Pages

Sunday, June 24, 2018

Enough is Enough (Part 1)

By: Max
 
AUTHOR'S NOTE: Just to be clear, merong mga time jumps dito sa story. Everytime makikita niyo yung mga asterisk (*), it means nangyari yun on a different time - past, present o future. Thanks for reading. :)

APRIL 2018
"Ang hirap ng ganito." yun na lang nasabi ko habang napa upo ako sa pinakamalapit na bangko sa daan.

"Jake please." nagmakaawa siya. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. "Mahal kita."

Napangiti na lang at napailing. "Ang daling sabihin." sagot ko. "Pero may girlfriend ka. May bahay kayo na pinupundar. Ano na lang magiging situation natin pag ganun?"

"Hihiwalayan ko siya. Please Jake."

Pinisil ko kamay niya at binitawan. "Hindi mo magagawa yun. Alam natin parehas yun."

Napayuko na lang siya at wala ng sinabi. Napabuntong hininga ako at sumandal sa bangko, tumingin sa taas, sa dilim ng gabi. Wala kami parehas imik, parehas kami hindi alam ano ang susunod na gagawin.

******************************************

APRIL 2011
"Jake?" tawag sakin ng aking team lead. Napatingin ako sakanya at ngumiti. Sabi niya ay kakausapin daw niya ako sa cubicle niya kaya sumunod ako.

"Yes ma'am?" ang tanong ko habang umupo sa harapan ng desk niya. May ginagawa siya sa pc niya at makaraan ang ilang minuto ay saka siya humarap sakin.

"We have a new team member coming in today." paliwanag sakin ng aking team lead. "Hindi siya mapupunta sa team mo, pero wala si Mac ngayon so ikaw na muna ang magoorient sakanya hanggang bumalik si Mac."

"Po? Ma'am, hindi naman ako officer or team lead. Baket naman ako?"

"All the other team leads are busy sa migration so since you're the most senior among the programmers, its only fitting that you will be the one to show him around."

"Sige ma'am. Ano ba name niya?"

Pagkatanong ko ay lumapit naman ang admin assistant namin na si Cherry. "Hello madam." bati niya. "Andito na yung bago niyong programmer. Si Ivan."

Napatingin ako sa labas ng cubicle at napatigil. Nakatayo sa tabi ni Cherry ang isang maputing lalake. Katamtaman lang ang tangkad pero sa suot niyang hipit na long sleeves e makikita mo ang hubog ng kanyang katawan. Napatingin sakin si Cherry at sabay bumulong, "Beks. Laway mo tumutulo."

Natauhan ako at tinabig si Cherry. "Loko ka talaga."

Lumapit ang aming team lead at nakipagkamayan kay Ivan. "Good morning Ivan."

"Good morning ma'am." ang maikli niyang sagot. Ang malalim niyang boses na nakakatindig balahibo. Napaka manly ng dating.

"I wish I could show you around the office but I'm really late for a meeting. This is Jake, he's the senior programmer of the team, he can show you the in and out of the work you'll be given." explain ni team lead. "Oh pano Jake, ikaw na muna bahala dito a. Ill be back this afternoon." hindi na hinintay ng aking team lead ang sagot ko at sabay hinila na si Cherry kasama niya.

"Ivan pare." bati niya sakin at inabot ang kamay.

Tumango ako at nakipagkamay. "Jake." Ang lambot ng kamay niya.

Ngumiti siya. "Magkateam tayo?"

"Actually hindi. Team lead mo talaga is si Mac pero naka leave siya for the week."

"Sayang naman."

"Huh?" tanong ko. "Baket sayang?"

Nagshrug si Ivan. "Pakiramdam ko lang e magiging friends tayo."

Bago ako magpatuloy, magpapakilala muna ako. Ako si Jake. Nagtratrabaho sa isang bank as an IT programmer. Kaka promote ko lang to senior programmer nung ika third year ko dito. Seryoso akong tao, hindi masyado lumalabas, mahilig lang sa bahay manood ng series o di kaya maglaro ng games. Hindi din ako masyado palakaibigan. Sabi nga ng mga iilan kong kaibigan e suplado ako. Hindi lang talaga ako mabilis magtiwala pero once makilala mo ako, lalabas dun ang pagkamakulit ko.

So pinaupo ko na lang muna si Ivan sa tabi ko at inexplain sa kanya yung hawak namin na system. Hindi ko din ganun kagamay lahat kaya minsan napapakamot na lang ako ng ulo. Hindi naman umiimik masyado si Ivan habang nageexlain ako.

"Okay ka pa ba?" tanong ko.

Napailing na lang siya at napakamot sa ulo. "Medyo information overload pero kayang kaya. Hehe."

"Sa simula talaga ganun." ang paliwanag ko naman. "Buti nga ngayon medyo hindi na ganun kabusy kaya okay na din."

"Ganun ba. Kinakabahan kasi ako, first job ko din kasi to."

"Ah so virgin ka pa."

Nanlaki ang mata ni Ivan at biglang sagot, "Hindi a!"

Napatawa ako sa reaction niya na yun at tinapik sa balikat. "Easy lang. First job, first time, virgin. Ito naman, defensive a."

Napakamot na lang uli si Ivan ng ulo niya. "Nabigla kasi ako sa sinabi mo. Iba ka din naman kasi mag bring up ng topic."

"Haha." tumayo ako sabay punta sa kabilang pwesto at binuksan ko ang pc. "Dito ka na siguro magstation. Para kung may tanong ka dito lang ako sa tabi mo."

"Wow." sagot ni Ivan. "Alagang alaga mo ko a."

"Siyempre. Virgin e."

Nanlaki nanaman mata ni Ivan at sabay tawa. "Thanks Jake."

******************************************

APRIL 2018
Binuksan ko ang pinto ng tinitirhan kong condo at pumasok. Madilim ang buong unit. Naririnig ko padin yung tawa niya na para bang andito padin siya sa tabi ko. Binuksan ko ang ilaw at umupo sa sala. Akmang bubuksan ko ang tv para magkaingay sa kwarto ng magring ang phone ko.

Napatigil ako at tinignan ang pangalan ng tumatawag. Pangalan niya ang nakadisplay. Hindi ko ito pinansin at pumasok na lang ako ng kwarto para kumuha ng mga damit pangbahay at maliligo na lang ako.

Pagpasok ko ng banyo andun pa mga toiletries niya. Madalas dito siya natutulog kaya napagisipan namin nun na magiwan na siya ng mga toiletries niya tulad ng toothbrush, shampoo, facial wash, razors. Binuksan ko ang shower at pumasok sa loob. Nakatayo lang ako sa ilalim ng shower head habang ang tubig ay patuloy lang sa pag agos.

Mga ilang minuto din nakalipas at natapos din ang aking pagligo. Nagbihis at bumalik sa sala. Tinignan ko nun ang aking celphone at nakitang may apat na missed calls na siya sakin at maraming mga text. Binuksan ko ito isa isa at binasa.

"Bigyan mo naman ng chance to Jake."

"Sayong sayo lang ako. Wala ng iba."

"Makikipaghiwalay ako sa kanya. Pangako yun."

"Sagutin mo naman phone mo Jake please."

"Jake?"

Hindi ko na tinuloy ang pagbasa ng iba pa at binura ko na lang lahat. Mga ilang minuto, may tumawag na iba. Ang best friend kong si Anne.

"Hoy Jake!" bati sakin ni Anne at hindi ako binigyan ng chance magsalita. "Ano nanaman kadramahan ang nangyayari sa inyong dalawa ha? Nakakailang tawag na sakin boylet mo hindi ka daw sumasagot sa mga tawag niya, sa mga text niya. Nag away nanaman ba kayo? Yan na nga ba sinasabi ko e. Matagal ko ng sinasabi sayo na hiwalayan mo na yan."

"Bes saglit lang. Naririndi ako sa boses mo."

"Aba at sumasagot ka pa."

"Nanay lang?"

Tumigil si Anne sa kakadada at hinintay ako magsalita. Mga ilang seconds din yun bago ko sinabi, "I ended things with him na Anne. Hindi ko na kaya."

Walang sagot si Anne sa kabilang linya ng mga ilang minuto din. Hinihintay ko na maglitanya nanaman siya pero ang una niyang sinabi sakin ay, "Ill be there in twenty minutes. Forty if traffic sa edsa. Magdadala ako ng alak."

Napailing na lang ako at inend yung call. Bubuksan ko na dapat sa wakas yung tv ng may kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko ito at nabigla sa nakita ko.

"Hey Jake." ngiti ng taong asa kabilang side ng pinto.

"Ivan." ang aking nabanggit lang.

TO BE CONTINUED...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This