhan pa niya kami ng juice habang nag su swimming at pagdating sa Batangas ay hindi pumayag na hindi muna kami magmeryenda bago umuwi.
“Totoo nga kaya ang sinasabi ng mokong na iyon?”
Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Kenzo.
“Hoy Kenzo, tigilan mo na ako ha, kung nang ti trip ka lamang ngayon pa lamang binabalaan na kita. Ipapatapon kita sa mga tauhan ni Daddy sa China Sea para pagpiyestahan ka ng mga pating doon.”
“Shayne naman, kelan mo ba ako kakausapin ng matino”
“Usapang matino iyon, kaya tigilan mo kung ano mang kagaguhan iyang binabalak mo.”
“Kagagaguhan bang mahalin ka, I’m serious Shayne I love you…”
Para na naman akong binatukan sa narinig ko hindi ako nakasagot,
“Shayne, nadinig mo ba ang sinabi ko?”
“Hinde, alin ba? Ang dami mo kayang sinabi.”
“Sabi ko I love you, Gusto mo ulitin ko,,, Shayne I love you.”
“O sige. Good night, may pasok pa tayo bukas, kailangan ko ng magpahinga. Thank you Kenzo.”
“Shayne naman kasi…sige na nga good night, see you tomorrow”
Putek, ano ba itong nararadaman ko sa twing sasabihan niya ako ng I love you. Parang hindi ako makapagsalita. Parang bigla akong nawawalan ng lakas na barahin siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bwisit ka Kenzo ginulo mo ang sistema ko. Nananahimik ako dati tapos ngayon parang hindi ako mapakali.
Kinabukasan pagdating ko sa opisina may bulaklak sa table ko. Nang tingnan ko kung kanino galing. Napangiti ako, galing kay Kenzo,
Ilang linggo pa ang dumaan at patuloy pa rin sa ginagawa niya. Madalas pa rin niya akong yayain na kumain lalo na sa gabi. Nasanay na rin akong kasama siya dahil nga busy naman si Josh. Minsan nga ay siya na ang kasama ko kahit tanghali. Naipagtapat ko na rin kay Josh ang ginagawa ni Kenzo at sabi niya nabanggit na raw sa kanya ni Kuya Paul na matagal na iyong nararamdaman ni Kenzo kaya nga lamang ay pinagsabihan siya ni Kuya Paul na tigilan iyon dahil hindi pwede at dahil ngayon na opisyal sa lahat na break na kami ay hindi na siya nagtataka sa ginagawa ni Kenzo.
“Shayne, pagbigyan mo naman ang sarili mo na sumaya, ako masaya na pero magiging ganap lamang ang happiness ko kung alam kong okay ka na.”
“Kung iniisip mo lamang ako para tuluyang maging masaya, kalimutan mo na iyon Josh, okay lamang ako. Masaya na ako na makitang masaya ka. Alam ko naman na mula noon si Kuya Paul talaga ang mahal mo nagbakasakali lamang naman ako at ngayong nakita ko kung gaano ka ka okay, ayus na sa akin iyon. Basta sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka niya at ako ang bahala.”
“Iyang pagka bayolente mo please bawasan mo na rin, baka maturn off sa iyo si Kenzo, sabi ni Kuya Paul napaka tahimik at malambing daw na tao yun kaya tama na sa akin mo na lamang ipakita iyan.”
“Nakakainis ka naman e, pero sa palagay mo seryoso ba sa kin yung gagong iyon.”
“Hindi ko pa siya nakakausap tungkol diyan pero sabi ni Kuya Paul, totoo raw na ang laki ng pagka gusto sa iyo ni Kenzo at kung hindi nga lamang raw niya pinipigilan ay baka noon pa nanligaw yun.”
“Natatakot kasi ako Josh,”
“Natatakot kang magmahal?”
“Gago natatakot akong masaktan, hindi pa rin kaya nawawala ang sakit ng pagkawala mo.”
“Sorry talaga Shayne, kung pwede nga lamang diba ginawa ko naman kaso hindi talaga pwede.”
“Oo naman naiintindihan ko na ako ang tanga umpisa pa lamang alam ko na kung sino ang nariyan sa puso mo pero pinilit ko pa rin.”
“Kaya nga subukan mo uling magmahal, malay mo si Kenzo na nga ang tamang tao para sa iyo.”
“Paano kung hindi pala?”
“Paano mo nga malalaman?”
Hindi ko alam ng mga sandaling iyon kung dapat ko na bang tanggapin ang sinasabi nila kahit naman mga kaopisna ko nagsasabing walang masama kung susubukan ko. Mabuting tao si Kenzo at nakikita nilang seryoso siya sa kaniyang ginagawa.
Kenzo
Hindi ako titigil hanggang hindi nagiging tayo Shayne, Ilang linggo na rin ang ginagawa kong panunuyo sa kanya. Para siyang isang mailap na hayop ang hirap paamuin. Pero Batangueno ako kaya hindi ako susuko. Naiintindihan ko naman siya, malalaim ang naging sugat nang paghihiwalay nila ni Patrick at hindi sapat ang ilang buwan para maghilom agad iyon.
“Shayne handa akong tulungan kang malimutan si Patrick, bigyan mo lamang ako ng pagkakataon.”
“Kenzo hindi mo kailangang gawin ang lahat ng ginagawa mo para lamang tulungan akong malimutan si Josh”
“Hayaan mo na masaya naman ako sa ginagawa ko.”
“Kaya lamang Kenzo…”
“Huwag kang mag-alala Shayne, handa akong maghintay kung kailan handa kang muling buksan ang puso mo.”
“Salamat Kenzo.”
“Oo hihintayin ko kung kailan kaya mo na rin akong mahalin pero habang hindi pa dumarating ang panahon na iyon hayaan mo mahalin muna kita sa paraang alam ko. Sa paraang maipapakita ko sa iyo na hindi ka masasaktan.”
Masakit para sa akin na mahal pa rin niya si Patrick kahit alam niyang masaya na sila ni Paul, Pero mas lalo ko siyang minamahal dahil doon. Napaka faithful niya sa kanyang sarili at sa kanyang nararamdaman. Bihirang tao ang may ganoong kadakilang puso. Alam ko darating ang araw na matutunan din niyang magmahal ng iba at iyon ang special na araw na hinihintay ko. Madalas ko pa rin siyang pagmasdan kapag magkasama kami. Kakaiba talaga ang kaniyang ganda. Parang sapat na sa akin na pagmasdan lamang siya habang nagsasalita. Madalas akong mapatulala sa kaniya habang kinakausap niya ako. Same pa rin ang epekto sa akin noong una ko siyang makita. Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginamit ng babaeng ito sa akin, Bakit ang hirap niyang i resist.
Alam ko naman na may pagtingin din siya sa akin. Nakausap ko na rin ang Mommy niya dahil madalas ko rin siyang ihatid sa kanila kapag coding ang sasakyan niya. Na meet ko na rin ang Daddy niya na bagamat pulis ay napa cool nilang mag-usap na mag-ama. Nakakatuwa silang magbiruan parang mag barkada lamang.
Maraming magagandang katangian si Shayne na likas sa mga babae pero ang sobra kong hinangaan sa kanya ay iyong totoong pagmamahal na inilaan niya kay Patrick. Kahit kailan hindi ko narinig sa kanya na nagalit siya kay Patrick dahil iniwan siya. Ngayong magkaibigan na lamang sila mas nakita ko ang tunay niyang ugali. Oo nga at madalas silang nagtatalong dalawa, nag aasaran pero kita ko sa kaniya ang pagmamalasakit at pagmamahal kay Patrick bilang kaibigan. Handa pa rin niyang ipaglaban si Patrick kapag ramdam niyang naagrabyado.
Minsan pumayag si Shayne na manood kami ng sine, First time niya iyon na pumayag.
“Thanks Shayne, pumayag kang sumama sa akin.”
“Alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka ilang beses mo na ring pinatunayan na mabuti ang intention mo sa kin.”
“Pero kulang pa rin hanggang ngayon hindi ako sure kung may pag-asa ako sa iyo”
“Alam mo Kenzo, hindi ka naman mahirap mahalin kaya lang….”
“Kaya lamang Shayne mahal mo si Patrick?”
“Noong una akong nasaktan, nagalit talaga ako sa mga lalake. Dahil gaya ng Dad ko napaka sama niya. Wala naman akong ginawang mali para lokohin niya ako. Galit na galit talaga ako. Isinumpa kong hindi na ako magpapaloko sa mga lalake. Nag aral ako ng self defense para maipagtanggol ko ang aking sarili at huwag umasa sa kahit sino lalo na sa mga lalake. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Josh. Binago niya ang pananaw ko tungkol sa pagmamahal at sa katapatan. Hindi lamang panlabas na anyo niya ang nagustuhan ko lalot higit ang pagiging totoo niya. Akala ko wala ng lalakeng matino. Nang maghiwalay sina Mommy at Daddy at dahil sa ginawang panloloko sa aking ng dati kong boyfriend. Akala ko lahat ng lalake manloloko, kaya sobrang humanga ako kay Josh, Ibang-iba siya.” Saglit siyang tumigil, kumuha ng tissue at pinunasan ang mga luha niya bagi muling nagsalita.
“Alam ko hindi niya kayang tumbasan ang pagmamahal ko sa kanya. Pero hindi niya ako niloko. Naging honest siya sa akin at sa kanyang sarili kaya lalo ko siyang minahal.” Saglit siyang tumahimik na parang nag-iisip kung ano ang sasabihin. Nakatingin siya sa screen pero alam kong wala doon ang isip niya,
“Hindi ko siya pinilit maging kami dahil gusto ko siyang masarili. Ginawa ko iyon para protektahan siya. Alam kong si Kuya Paul lamang ang mahal niya pero napakarami ng nagkakagusto sa kaniya. Babae man o yung may pusong babae alam kong matindi ang pagnanasa sa kaniya. At sigurado akong masasaktan lamang siya sa bandang huli. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na kung hindi rin lamang si Kuya Paul hindi ko siya hahayaang mapunta sa iba dahil alam kong si Kuya Paul lamang ang makapagpapaligaya sa kanya. Kahit pa nga hindi ko pa siya kilala noon at puro kwento lamang ni Josh ang alam ko tungkol sa kanya. Napakabuting tao ni Josh, matapang siya pero napakalambot ng puso niya. Napaka fragile ng puso niya para masaktan, kaya handa akong gawin ang lahat para sa kanya. Hanggang sa paglipas ng panahon tuluyan ko na siyang minahal kahit alam kong hindi naman ganoon ang nararamdaman niya para sa akin, ganun pa man gaya ng sinabi ko sa iyo noon umasa pa rin ako na sana ay matutunan din niya akong mahalin dahil alam ko sa sarili ko na kaya ko siyang mahalin ng higit pa sa aking sarili. Kaya lamang wala talaga kaya sapat na sa akin na nariyan siya sa twing kailangan ko at narito lamang din ako para sa kanya.”
Nakita ko rin ang pagpatak ng mga luha niya. Dahil sa tama ng liwanag na nangagaling sa screen ng sinehan. Ilang buwan ko na rin naming napag-uusapan ang tungkol sa kanila ni Patrick pero noon ko lamang siya nakita na naapektuhan ng ganon. Noon lamang niya ipinagtapat ang totoo. Naramdaman ko rin ang pagpatak ng mga luha ko, hindi ko alam kung naawa o sobrang humahanga ako sa kaniya. Hindi ko alam kung sobrang naiinggit ako kay Patrick dahil sa lahat ng nangyari. Dati naiinggit lamang ako sa kaniya dahil ang swerte niya at girlfriend niya si Shayne pero nang mga oras na iyon naiinggit ako dahil nakatagpo siya ng totoong pagmamahal sa isang napakaganda at napakabait na tao.
“Kaya nang masiguro kong mahal pa rin siya ni Kuya Paul, nagpaubaya na ako, Pinalaya ko na si Josh. Masaya na ako dahil kahit papaano nagawa ko ang misyon ko para sa kanya. Nakikita ko ngayon ang saya sa kanyang mga mata na alam kong hindi ko naibigay. Pinalaya ko na rin ang aking sarili tutal iyon naman ang gusto ko kaya tanggap ko ang lahat. Pero ang sakit Kenzo, pinipilit kong itago lalo na pag kaharap siya pero narito pa rin ang sakit. Akala mo lamang matapang ako at iyon din ang akala ko pero napakahina ko pala, minsan parang gusto ko ng sumuko, sobrang sakit pa rin hanggang ngayon.
“Shayne tama na, nasasaktan din ako kapag nakikita kitang nahihrapan.”
“Umasa kasi ako na balang araw magiging kami. Masaya kaming magkasama pero dumating din ang pagkakataong ito na muli akong nasaktan. Oo Kenzo, nasasaktan pa rin ako hindi dahil sinaktan ako ni Josh, nasasaktan ako kasi umasa akong walang kahihinatnan iyong paghihintay niya. Akala ko tanga siya dahil umaasa siya sa wala. Akala ko isang araw magbabago ang nararamdaman niya. Malilimutan niya si Kuya Paul. Magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko inisip na sana hindi na siya mahal ni Kuya Paul. Pero mahal ko si Josh, at hindi ko kayang ipagkait sa kanya ang pagkakataong maging masaya. Ang kasiyahang alam kong hindi ko kayang ibigay sa kanya kahit anong gawin ko, kahit gaano ko pa siya kamahal hindi ko kayang tumbasan ang sayang kayang ibigay sa kanya ni Kuya Paul.”
“Sorry Shayne.” Palihim akong nagpahid ng luha. Sigurado ako sa sarili ko siya na talaga ang babaeng gusto ko. Isa siyang pambihirang babae at ipinangako ko kung magiging kami hinding-hindi ko siya hahayaang muling masktan. Napaka buti niyang tao para maranasan ang ganito,
“Pero salamat dumating ka sa buhay ko, dumating ka nang panahong kailangan ko ang karamay. Mas masakit siguro ang lahat kung wala ka sa tabi ko. Kahit kay Mommy hindi ko maipakita na nasasaktan ako kasi ayokong magalit siya kay Josh. Wala namang kasalanan si Josh, sinabi naman niya sa akin ang totoo sa simula pa lamang.”
“Sabi ko naman sa iyo, hayaan mong samahan kita hanggang kaya mo na ulit magmahal”
“Oo Kenzo, yun din sana ang ipapakiusap ko sa iyo, sana lagi kang nariyan kasi kahit hindi ko madalas na sinasabi sa iyo, masaya akong kasama ka. Sana lamang bigyan mo ako ng panahon na kusang maghilom ang sugat sa puso ko, kusang mawala ang sakit. Sa ngayon Kenzo, hindi ko pa kaya ang muling magmahal. Hindi lamang ako natatakot na masaktan, natatakot din ako kasi alam kong hindi ko pa maibibigay ng buo ang puso ko. Pero sana huwag kang magsasawa na samahan ako, huwag kang mapapagod kahit hindi ko pa kayang tumbasan ang pagmamahal mo. Sana… huwag ka lang mawawala, sana makapaghintay ka.”
“Pangako Shayne, hindi kita iiwan, hihintayin ko ang araw na iyon na handa ka na.”
“Salamat Kenzo, pangako kapag dumating ang araw na iyon, mamahalin kita ng buong-buo. Muling kong ipagkakatiwala ang puso ko at sa iyo ko gagawin iyon.”
Niyakap niya ako. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa pinapanood namin. Pagkalabas ay kumain lamang kami kahit hindi masyadong nag-uusap. Pero masaya ako dahil alam ko hindi ako nagkamali na mahalin siya. Hihintayin kong matutunan niya akong mahalin. Hihintayin kong kusang matabunan ng pagmamahal ko sa kanya ang anumang nararamdaman niya kay Patrick. Gagawin ko ang mga bagay na hindi nagawa ni Patrick sa kanya. Alam kong mahirap dahil sa haba ng panahon na magkasama sila. Masyado nang malalim ang pundasyon ng kanilang samahan, Pero susubukan ko, gagawin ko ang lahat dahil mahal ko si Shayne.
Oo dapat nagseselos ako kasi dahil kay Patrick hindi maging kami. Dapat nagagalit ako sa kanya. Pero isa ring napakabuting tao si Patrick. Mahal niya si Shayne ramdam ko iyon, pero mas mahal niya si Paul, At hindi siya mapagsamantala, Hindi siya nag take advantage sa kanilang sitwasyon at nagpapasalamat ako sa loob ng mahigit limang taon iningatan niya si Shayne.
“Kenzo, ngayon lamang tayo nagkausap ng ganito mula nang maging kami ulit ni Kuya Paul. Thank you at pinagbigyan mo ako.”
“Oo nga busy kayong dalawa lagi e,”
“Hindi naman, gusto lamang naming bumawi sa isat-isa, alam mo na sobrang haba ng panahon ang nasayang sa amin.”
“Alam ko iyon, pero huwag mong sabihin na kaya mo ako niyaya dito ay para pagkwentuhan lamang natin si Paul. Alam ko may iba ka pang reason aside from that”
“Gusto kong magpasalamat sa iyo sa ginawa ninyo ni Shayne,”
“Wala iyon, gusto ko rin namang makitang masaya si Paul dahil itinuring ko na ring kapatid ang lokong iyon kahit masungit?”
“Sinusungitan ka rin ba niya kahit mag best friend kayo?”
“Hay nako sobra, pero naiintindihan ko naman siya lalo pa at naalala ka niya, yung mga panahon na magkasama kayo noong mga bata pa kayo. Para siyang sirang plaka, kahit anong pinag-uusapan namin may makita lamang na magpapalala sa iyo, isisingit at isisingit ang pangalan mo.”
Napangiti naman siya at muli ko siyang napagmasdan. Hindi naman nakakataka na mahalin siya ni Shayne. Bukod sa napaka gwapo niya parang sobrang bait pa. Iyong kabaitan na hindi mo iisipin na pwede pala sa isang kagaya niya. Ang dami nga palang dahilan kaya minahal siya ni Shayne at hindi ganon kadali siyang malilimutan.
“Pero Kenzo, may gusto kasi sana akong itanong sa iyo”
“Sige ba, basta huwag lamang Math”
“Haha, super close na nga kayo ni Kuya Paul, pati iyon alam mo?” nakita kong napakamot siya sa ulo niya.
“Oo nabanggit niya minsan na nagagalit ka kapag may gusto kang itanong at sinasagot niya na huwag Math.”
“Si Kuya Paul talaga” uminom siya na parang nahihiya.
“Anong itatanong mo pare, pero hinay-hinay sa pag-iinom ha, ipinagbilin ni Shayne na huwag kitang lalasingin, patay ako don pag nagkataon.” Ngumiti siya saka huminga ng malalim.
“Seryoso ka ba kay Shayne?”
“Oo naman Patrick, ipinagbilin ka niya sa akin, diba sa kanya ka nagpasabi na magkita tayo kaya…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko
“What I mean is mahal mo ba siya?” ako naman ang uminom bago nagsalita. Para din pala siyang si Shayne ka prangka.
“Sobra pare, nang una ko siyang nakita. Iba agad ang pakiramdam ko. Ang laki ng panghihinayang ko dahil taken na pala siya. Nag-isip ako ng paraan kung paano niya ako mapapansin kaya lamang nang malaman ni Paul ang intention ko binalaan na ako dahil kahit ano raw ang mangyari ay hindi niya hahayaang muli kang masaktan.” Nakita kong muli siang napangiti.
“Ginawa iyon ni Kuya Paul?”
“Oo kaya sigurado akong mahal ka niya, akala niya talagang kayong dalawa. Alam niya na masaya ka sa kanya at ayaw niyang mawala iyon sa iyo, handa siyang magsakripisyo kahit nasasaktan siya sa twing makikita kayong dalawa.”
“Bakit hindi niya ako kinausap, hindi siya nagtanong?”
“Akala niya galit ka sa kaniya, kaya umiyak na lamang siya. Noong hindi pa kayo nagkikita iyon talaga ang balak niya, pero nang malaman niyang may girlfriend ka na hindi na niya nagawa ang plan niya. Ilang ulit na rin niyang naisip ang magpakamatay natatauhan lamang siya kapag naalala kung paano masasaktan ang Mama at Papa niya.
“Ganoon ba? Akala ko ako lamang ang nahihirapan noon”
“Hindi ka naman mukhang nahihirapan no’n ng saya mo nga.”
“Sa tingin lamang ninyo iyon dahil akala ninyo kami ni Shayne, mabalik tayo kay Shayne, siya na lamang ang pag-usapan natin. Nalulungkot lamang ako pag naiisip ko ang pinagdaanan ni Kuya Paul dahil sa akin. Nasasaktan din ako pag naaalala ang lahat ng hirap na dinanas niya mula pa noong una kaming magkahiwalay.”
“Oo Pare seryoso ako sa kanya at gagawin ko ang lahat para maging kami.”
“Kenzo, kahit hindi naging kami ni Shayne, minahal ko siya higit pa sa isang kaibigan., higit pa sa isang kapatid. Kulang na nga lamang ay inamin ko sa kanya na mahal ko siya kasi ayoko siyang umasa, ayoko siyang masaktan, pero maniwala ka minahal ko si Shayne at hindi ko pinagsisihan na nakasama ko siya nang ganoon katagal. Minahal ko siya kahit hindi kagaya ng pagmamahal niya sa akin.”
“Naiintindihan kita at alam kong minahal ka rin niya. At iyon ang labis kong kinaiinggitan sa iyo,”
“Gusto ko lamang maging masaya siya, magagawa mo ba iyon?”
“Pangako Patrick, kapag naging kami, mamahalin ko siya ng buong-buo, kung paano mo siya iningatan at iniwasang masaktan gagawin ko rin iyon o mas higit pa para sa kanya.”
“Siguraduhin mo lamang iyan Kenzo, hindi ako masamang tao alam mo iyan, pero kaya ko ring maging masama kung para kay Shayne. Hindi ko hahayaang masaktan mo siya. Sobrang lalim na ng pinagsamahan namin. Ilang beses na niya akong ipinagtanggol at kapag siya ang nalagay sa alanganin kaya ko ring gawin iyon.”
“Alam ko iyon, huwag kang mag-alala kapag ako nagmahal sinisiguro kong aalagaan ko ang mahal ko at hindi siya sasaktan. Naranasan ko na rin ang masaktan at hindi ko kayang maranasan iyon ni Shayne.”
“Thank you pare, ngayon e, mapapanatag na ako, Shayne deserves to be happy and she deserves someone better than me, at sana ikaw yun, sana magawa mo iyong mga hindi ko nagawa para sa kanya.” Tumango lamang ako, ramdam ko ang katapatan sa pagsasalita niya.
“Pero Patrick, palagay mo ba magugustuhan ako ni Shayne? Paano ba siya magkakagusto sa akin, bukod sa physical qualities na alam kong lamang ka sa akin, paano mo siya napa inlove ng sobra?” Napangiti naman siya at kita kong namula ang pisngi niya.
“Nako iyan ang napakahirap na tanong kung si Hercules ay may 12 labours na kailangang lampasan mag expect ka ng times 12 pag nagawa mo iyon tiyak magiging kayo na rin ni Shayne,”
“Grabe naman iyon ganon ba siya kahirap pasagutin?”
“Honestly pihikan sa lalake ang babaeng iyon, akala mo lamang napaka prangka niya, minsan lamang iyon nagkaroon ng totoong boyfriend noong high school tapos ay niloko siya at ipinagpalit sa iba sinabayan pa na noon ding panahon na iyon nagloko ang Dad niya at naghiwalay ang parents niya dahil don parang nagka trauma siya sa mga lalake.”
“Paano naging kayo?”
“Mahabang kwento, sa kanya mo na lamang itanong, basta ang sinisiguro ko sa iyo kapag si Shayne nagmahal, seryoso at ibibigay niya kahit buhay niya para sa taong mahal niya. Kaya kung magiging kayo napaka swerte mo at huwag mong sasayangin ang pagkakataon dahil hindi ka lamang nawalan ng girlfriend, hindi rin kita titigilan, hahanapin kita saan ka man magtago, pangako iyan.”
“Nakakatakot naman, pero hindi ako nag aalala dahil malinis ang intesyon ko sa kanya at maipapangako ko iyan kahit kanino.”
“Salamat ulit Kenzo, pagbutihin mo sanay maging kayo na talaga.”
Nang maghiwalay kami ni Patrick mas nainitindihan ko ang sitwasyon nila ni Shayne. Pambihira nga naman ang pagkakataon, napaka kumplikado. Ramdam ko kay Patrick ang pagmamahal at pagmamalasakit kay Shayne hindi lamang bilang kaibigan, Totoong minahal niya si Shayne. Marahil ay nauna lamang dumating si Paul sa buhay niya at mas malalim ang pinagsamahan nila dahil bata pa siya nang makasama si Paul. At nagpakatotoo lamang din siya dahil ayaw niyang masaktan si Shayne. Pero hindi rin naman maitatanggi ang pagmamahal ni Shayne sa kanya. Sigurado akong totoo rin ang pagmamahal na iyon. Isang napakadakilang pagmamahal, hindi selfish. Handa siyang magsakripisyo kahit nasasaktan lumigaya lamang si Patrick. Sayang nga lamang at hindi pwedeng maging sila kahit nga sinubukan nila, Pero mali, hindi pala sayang, mas tamang sabihin na mabuting hindi naging sila.
Hindi ko talaga kayang intindihin ang plano ni kupido, napakabata niya niya pero nakakumplikado ng kanyang pag-iisip. Pero sana naman kupido bigyan mo akong ng pagkakataong maipadama kay Shayne ang pagmamahal na deserving para sa kanya, Alam kong hindi natumbasan ni Patrick ang pagmamahal niya para sa kanya at handa akong gawin iyon, handa akong paligayahin siya sa piling ko. Gusto ko siyang sumaya, gusto ko siyang ngumiti. Hayaan mo na ako ang magpuno ng hindi niya naranasan, dahil gusto ko ring sumaya ako at si Shayne lamang ang alam kong makapagbibigay noon sa kin.
“Shayne naman, hindi talaga ako kumportable na ikaw ang nagda drive, pwede naman kitang ipag drive kahit car mo ito.” Reklamo ko nang minsang yayain niya akong lumabas pero sinabi niya na this time siya ang bahala kaya pinaiwan niya ang sasakyan ko sa parking lot.
“O sige kung ayaw mo pwede ka ng bumaba, ako na lamang mag-isa. Ipinapaalala ko lamang sa iyo na bago ako na issue-han ng driving license nagda drive na ako kaya huwag kang matakot”
“Ito naman hindi iyon ang inisip ko, nakakahiiya na ipinag da drive mo ako. Saka pag nakita tayo ni Patrick baka isipin non inaabuso kita.”
“Shut up! Maupo ka lamang diyan.”
Wala naman akong magawa kaya gaya ng sinabi niya tumahimik na lamang ako at hinayaan siya kung saan kami pupunta. Alam kong papasok kami na BGC gusto ko sanang magtanong pero mas pinili kong sundin ang utos niya.
Sa isang magandang restaurant kami pumasok at siyempre may reservation na kaya sumunod lamang kami sa isang mukhang bata pang waiter.
Kumakain na kami nang siya ang magtanong.
“Hindi ka ba masayang kasama ako?”
“Huh ano namang tanong iyan alam mo naman ang sagot.”
“Bakit ang tahimik mo ngayon, dati ang dami mong kwento”
“Wala iniisip ko lamang ano pa kaya ang pwede kong gawin para maniwala ka sa mga sinasabi ko o ano pa ang pwede kong patunayan para mahalin mo rin ako”
“Tatapatin kita Kenzo, hindi ka mahirap mahalin, lahat na siguro ng katangian na gusto ng isang babae nasa iyo, mabait, gentleman, hindi ka lamang gwapo ang lakas din ng dating mo.” napangiti ako sa sinabi niya
“Salamat ibig sabihin sinasagot mo na ako? Payag ka ng maging tayo?”
“Gusto ko sana kaso natatakot ako”
“Hindi pa ba sapat ang pinagsamahan natin para magtiwala at maniwala kang mahal kita?”
“Kenzo, nalaman ko na ang dami mo na palang naging girlfriends mula noong high school, ang bilis magbago ng isip mo. May naging girlfriend ka pala na one week lamang naging kayo.”
“Noon iyon, bata pa kasi ako noon, hinanap ko sa iba ang pagmamahal na hindi ko maramdaman mula sa aking mga magulang. Bata pa ako nang mag abroad sila at hindi sapat ang isang buwang bakasyon nila kada dalawang taon para mapunan ang pangungulila ko sa kanila.” Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko.
“Pero nang matuto akong magmahal ng totoo, ginawa ko naman ang lahat minahal ko siya nang higit pa sa buhay ko. Pero iniwan din niya ako at sobra akong nasaktan. Akala ko hindi na ako magmamahal ulit pero dumating ka.”matagal kaming walang imikan nakatingin ako sa labas samantalang naririnig ko ang tunog ng kutsara habang nilalaro niya sa pinggan, bumuntung hininga siya bago nagsalita.
“Hindi naman lingid sa iyo ang pinagdaanan ko. Nagmahal ako at nasaktan, muli akong nagmahal at muling nasaktan. Baka hindi ko na kayanin kung may susunod pa. Noon kapag nakikita ko si Mommy na umiiyak, sinabi ko sa sarili ko na hindi ko siya gagayahin. Hindi ako iiyak para sa lalake lamang. Pero sinira ko ang pangakong iyon, dalawang beses akong nagmahal at dalawang beses na umiyak. Hindi ako kasing tatag ni Mommy ipinapakita ko lamang na matapang ako pero hindi ko na kayang masaktan pa ulit. Nagmahal lamang naman ako diba, pero bakit ganon lagi akong nasasaktan?”
“Naiintindihan kita kaya nga mas minahal kita kasi alam kong totoo ka sa nararamdaman mo. Sana subukan mo ulit…”
“Gusto ko pero natatakot ako, ipinangako ko dati na kung hindi rin lamang si Josh hindi na ako magmamahal. Alam kong hindi perpekto si Josh, pero nang makita ko kung paano niya minahal at pinahalagahan kung ano man ang pinagdaanan nila ni Kuya Paul. Sobrang humanga ako sa kanya kasi bibihirang tao ang may ganoong paninindigan. Pero dumating ka at heto nangangakong hindi ko na mararanasan ang muling umiyak.”
“Shayne alam kong hindi ko mapapantayan si Patrick sa puso mo. Sobra ng malalim ang pinagsamahan ninyo pero isa lamang ang sigurado ko, mamahalin kita sa abot ng aking makakaya. Iyon lamang ang maipapangako ko sa iyo, dahil alam ko ang pakiramdam ng masaktan, naranasan ko na rin iyon at ayokong maranasan mo iyon dahil sa akin.”
“Hindi ko talaga alam kung kaya ko pang bumangon kapag muli akong nadapa, hindi ko alam Kenzo kung tama ang desisyon ko pero naniniwala ako sa iyo, at umaasa akong totoo ka sa mga sinasabi mo”
“Shayne, pangako kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, hindi ka na muling masasaktan, Iyon ang pwede kong ipangako sa iyo at pwede mong panghawakan. Hindi ko masasabing hindi ka na iiyak pero sinisiguro ko sa iyo kung mangyari man iyon hindi ko sinasadya dahil hindi kita kayang saktan. Oo totoong maraming beses na akong nagmahal pero alam ko kung kailan totoo at hindi ang nararamdaman ko and this time Shayne sigurado ako ikaw ang huling babae na gusto kong mahalin.”
Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumayo din ako at niyakap siya.
“Please Kenzo, huwag mo akong sasaktan ha, ipangako mo na kung dumating ang araw na hindi mo na ako mahal sasabihin mo sa akin. Sa iyo ko maririnig na ayaw mo na sa akin,”
“Hindi mangyayari iyon Shayne, dahil mahal na mahal kita at alam ko mas masasaktan ako kung gagawin ko iyon.”
“I love you Kenzo”
“I love you very much Shayne!”
Nakaupo na kami at ilang sandali rin wala kaming imikan.
“Thank you Shayne, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Kung pwede lamang magsisigaw dito ginawa ko na. Kaso ang popormal ng tao dito nakakahiya na gumawa ng eksena.”
Nakita ko naman napangiti siya.
“Siguraduhin mo lamang na totoo ang sinasabi mo dahil lagot ka talaga sa akin.”
Napangiti ako dahil kahit may luha siya sa kanyang mga mata ang ganda-ganda pa rin niya.
“O bakit ka napapangiti ka diyan?”
“Wala ang ganda-ganda mo kasi kaya lalong mahal na mahal kita.”
“Oo na tayo na kaya huwag mo na akong bolahin”
“Pwedeng mag request Shayne?”
“Kaka tayo pa lang may request ka agad, ano iyon?”
“Pwedeng pa kiss?”
“Kenzo, sapak gusto mo, maghintay ka may tamang panahon para diyan”
“Isa lang please..” pinaglapit ko ang mga kamay ko na parang nagdarasal.
“Gusto mong bawiin ko ang sinabi ko, hindi pa pala ako ready na maging tayo.”
“Ito talaga, nagbibiro lamang naman ako.”
Hindi madaling girlfriend si Shayne, kapag nasa labas kami parang gusto kong manuntok ng mga manyakis na grabe kung makatingin sa kaniya. Malimit kong samaan na lamang ng tingin ang mga sumusutsot sa kaniya at nagpapakita ng masamang intensiyon dahil alam kong ayaw na ayaw ni Shayne na pinapatulan ko ang mga iyon. Pero pakiramdam ko pa rin any moment pwede akong mapaaway sa kanila. Parang ang sarap manapak.
“Ano ba Kenzo para ka ding si Josh, bakit ba ayaw ninyong pabayaan ang mga iyan, wala namang mawawala sa akin kung ganyan man sila.”
“Basta nakakapikon ang mga iyan, kahit hindi nagsasalita alam kong marurumi ang isip ng mga iyan”
“Gawain mo kasi kaya alam na alam mo.”
Maging yung mga umaaligid sa kanya ay nakakainis, bakit ba hindi nila maintindihan na akin lamang ang babaeng ito. Ako ang boyfriend at dapat ako lamang ang may karapatan sa kanya. Kaya tuloy minsan ayoko ng lumalabas kami. Mas gusto kong sa canteen na lamang kami ng company kakain o kaya ay sa bahay na lamang nila kami naglalagi kaya naging kasundo ko tuloy ang Mommy niya.
“Alam mo Kenzo gusto ko iyang ginagawa mo dito na lamang kayo magdate, sige sagot ko na ang pagkain ninyo.” Madalas kong marinig kay Tita. Napapangiti na lamang ako dahil napakabait sa akin ng Mommy niya.
“Mommy kayo na lamang kaya ni Kenzo ang magdate, hinawahan ninyo pa ng pagka conservative ang lalaking iyan.”sigaw naman ni Shayne habang nanonood ng TV kami naman ng Mommy niya ay abala sa pagluluto,
“Anak ayaw mo niyan dalawa na kaming conservative sa buhay mo?”
“Mommy sa iyo nga lamang nakukunsume na ako, dadagdagan mo pa ng isa. Haist, tatawagan ko na lamang si Josh, Hoy Kenzo! Sabihan mo ako kapag nakaluto ka na ha, papupuntahin ko dito si Josh para may makausap akong mas matino ng konti.”
“Mas matino talaga?” tanong ko sa kanya.
“Obvious ba na kung sa inyong dalawa, mas matino siya. Huwag ka ng kumontra sarapan mo na lamang iyang niluluto mo nang hindi ka mapahiya kay Josh masarap iyong magluto alam mo naman yun.” Napailing na lamang ako hindi nga kasi ako pwedeng kumontra so ano pang magagawa ko?
Ganoon ang buhay namin, siguro nga hindi na rin mawawala sa kwento namin si Patrick, lagi siyang bahagi ng aming usapaan. Nakakatawa noon siya ang bida sa mga kwento ni Paul, ngayon naman siya pa rin ang bida sa mga kwento ni Shayne. Haist, napapaisip na nga rin ako minsan, super hero ka ba Josh Patrick? Ano bang super power meron ka? Pero wala namang problema sa akin dahil alam kong mapagkakatiwalaan siya mahal niya si Paul at kailan man ay hindi sasaktan ang babaeng mahal ko. Isa pa ay tinuring ko na ring siyang kaibigan. Mabuting tao siya at wala akong makitang dahilan para magalit sa kanya. Nagkataon lamang talaga na siya ang minahal ng best friend ko at lalo na ng girlfriend ko. Weird mang sabihin pero tinanggap ko na ang katotohanang iyon at masaya ako sa ganoong set up.

No comments:
Post a Comment