Pages

Sunday, November 26, 2017

Wakey Beki (Part 2)

By:RV

Ang nakaraang yugto:

Di makapaniwala si Raffy na 9.5K lang ang viral load niya. Marahil, naagapan ng early HIV detection at ng ARV kaya di nagkalat ang virus sa katawan niya. Sa isip ni Raffy, kailangan pa rin ni Gabby mag-HIV test at least every three months dahil di nila alam kung hanggang kailan nila matitiis na di magsex. Magkatabi na sila habang hinihintay maghati ang kurtina sa The Theatre at Solaire. Ang laki ng teatro. First time nilang magpunta dito. Dun sila sa pinakamahal na section sa ibaba. Masaya na sila kahit di sa mga unang row ng upuan sila na-assign. Na-enjoy nila nang husto ang Les Miserables kahit di nila gaanong kilala ang mga nagsiganap.

Kinagabihan, pag-uwi, nagpalitan sila ng regalo.

"Hon, salamat! Bakit ka pa nag-abala? Akala ko nag-iipon ka ng pang-business niyo sa probinsya?" pangamba ni Raffy nang matanggap niya ang ASUS X556U na Intel Core i7 na laptop galing kay Gabby. Dahil seventh anniversary nila, naisipan ni Gabby na bigyan ng core i7 na laptop si Raffy kahit gamit na nito ang company provided laptop (i5 nga lang).

Tatlong taon na rin kasi ang personal laptop ni Raffy. Mula nang malaman nilang dalawa na HIV positive si Raffy, mas naging madalas ang pagreresearch nila sa World Wide Web tungkol dito. Tumingin na rin sila sa iba't ibang mga blog ng mga PLHIV at web sites ng non-government organizations (NGOs) na tungkol sa HIV. Balak rin pala nilang dalawa na magsimula ng sarili nilang blog upang magbigay din ng lakas ng loob at inspirasyon sa iba pang PLHIV or PLWA (people living with AIDS). Nakababagabag man, nalaman nila na marami na pala ang may ganitong kondisyon. Pinag-iisipan rin nilang maging volunteer sa isang NGO upang mas maintindihan pa ang sitwasyon ng HIV sa bansa, makatulong sa mga natatakot magpa-HIV-testing, at makakilala pa ng ibang mga taong may HIV rin.

"Labs, huwag kang mag-alala, may nakalaang budget talaga ako para diyan. Saka, hayaan mo naman akong mag-effort kasi alam ko ikaw lagi kang may pasabog kapag anniversary naten. Kaya naman," napatungo si Gabby, at nagbabalik magpacute, sabay nag-pout ng lips, "La-labs, excited na ko sa surprise mo!" sabay hagikhik ni Gabby.

"Sige, matutuwa ka talaga sa surpresa ko para sayo, Gab-labs" at piniringan ni Raffy si Gabby na para bang sunod na hahataw sa nakabiting palayok kapag may mga birthday party pambata. Nasa likuran na siya ni Gabby. Nakaisip ng kapilyuhan si Raffy. Dalawang araw na nang huli siyang mag-ahit ng bigote at balbas. Patubo na ulit. May mga stubble sa upper lip at baba niya. Semi-erect na siya. Inaalala niya kasi na sa tuwing anniversary nila ni Gabby, kung ilang taon na silang magkasama, ganoon din dapat karami ang beses na magtatalik sila. Di pa niya naiisip kung ano ang gagawin niya ngayon. Datapuwat lagi naman siyang nagsusuot ng condom sa tuwing papasukin niya si Gabby, natatakot siyang baka mabutas ang condom at tumagas ang semilya niya sa loob ng wetpaks ni Gabby. Subalit maparaan at resourceful si Raffy. Napagplanuhan at napaghandaan niya ang lahat para sa special na araw nila ni Gabby.

Hawak ng dalawang kamay ni Raffy ang mga balikat ni Gabby, he guided Gabby while walking behind him. Pinaupo na niya si Gabby sa kama nila. Bukas pa rin ang aircon. Atat na atat na si Gabby pero sinabihan siya ni Raffy na behave lang siya at umupo lang sa kama. Bawal gumalaw. Bawal tumayo. Quiet lang. Giggles lang sa kilig ang nagawa ni Gabby. Last year kasi, ang theme ng anniversary nila, "Pirates of the Caribbean." Di niya nalaman kung paano napasok ni Raffy ang malaking kanyon sa kuwarto nila. Natakot pa nga siya kasi totoong hook ang nasa kamay ni Raffy at sinundut-sundot pa siya. In-auction na rin pala nila yung parrot na ginamit ni Raffy na props last year, si "Pututuy". Tinitigasan na si Gabby. Nakakabaliw ang 'espadahan' nila last year. Na-imagine ni Gabby na parang si Orlando Bloom si Raffy habang nakasuot ito ng pirate costume. Kaya naman ngayon, di niya maitago ang excitement. Kasi, kapag nag-effort si Raffy, effort talagang wala kang tulak kabigin. "Napakaswerte ko talaga dito sa BF kong ito, nasa kanya na lahat," naisip ni Gabby.

Nang nakaupo na si Gabby, derecho sa step one si Raffy.

Oplan: Harry Potter and the Deathly Hallows

1. Sinindihan ang mga scented candles sa kwarto nila.
2. Kinuha niya ang treasure chest laman ang pitong original hardbound Harry Potter novels.
3. Kinuha niya ang Slytherin uniform:
- robe
- green-silver woven scarf
- wand
- white na cotton long sleeves
- black na slacks
- black leather shoes
- black na leather belt
- black nylon socks
- black na thongs
4. Sa ilalim ng kama, kinuha niya ang hiwalay na kahon na naglalaman ng:
- dalawang medium na stuffed toy na owls
- potion bottles na iba't ibang hugis, laki, at kulay
- potion cauldron
- Bertie Bott's every flavour jelly beans
- Chocolate frogs
- home-made butterbeer (yung pang-limang recipe na sinubukan niya ang ginamit niya)
- Banners ng House Slytherin at House Gryffindor
- Yung mga pabitin na glowstick na isasabit niya sa kisame para magmukhang floating candles
- Yung sorting hat (yung pointed witch hat na nagsasalita kung saang grupo i-a-assign ang mga freshman)
- Yung mga paraphernalia at items tulad ng time turner ni Hermione at mga horcrux (yung sword ni Gryffindor, saka yung locket ni Slytherin)
- Yung snitch
- Yung goblet of fire
5. Nilabas niya ang tig-isa nilang Quidditch brooms
6. Inayos rin niya yung mga props sa bedside table at sa may wardrobe nila at ibinitin na rin yung mga glow sticks sa kisame, iba't ibang kulay.
7. Bukod sa mga candies, may separate table para sa red wine, round black forest na cake, saka yung paboritong oil-based pasta ni Gabby
8. Yung sound system : naka-preset na ang playlist ng mga background at theme ng Harry Potter movies. Pero mamaya pa papatugtugin. Nakamount lang ang iPod sa may speaker nito.

"Ang tagal naman niyan, naiinip na ko," reklamo ni Gabby. 11 pm na rin.

"Ito, parang bata. Quiet," balik ni Raffy.

Bago makalimutan ni Raffy, kinuha niya ang kanyang greeting card, na siyang laging gumagawa gamit ang mga scrap book materials na nabili niya sa bookstore. Syempre, Harry Potter din ang theme. Glitter pen na silver ang pinangsulat niya sa black na cardboard. Dahil marami siyang isinulat, may nakahiwalay pang letter sa loob ng card. Pag binuksan mo ang card, may parang origami na tatayo, at napag-alaman rin ni Raffy kung paano isetup yung katulad ng sa mga Christmas card na may maliit na button na nagpapatugtog. Isang linggo niya ring ginawa ito.

Inipit niya ang greeting card sa loob ng treasure chest kasama ng complete Harry Potter collection.

Nilagay din niya dun ang dalawa pang envelopes na naglalaman ng mga plane tickets nila.

"Chill ka lang diyan ah," paalala ni Raffy.

Palarong nag-tantrums kunwari si Gabby at nag-stamp ang dalawang paa sa sahig, na parang bata. Kasalanan kasi ni Raffy at bineybi niya masyado si Gabby nitong mga nakalipas na taon. Ito namang si gago, feel na feel ang pang-be-beybi sa kanya. Pero naisip ni Raffy na pabayaan na lang kasi nga minsan lang ang anniversary nila. Kinakabahan si Raffy. Perfect lahat. Napaluha na lang siya kasi bigla niyang naalala na ito sana yung time na gagawin nila ang love making nang walang suot na condom tutal seven years na sila at tiwala na sa isa't isa. Pero isinantabi na lang ni Raffy ang kalungkutan at mas binigyang halaga niyang paligayahin at pakiligin si Gabby sa anniversary nila.

"Gab-labs, sandali na lang, wait lang..." mahinahong paalala ni Raffy.

"Raf-hon, antok na ako," saka sumimangot si Gabby. 12:30 am na.

"Huwag kang mag-alala, GIGISINGIN kita, heheheheh," mischievous na si Raffy.

Napansin ni Raffy ang umbok sa mga zipper ni Gabby. Akala niya umbok hangin o tela lang, kaya para ma-check niya, hinawakan niya.

"Lang 'ya ka, inaantok raw, pero tayung-tayo ka." gulat ni Raffy, sabay pitik sa umbok ni Gabby.

"Aray! Gagu ka ha, ang sakit," biglang nagpumiglas si Gabby.

"Sorry na talaga, labs, malapit nang matapos," at nagmadali na si Raffy.

Hinubad ni Raffy ang suot niyang blazer at long sleeves nung nagpunta sila kanina sa Solaire. Buti na lang aircon kaya di siya pinagpawisan habang sini-set-up na niya ang anniversary con Halloween party nila ni Gabby sa kwarto nila (tama, November 1 ang anniversary nila, na ilalahad ko na lang sa hiwalay na yugto).

Wala na siyang saplot. Suot agad ang itim na thongs, yung may manipis at kapiranggot na tela lang pangsalo ng etits at yagbols, saka may itim na tali na lang sa bewang at sa puwit. Sumunod, yung itim na slacks naman. Isinuot at tinuck-in na niya yung puting long sleeves. Saka suot ng itim na medyas at black leather shoes. Nagbelt na rin siya. Itinalukbong na rin niya ang itim na Hogwarts robe na may logo ng dilaw na Gryffindor lion sa pulang crest. Pinalibot niya yung red and gold na scarf sa leeg niya. Last but not the least, sinuot niya ang spectacles o salaming bilog ang frame - kamukha ng kay Harry Potter. Siya na si Harry Potter. Sing-pogi pero mas matangkad. Hunky Harry!

"Paano ito, nagpractice akong mag-British accent, kaso pangit talaga. Di ako magaling... Ah! Alam ko na!" may biglang naisip na pakulo si Raffy.

Wala namang smoke detector sa kwarto at wala ring sprinkler. Saka saglit lang naman.

"Gab-labs, ready na ako," pinatay na ni Raffy ang ilaw. Makikita mo ang mga candelabra at mangilan-ngilang scented candles na amoy lavender saka lemongrass, may ilaw na, nakaka-relax ang amoy. Sa itaas naman nila, umilaw rin yung mga glow sticks - green, blue, yellow, pink. May mga mini-dementors pa na nakasabit din sa kisame kasama ng mga glow sticks. In-on na rin ni Raffy ang iPod at tumugtog na yung subtle na background intro sa Harry Potter and the Sorcerer's Stone na movie.

Pumunta si Raffy sa likod ni Gabby. Nakayuko na si Gabby, inaantok na talaga, habang nakaupo pa rin sa bungad ng kama. Lumuhod si Raffy sa likod ni Gabby. Gamit ang patubong balbas, pinasayad niya ang kanyang baba at labi sa batok ni Gabby. Samantala, nasa tabi lang ni Gabby ang costume na isusuot niya maya-maya. Halos mabakli ang leeg ni Gabby at napatalbog ang pwit niya sa kama nung nakiliti sa matutulis na stubble ni Raffy.


"Ano ka ba? Hihihihi! Tama na, nakikiliti ako! Ah hahahaha," pabaling-baling sa kanan-kaliwa ang ulo ni Gabby. Di siya tinigilan ni Raffy. Kapag yung ulo niya nakabaling sa kaliwa, hahaplusin ng labi niya ang leeg niya sa kanan. Kapag bumaling naman ang ulo ni Gabby sa kanan, pagtitripan naman ni Raffy ang batok at leeg sa may gawing kaliwa gamit ang maliliit at matutulis na balbas na patubo sa upper lip at baba niya.

"Tama na, Rafael, nakikiliti na ako baka maihian ko kama natin!" seryosong pakiusap ni Gabby (Gabriel).

Natuto na si Raffy. Totoo. Napaihi na minsan si Gabby nung nasobrahan ang pagkiliti ni Raffy sa kanya, same spot, sa may batok at leeg. Kaya imbis na magsex sila nung unang napaihi si Gabby, di magkandatuto si Raffy katatawa kay Gabby. Naalala pa niya, sabi niya kay Gabby, "Tang ina, dapat pala kapag nilalambing kita, pinagsusuot muna kita ng adult diaper." Matagal lumabas galing CR nun si Gabby sa sobrang hiya.

Hinalikan na lang ni Raffy sa kaliwang pisngi si Gabby.

"Gabriel, tatayo lang ako, di ko sasabihin kasi alam kong pag sinabi ko ang cue word, mahuhulaan mo na ang lahat ng pinaghandaan ko. Pero alam ko, pag nabanggit ko yun, masosorpresa ka talaga. Pagkasabi ko ng signal, pwede mo nang tanggalin ang blindfold mo," mahinahong bilin ni Raffy.

"Ano, Gab, ready ka na?" tanong ni Raffy, nakatayo mga kalahating dipa ang layo sa tapat ni Gabby na nakaupo pa rin.

Tumango lang si Gabby, senyales na handa na siya.

"LUMOS!" medyo napalakas ang boses ni Raffy.

Tinanggal ni Gabby ang piring niya sa mata at natunaw ang puso niya sa mga detalyeng nakita niya sa kapaligiran niya. Naisip niya, kaya pala inantok na lang ako. Ganito katagal niya inayos lahat ng ito. Bahagyang nakanganga ang bibig niya sa amazement, lalo pa sa taong nasa harapan niya.

Ang Harry Potter niya.

Hawak ng kanang kamay ni Raffy ang wand, may manipis na lusis na nakatape sa dulo, nag-spark.

"Expecto patronum..." mahina at mabagal na nasabi ni Gabby.

Biglang tumayo si Gabby at mabilis na sinakmal niya si Raffy na mistulang leyong lumundag sa lalapaing usa. Nawalan ng balanse si Raffy. Alam niyang sa likod niya nandun yung mga potion bottles at cauldron kaya pinili na lang niya tumumba patagilid. Nabitawan rin niya yung wand na may nakasinding lusis pa. Buti nakatukod ang mga siko niya sa likod kaya di naman tumama sa sahig ang ulo niya. Habang ang buong katawan ni Gabby nakadagan na sa kanya. Yung ulo ni Gabby nakasabit na sa kaliwang balikat niya. Mahigpit pa rin ang yakap ni Gabby.

Tumingin ulit si Raffy sa wand, buti, namatay na yung lusis. Hinaplos-haplos at hinagod na ng kaliwang kamay niya ang likod ng ulo at buhok ni Gabby.

"Alam kong sobra mong nagustuhan ang hinanda ko. Happy anniversary, hon," malambing na bulong ni Raffy.

Masidhing hinagkan ni Gabby si Raffy na siya namang kinagulat ni Raffy. Mga limang minuto ring hinalikan ni Gabby si Raffy. Nag-iingat sa panggigigil si Gabby kahit gustung-gusto niyang kagatin at paduguin ang mga labi ni Raffy. Di siya pwedeng masugatan. Kaya hinigop niya na parang sago ang dila at hininga ni Raffy. Dumagan pa siya rito hanggang napahiga na nang tuluyan si Raffy. Nagsilakbo lalo ang malalim na halik ni Gabby. Nakapatong si Gabby kay Raffy. Nagtapatan ang kanilang mga alaga, at kapwa na sila matigas, parang magic wand nila. Umuungol na sila, dahil di makapagsalita. First time mang-ganito ni Gabby. Di na makahinga si Raffy kaya banayad niyang tinulak si Gabby.

"Hon, teka lang, nasa-suffocate ako, sinaniban ka ni Voldemort?" ngumiti si Raffy.

Napaka-amo ng mukha ni Raffy. Lalo pang gustong pagsamantalahan ni Gabby si Raffy dahil di na si Raffy ang nakikita niya at niroromansa niya ng mga sandaling yun, si Daniel Radcliffe na, si Harry Potter, parang di siya magkanda-ugaga dahil baka isang saglit at mawala ang magic at bumalik na sa realidad na ito'y 'make belief' lang. Sinunggaban niya ulit ng isa pang french kiss si Harry Potter niya, pero natauhan na rin siya.

Magkalapit pa rin ang mga labi nila, nakatingin nang matagal si Gabby kay Rafael, sa mga mapupungay na mata nito. Kapwa sila nagbubuntung hininga. Ramdam ng mga nostrils nila ang paglabas ng mga hininga nila. Hinaplos ni Gabby ang malambot na pisngi ni Raffy, tinanggal ang salamin niya, hinawi ang buhok nito sa may noo, at nagwikang:

"Nasaan yung lightning scar mo sa noo, Harry?" tanong ni Gabby.

Napaisip bigla si Rafael. Sa dinami-rami ng mga inasikaso niya, itong maliit pero importanteng detalye ang nakaligtaan niya.

Di na sumagot pa si Raffy.

Nakatingin pa rin nang malalim si Gabby sa mga mata niya. Hinalikan ni Gabby ang noo ni Raffy na kung saan naroon dapat ang peklat na hugis lightning bolt katulad ng kay Harry Potter. Hinalikan ni Gabby ang magkabilang mata ni Raffy. Sa may ilong. Sa magkabilang pisngi, sa may labi, sa magkabilang tenga, at bumulong siya

"Alam mo, muntik na talaga akong maihi kanina. Lugi ako kasi di ko alam kung saan ka kikilitiin para makaganti."

"Hon, Raf, na-overwhelm ako sa hinanda mo. Di ko akalaing ganito ka-extravagant ng preparation. Di ko ma-imagine kung paano mo nagagawa lahat ng mga 'to. Yung mga sorpresa mo. Parang magic. Di ko na kailangan ng Harry Potter. Kasi ikaw ang nag-iisang magic sa buhay ko. I will always be under your spell. Di mo na kailangan gumawa ng potion para mahulog ako sayo."

"Happy anniversary, hon, mahal na mahal na mahal kita!"

Mabagal na tinapat ni Gabby ang mga labi niya sa mga labi ni Raffy. Kung kanina'y parang mala-hayop siyang nilapa ni Gabby, ngayo'y parang mga paru-paronng naglalaro ang mga labi nila. Dahan-dahang lumalapat. Pagkadikit, aalis na. Lalapit ulit. Magdidikit saglit. Aalis. Hihinga.

Sabay nito, hinahaplos ni Gabby ang mukha ni Raffy. Niyakap na lang nang mahigpit ni Raffy si Gabby habang nakapatong pa rin si Gabby sa kanya, sabi ni Raffy

"Labs, sobrang masaya ako kasi nagwork lahat ng plan ko para sa gabing ito. Magical nga. I love you, Gab. Ikaw ang magic ko." mahinahong sabi ni Raffy. Pinupupog pa rin ni Gabby ng mga padampi-damping halik si Raffy. Pinukpok nang mahina ni Raffy sa ulo si Gabby, "Huy, tama na muna yan, mamaya na ulit, magsuot ka na ng uniform mo. Papasok pa tayo sa Hogwarts. Saka alam ko pareho na tayong gutom."

Si Raffy na ang naunang tumayo at hinila niyang pataas si Gabby.

"Nasa kama yung costume mo, dali, suot mo na, hehehe." excited si Raffy.

Inisa-isa ni Gabby ang mga damit. Una niyang kinuha yung robe at nakita niyang may complete set pa pala ng mga damit sa ilalim. Kinuha na niya isa-isa pati yung scarf nang biglang may napansin siyang kapiranggot na telang kulay itim.

"Ano 'to?" painosenteng tanong ni Gabby.

"Basta, isuot mo, heheheh," biro ni Raffy.

Napailing na lang ng ulo si Gabby. Kinuha na niya lahat maliban sa medyas, belt, sapatos, saka wand.

Paglabas niya ng banyo, at pagkasuot niya ng lahat ng item, itinutok niya ang wand niya kay Raffy. Sumakay naman si Raffy. Kunwari maglalaban sila, parang Harry at Draco lang. Pero natalo ni Harry si Draco. Nakahiga sa kama si Draco, si Gabby pala, habang kapit kapit ni Harry ang dalawang kamay niya, at nakadagan sa kanya.

"Gutom na ko, nasaan chocolate frogs ko?" nagmukhang batang inagawan ng lollipop si Gabby, nagmakaawa.

"Hahah, sige na nga, dun sa isang lamesa, tara tama na muna 'to. Kain na tayo!" pag-iimbita ni Raffy.

May maidadagdag na naman silang memorable na pics sa pangpitong anniversary album nila. So far, ito na yung pinakamagarbo, pero wala pa ring tatalo sa kanyon ng pirate theme nila nung nakaraang taon. Ito pa rin ang pinakamaganda sapagkat ito ang pinakanagustuhan ni Gabby.

Parang bata namang nakangisi si Gabby habang binubulatlat niya yung mga candy at chocolate frog. Parang fortune cookie yung chocolate frog, at bago kainin, binabasa pa ni Gabby yung mga nakasulat sa kalakip na card - yung mukha ni Harry Potter ang nasa card - "the boy who lived..."

Inabot na rin ni Raffy yung treasure chest. Alam na ni Gabby ang laman nito.

"Aww... Saan ka nakakita nito? Halos wala na ito sa mga bookstore. Kung saan-saan na ako naghahanap..."

"Natsambahan ko lang yan sa National sa may Shangrila. Sakto, nag-iisang stock na lang. Ilang buwan ko nang itinatago yan dito sa kwarto para sa seventh anniversary natin. Buti nga di mo nakita eh kasi ngayon ko bibigay sayo."

Binuksan pa ni Gabby, at gaya ng ine-expect niya, ang mala-nobelang greeting card. Pagbukas niya, tumunog bigla yung card. Napangiti siya. Saka may sumulpot na picture ni Harry Potter, nakasakay sa walis niya habang sinasalo ang snitch.

----------------------------------------------------------------------

Sa pinakamamahal ko,

Grabe.. Pitong taon. Sabi nila, seven is the luckiest number. Sinong mag-aakala na may umaabot ng pitong taon sa mga panahong ito. Dami na nating pinagdaanan. May times na akala ko tuluyan ka nang mawawala sa buhay ko. Ayoko nang alalahanin pa yun. Takot akong mawala ka. Mahal na mahal kita, Gab. Sobra.

Una sa lahat, gusto kitang pasalamatan dahil minahal mo ako nang ganito katindi. Salamat sa pag-aaruga mo. Sa bawat tagumpay at kabiguan ko, lagi kang nariyan. Kapag naguguluhan ako, tinutulungan mo akong magdesisyon. Kapag nalulungkot ako, isang haplos mo lang, maligaya na ulit ako. Kapag malapit na akong sumuko, hinahawakan mo ako, niyayakap, sabi mo "Kaya mo 'yan!"

Di ko akalain na makatagpo ng soul mate at ikaw yun. Di ko na iniinda pa ang sasabihin ng iba basta alam ko maligaya ako sa piling mo.

Ngayon ko lang sasabihin ito sayo pero nung unang beses pa lang kitang nakita, naramdaman ko na iba ka.

Natakot ako nun, mahirap magtago ng pagkatao, pero sobrang lakas na talaga ng tama ko sayo, kaya sa maliliit na pagkakataon, pinapakiramdaman ko kung may nararamdaman ka rin sa akin.

Kaya nung nagpaturo ka sa isang subject mo sa math nung college pa tayo, pinag-isipan kong mabuti kong iririsk ko ba, kung ipupush ko ba, kasi kahit sa ikli ng panahon na nakilala kita nuon, pakiramdam ko, matagal na kitang kilala. Na matagal na kitang mahal.

Di mo lang alam na matapos ng mangyari sa atin, buong magdamag kitang pinagmasdan. Inisip ko kasi nuon na baka mailang ka na sa akin at tuluyang umiwas. Pero, tinanggap mo kung sino at ano ako nang walang panghuhusga. Mula noon, nabuhayan ako ng pag-asa na pwedeng maging tayo.

At nung naging tayo na? Di mo lang alam kung gaano ako kasaya. Kulang na lang di na kita pakawalan habang magkayakap tayo noon sa may Tagaytay. Dama ko pa rin ang kaligayang yun magpasahanggang ngayon.

I love you, Gabby. I love you. I love you. Ilang ulit pero di ako magsasawa.

Pangako, hanggang sa dulo, ikaw lang at ako.


Ang pinakamamahal mo,
Raffy

----------------------------------------------------------------------

Tuluyan nang tumulo ang mga nagngingilid na luha sa mga mata ni Gabby. Dali-dali niyang pinuntahan si Raffy at niyakap nang napakahigpit. Sa pagod nilang dalawa, parehas silang nahiga habang magkayakap.

"I love you, Raffy. Pangako, kahit anong mangyari, lagi akong nandito sa tabi mo." pagsusumamo ni Gabby.

Pinahiran ni Raffy ang mga luha ni Gabby at tumingin nang masinsinan sa mga mata nito.

"I love you, Gabby..."

----------------------------------------------------------------------

Taus puso akong nagpapasalamat sa mga bumasa ng Part 1 ng Wakey Beki, lalo na kay Prince (Prince Stefan, ikaw ba yan? Pinanood ko yung indie movie niyo ni Joross Gamboa na "I Love You. Thank You.").

Prince, at sa iba pang nakabasa, maraming salamat sa paglalaan ng inyong oras upang namnamin ang unang kwento. Salamat rin sa comment mo, Prince. Sa totoo lang, ilang araw na akong balisa dahil parang ayoko nang i-share ang mga susunod na kabanata ng story. Humingi ako ng sign. Kapag may isang nag-comment, magsasubmit ako ng kasunod ng kwento. Pero kapag wala, wala namang pakialam ang mga bumibisita sa KM kaya di ko na ipagpapatuloy ang kwento ko katulad na lamang ng mga seryeng ito na di na talaga nasundan pa (pakihanap sa archives ang mga sumusunod: Fallen, Si Carlos at Miguel, Bjorn's Diary : Hospital Diaries). Kaya (ehem) please lang kung buhay pa kayo, ituloy niyo naman ang kwento dahil nabitin ako sa kilig. Sige kayo, kapag di ako nakatiis, ako ang magtutuloy ng mga kwento niyo. Syempre, with the permission of KM admins, deal?

Umaasa akong nagbigay ito ng kaalaman sa HIV. Friends, di sa pagiging paranoid subalit dumarami na ang mga apektado ng kondisyong ito. Sa halip na manghusga o matakot, i-equip natin ang sarili natin ng sapat na kaalaman upang lubusang maunawaan ang HIV. Tulungan rin natin sila sa kanilang advocacy. Kaya nanalo si Pia Wurtzbach, di ba, kasi matapang niyang sinabi ang tungkol sa HIV crisis sa Pinas nung Q&A niya at alam naman nating mabigat ang stigma sa HIV.

KM Admins, request lang, alam ko kasing sa bawat kwento may 'signature photo' ng lalaki. Pwedeng pakipalitan ng picture yung para sa Wakey Beki? Yung picture nila Coco Martin at Mico Palanca (di na si John Spainhour), please kung pauunlakan ninyo :) ? Malay niyo kapag naging movie ito, silang dalawa ang gumanap. Hehehe, maraming salamat! Salamat dahil akala ko di niyo na ilalagay ang kwentong in-email ko pero heto na, at nasundan pa.

Marami pa akong gustong ibuhos upang bigyang buhay ang kwento ng pag-ibig nina Gabby at Raffy. Por que ba may HIV na kailangan malungkot na lagi? Hehehe. Tao pa rin sila, at mas magandang harapin ang mga pagsubok nang may nagmamahal at nang maligaya. Itutuloy ko pa rin ang kwento. Nagpasya ako na di ko naisiksik lahat sa kabanatang ito kaya sa pangatlo, doon may paglalagyan ang karugtong ng pakikipagsapalaran nila Gabby at Raffy.

Paano ba ang 'safe sex'? Mahirap maging specific. Search pa muna siguro ako...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This