By:Yue
Sabi nila, '‘darating at darating daw sa buhay natin yung isang taong babago sa takbo nito, yung taong magpapatibok ng puso mo, yung moment na titigil ang ikot ng mundo para sayo kasi alam mo exactly na ito na yun - na siya na nga.’’
Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Yue, as usual ay hindi ko tunay na pangalan. Nag-aral sa isang sikat na unibersidad sa kalakhang Maynila. Simple lamang na tao na may simpleng mga pangarap sa buhay. [Hindi ko na idedescribe pa ang aking itsura, dahil hindi naman iyon ang punto ng kwento]
Naging mahirap ang simula ng mga taon ko sa kolehiyo dahil na rin sa laking probinsya ako. Bukod pa doon ay matindi ang pagiging broken-hearted ko noong high school. Dahil oo, naging kami ng best friend ko. Sa loob ng halos 2 taon. Siya rin ang nagmulat sa akin na pwede pala talaga ang mga ganitong relasyon. Nang mga panahong iyon ay masasabi ko sa sariling mahal na mahal ko siya. At parang hindi na yata ako iibig pa.
[Unang Araw sa Kolehiyo (June 2010)]
Natapos ang unang araw sa klase, paglabas ko sa main building - bumubuhos ang ulan. Doon ko siya unang nakita. Ang singkit nyang mga mata, makinis na balat, at ang maganda nyang ngiti dulot mapuputi at pantay pantay na mga ngipin. Sinusugod ang malakas ng buhos ng ulan patungo sa silong ng building. O tila ba patungo sa akin.
Nang bubuksan ko na ang dala kong payong ay siya niyang pagsasalita.
*‘‘taga-saan ka?’’
*‘‘dyan lang sa dapitan.’’
*‘‘doon din ako. Pwede bang makisabay?’’