Pages

Sunday, November 26, 2017

Meet My Middle Finger (Part 8)

By:Raleigh


A/N: ang pagmamahal para lang din inuman; sa umpisa sarap na sarap at sayang-saya ka, pero darating din yung oras na sasabihin mong “HINDI KO NA KAYA…” (´・_・`)

Sorry for the late update. Kelangan ko bumili ng bagong laptop kasi sumasakit na talaga mata ko kakatype sa phone. And I also had to enjoy my weeklong vacation kaya… sorry!

- - - - - - - - - - - -

“Gus, ano ka ba? Kaya ko ang sarili ko.”

“Nakakahiya naman sa’yo.”

“Diba sabi ko wag kang mahihiya? Tayo-tayo na nga lang ang nagtutulungan eh.” inis nyang tugon.

“Pero—kahit na!” nag-aalinlangan kong sagot.

“Hay! Ginagawa ko ‘to kasi gusto ko, hindi dahil napipilitan ako. Isa pa, nakita mo na ba yang hitsura mo sa salamin?”

“Hoy Jerra! Grabe ka naman.” singit ni Ate Tess.

“O bakit? Wala naman akong pinapahiwatig ah. Ang akin lang naman, gusto kong malaman nya na namumutla sya. Natutulog ka pa ba?” taas-kilay na tanong ni Ate Jerra.

Tuluyan nang pumasok si Ate Tess sa workroom at nakisali sa usapan namin patungkol sa “sana ay” leave ni Ate Jerra. Sa susunod na buwan na kasi sya manganganak pero nagpupumilit parin syang magtrabaho dito sa shop.

Dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas nang magsimula ang second semester pero lupaypay na ang kaluluwa ko. Hindi ko na mapagkasya ang bente kwatro oras dahil sa dami ng aking mga gagawin.

Pandagdag stress din ang pagkakaroon ko ng duty bilang iskolar. Dahil sa aking kurso, na designate ako bilang assistant sa school clinic. Tuwing martes at huwebes lamang ang aking duty.

Light lang naman ang workload at mabait naman ang university physician pero dahil busy rin sya, sa akin napapasa lahat ng paperworks pati pag-organize ng files. Kaya hindi na ako magtataka kung susunod na linggo ay bibigay na ang mga daliri ko.

“Natutulog naman po ako ate. Marami lang talaga akong inaaral kaya nagpupuyat ako.” tugon ko.

“O, eh nagpupuyat ka pala! Ni hindi ka na nga magkanda-ugaga sa dami ng mga costumer mo diba? Kaya hayaan mo na ako.” pagpupumilit nya.

“Ate, ayokong mastress ka. Baka mapano yang dinadala mo.”

“Hay naku, hayaan mo na nga sya Gus! Kahit anong pagpigil mo jan eh babalik at babalik yan dito. Sasakit lang ulo ko kakasaway jan.” singit ulit ni Ate Tess.

“Bruha ka Tess! Pero may point ka. Isipin mo Gus, kung si Tess ang gagawa ng ibang flower arrangements, palagay mo may matitira ka pang costumer?” pangungumbinsi nya sa akin.

“Leche ka! Umuwi ka na nga, kanina ka pa hinihintay ni Badong.” ganti ng tiyahin ko.

“Wala na ba talaga akong magagawa para pigilan ka ate? Final na ba talaga yang decision mo na tumulong parin dito?” tanong ko sa kanya.

“Wala na nga!” sabay nilang sagot saka nagtawanan.

“E-eh, maraming salamat…”

Malaking ngiti lang ang isinukli ni Ate Jerra nang lapitan ko sya at yakapin ng mahigpit. Manganganak na sya pero iniisip parin nya ang kapakanan ko. Ang swerte ko dahil sila ang naging pamilya ko.

“O sya, kausapin mo ulit si Tiyang Minia dun sa plano nating maghire ng tauhan ha? Mahihirapan kami kapag nagdedeliver sa malayo si Badong. Walang tagabuhat ng mabibigat na halaman.” bilin ni Ate Jerra habang palabas ng workroom.

Bukod kasi sa mga potted plants at flower arrangements, nagbebenta na rin kami ng iba’t-ibang uri ng mga pot, vases, at mga fertilizers. Kaya pag nagdedeliver si Kuya Badong, si Ate Tess lang ang natitirang tagabuhat ng mga halaman at pot.

“Ewan ko ba kasi jan sa nanay mo kung bakit ayaw maghire ng hindi nya kakilala.” reklamo ni Ate Tess nang makapwesto na sa counter.

“Kasi nga hindi nya kakilala, timang. O sige, alis na ako ha…” paalam ni Ate Jerra.

“Bye po, mag-ingat kayo.”

Pagkatapos magligpit sa shop ay nauna nang umuwi si Ate Tess. Nag-inventory muna ako ng mga gamit at inilista ang mga kakailanganin upang bukas ay maorder na namin. Mag-aalas otso na ng makauwi ako.

Mabuti na lamang at humupa na ang inis ni Hunter nang hindi sya payagan ng registrar na magpalit ng section. Hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako kapag naaalala ko ang sagutan nila ng registrar.

“Boss, galit ka pa ba sakin? Pasensya na po talaga…” mejo takot kong tanong nang mag-usap kami.

“No, I’m not mad at you. Dun ako sa dean at sa scholarship committee galit. Di bale, classmates parin naman tayo sa RLE and I can go visit your house anytime. So don’t mind it.” inabot nya ang buhok sa batok ko.

“Sorry talaga, pati nga rin ako nagulat eh. Sige na, balik ka na sa klase at baka ma late ka.” payo ko nang tumunog ang bell.

“Bye, call you later…” may panlulumo nyang pahayag at naglakad palayo.

Ang hirap talagang mag-adjust kapag nakasanayan mo na. Minsan nahuhuli ko na lang ang sarili kong tumitingin sa likuran sa may bandang bintana, only to be disappointed.

Doon kasi nakaupo si Hunter dati kaya palagi syang nasa peripheral vision ko. Kahit alam kong hindi ko na sya kaklase, hindi ko parin mapigilang i-check kung sya nga ang nakaupo doon.

Siguro naiinis na ang nakaupo sa likuran ko, kasi kaninang umaga ay tinadyakan nya ang likod ng aking silya nang mapalingon na naman ako sa likod. Pilitin ko man ang sarili kong huwag lumingon doon, parang reflex ko nang tumingin sa bahaging iyon kapag may nakikita akong gumagalaw. 

Kinabukasan ay maaga pa akong nagising upang gawin ang apat na flower arrangements. Iniwan ko ang mga iyon sa workroom at tinext si Ate Tess, pagkatapos ay nag-abang na ng jeep papuntang university.

Pagdating sa kanto ay bumaba ako at binaybay ang kahabaan ng malapad na highway papasok ng university. Kokonti pa lamang ang mga pribadong sasakyan na dumaraan; alas sais kinse pa lamang kasi.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat. Napakaganda talagang pagmasdan ng mga mumunting butil ng hamog sa damuhan, lalo na’t natatamaan ito ng sinag ng araw.

As usual, ako ang unang nakarating sa classroom. Kaagad kong kinuha ang aking notes para magreview, ngunit kalaunan ay unti-unting bumigat ang aking mga talukap at nanlabo ang aking paningin.

Ilang beses pa akong napahikab bago nagpasyang isara ang notebook at saka umidlip. Dinadalaw na naman kasi ako ng antok, bagay na madalas mangyari nitong mga nakaraang araw.

“Oy…”

Nakaramdam ako ng sunod-sunod na pagtapik sa aking balikat. Alam naman ni mama na ayaw kong ginigising ako ng ganun, bakit ba nya ginagawa? Sa aking pagkainis ay tinampal ko ang kamay nya.

“Aba’y putang-ina mo, HOY!”

Bigla akong napaupo ng direcho nang maramdaman ang pagtama ng matigas na bagay sa aking binti.

“Aray naman…” daing ko habang hinahaplos ang kumikirot na bahaging iyon.

“Leche, tagal mong magising! May naghahanap sa’yo!” singhal nya habang tinuturo ang pintuan.

“H-huh?” wala sa sarili kong tanong.

“Hoy ikaw, wag mo akong inaabala. Sa susunod na tampalin mo yung kamay ko, hindi lang tadyak ang aabutin mo sakin!” babala nya habang dinuduro ako.

“S-sorry…” hingi ko ng paumanhin na sinuklian nya ng matalim na tingin bago naglakad pabalik sa silya nya.

Pagtingin ko ng relo ay 6:55am na. Kaagad kong kinuha ang supot na naglalaman ng baon ni Hunter at dali-daling lumabas ng classroom. Alam kong sya ang naghahanap sa akin dahil wala namang mangangailangan sa akin, liban sa kanya.

“Boss…” bati ko nang makita sya.

“Hey, I texted you pero hindi ka na naman nag reply. I had to ask someone tuloy para tawagin ka.” kunot-noo nyang kinuha ang supot sa kamay ko.

“Eh, ganun ba? Sorry po, nakaidlip ako eh.”

“Yeah, I can see that. May marka pa nga ng spring ng notebook sa pisngi mo eh. Don’t tell me na naglaway ka?” panunukso nya.

“Grabe sya oh, di ako naglaway ah.”

Walang anu-ano’y hinawakan ni Hunter ang aking baba at tahimik na pinagmasdan ang aking mukha. Nakakahiya mang aminin, masarap sa pakiramdam ang mainit nyang palad. Unti-unting bumilis ang aking pulso.

Aarghh! Kasalanan ito ng malamig na panahon!

“O, mamimintas ka na naman ba? Oo na, ako na’ng pangit.” Pagbibiro ko para basagin ang katahimikan.

“Nope, I don’t mean that. You’re so damn pale. Natutulog ka pa ba?” nag-aalala nyang tanong.

“Oo naman, ano ka ba?” hinawi ko ang kamay nya para matago ang pagkailang.

Ngunit sa halip na ibaba nya ang kamay ay inabot na naman nya ang batok ko at pinaglaruan ang buhok ko doon. Sinasadya ba nya ito? O ginagawa nya ito subconsciously?

“Really? Kaya pala umagang-umaga eh naidlip ka.” sarkastiko nyang tugon, na sinuklian ko naman ng irap.

“Hey, PE ang third period nyo diba? Matulog ka na lang sa clinic.” utos nya.

“Huh, nababaliw ka na ba boss? Di ako pwedeng umabsent ano.”

“Di ka naman aabsent eh. Wala si Sir Chaves mamaya sabi nung Pharma student na tinanong ko. Pwede rin dun sa library ka tumambay, I don’t care, basta matulog ka.”

“Weh, sure ka? Baka mamaya pinagtitripan ka lang nung tinanong mo eh. Saka teka, bakit alam mo yung class schedule ko?” demanda ko.

“Bakit ba ang kulit mo? Pag sinabi kong wala sya, wala sya!” giit nya sabay hila ng buhok ko.

“Ow! Boss naman eh…”

“You should be thankful that I’m looking out for you, you little shit.”

Hinawi ko ang kamay nya bago pa man maubos ang buhok ko sa kahihila nya.

“Opo inay!”

“Loko ka. And one more thing, magreply ka nga sa mga text ko.”

“Nagrereply naman ako ah? Saka alam mo namang hindi pwedeng gumamit ng cellphone kapag may klase, diba?” rason ko.

“Still, magreply ka as soon as you finish class, got it? Kung hindi ay mapipilitan akong tawagan ka.” pagbabanta nya.

“Opo, alis na at baka malate ka sa klase mo. Shoo, shoo!” ipinagtabuyan ko sya na parang aso.

Natawa lang ang demonyo saka bumelat bago tumakbo papalayo. Saktong pagpasok ko ng classroom ay pumasok rin ang teacher sa kabilang pinto. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang klase.

Bzzz…bzzz…bzzz…

Napaikot ang mata ko. Kakasabi ko lang na bawal magtext kapag may klase eh. Ano na naman bang ginagawa ni Hunter? Sarap talagang itumba ng demonyong yun.

Bzzz…bzzz…bzzz…

Alin ba sa sinabi ko ang hindi nya naintindihan? Nakakainis naman eh. Tapos ako pa yung kagagalitan nya kapag hindi ako nagreply. Tagalang rereplyan ko ng mura si Hunter kapag di sya tumigil!

Bzzz…bzzz…bzzz…

Nang maramdaman ko ulit ang vibrations ay hindi na ako nakapagtimpi. Humanda kang demonyo ka! Sa sobrang inis ay kinuha ko ang cellphone ko sa bag saka patagong binuksan ang message.

Si Brix. Nag-yayayang mag lunch kasama ko.

- - - - - - - - - - - - -

“Hey, let’s break up.”

“What? Why…? Have I done something wrong?”

“No, it’s—“

“Tell me, where did I go wrong? Tell me how to fix it. I can still fix it, right...?”

“Listen to me! I can’t do this anymore! Your love is too suffocating.”

Napabangon ako dahil sa ingay ng aking alarm clock. Bagama’t walang saplot, tagaktak parin ang aking pawis. Malakas ang kabog ng aking dibdib at hindi pantay ang aking paghinga.

Pilit ko mang iwaksi sa aking alaala, binabalik-balikan parin ako ng panaginip na iyon. They said that dreams do come true, but they forgot that nightmares are dreams too…

Sinuklay ko na lamang ang aking buhok at pinatay ang nakakairitang alarm clock. Hinawi ko ang kurtinang nakatakip sa naglalakihang bintana, at sinalubong kaagad ako ng matingkad na sikat ng araw. Oras na upang magtrabaho.

“Good morning, sir.”

“Magandang umaga din sa’yo, manong guard.” nakangiti kong bati.

Pagkapasok ng building ay kaagad kong tinahak ang direksyon ng mga elevators. Hindi nawawala sa aking mga labi ang ngiti habang binabati ang lahat ng aking mga kasalubong.

Bumaba ako sa fourth floor kung saan makikita ang marketing and advertising department. Dumirecho ako sa aking desk at kaagad na pinaandar ang laptop. Habang hinihintay magstart-up, niluwagan ko ang suot kong necktie.

“Hanggang ngayon ba hindi ka parin sanay magsuot ng tie?” natatawang puna ng lalaki sa aking harapan.

“Hey, that rhymed! Morning, Daryl. And yeah, this thing irks me off; para akong sinasakal eh.” tuluyan ko nang hinubad ang necktie ko at itinago sa aking drawer.

“Good morning din, sir. Saka reminder lang, wear you tie at all times. Lagot ka kapag nakita ka na naman ni president.” panunukso nya.

“How many times do I have to tell you to stop calling me that?” kunot-noo kong sita.

“Sir naman, head ka namin at someday ikaw yung magmamana ng kumpanya. Ampangit naman kung magiging informal kami sa’yo. Baka sabihin ng ibang department na pasipsip kami.” depensa ni Vicky.

“Matagal pa mangyari yon, and pakialam ba nila? We’re close…” reklamo ko.

“Edi sige, we’ll stop calling you ‘sir’. Instead, we will call you ‘big boss’. Deal or no deal?” hamon ni Paolo.

“No deal! Stop it guys, I’m blushing! I still have tons to learn kaya gusto ko lang ienjoy yung ginagawa ko right now.” pakikipagbiro ko.

It’s almost a year since nag-umpisa akong magtrabaho sa toy company ni dad. Mahirap sa umpisa, lalo na’t reluctant makipagsalamuha ang mga co-workers ko sa akin dahil anak ako ng company president.

Pero dahil gusto ko ring maging asset ng kumpanya at magkaroon ng good working environment, kinapalan ko na ang mukha ko at sapilitang nakipag-usap sa mga kasama ko, eventhough baluktot ang dila ko managalog.

Me? I’m Brix Pineda, 21 y/o, single, 5’11” ang height, and graced with good physique thanks to my hobby — swimming. Call me arrogant, pero totoong gandang lalaki ako at na naenhance pa iyon ng aking golden brown, wavy hair na hanggang leeg.

Nagpart-time model ako noong college years ko. Marami na rin ang nag-approach sa akin for underwear modelling, pero I declined dahil mas importante sa akin ang trabaho ko. And who is this Tommy Esguerra na sinasabi nilang kamukha ko?

Last year lang ako nakauwi from Australia matapos mamalagi doon ng halos sampung taon. Dad convinced me to work for the company dahil bang-araw ay ako daw ang magmamana noon. The earlier I learn the trade, the better.

“Based from your professors’ feedbacks and your exemplary grades, it’s only appropriate that your starting position is a department head. Why did you decline?” mabalasik na tanong Maverick Pineda.

“Dad, I had to. I already got in without interview, thanks to you. Give me this chance to prove to everyone that I can achieve my position without your help.” depensa ko.

“But this is your privilege as my son. Why are you throwing it away?”

“There’s no easy way to success; you always told me that. If I want to lead this company with everyone’s support, I have to show them first what I can do. And I’ll do it by starting from the bottom. So please, grant me this selfish wish.”

Matagal ang katahimkan na naghari sa pagitan namin ni dad. Pinagpawisan ako ng malamig, pero hindi ko magawang putulin ang eye contact naming dalawa. Kalaunan ay pinalabas nya na lang ako sa office.

“Do whatever you want.” pahayag nya.

Simula noon ay sa marketing and advertising department ako na assign. Dahil sa innovative and creative ideas na aking ipinipresent at dahil sa kasipagan, sunod-sunod ang promotion ko. At ngayon nga ay head na ako ng department namin.

“Hey guys, wag kalimutan ang 8am meeting ha.” remind ko sa kanila.

“Sir, coffee. 2 teaspoons each of sugar and creamer, just the way you like it.” inilapag ni Miguel ang umuusok na tasa sa desk ko.

“Thanks Migs.”

“Sir, 1pm pa diba yung site visit natin for Christmas promotional event? Pwede po mag early lunch kami after meeting? Tutal kokonti na lang naman yung tatapusin namin.” paalam ni Vicky.

“Oh, sure Vicks. Basta walang maiiwan na trabaho ha, kundi wala kayong bonus.”

Natawa na lamang ako nang mataranta sila. Habang humihigop ng mainit na kape ay binuksan ko at nireplyan ang mga importanteng e-mails. Pagkatapos noon ay nag-organize ako ng files sa aking laptop. Nahagip ng paningin ko ang isang thumbnail.

Hindi ko mapigilan ang awtomatikong pagsibol ng ngiti sa aking mga labi. Naalala ko nung una kaming magkita — he looked so out-of-place, yet so adorable as he stared wide-eyed sa mga lumalangoy.

Just like a kid in a candy store.

Napunta lang naman ako sa indoor pool facility na iyon dahil sawang-sawa na akong kumanta ng “Bahay-Kubo” araw-gabi para mas mabilis akong makapagsalita ng straight Tagalog.

Nahihiya man, hindi ako nagdalawang-isip na lapitan sya. Pero nung nasa likod na nya ako ay kinabahan ako. Ano ba’ng sasabihin ko? Baka tumakbo sya katulad ng mga nauna kong kinausap.

Napaisip na tuloy ako. Pang mamamatay-tao ba ang quality nitong mukha ko? Eh ang gwapo-gwapo ko naman. Baka natatakot lang silang makipag-usap dahil akala nila hindi ako nakakaintindi ng Tagalog?

Buti na lang may hawak syang stopwatch kaya may palusot ako — pwede ba nyang i-time ang paglangoy ko? Nanlaki ang mga mata nya nang kausapin ko sya, pero nagpumilit ako kaya pumayag sya (bagama’t halatang napipilitan lang.)

It’s really lonely dun sa indoor pool. Ilang oras na ako dun pero walang nakikipag-usap sa akin. Kaya ang saya-saya ko nang kausapin ako ng pangit na lalaking iyon.

Yep, plain sya at ubod sya ng pangit. Pero kung may isang bagay na kanais-nais sa kanya, iyon ay ang ngiti nya. Holy shit, that smile! Yung feeling na akala mo anghel ang nakangiti sa’yo?

The next time we saw each other was nung naghahanap ako ng flower shop na maoorderan ng magandang bouquet for our special event. Umuulan noon at pagod na talaga ako, kaya nang makita ko ang shop nila ay sinabi kong last stop ko na yun.

Who knew it was a blessing in disguise? Kahit pa nasaktan ako at napa-ospital ng wala sa oras, at least I got to see him again. And I never thought I would say this to another guy, but Gus is really cute.

The way na hindi nya mapigilan ang sariling mag-‘sorry’, o yung child-like innocence nya, o yung hindi sya mapakali hangga’t hindi nasusuklian ang favour na ginawa para sa kanya, o yung ngiti nya…

Argh! Bakit ba hindi ko maalis sa isipan ko ang ngiting iyon? Dahil sa pagka desperado ay sapilitan kong binigay sa kanya ang number ko, writing it in a tissue. Sounds like a fucking 90’s movie.

Halos tumalon ako sa saya nang tawagan nya ako, niyayayang pumunta sa birthday nya. Sumakit pa ang ulo ko sa kakaisip ng magandang regalo sa kanya, hanggang maalala ko ang lava lamp noong high school ako.

Parang ganun si Gus eh… yung ngiti nya ang liwanag sa madilim kong buhay. Shit, ang corny ko naman, pero yun ang naiisip ko kapag nakikita sya.

Hay, kamusta na kaya sya? Sa sobrang busy ko eh hanggang text na lang nagagawa ko. Kailan ko pa kaya makikita ang ngiti nya at maririnig ang bos—

Aha! May naisip akong paraan. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number nya. Sa halip na tumawag ay naisipan kong itext na lang sya, baka kasi nag-uumpisa na ang klase nila.

[Yo Gus! B here, u hav free tym later? Sabay tayo lunch @11am] send

[Don’t wori, my treat. Bawal decline ha? U promisd na pwd kita ilibre. Let’s do some catching up.] send

Ilang minuto pa akong nag-antay ngunit wala paring reply mula kay Gus. Binasa ko muli ang sinend ko, at halos mapa-face palm ako. Kaya pala hindi sya nagrereply eh. My text sounded like a blackmail!

[Gus, ok lng if d ka pwd 2day. I didn’t mean to sound too pushy; juz wana hangout with u. pls lemme know if you rcvd dis. I’m sorry :( ] send

“Sir, ok ka lang ba?” tanong ni Migs.

“Kanina ka pa kasi napapabuntong-hininga eh. Saka baka sumabog na yang phone mo sa kakatitig mo jan.” puna ni Daryl.

“W-wala, ok lang ak—“

“Asuuus, love problem yan noh?” panunukso ni Vicky.

“Hoy hindi ah! Walang ganun.” pagdedeny ko.

“Denial agad, love problem na yan!” natatawang tukso ni Chiqui.

“Hoy, hoy, wag nga kayong ano. Masyadong malayo sa bituka yung hula ninyo.” depensa ko.

“Malayo sa bituka kasi malapit sa puso…” parinig ni Migs.

“Mga ulol!” singhal ko.

“Bwahaha! Nagmura na, ibig sabihin totoo! Witweeew!” dagdag ni Paolo.

Sinimulan nila akong tuksuin. What the hell? Ang tatanda na nila pero kung umasta ay parang mga teenager. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para pagalitan sila, pero biglang nag buzz ang phone ko.

[sorry, ongoing class. Sige free ako 11am maya.] ~ Gus

[K, daanan kta sa main gate. See u :) ] napangiti ako habang sinisend ang text.

“Ayiee, see that smile? Na-solve na ata yung love problem.” puna ulit ni Daryl.

“Siraulo!” tanging depensa ko.

Bigla akong sinaniban ng kakaibang pwersa at ginanahan sa trabaho. Halos hindi ako mapakali at excited na akong matapos ang meeting namin. I get to see and have lunch with Gus, pero sana ay hindi nakabuntot si Mav.

Ah, si Mav… hindi ko parin alam kung papano sya haharapin. Oo, magkapatid nga kami at eight years na ang nakalipas, pero andun parin yung bitterness…

At may napuna rin ako sa pagtrato nya kay Gus. Hindi ko ako sigurado, at hindi ko alam kung narealize na nya, pero kung tama nga ang hinala ko…

- - - - - - - - - - - - - -

Kahit malakas ang buhos ng ulan ay pinagsikapan kong makapaglakad ng mabilis patungong main gate. May kalakasan ang hangin kaya kahit may payong ako, hindi parin maiwasang mabasa ang ibang parte ng katawan ko.

Nababaliw na yata ang panahon. Kaninang umaga lang ay maaliwalas ang paligid at maganda ang sikat ng araw, pero nang mag-umpisa ang second period ay bigla na lamang nagdilim ang kalangitan.

Isa pang pinoproblema ko ay ang sapatos ko. High school ko pa kasi ito ginagamit at bagama’t may tahi naman, nangangamba parin akong baka bumigay ang suwelas nito sa sobrang kalumaan.

At siguro nahihibang na nga rin ako. Imbes na magpahinga dahil inaantok ay pumayag na lamang akong makipaglunch kasama ni Brix. Nakokonsensya na kasi ako; ilang beses ko nang tinanggihan ang paanyaya nya.

Bzzz!!! Bzzzz!!! Bzzz!!!

Naramdaman ko ang tuloy-tuloy na pagvibrate ng cellphone sa aking bulsa, tanda na may tumatawag. Malamang si Brix na iyon, 11am kasi ang usapan namin. Ngunit nang sasagutin ko na ay nakita kong ‘El Diablo Guapo’ ang nasa caller ID.

“Hello boss?”

Ano kaya ang kailangan ni Hunter? At diba nasa kalagitnaan pa sya ng klase? 12nn pa ang lunchbreak nila ah. Ano bang ginagawa nya?

“Hunter? Pasensya na, hindi kita marinig…” may kalakasan kong tugon dahil hindi ko sya marinig.

“SABI KO SAN KA PUPUNTA! WALA KAMING KLASE, SABAY TAYO MAGLUNCH!”

“EH?! SORRY, MAY LAKAD AKO EH!” malakas ko ring sigaw.

“SAAN?!” demanda nya.

Umihip ang malakas na hangin kaya’t imbes na sumagot ay dali-dali akong sumilong sa guardhouse. Namataan ko ang isang pulang kotse na bumusina naman, kaya tiyak kong si Brix na nga yun.

“Sir, patingin ng ID.” may pagdududa ang tingin ng guard bago ako makalabas.

“Sandali lang…” sumenyas ako kay Brix.

Bagong hire siguro si manong, kasi lahat ng guard ay kilala na ang mukha ko. Bakit ba sya nagdududa, eh suot ko naman ang uniporme ng uni? Hay, andami talagang judgemental ngayong panahon.

Maingat kong tinahak ang daan papuntang kotse ni Brix, nag-aalala sa kalagayan ng aking sapatos at baka tangayin rin ang aking payong. Pagkapasok ng kotse nya ay doon ko pa napagtantong hindi ko pa napapatay ag cellphone ko.

“Maya na lang tayo mag-usap. Wag kang magpapaulan ha? Bye.” bilin ko kay Hunter.

“Ready to go?” tanong naman ni Brix.

“Ah, oo. Salamat nga pala sa pagsundo sa akin. Nakakahiya naman sa’yo, naabala pa kita.” paumanhin ko habang nagmamaneho sya.

“Nawp, it’s fine. Besides, with this downpour, matatagalan ka bago makasakay ng jeep.” nakangiti nyang sagot.

“Eh, pwede naman akong sumakay ng taxi.” hindi ba sya napapagod sa kakangiti?

“Sus, taxi! Eh doble gastos ka lang nyan. By the way, who were you talking to sa phone kanina?” usisa nya.

“Sino pa ba? Edi yung kapatid mo, nagtatanong kung saan ako. Hindi ko na nasagot eh, ang lakas kasi ng ulan tapos hindi kami magkarinigan.”

“Hindi ba sya nagalit?” bahagyang kumunot ang noo ni Brix.

“Huh? Bakit naman sya magagalit?” pagtataka ko.

“Because you didn’t tell him where you were going. And magkasama pa tayo…”

“Bakit naman sya magagalit kung kasama kita? Saka kung ganon eh kelangan ko pa pala syang iinform everytime na mag-CR ako?”

Bigla na lamang natawa si Brix sa tinuran ko. Napailing-iling sya at sinabing hindi nya inexpect na palabiro din daw pala ako. Ngumiti na lamang ako at nakinig sa musika habang naghihintay na makarating sa aming destinasyon.

Sa isang Korean restaurant kami pumasok at sa entrance pa lang ay halos mag hyperventilate ako sa sobrang mahal ng presyo. Hihilain ko sana si Brix at yayayaing pumasok sa Jollibee, ngunit nang makita ko ang expression nya ay natigilan ako.

Ilang beses ko na syang tinanggihan, at ngayong napapayag nya na akong sumama sa kanya ay nag-aalinlangan na naman ako. Ayokong sumama ang loob nya, kaya kahit kinokonsensya ako ay nilunok ko na lang ang pride ko at pumasok doon.

Pagkapwesto namin sa mesa ay kaagad umorder si Brix. Nawala lahat ng pangamba ko nang makita syang nasisiyahan habang gini-grill ang mga piraso ng karne. Ngayon lang din ako nakakita ng restaurant na kayo mismo ang nagluluto ng pagkain nyo.

Napaka-attentive din ni Brix. Sya ang nagsi-serve ng pagkain ko at konting galaw ko lang ay tinatanong nya kung ok lang ako, o kung ano daw ba ang kailangan ko at sya na ang kukuha. Nahiya tuloy ako.

Napakahaba din ng pasensya nya habang tinuturuan nya akong gumamit ng chopsticks. Naisip ko, kung si Hunter siguro ang nagtuturo sa akin, malamang kanina pa yun nainis.

O di kaya ay kanina pa gumugulong sa katatawa. Habang iniimagine ang isiping iyon ay hindi ko rin mapigilang matawa.

“O, may problema ba?” pukaw ni Brix sa naglakbay kong isip.

“Hehe, wala naman. Sana kasama natin si Hunter, tyak na magiging masaya yung lunch natin.” sinabayan ko ito ng mahinang pagtawa.

“A-ah, y-yeah…” sagot ni Brix.

“Nga pala, bakit mo dinecline yung offer ng papa mo na maging head nung pagpasok mo palang sa kumpanya nyo?” pang-uusisa ko.

“Well, I want to prove something. You kow that thing na gusto mong ipamukha sa mga tao na you achieved that position dahil you worked hard? Hindi yung…yung…”

Nag gesture sya na parang may hinahanap syang term.

“Hindi yung ‘riding daddy’s coattails’ thing?” nag-aalinlangan kong dagdag.

“Yes, exactly! Kasi nga gusto ni dad na ako ang mag-inherit ng company, pero gusto ko rin na malaman yung ins-and-outs ng trade at makuha ang respeto ng mga employee doon. So ganun ang nangyari…” kibit-balikat nyang sagot.

Marami pa kaming pinag-usapan ni Brix habang kumakain. Tungkol sa buhay nya sa Australia, ang pinagmulan ng flower shop ko, at yung mga maliliit na bagay tulad ng paborito naming kanta o pelikula.

“Gus, is it ok kung ihatid na kita sa uni? I have to go back to work at 1pm eh.” mejo malungkot ang boses ni Brix.

“Ay naku, walang problema! Pasensya na at naistorbo ko ang trabaho mo.”

“Ano ka ba, it’s fine. I’m really happy we got to hangout and have lunch.”

Ngunit habang nagmamaneho sya pabalik ng uni ay nakaramdam ako ng matinding antok. Marahil dala ng malamig na panahon, o nang nanghehele nyang musika sa sasakyan, o sa labis na kabusugan.

Ilang beses akong napahikab. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi ni Brix at nanlalabo na ang mga mata ko. Walang anu-ano’y nilamon na ako ng kadiliman.

“Gus…Gus, gising. We’re here.”

Naramdaman ko na naman ang nakakairitang pagtapik sa aking balikat. Ilang beses ko bang sasabihan si mama na wag akong ginigising ng ganun? Nang tapikin nya ako ulit ay tinampal ko na ang kamay.

“Gus…?”

Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng mahinang kiliti sa aking tenga. Wala sa sariling napakamot ako sa bahaging iyon. Wala pang isang segundo ay naroon ulit ang kiliti.

“Ma!” naiinis kong saway.

Ngunit imbes na tumigil ay sige parin ang pangingiliti nya. Kaya sa sobrang irita ko ay napahablot ako sa direksyon na pinanggagalingan ng kiliting iyon.

“Aray! Oww, oww, Gus please let go… ow!” sigaw ng lalaki.

Huh? Boses ng lalaki? Kung hindi si mama…sino? Napamulat ako mula sa pagkakahimbing.

“B-Brix! S-sorry…!” kaagad kong binitiwan ang buhok nyang nahablot ko.

“Ow… God, you’re awfully cranky kapag bagong gising ha.” hinimas nya ang ulo nya.

“S-sorry talaga, a-ayoko kasing gisingin ako ng t-tinatapik eh. M-masakit ba? Nasaktan ba kita?” nataranta kong tanong.

“Tad bit, lakas ng hawak mo eh.”

“Sorry talaga Brix…”

Kinalas ko ang seatbelt saka lumapit sa kanya. Nang tanggalin ko ang kamay nyang nakasapo sa ulo ay nakita ko ang tatlong mahahabang marka sa gilid ng tenga nya.

“Sensitive ka pala kapag hinihipan?” natatawa nyang tanong.

Hindi na ako nakasagot. Sa halip ay pinag-aralan ko ang mga markang gawa ng sarili kong kamay. Namumula ang mga iyon, ngunit walang dugo.

“Brix, Brix… pasensya na talaga, nasaktan pa kita…” nanginig ang boses ko.

“Hey, get over it. I’m ok, sanay naman na akong nasasaktan.” pagbibiro nya.

“S-sorry talaga…” naiiyak kong sambit habang hinahaplos ang bahaging iyon.

“Hehe, I’m just kidding! Ok lang ako, wala ‘t—“

Hinawakan ni Brix ang kamay ko at hindi pa man ako nakakalayo ay lumingon sya sa akin. Parehong nanlaki ang mga mata namin. Gahibla na lang ng buhok ang espasyong namamagitan sa amin, at amoy ko ang mabango nyang hininga na dumarampi sa aking pisngi.

Hindi ko alam kung kailan nangyari, ngunit ramdam ko ang mainit nyang palad na humahaplos sa aking leeg. Ang mga matang kanina ay nakatingin sa akin, ngayon ay bumaba na at nakatutok sa—

BEEEEPPP!!

Pareho kaming nagulat sa malakas na tunog na iyon at dagli akong lumayo kay Brix. Ibinaling ko ang tingin ko sa gilid upang maitago ang nagliliyab kong mukha.

Pilit kong kinalma ang dumadagundong kong dibdib. Ano’ng nangyari? Bakit ganoon? Hindi ako makatingin ng direcho kay Brix.

“A-aherm… umm, so Gus? Papano, dito na lang?” tawag ni Brix sa akin.

“A-ah, o-okay… um, s-salamat nga pala. At pasensya sa abala, pati dun sa… dun sa ginawa ko kanina.” inangat ko ang mukha ko para tingnan sya.

“Uhm, did you have fun?” namumula rin ang mga pisngi nya.

“O-oo naman! Sa susunod isama na natin si Hunter. Siguradong magseselos yun kapag nalaman nyang kumain tayo ng barbeque. Mahilig pa naman yun sa barbeque.” pag-iiba ko ng usapan.

“Or something…”

“Ha? May sinabi ka?”

May malakas na ingay sa aking tenga kasabay ng pagdagungdong na sing bilis ng pulso ko kaya’t hindi ko narinig ang sinabi nya.

“Wala, sabi ko goodluck sa studies. Til next time?” nakangiti nyang tugon.

“Sa uulitin. Salamat ulit ha? Mag-ingat ka sa pagmamaneho.” paalam ko.

Pagbaba sa sasakyan ay muntik ko nang makalimutan na umuulan pala. Kung hindi pa ako tinamaan ng tubig ay hindi ko mare-realize na hindi ko nabuksan ang payong ko. Nanginginig parin ang mga kamay ko.

Kinakapos ako ng hininga at palagay ko’y umiikot ang paligid. Pilit kong kinalma ang sarili ko, ngunit nang maalala ko ang namumulang mukha ni Brix ay lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Gusto kong sampalin ang aking sarili. Hindi ito ang tamang lugar para isipin kung ano ang nangyari kanina. Ang importante ay makapasok ako sa klase nang hindi natatanggal ang suwelas ng sapatos ko.

Ngunit bigla na lamang naglaho sa aking isipan ang lahat nang naganap nang mamataan ko ang lalaking nakatayo sa labas ng guardhouse. Taliwas sa namumulang mukha ni Brix, ang lalaking ito ay nagtataglay ng mukhang mas madilim pa sa mga ulap.

Si Hunter, nakatiim-bagang at nanlilisik ang mata.

- - - - - - - - - - -

Tanong: ano ang dapat gawin ng isang taong kulang sa tulog at inaantok? Yes, very good children! SLEEP.

Kahit siguro si Stephen Hawking o Steve Jobs ang tanungin mo ay ganoon din ang isasagot nila. Isa ito sa basic needs na nakalagay sa Maslow’s Heirarchy of Needs.

Ngunit talagang may exception to the rule. Take for example this guy, top 1 DL sa buong campus. Imbes na matulog ay piniling makipagsapalaran sa ulan upang maglakwatsa. Kakaibang katalinuhan ang taglay ano?

Ako naman si tanga, muntikan nang madulas sa corridor dahil tinakbo ko ang library at clinic upang tingnan kung natulog sya doon. Gusto ko syang yayain mag lunch dahil finally, nagka-vacant period ako.

Ngunit nang makita kong wala sya sa dalawang lugar na iyon ay nagmadali akong sugurin ang classroom nila, baka kasi nagmatigas na naman ang baliw at nag-aral na naman. Yun pala, mas malalang kahibangan ang ginawa nya.

“Yung pangit na scholar? Nagmamadaling lumabas ng classroom kanina.” sagot ng babaeng tinanong ko.

Muntik nang huminto ang puso ko nang makita syang naglalakad, hawak-hawak ang lumang payong na halos tangayin na sa lakas ng hangin. Ang tagal pa bago nya sinagot ang tawag ko.

Only to find out na si kuya pala ang kakatagpuin nya. At wala akong kaide-ideya.

Nirespeto ko yung rule nya na bawal magtext kapag nasa kalagitnaan ng klase o di kaya ay nagrereview sa gabi. Nirespeto ko rin yung desisyon nyang bawal tumawag kapag wala namang importanteng sasabihin.

Pero bakit yung simpleng tanong kong “saan” ay hindi nya masagot? Kailangan ba talaga nilang ilihim na magkasama sila? Bakit hindi rin ako inimbita ni kuya? Ganun lang ba ang role ko sa buhay nila?

“Sir, hindi tambayan ang guardhouse.” sita ni manong guard.

“Sandali lang manong, may hinihintay lang ako.” struggle is real para itago ang pagkairita ko.

“Doon ka sa loob maghintay. Bawal ang mga estudyante dito.” pagtataboy ng gwardya.

Sa sobrang inis ay natukso akong sapakin si manong guard. Pero baka masuspend, or worst ma expel, ako at makarating kay mommy, kaya nagtiim-bagang na lamang ako at nagpunta ng cafeteria.

Maraming babae ang gusto sanang umupo sa table ko at makipag-usap sa akin, pero pinanlisikan ko silang lahat ng mata. Natatakot akong baka magmura ako oras na buksan ko ang bunganga ko.

Kare-kare ang ulam na iniluto para sa akin ni auntie, pero wala akong nalalasahan. Halu-halo ang emosyon ko, pero nangingibabaw ang hindi maipaliwanag na sakit.

Why does it hurt so much, knowing that the guy you love is together with your own brother? Ok lang naman sana eh, kaso parang iba rin kasi yung tingin ni kuya kay Gus. O ako lang ba ang nagbibigay ng malisya?

Pero hindi eh, nung nasa The Gardens kami, parang kapit-tuko sya kay Gus. Nakapako ang tingin nya sa best friend ko at binabaling nya lang ang atensyon sa akin kapag may tinatanong ako.

“Does he… i-is he attracted with Gus?” bulong ko sa sarili ko.

Matapos ang mahigit isang oras na pagtambay sa cafeteria ay hindi parin lumalamig ang ulo ko. Hindi ako makatiis; lumabas ako at nag-abang malapit sa guardhouse. Gusto ko syang salubungin, at gusto kong masagot nya ang mga tanong ko.

Saktong pagdating ko doon ay pababa na sya sa pulang kotse — malamang kay kuya. Parang wala sya sa sariling pinagmamasdan ang papalayong sasakyan. Napatiim-bagang na lang ako habang tinutupok ako ng selos.

“B-boss, anong ginagawa mo dito?” hindi ko namalayang nakalapit na sya sakin.

“Ikaw, anong ginagawa mo? Diba sinabihan kitang matulog dahil inaantok ka?”

“A-ah, eh nakatanggap ako ng text galing kay Brix eh. Ayu—“

“Tapos ano? Nagtatakbo ka kaagad palabas kahit mukhang hihimatayin ka na? Kahit alam mong malakas ang buhos ng ulan?” hindi ko mapigilang pag-akusa.

“H-ha? Ano bang pinagsasabi mo, eh kaninang umaga pa sya nagtext. Saka ang OA naman, di ako makakatakbo sa ganito kalakas na ulan.” depensa nya.

“Hah! Nagdeny ka pa, eh mas inuna mo pa ya—“

“Ano’ng nagyayari dito? Nag-aaway ba kayong dalawa?” sita ng guard.

Doon ko lang napagtanto ang sitwasyon namin. Nasa labas pala kami ng guardhouse, bumubuhos ang malakas na ulan sa paligid namin at pareho na kaming nababasa.

Ibinaling ko ang tingin sa guard — masama ang tinging ipinupukol nya kay Gus. Akala siguro nya ay may masamang balak si Gus sa akin dahl defensive din masyado ang expression nitong kasama ko.

Natauhan ako at nanaig ang instinct kong protektahan ang kaibigan ko. Kaibigan, o ka-ibigan? Ah, leche! Bahala na…

“Wala sir, may pagtatalo lang kami sa report namin. Tara Gus, pumasok na tayo at nang MAPAG-USAPAN na natin ang REPORT natin.”

Ayaw pa sanang umalis ni Gus, marahil gusto pa nyang sagutin ang mga paratang ko, pero hinawakan ko sya sa braso saka hinila palayo. Ngunit nagsimulang magpumiglas ang maligno.

“Kung ayaw mong isumbong tayo ng pakialamerong guard na yan at mapadpad sa guidance office ay sumunod ka na sa akin.” bulong ko sa kanya.

Bigla na lamang syang lumayo na parang nagulat at saka sinapo ang tenga nya. Unti-unting namula ang mga pisngi nya. Naapektuhan ba sya sa ginawa ko para magblush sya ng ganun?

Pansamantalang naglaho ang galit, selos, at pangamba sa aking puso. Napalitan iyon ng hindi maipaliwanag na saya, lalo pa’t hindi makatingin ng direcho si Gus sa akin. Ang cute ng reaction nya!

Sabay kaming nagtungo sa AVR4 dahil RLE ang subject namin, at lahat ng 5 sections ng BSN1 ay pinagkasya. Natural, hindi ako makapapayag na hindi kami magkatabi. Sa third row kami nakaupo, hindi masyadong malayo at hindi masyadong malapit sa lecturer.

“Pst, kanina ka pa nakatingin sa sapatos mo ah?” puna ko habang iniaabot sa kanya ang baunan na ginamit ko kahapon.

“Eh, nabasa kasi yung medyas ko dahil sa lakas ng ulan. Malamig sa paa.” nag-aalala nyang tugon.

“Yan kasi, kung saan-saan nagpupunta, eh alam nang umuulan.” parinig ko.

Sinadya kong idikit ang braso ko sa braso nyang nakadantay sa armchair ko. Malamig ang kanyang balat, at kahit papano ay gusto kong ibigay sa kanya ang kahit konting init na galing sa katawan ko.

Kung pwede lang sanang yakapin ko sya eh…

Napakagat ako ng labi para mapigilan ang pag-usbong ng ngiti sa aking labi nang maramdaman kong inilapit nya ang sarili sa akin. Payat kasi ang malignong ‘to, walang fat stores na panangga sa lamig.

“Huy, may bulate ka ba sa pwet?” sita ko nang mapansing galaw sya ng galaw.

“Wala no! Malamig lang talaga yung paa ko boss eh…” mahina nyang bulong.

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi nya. Sino nga ba ang hindi mababasa sa ganoon kalakas na ulan? Malamang pati loob ng sapatos nya ay basa rin.

“Hubarin mo’ng sapatos mo pati medyas.” utos ko habang tinatanggal din ang sapatos ko.

“Yoko nga! Malamig yung tiles eh…”

“Wag ka ngang matigas! Sumunod ka na lang sakin. Hubad!” pinisil ko ang braso nya.

Nang matanggal na ang sapatos nya ay maingat ko ng ikinawit ang paa ko at dahan-dahang ikiniskis iyon sa malamig nyang paa. Wala namang nakahalata sa mga pinanggagawa namin.

“B-boss!” inilayo nya ang mga paa nya ngunit kinurot ko sya.

“Wag ka ngang magalaw, baka may makakita satin.” saway ko.

“P-pero—“

“Walang pero-pero, iniinit ko lang yung paa mo. Timang!”

“Boss naman…”

“Imbes na magreklamo, pasalamatan mo na lang ako.” hinaluan ko ng konting lambing ang boses ko.

Pero dahil clueless ang malignong ito — isa sa mga kinaiinisan, at the same time pinaka-gusto kong trait nya — ay ni hindi man lang nya nahalata ang paglalambing ko. Could this guy be amore dense?

“S-salamat boss.” tugon nya.

“Uh-huh, mainit na ba?” tanong ko.

Ginantihan na lamang nya ito ng matamis na ngiti at tango. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko. Naalala ko, ganito palagi ang ginagawa ng puso ko kapag nakikita ko syang ngumiti.

“B-basta! Mag take notes ka bilang kapalit.” nauutal kong balik.

“Hmph, pwede bang utang? Tinatamad ako eh.” reklamo nya.

“What? Bakit palagi kang tinatamad? Kain-tulog lang naman ginagawa mo.” panunukso ko.

“The two of you! Kanina pa kayo nag-uusap ah. Do you have something you could share sa buong klase?” nang-gagalaiting tanong ng CI namin.

Nagkatinginan kami ni Gus, parehong nanlalaki ang mata at nagpipigil matawa. Saglit na nag-usap ang mga mata namin at nagkasundo. Ako ang tumayo; this time, I will be the one to save us from this predicament.

“Ahh, sir we were just wondering. What if may emergency and there’s a patient with massive blood loss, but we have no equipment with us. How can we determine his blood pressure?”

Sandaling katahimikan. Pagkatapos ay biglang nag-usap ang mga kaklase ko pati na rin ang ibang mga CI. Shit, buti na lang at nanonood ako ng mga documentaries, kung hindi ay hindi kami makakalusot.

Pagkaupo ko ay pinisil kaagad ni Gus ang bisig ko, at ginantihan ko rin ng pisil ang hita nya. Siguro dahil napabilib sya sa akin, o dahil nagpipigil na syang matawa. Either way, namulaklak ang saya sa puso ko.

Hell yeah, pogi points plus 1!

- - - - - - - - - - - - -

Pagkalabas ng AVR4  ay halos magtatakbo kami ni Hunter sa sobrang pagmamadali. Parehong namumula ang mga mukha namin at nagsisilabasan na ang mga ugat sa aming leeg.

Ngunit pagliko namin sa isang building ay umalingawngaw na ang malakas na tawang kanina pa namin pinipigilan. Napaupo ako at sapu-sapo ang tyan ko, habang si Hunter naman ay nakatingala at malayang humahalakhak

“M-muntik na…” hindi ko matapos ang sentence ko dahil sa katatawa.

“D-did you s-see…?” nagkautal-utal nyang tanong.

Sinagot ko na lang sya ng halakhak at saka tumango-tango. Sa sobrang tawa ay napaiyak na lamang ako.

“Mygawd! Minsan pati ako ay nagugulat sa taglay kong katalinuhan!” kapal-mukha nyang anunsyo.

Hindi kami tumigil sa katatawa hanggang maabot namin ang parking lot. Lahat ng nakakasalubong namin ay napapatingin sa aming dalawa; akala siguro nila ay mga baliw kami.

Well, matagal na akong nawalan ng pakialam sa kung anuman ang iniisip ng iba. Ang mahalaga ay wala akong inaapakang tao. At isa pa, mukhang hindi na naiinis sa akin si Hunter.

“Um, boss? Gusto mo bang mag-dinner sa bahay? N-namimiss ka na daw ni mama eh.” tanong ko nang humupa ang tawanan namin.

“Hmmm, eh ikaw?”

Pababa na kami sa hagdan patungong open space parking lot. Nasa unahan ko sya at malapit na sya sa pinaka-ibabang baitang, kung kaya’t nang tignan nya ako ay parang nakatingala sya.

“Ansabi mo?”

“Ikaw, namimiss mo rin ba ako?”

Nangingislap ang mga mata nya, waring nangungusap. Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko, ngunit bakit hindi ko maalis ang tingin sa kanya?

“D-di noh! Sino namang makaka-miss sa ulol na gaya mo. Saka, o-ok lang naman kung ayaw mo eh. Sabihan ko na lang si mama.” palusot ko upang maitago ang pagka-ilang ko.

Pero sa totoo ang ay nananalangin akong sana pumayag sya. Namimiss ko na rin kasi ang bangayan namin kapag kumakain, pero hinding-hindi ko sasabihin sa kanya yun! Baka isipin nyang creep ako.

“Tseh! Parang binibiro lang eh. Tawagan mo si auntie, sabihin mo baka gabihin tayo.”

“Huh, bakit gagabihin? Saka wala akong pantawag.” mejo nalungkot ako nang sabihin nyang nagbibiro lang sya.

Bigla nyang inakyat ang hagdan patungo sa kinaroroonan ko. Inilabas nya ang kanyang cellphone at saka may pinindot, bago ibinigay iyon sa akin.

“Sabihin mo dadaan tayo ng condo ko, kukuha lang ako ng ilang damit. I’ll be spending the night in your house.” sagot nya bago bumaba.

“Hello? Hellooo? Hunter, anak?” dinial pala nya ang bumber ni mama.

“Ma, si Gus ‘to.” napangiti ako sa tawag ni mama kay Hunter.

“O anak, napatawag ka? May nangyari ba? Number ni Hunter ‘to ah?”

“Kumalma ka nga ma, magkasama po kami ngayon. Inimbitahan ko syang maghapunan sa atin eh.”

“Ay ganun ba? Aba sige, at maghahanda ako ng marami!” tuwang-tuwa ang boses ni mama.

“Sya nga pala ma, baka gabihin kami. Dadaan pa kami ng condo ni Hunter eh, kukuha daw po sya ng damit.” pagpapaalam ko.

“Dito ba sya matutulog? Papano yan, eh umulan kanina kaya hindi natuyo ang mga nilabhan kong kumot.” nag-aalala nyang tugon.

“Naku ma, kah—“ hindi ko na itinuloy ang sasabihin.

Sasabihin ko sana na kahit ilang extra kumot at comforter pa ang itambak nya sa kwarto ay mag-iinsist parin si Hunter na iisang kumot lang ang gamitin namin.

“O-ok lang yan ma, hayaan mo na lang syang manigas sa lamig.” pagbibiro ko.

“Hayh, ikaw talaga Gustavo! Palagi mo na lang inaaway yang kaibigan mo. Pag ikaw iniwanan nyan, naku—tiyak ikaw ang maghahanap dyan.”

“Si mama naman, sobrang affected. Basta ma, damihan mo po yung luto ah? Palagay ko’y namimiss na rin ni Hunter ang luto mo, at tyak mapaparami yun ng kain.”

“O sya, sige at mamamalengke na muna ako. Mag-iingat kayo.”

“Sige ma, ingat ka rin po. Bye-bye.” paalam ko at pinatay na ang tawag.

Aksidente kong napindot ang home screen at nagulat ako sa aking nakita. Picture naming dalawa noong birthday namin ang kanyang wallpaper. Kung naalala ko, iyon ang kinuha nyang selfie gamit ang phone ko.

Mejo naguluhan ako. Pwede naman kasing picture nya, o picture ng sasakyan or games, o di kaya ng magandang model. Bakit iyon pa ang pinili nyang wallpaper?

Pero… siguro hindi naman weird yung ganun. I mean, yung iba nga ay nakikita kong picture ng close friends nila ang ginagawang profile picture sa Facebook (kahit wala naman akong ganun). Ganoon lang siguro yun at walang malalim na kahulugan.

Datapwat, ano itong kakaibang kasiyahan na namumulaklak sa dibdib ko?

[announcement: hello guys! I might be posting this one sa w a t t pad some time around December. Panawagan sa mga artistic jan! Pwede po magpatulong? Pagawa naman ako ng cover oh, bc simply put, I sucked. Pakisend na lang po sa e-mail ko: raylee.hawk07@gmail.com or you can follow me sa WP, @RaleighD. Yung anime type, di masyadong bonnga, yung simple pero rock. Yun lang po, maraming salamat!]

“Hoy, matagal ka pa ba jan? anong nginingiti mo? May nakikita ka na namang hindi ko nakikita noh?” panunukso ni Hunter habang nakatayo sa tabi ng bukas nyang kotse.

“Wala ah! Bakit, bawal bang ngumi—“

Sa pagkabigla ay napatigil ako sa paglalakad. Naramdaman ko na lang na gumaan ang paa ko, at may naapakan akong malamig at basa. Nangyari na ba ang kinatatakutan ko?

“Bilisan mo na nga jan para makauwi tayo ng maaga.” inip nyang sigaw.

Ngunit gustuhin ko man, hindi ko maigalaw ang sarili ko. Muntik na akong mahulog kaya napasandal na lamang ako sa railing.

“Gus, ayos ka lang? May problema ba?” nag-umpisa syang maglakad sa kinaroroonan ko.

Nataranta ako bigla. Hindi sya dapat makalapit sa akin, anu man ang mangyari!

“Boss, catch!” sigaw ko para makuha ang atensyon ni Hunter.

“Huh?” nanlaki ang mga mata ni Hunter nang makita nyang lumilipad sa ere ang kanyang cellphone. Matagumpay

Habang nagkakandarapa syang saluhin ang cellphone nya ay nagmadali akong bumaba ng hagdan — sobrang hirap pala kung isang paa lang ang gamit mo — at inapakan ang tumilapon na suwelas ng aking sapatos.

“Gus!” galit na galit ang boses ni Hunter.

Lahat ng taong nasa matinong pag-iisip ay tatakbo kapag nakita nila ang galit na mukha ng demonyo. Pero ako, papano ako makakatakbo?

“Y-yes?” pinilit kong kalmahin ang sarili.

“Give me one reason kung bakit mo itinapon ang cellphone ko, you little shit. And better make it good, kung hindi ay makakatikim ka sakin!” gigil nyang tanong nang magharap kami.

“H-ha? Eh matagal na nga kitang natikman eh…” kinapalan ko na ang mukha ko.

“Y-you…you…you—“ utal-utal na tugon ni Hunter.

Namumula ang mukha nya at mukhang sasabog na sya sa sobrang inis. At kung hindi lang dahil sa sitwasyon ko, malamang kanina pa ako tumawa.

“Ah, nga pala boss. Mauna ka nalang kaya? Dun na lang tayo magkita sa bahay.”

“Anong pinagsasabi mo? Sabay na tayo.” tugon nya nang makabawi sa shock.

“Eh, hindi ako sanay sumakay sa kotse eh. Madali akong mahilo, kaya mabuti pang mag-jeep na lang ako.” palusot ko.

“Ah, kaya pala sumakay ka sa kotse ni kuya Brix kanina.” taas-kilay nyang tugon.

As I suspected, talagang may kinikimkim syang sama ng loob dahil hindi ko nasabi sa kanya na magkasama kaming naglunch ng kapatid nya. Baka mamayang gabi ay gisahin nya ako ng mga tanong. Kinilabutan ako bigla. Think of another lie!

“Ah, naalala ko boss. M-may hihiramin pa pala a-akong libro sa library. Para s-sa, sa… sa assignment bukas!”

“Naalog ba yang utak mo? NSTP lang tayo bukas, papano magkakaroon ng assignment?” humakbang sya palapit sakin.

“E-eh, ibig kong sabihin, yung assignment sa monday!” Diyos ko, umalis ka na lang!

“Kung hindi ka ba naman timang, eh general meeting ng faculty sa lunes. Magmi-meeting din ang batch natin para sa up-coming school festival.”

“A-ah basta, may hihiramin akong libro!” pagmamatigas ko at dahi wala na akong maisip na palusot.

“Alam mo ikaw, ang hilig mong mag-aksaya ng oras eh. Halika nga dito!”

“B-boss, wag!”

Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko at hinila nya ako. Dahil sa lakas ng pagkakahila nya ay na outbalance ako. Sa kasamaang palad, naihakbang ko rin ang kaliwa kong paa at nadapa ako.

“Aah!” hindi ko mapigilang sumigaw ng bumaon ang maliliit na bato sa tuhod ko.

“Wh-what the…?”

Hindi nagtagal ay umalingawngaw ulit sa buong parking lot ang isang malakas na tawa. Nag-apoy ang mga pisngi ko nang sundan ng tingin ni Hunter ang pinagmulan ko.

Doon nakahimlay sa parking lot ang labi ng aking suwelas.

- - - - - - - - - - - - -

“Alright, alright… I’m sorry.”

Nakatiim-bagang lang ang lalaki sa tabi ko. Ibinaling nya ang mukha sa passenger’s side window at hindi ako pinansin. Ngunit kitang-kita ko parin ang pamumula ng kanyang leeg at tenga.

Gumaan ang loob ko. Akala ko ay hindi sya makatingin sa akin dahil nagalit sya nung pinagtawanan ko sya kanina. It turned out, di pala sya makatingin sa akin dahil sa sobrang hiya.

“Gussie, I’m sorry… ok? Kausapin mo naman ako oh. Look, I didn’t mean to laugh at you. It’s just that…” pang-aalo ko sa kanya.

Hindi maalis sa isipan ko ang nangangamatis nyang mukha habang nakaluhod sa parking lot. Nang hilahin ko sya ay natisod sya at naiwan ang suwelas nya sa mabatong parking lot.

“Pfft!” pinigil ko ang matawa.

Napalingon sa akin si Gus, mapulang-mapula mula ulo hanggang leeg. Napansin kong nangingilid ang luha sa mga mata nya, and it was enough to make me sober. Napaubo na lamang ako.

“Hello, auntie? Mukhang gagabihin nga kami ni Gus. Yeah… opo, tapos daan po kaming mall.” sabi ko habang nagmamaneho.

“H-Hunter!” nabigla naman si Gus.

“Opo auntie, ingat din po.” at pinatay ko ang tawag.

“Boss, anong sinabi mo kay mama?”

“Well, pinaalam kong dadaan tayo ng mall pagkatapos nating pumunta ng condo ko.”

“Anong g-gagawin natin dun?” pang-uusisa nya.

“Ano pa ba? Edi bibili ng sapatos mo.”

“B-boss, huwag na!” kaagad nyang protesta.

“What? Sapatos lang naman yun.”

“K-kahit na… e-eh—“

“Ano, wala kang dalang pera? Wag kang mag-alala, ako ang magbabayad.” iniliko ko ang sasakyan papasok sa isang kanto.

“Hunter, w-wag naman ganun. Andami mo nang nagawa para sa akin, tapos ngayon eto pa…”

What? Is it a crime to buy things for the one you love? Napaikot na lamang ang mata ko.

“S-saka, pareho tayong estudyante. H-hindi ako kasama sa allowance na ibinibigay ng mama mo.” mahina nyang dagdag.

“C’mon Gus, you’re my bestfriend at gusto kitang tulungan. May masama ba dun?”

“P-pero—“

“Look, kung hindi ka makatulog dahil akala mo ay ginagastusan kita, just think of it as regalo ko sa’yo.” pangungumbinsi ko.

“Eh, binigyan mo na ako ng cellphone eh… Hunter, wag na lang.”

“Gus, I insist.” kelan ba matatapos ang pagtatalong ito?

“P-pwede bang utang na lang…?” pagsusumamo nya.

Para matapos ang usapan namin (at dahil napapagod na ako sa kaka-kumbinsi) ay pumayag naman ako. Bagama’t awkward, mukhang napanatag na itong si Gus. Kelan ba sya masasanay na sa mga binibigay ko sa kanya?

Sa labas ng condo ako nagparking, tutal aalis naman kami kaagad. Maliban sa nagtatakang tingin ng guard, wala kaming ibang nakasalubong o nakasabay sa elevator kaya mukhang kumalma na itong si Gus.

Taliwas sa kalmado nyang mukha, simbilis naman ng pag-akyat ng elevator ang pagbilis ng pulso ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, eh si Gus lang naman ang papasok sa bahay ko.

O dahil si Gus ang papasok sa bahay ko?

“Oops, we’re here.” sabi ko nang bumukas ang elevator.

Pinilit kong mag poker face para maitago ang panginginig ng kamay ko habang binubuksan ang pinto. Mabuti na lang at naglinis ako nung isang araw, kaya hindi naman siguro kahiya-hiya ang itsura ng bahay ko.

Naibsan ng konti ang aking panginginig nang makitang walang nakakalat na porn magazine sa living room. Wala rin akong naiwan na maruruming hugasin, at wala ring mabahong amoy na nanggagaling sa CR.

“Gus, sit here. I’ll just prepare my clothes.” pinagpag ko ang sofa.

“Ay, tulungan na kita boss.” sumunod sya sa likuran ko.

“What? No. Umupo ka na lang jan, kaya ko na ‘to.” pinilit ko syang paupuin sa sofa.

“Boss, sige na po. Saka mejo nahilo ako sa byahe kanina eh, pampawala lang po ‘to ng hilo.” pagmamatigas nya.

“S-sure ka?” tumango naman sya.

Lalong bumilis ang pintig ng puso ko at may malakas na tunog sa aking tenga. Kung pagpasok palang ni Gus sa sala ay kinabahan na ako, ano pa kaya kung pumasok na sya ng kwarto ko?

Sana naman walang nakakalat na maruming medyas or briefs OR, God forbid, maruming tisyu. Sa tagal naming hindi nagtabi ni Gus, masisisi nyo ba ako kung nagsarili ako kagabi? Tiis-tiis na nga lang ako eh…

“Hunter…”

“H-huh?” napalingon ako dahil baka may nakita syang gamit na tisyu.

“A-ah, wala boss! Uhm, y-yung kwarto mo kasi…”

“Ano?” kinakabahan kong tanong.

“Y-yung amoy kasi ng kwarto mo boss…” namumula nyang tugon.

Ha?! Ano’ng amoy?

Ano bang pinagsasabi nya? Pasimple akong suminghot-singot, pero wala akong naaamoy na kakaiba. Binuksan ko ang vent kagabi, kaya imposibleng may bakas pa ng pagpapakasaya ko. Don’t tell me naamoy parin nya yun?

“Y-yung amoy kasi ng kwarto mo boss… parang ikaw. Hehehe…” pagpapatuloy nya.

Para akong tinamaan ng lintik na kidlat. Mabibilis ang hakbang ko papuntang cabinet saka parang baliw na hinalungkat ang mga drawer ko. Sabay kong kinuha ang isang maliit na duffel bag at iilang piraso ng damit.

Wala akong mukhang maihaharap kay Gus — literally. Nagliliyab ang mga pisngi ko at alam kong namumula rin pati tenga ko. Why did he have to say such a cute thing?

Ibig sabihin ba noon, alam nya kung ano ang amoy ko? At iyon kaagad ang napuna nya nang makapasok sya sa kwarto ko? Mabango ba ako? Kahali-halina ba ang amoy ko?

Ano?!

“Boss, tupiin muna natin para hindi masyadong gusot.” tawag ni Gus.

Napaka-inosente ng remark nya tungkol sa amoy ng kwarto ko, pero sapat na iyon para masubukan ang katatagan ng aking self-control. Iniwas ko ang tingin sa aking kama.

“A-ah, hayaan mo na. Sa loob lang naman tayo ng bahay nyo eh, at kayo lang naman ni auntie ang makakakita sa akin.” palusot ko.

“Eh, sige. Ikaw ang bahala.” pagkibit-balikat nya.

Bigla na lamang lumapit si Gus sa akin at inabot ang NSTP uniform ko. Maingat ang pagkakatupi kaya alam kong sya ang may gawa nun. Di ko kayang magtupi ng damit ng ganoon kalinis at kaingat.

“Isama mo na rin ‘to boss para di ka na bumalik dito bukas. Baka antukin ka po sa byahe at kung ano pa ang mangyari sa’yo.” nag-aalala nyang sambit.

“S-salamat…”

Leche, wag mo nga akong iniistorbo! Hindi mo ba napapansin? Nagmamadali akong lumabas ng kwarto dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at magalaw kita ng wala sa oras!

Salamat sa kung anong pwersa at nakaalis rin kami sa apat na sulok ng kwartong iyon. Nakahinga ako ng maluwag; konti na lang sana at itutulak ko na si Gus sa kama.

Pinili ko ang isa sa mga paborito kong sapatos at iyon ang ipinasuot ko kay Gus. Ilang beses ko lang nagamit iyon, thanks to my growth spurt. At hindi ko na ipapaalam sa engkantong ito na ibibigay ko sa kanya yun, baka kasi umangal na naman eh.

“B-boss, wala bang mas luma dito? M-mukhang bago pa kasi eh…” panimula nya.

“Actally pinakaluma ko na ‘yan eh. Dinodonate ko kasi ang mga pinaglumaan ko na, saka maalaga lang ako sa sapatos kaya mukhang bago yan.” half-lie, half truth.

Buti na lang at hindi pa nang-usisa si Gus. Napangiti na lang ako nang makitang suot na nya ang sapatos ko. Hindi kagaya noong una, tumataba na ngayon ang puso ko kapag nakikita ko syang hawak ang mga gamit ko.

Sa sobrang galak ay hindi ko mapigilang sabayan ang tumutugtog na kanta habang nagmamaneho ako papuntang mall. Ilang beses napahalakhak si Gus nang marinig nya ang sintunado kong boses.

Seems like he’s over with what happened kanina sa parking lot. O ginagantihan nya rin ba ako ng tawa? Ugh, whatever! Ang importante eh masaya sya. Lulunukin ko na lang ang nadurog kong pride.

Pagdating sa mall ay dumirecho na kami sa men’s shoes. Hindi ko sya hinayaang pumili ng mumurahing sapatos. Halos kaladkarin ko sya papuntang mga leather shoes. Ako na rin ang pumili ng brand at design saka pinakunan sya ng size.

“Hunter! Sobra naman yata ang 3,000 para sa school shoes!” mahina nyang sigaw nang makaalis ang attendant.

“Kesa naman bumili ka ng mumurahin, edi sira yan agad. Much better na bumili ka ng mahal, pero pangmatagalan.”

“Isipin mo naman, 3,000! Merong 700 dun oh.” itinuro nya ang isang sapatos.

“I don’t like that brand. Masakit sa paa at madaling masira.”

“Eh bahala na, pagtitiisan ko na lang—“

“Sir, here’s your order. Size 10 po.” iniabot ng lalaki ang box.

“O, ano na Gus? Umupo ka na at nang masukat mo na ‘to.” utos ko habang binubuksan ang kahon.

Kahit payat sya, maganda naman ang hubog ng binti at paa nya dahil palagi syang naglalakad. Alam kong babagay sa kanya ang ganitong klaseng disenyo. Kahit sabihin nyang unreasonable ang presyo, hindi ko hahayaang magsuot sya ng iba pa bukod sa pinili ko.

“Boss, kaya ko namang magsuot ng sapatos eh. Hindi na ako bata.” reklamo nya.

“Tch! Shatap ka na lang kasi at nang mabilis tayong makaalis.” saway ko naman.

Lumuhod ako at isinuot sa paa nya ang sapatos. Palihim akong napangiti nang masulyapan ko syang namumula. As I expected, perfect fit ang sapatos; parang ginawa iyon para sa kanya.

“Try mong maglakad.”

Tumayo sya at nagakad-lakad. Tulad ko, hindi nya rin maalis ang tingin sa salamin. Palagay ko’y nahipnotismo din sya dahil sa ganda ng sapatos na iyon; simple lang ang design pero kumportable sa paa.

“How’s it?” tanong ko nang makalapit sya sakin.

“Ok lang, pero mejo uncomfortable eh…”

“Ganyan talaga sa umpisa sir, pero lalambot din yan kapag palagi mong sinusuot.” singit ni salesman.

“See? Sige, direcho na ba sa counter ‘to?” tanong ko sa salesman matapos hubarin ni Gus ang sapatos.

“H-hunter, sandali. Pwede try ko muna yung tig 700?” napakapit sya sa kamay ko.

“Ah, basta. Ayoko nga ng brand na yun, madaling masira.” yamot kong tugon.

Wala nang nagawa si Gus at nagmukhang tuta na sinipa habang tinitignan nya akong magbayad sa counter. Pagkatapos ay dumaan ulit kami sa Krispy Kreme at nag take-out ng donuts bago umuwi sa bahay nila.

Pagdating sa bahay nila ay niyakap ako ng mahigpit ni Auntie Hermie. Miss na miss na nya daw ako at niluto nya ang mga paborito kong ulam. Maging ako ay nasiyahan din nang makita ang pamilyar nilang bahay.

“Hay, bakit ba habang tumatagal eh lalo kang gumugwapo?” pinisil ni auntie Hermie ang pisngi ko.

“Ikaw rin auntie, lalo kang gumaganda.”

“Hala sige, maglokohan kayong dalawa!” parinig ni Gus.

Tulad ng dati, maingay ang naging hapunan namin. Maraming ikinwento sa akin si auntie, hanggang napadpad kami sa topic ng hindi nya pagpayag na maghire ng tauhan sa flower shop nila.

Nagtanong din sya tungkol sa dala-dalang sapatos ni Gus, kaya sumagi na naman sa isipan ko ang nangyari sa parking lot kanina. Napaubo ako ng wala sa oras dahil pumasok ang pagkain sa maling tubo.

Pagkatapos noon ay tinulungan ko si auntie na maghugas ng pinagkainan namin, habang si Gus naman ay nagrereview. Pagpasok ko ng kwarto nya ay nakahiga na ang pangit sa kama nya.

“Tsk, boss wag kang masyadong dikit sakin.” saway nya nang mahiga ako sa tabi nya matapos maglinis ng katawan.

“Hmm, ang lamig eh. Hahayaan mo ba akong manigas sa sobrang lamig?” iniunat ko ang kamay at sinadyang tamaan sya sa mukha.

“Dun ka nga sa tabi, laki ng kama eh… ang init tuloy.” reklamo nya.

“Tch, dami mong reklamo.” pinalo ko ang pwet nya.

“Aray naman boss eh, wag kang namamalo. Saka matulog na nga tayo, maaga pa akong gigising bukas.”

Umarte akong nagdadabog habang naglalakad para patayin ang ilaw. Binuksan nya ang lava lamp sa may tukador at iyon ang nagsilbing liwanag namin.

“Oh, may gagawin ka bang flower arrangements? Pwede ba ako manoon?”

Kamakailan lang nang madiskubre kong si Gus pala ang may-ari nung flower shop na pinag-orderan ko ng bouquet. At sya rin ang gumawa ng bouquet na ibinigay ko sa kanya.

Sobra akong na-curious kung papano nya nagagawa ang ganun kagandang mga flower arrangements. Nakita ko na rin ang likod-bahay nila at ang gaganda at malalago ang mga bulaklak na makikita doon.

“Kaya mo bang magising ng 3am?” tanong nya.

“What? 3am? Now I know kung bakit kulang ka sa tulog. Ang aga-aga mo pa palang nagigising.” niyakap ko ang likod nya.

“Kailangang kumayod para sa kinabukasan boss eh…” inaantok nyang sagot.

“Hmm, sige iseset ko ang alarm to 3am. Basta let me watch you ha?”

“Ok boss, goodnight na…” napahikab na sya.

“Goodnight Gus.”

Hinigpitan ko na lang ang yakap ko kay Gus at damang-dama ko ang init ng katawan nya. Too bad, hindi kami ‘nakapaglaro’. Ah, pero naiintindihan ko naman, marahil ay pagod lang talaga sya dahil marami ang nangyari ngayong araw.

Gusto ko pa sanang siyasatin kung anong ginawa nila ni kuya kanina, kung saan sila kumain, at kung mas nag-enjoy ba syang kasama si kuya kesa sakin. At kung bakit hindi ako nainform na magkasama sila.

Pero nawala lahat ng iyon nang masamyo ko na ang mabangong batok ni Gus. His scent is like a balm to my wounded soul. Dinampian ko ng halik ang batok nya at sinamyo ulit ang nakaliliyong amoy, bago ako nilamon ng kadiliman.

Beeep! Beep! Beep!

Naalimpungatan ako sa malakas na ingay ng alarm clock. Dagli kong pinatay ang bagay na iyon at napakusot sa aking mata. Madilim pa sa labas at kahit malamig ang panahon, pinagpapawisan parin ako.

Napangiti ako nang makita ang mabigat na bagay na nakaunan sa akin dibdib. Mahigpit rin ang pagkakayakap nya sa akin. Ninamnam ko muna ang ilang sandaling pagtingin sa natutulog nyang mukha, bago pinasyang gisingin sya.

“Gus, gising na. It’s 3am…” maingat kong hinaplos ang buhok nya.

“Ungghhh…”

“C’mon babe, marami ka pang gagawin diba? Wake up…” bulong ko.

Ngunit hinigpitan lamang nya ang yakap sa akin at napaungol ng mahina. Natawa ako sa reaksyon nya at hindi ko mapigilan ang sariling dampian ng halik ang noo nya. Doon ko na napansin na may kakaiba.

“H-hey, Gus? Babe, wake up…” inalog ko ang balikat nya pero ayaw nyang magising.

Tinanggal ko ang kumot at saka kinapa-kapa ang buo nyang katawan. Kaya pala pinagpapawisan ako, kakaiba ang init na ibinubuga ng katawan nya! Kinumutan ko muna si Gus saka napabalikwas ng bangon. Tinungo ko ang kwarto ni Auntie Hermie.

“Auntie, auntie… gising po!” sunod-sunod ang malalakas na katok ko.

“Oh, nak. Sasama ka ba kay Gus sa shop? Heto ang—“

“Auntie, si Gus po. Inaapoy ng lagnat!”

- - - - - - - - - - - - - - - -

P.S. Well, as I promised, pinasilip ko ang laman ng utak ni Brix. Sana naman ay may na-grasp kayo sa kung paano sya mag-isip. Kufufufu…

Sorry, wala munang makamundong gawain sa chapter na ‘to. Bawi-bawi lang, overload naman yung part 7 eh  XD 

>marku! Comment mo naman yung characteristics mo oh. Baka next chap ipapasok na kita. Hehehe.. or kung gusto mo pag-usapan natin ng masinsinan ‘to? Haha, you know where to find me ;)

P.P.S. omg, ang lamig na dito ngayon! Brrr, can someone send me lots of hugs? De, joke lang! Pero kung di naman kayo madamot eh… sino ba ako para umayaw?

>> na-realize na ng magkapatid na magka-kompetisyon sila! May confrontation ba na magaganap? Sino kaya ang mag-aalaga sa ating may sakit na bida?

At ano ang mangyayari sa school festival/foundation day? Abangan sa susunod na kabanata!

~ Rae  (。・ω・。)

No comments:

Post a Comment

Read More Like This