By: Aristotle
Umalingawngaw sa buong paligid ang sirena ng humaharurot na ambulansya galing sa kabilang ciudad. Heto ako, nagdadalawang isip na kung itutuloy ko pa ba ang aking planong matagal ko nang ginawa. Kinilabutan ako. Ano kayang nangyari sa apsyenteng iyon? Napabuntong hininga nalang ako ng malalim. Ilang daang milya na rin ang aking nalakbay mula Iligan City at milagrong hindi pa bumibigay itong second hand na Adventure na gamit gamit ko simula pa noong isang taon. Hindi ko na ininda ang aking cellphone na magdadalawang araw nang patay dahil narin sa ayaw kong obligahin ang aking sarili na sagutin ang nakakabinging sermon ng aking mga magulang. Sa huling sandal ng aking buhay, ayaw kong baunin ang mga boses ng aking mga magulang.
Nadatnan ko ang matinding traffic sa Cagayan de Oro. Saktong nagugutom ako ng mapagpasyahan kong kumain na muna sa malapit na Jollibee tsaka magmaneho ulit. Mahaba-habang biyahe ang papuntang Surigao del Norte. Plano ko kasing baybayin ang buong Northern Mindanao. Sa Siargao kung saan di pa ako nakakapunta, doon ko na wawakasan lahat. Opo, ako po ay isang walang kwentang tao. Kaya naman gagawa ako ng isang bagay na makakapagpabuti ng ating mundo. Ang ako’y tuluyang mawala na. Siguro tatalon ako sa roro? Magpapaanod sa mga alon? Kaso baka naman galos lang ang abutin ko gaya nang sinapit ng anak ni Karen Davila. Pag-iisipan ko nalang pagkarating doon.
Binaybay ko ang mala-ahas na daanan ng National Highway System ng Misamis Oriental. Masasabi kong ito ang una kong Road Trip kung saan ako mismo ang nagmamaneho. Sanay akong bumiyahe kung saan ko man gustuhin, ngunit nakaeroplano nga lang, o di kaya naman ay may ibang tagamaneho ng kotse.
Nasaksihan ko ang pagbabago ng mga tanawin. Unti-unti nang nababawasan ang pagiging urban ng paligid, hudyat na malayo na nga ako sa Cagayan de Oro. Tahimik at kakaunti lamang ang mga sasakyan na siyang nagpagaan ng daloy ng trapiko, at siya rin naging dahilan kung bakit muntikan na akong makatulog at makabangga ng taong noon ay tumatawid sa kalsada. Buigla akong napahinto at lumabas ng sasakyan para suriin ang kanyang kalagayan. Nadatnan ko siyang pinulot ang kanayang malaking Osprey backpack na nalaglag matapos siyang madapa dahil nadin sa gulat. “Sorry! Sir Sorr!”, ang tanging nasabi ko. “It’s my first time driving. I’m so sorry!”, Ingles ang aking paghingi ng paumanhin dahil napansin kong parang dayuhan ata ang muntikan ko nang mapatay. Habang nakayuko siya at inaayos ang kanyang backpack, napansin kong pamilyar ang taong iyon. Tumingala siya. “Fuck yeah. You almost killed m─Tin?”,
gulat na tanong ng lalaki na siyang tumayo agad at binagsak ulit ang kanyang hawak na backpack. Napatingala ako dahil narin sa angkin niyang tangkad na halata naman nakuha niya sa kanyang amang Amerikano. Nagningning ang kanyang mga mapusyaw na tsokolateng mata. Malalim ngunit misteryoso. “I can’t believe this!”, hawak hawak niya ang aking magkabilang balikat at niyuyogyog ako. Kumalas ako. “Ikaw! Anong ginagawa mo dito?”, tanong ko habang nakapamaywang. “I should be the one asking you that. Anong ginagawa mo dito?”, tinaasan niya ako ng kilay. Matagal-tagal na rin nang huli kong makita ang mga makapal niyang kilay nagtataas baba tuwing inuusisa ako. Matagal -tagal narin.
***
( 14 months ago )
“Ikaw naman Tin!”, inabot sa akin ni Albert ang shot glass na punong puno ng Empi. Bagamat hindi man ako sanay uminom ay sinubukan ko din. Sinubukan ko na dahil kalian ko pa ba iyon gagawin? Naghiyawan silang lahat nung inubos ko iyon na siyang kinasira ng aking mukha. Nakakailang shot na din ako, at halatang halata na ang aking pamumula sa tuwing pumupunta ako sa banyo at tumitingin sa salamin. Ramdam ko na ang tama ko. “Hoy tama na yan. Baka patayin tayo ng nanay ni Tintin”, pagsuyaw ni George sa kanila. “Oh ano? Kaya pa?”, bumulong siya sa akin at ako lang naman ay umiling. Tumagal hanggang alas dos nang madaling araw ang inuman at napagpasyahan naming umuwi na. dinala ako ni George sa Condo na nirerentahan naming dalawa. Nasa Makati kami, at nagdiriwang ng huling araw ng aming internship. Huling araw na magkakasama kami. Ako, babalik ng Iligan. Siya, babalik ng Cebu. Habang inaayos niya ang higaan ay napatingin ako sa kanya. Ngumiti ako at ganun din naman siya. Di ko mapigilan ang mapatulala sa kanyang maamong mukha. Inusisa ko ang bawat detalye ng mukha niya. Bigla akong lumapit at niyakap siya. “Ok lang yan. Babalik din ang tino mo bukas”, narinig kong sabi. Napaluha ako dahil unang-una, yakap ko siya. Pangalawa, unang beses kong makaramdam ng ganoon. Pangatlo, alam kong hindi niya ako mapapatawad sa gagawin ko.
Hinalikan ko siya.
Naitulak niya ako at bumagsak ako sa sahig na siyang nagpatulog sa akin.
Nauna akong nagising sa di ko alam na dahilan. Dali-dali akong nag-impake ng gamit. Umalis ako ng di nagpapaalam. Hindi ko nakalimutan ang ginawa ko sa kanya kagabi. Alam kong dapat narin akong umalis. Hindi pa ako nakakabili ng plane ticket noon kaya dumiretso ako ng pier at naghintay sa susunod na barko. Bahala na.
Iyon ang huling beses na nakita ko siya.
***
Tahimik ako habang nagmamaneho, habang siya naman ay inuusisa lahat ng nakasabit sa aking sasakyan. “Andaming Feng Shui”, narining kong sabi niya. Malamang, Chinese ang pamilya ko.
“You’re not going to talk?”, tanong niya ulit. “Albert Einstein Yu? Hello?”. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang tinatawag ako sa aking tutuong pangalan. “Ano?”, matipid kong sagot.
“Ahem. So, it’s coincidence we’re both going to Siargao, right? Want me to teach you surfing?”
“Pwede”
“And I can also teach you riding a motorbike”
“Sure”
“And I can teach you riding uh…me”
“What!”
“Wala! Tipid mo naman magsalita. Hanggang ngayon ba naiilang ka padin?”, narinig ko ang mahihina at pigil niyang tawa na siyang dahilan ng pagragasa ng dugo sa aking mukha. Ramdam kong malakamatis na ata ako noon.
“Fuck, George. What’s your problem?”
“Fuck, as in fuck... like, fuck?”, tumingin siya ng nang-aasar.
“Fuck as in I’m gonna fucking kill you”
“Okay. Just kidding. Forget it”, tumahimik siya bigla.
“Ano bang ginagawa mo dito? In the middle of nowhere, eh?”, nagtanong ako. Ano ba naman kasing ginagawa niya sa lugar na iyon?
“I was in some errands. You know, wanderlusting. Haha”
“Cliché millennial”, napatawa ako ng mahina. Hindi naman siya sumagot. “Hanggang pier ka lang ah. Let’s go on separate trips.”, pagklaro ko sa kanya.
“Why? Ayaw mo ba kasama ako, ha baby?”, sinundot niya ang pisngi ko. Tinignan ko lang siya ng masama na parang nagbabanta. Hanggang ngayon ay makulit parin siya. Hanggang ngayon siya parin.
“Ahem. Kidding.”
***
Napahinto kami sa isang bus terminal dahil ihing-ihi na ako. Ayokong umihi kung saan man dahil nagkataon na nasa lungsod na kami ng Gingoog. Sabayan ko nadin ng kape. Ngunit sadyang mahaba ang pila kaya naman napilitan akong pigilan ang pagputok ng pantog ko. Pagkabalik ko ng sasakyan, nadatnan kong di mapakali si George.
“Oh kape… May multo ba?”, inabot ko ang kape sa kanya at isang doughnut.
“Ah-th-thanks”, kinuha niya iyon. Di parin siya mapakali kaya naman nagtaka ako.
“Hoy. Ano ba! Anong problema?”, tanong ko habang inaayos ang sarili upang makapagsimulang magmaneho ulit. Yumuko ako upang abutin ang aking journal na hindi ko napansing nasa paanan ko na pala. Sana naman di niya iyon napansin. Nilagay koi yon sa aking maliit na bag tsaka hinagis sa likuran.
“Are you really serious?”, bigla siyang nagsalita at tumitig sa aking ng matagal.
“Serious about what?”
Di naman siya sumagot. Napansin kong tumingin lamang siya ng diretso.
“Okay. Let’s go.”, sabi ko.
***
Tumagal ng ilang oras din bago kami makarating ng Butuan City. Hindi ko first time ang makapunta sa syudad na ito, at di din naman ito nagkakalayo sa Iligan City, na siyang hometown ko. “Dun nalang kaya tayo?”, tinuro niya ang Ribonsons Mall. “I’m hungry”, sabi niya. Hindi ako sumagot at dumiretso ng parking lot ng mall. Pumasok kami at naghanap kung saan pwedeng kumain. Napagpasyahan naming doon nalang sa isang di masyadong mataong kainan. Pumayag naman siya sa gusto ko, dahil alam na alam niya kung paano ako ka-allergic sa mataong lugar. “Okay? So, what will you do in Siargao?”, Tanong niya habang hirap na hirap gamitin ang chopsticks niya.
“Maglalaba”
“Maglalaba, o magmomove on? Haha”
“Right. Suit yourself. Teka, naligo ka na ba? Bantot mo e”, pang-asar ko. Hindi siya mabantot. Hindi naman din mabango. Amoy magkahalong pawis at pabango. Yung pinakagusto kong amoy. Amoy niya.
“Sabay tayo maligo?”
“Pfft”, iniwas ko ang aking mga tingin at pinagtuunan ko na lamang ng pansin ang aking kinakain.
“Here. I’ve been travelling for weeks already. Sounds cool, eh? I was even in iligan yesterday… but um… Nevermind. So, byahe tayo ngayon or overnight muna sa hotel?”, tanong niya habang tinataas baba na naman niya ang mga kilay niya.
George, alam mo bang iyang ang isa sa mga kahinaan ko sa iyo?
“Hotel? Loko ka ba? Wala akong pera”
“Sus. Walang pera ang tagapagmana ng negosyo ng daddy niya?”
“Wala akong trabaho.”
“Bakit kasi ayaw mong magtake ulit ng board exam. Baka di ka alng maswerte nung una.”
“Hindi ako tulad mo matalino.”
“Here we go again”, at humigop siya ng sabaw.
Ang ayaw ko sa lahat ay iyong dinidiktahan ako. Bata pa lamang ako, hindi ko na lubusang naintindihan ang kahulugan ng salitang Kalayaan. Lahat ng bagay sa bahay, sa aking pag-aaral, at pati sa aking mga magiging kaibigan ay nakalista na sa mga hanay ng batas ng aking mga magulang. Dapat ganito. Dapat ganyan. Pati ang kursong Architecture ay pilit kong tinapos. Di ko nga lang naipasa. Iyon ang naghudyat na pagkakalamat ng relasyon namin ng aking mga magulang. Lalo na ng aking ama.
***
“Kung gusto mong matulog ngayon ditto, okay. Pero tutuloy ako.”, sabi ko habang siya naman hinahalungkat ang maki niyang backpack at hinahanap ang ID niya. Nakatingin sa kanya ang dalawang receptionist ng hotel, halatang nabibighani sa kanyang angking kakisigan. So what? DUH!
“Sorry… here”, inabot niya ang ID siya sa reception at napansin kong inipit ng babae ang kanyang mga labi upang mapigilan ang pagngiti. Pansin ko din ang kasama niyang panay sundot sa beywang niya, halatang inaasar ang kasamang lumalandi.
“I saw that!”, bigla niya akong tinitigan. “You just rolled your eyes! Haha”
“Shut up.”
Yumuko siya ng konti at bumulong sa akin, “Jealous”
“Ugok! Mukha mo.”
“You sure you’re leaving me here, eh? Gaganda nila oh. Haha”
“He-he-he”
Biglang siyang umakbay sa akin at tumawa. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon at maging ang dalawang receptionist din. Maliit lang ang lobby ng Hotel kung nasaan kami. Ito yung hotel na kakabit lang ng mall. Tumitig siya sa akin ng nakangiti tsaka binaling ang tingin sa mga receptionist.
“Here’s your key, sir!”, inabot sa amin ng babae ang susi at card.
“Oh, mauna na ako”, kumalas ako sa kanya ngunit hindi niya ako pinayagang makaalis sa mga bisig niya.
“You’re staying.”
***
Bumaba siya dahil bumili ng chips at softdrinks. Saktong wala siya kaya sinamantala ko na lamang na maligo. Doon, saktong pagdating niya ay tapos na ako. Napagod ako sa biyahe kaya naman agad na akong pumwesto sa gilid ng kama. Nailing ako bigla kaya naman pinikit ko na ang aking mga mata at pinilit ang aking sarili na makatulog. “Hoy. Akala ko ba manunuod pa tayo ng movie?”, narinig kong nilapag niya sa maliit na mesa ang mga pinamili niya.
“I’m tired”
“You’re not. You’re just being awkward again. Wait for me. Shower lang ako.”
“Okay.”
***
Habang naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo, binuksan ko ang kanyang laptop at hinanap ang folder kung saan nakalagay ang mga napirata niyang mga pelikula. Saktong nahagip ng aking paningin ang isang folder may titulong INTERNSHIP 2016. Binuksan ko ito at tumambad sa akin gang mga larawan naming magkakagrupo. Napangiti ako habang inisa-isa ko ang bawat larawan. Napahinto ako nang makita ang tanging larawan naming dalawa ni George. Nakaakbay siya sa akin habang may hawak na bote ng San Mig, at ako naman ay nakangiti habang ang aking kaliwang kamay ay naka-peace sign. Biglang bumukas ang pintuan ng banyo at ako naman ay dali daling bumalik sa aking ulirat upang maghanap ng pwedeng mapanuod.
“Sorry, bro. I don’t have porn.”, narinig kong sabi niya. Hindi na ako tumingin sa kanya. Alam ko nang tanging tuwalya lang suot niya.
“So…”, lumapit siya sa akin habang nararamdaman ko ang aking panginginig. “Can you hand me over my boxers?”, inabot ko sa kanya ang kanyang boxers na nasa tabi ko.
“Thanks”, at hinagis niya sa akin ang tuwalya niya. Di pa rin ako tumingala at nagpanggap na parang wala akong napapanuod na naghuhubad sa aking harapan. Naririnig ko ang mga mahihina niyang tawa. Halatang pinipigilan ang sariling humagalpak sa kakatawa.
Tigas na tigas na ako, sa tutuo lang.
Tumabi siya agad sa akin. Hindi ako tumingin ngunit pansin ko ang pagpapacute niya.
Hayop.
“Will you stop annoying me?”, bigla akong nagsalita ng mahina.
“What? I’m not doing anything!”, wala nga ba? Eh ramdam kong sinasadya niyang ihaplos niya ang kanyang balat sa akin.
“Ehto na. Kung Fu Panda nalang. Walang iba eh”, sabi ko habang pinipindot ko ang laptop niya.
“Hanggang ngayon feeling babay ka parin.”
“Baby mo mukha mo”
“Sige na po. Ikaw masusunod ngayon”
***
At tinulugan nga ako ni George.
Nasa kalagitnaan na ako ng pelikula nang mapansin kong bumagsak na ang ulo niya sa kaliwa kong balikat. Di ako gumalaw. Bagamat hindi ako komportable sa aming posisyon ay hindi ko mapigil ang aking pag ngiti. “George.”, pagtawag ko sa kanya ng mahina. “George”
“Hmmm”, gumalaw lamang siya at inayos ang kanyang ulo sa unan. Kinagulat ko ang sumunod niyang ginawa.
Yumakap at dumantay siya sa akin.
Mistulang naging yelo ako sa mga sumunod na oras.
***
Nauna akong gumising, naligo at nagsipilyo. Inayos ko na ang mga gamit ko at nauna nang bumaba. Naghintay ako sa lobby ng halos isang oras din. Iba na ang nakaduty na receptionist. Buti nalang. Narinig ko ang tunog ng elevator na siya naming hudyat ng pagdating niya. Nagcheckout na siya at tumitig lamang sa akin. Ngumiti siya, maging ako din ay napangiti nadin.
“Bakit?”
“Nothing. It’s been more than a year since I last saw that face.”
“Um. You don’t say that in public. That’s social suicide.”, sabi ko habang pinupunto kong walang lugar ang mga corny niyang banat sa mga matataong lugar. Panay na naman ang tingin sa amin ng receptionists. “Thanks!”, huling sabi ni George.
“This is really awkward. People are thinking we’re a thing!”, sabi ko habang naglalakad ng mabilis papuntang parking lot.
“So? Di ba yan naman gusto mo. Haha”, tumalikod ako upang humarap sa kanya.
“The fuck?”
“Umagang umaga pikon ka na. Diretso na nang makaalis na tayo”, hinawakan niya ang magkabialng balikat ko at itinulak na para bang minamaneho niya ang kanyang motor papuntang parking lot.
“George. Let’s get this straight. Di mo na akong pwedeng biruin ng ganyan. Di na tayo tulad ng dati. Wake up!”, naging mas mabilis na ang aking pag apak sa accelerator.
“Com’on. Ikaw lang naman ang nagbago.”
“Which is exactly my point. So don’t treat me as if I’m still the old Eintein you knew.”
“Why are you so stubborn? If it’s still about me blocking you, not answering your calls and emails… please. Let’s just forget that! I’ve moved on. You should too!”
“Fuck! So ako pala itong atat sayo? Wow pre kapal mo.”
“Haha. Bakit, di nga ba?”
“I was trying to reach you out because I needed to clarify things. Gusto kong humingi ng sorry sa ginawa ko. Tsaka I betrayed you by that stupid kiss! I wasn’t even thinking about you being with Meg. God! So don’t you ever think that I was head over heels on you becau─”
“Because you were”, he smiled.
Tumitig muna ako ng masama sa kanya tsaka niya ako pinahinto.
“Stop. Let’s take a picture. There!”, bigla niyang kinalas ang seatbelt niya at lumabas. Binuksan ko ang aking bintana upang dumungaw sa panawin.
Macapagal Bridge.
“Dali na! Picture tayo!”, narinig kong sigaw niya.
Agad naalis ang aking inis habang pinagmamasdan ko siyang masaya, nakatayo sa ilalim ng mainit at masiglang araw. “Tin, come over. Ditto tayo”
“Ikaw nalang kunan ko ng picture”, bakit pa ba ako magpapapicture. What’s the point?
Nakita ko siyang naglakad papalapit sa akin na mistulang nagpahinto sa aking mundo. Umakbay siya sa akin, inangat ang kamay na may hawak na cellphone tsaka ngumiti.
***
Habang natutulog ng mahimbing si George, pinagtuunan ko ng pansin ang aking pagmamaneho… pati narin ang aking plano. Paano nga ba? Hindi ko na masyadong kabisado ang mga daanan at tanging google maps lang ang aking sandata. Mahina ang signal sa ibang parte. Lumiko ako sa kanan. Nakakamangha ang tananwin ng Surigao. Matatas at nakakapangilabot ng mga bundok ang susubayin mo. Minsan, nasa gilid ka na pala ng bangin. Parang Baquio, hindi nga alng malamig. Magdadalawang oras na din nang mapagtanto kong maling daanan na pala ang aking binabaybay.
“We’re lost.”
“I think so”, sabi ko habang kinakabahan.
“This route is for Surigao del Sur, not Norte”
“How’d you know?”
“I’ve been here a couple of times.”
“So. We’re lost.”
“But don’t worry. There’s that small port, they have boats going to Siargao too. Believe me, they’re faster.”
Agad akong nakahinga ng maluwag. Hindi ko na tinanong kung may pwede bang pang long-term parking. Sa tutuo lang, kapag patay na ako, wala na akong pakialam kung anong mangyayari dito sa sasakyan ko. Bakit ko pa nga ba iyon iisipin?
Nakarating na nga kami sa maliit na pier. Inihanda ko na ang aking sarili upang lumabas ngunit pinigilan niya ako.
“Why Siargao? Can we go somewhere else?”, tumitig siya sa akin. Seryoso and kanyang mukha na para bang may pinapahiwatig.
“Then I’m going alone. You don’t need to come”
“Tell me why”
“Don’t ask me why… so, yun ba yung bangka? Liit ah, pero ok na.”
“Albert Einstein!”
“Why are you yelling at me!” lumabas ako ng kotse at pumunta sa likuran upang kunin ang gamit ko. Biglang may humatak sa braso ko.
“Let’s go to Davao. Or Bislig. You know that place? They’ve got a great waterfalls. Let’s go somewhere, please?”
“Why are you doing this, George?”
Napaatras ako gn bahagya dahil nakaramdam na ako ng pagdududa sa mga inaasal niya.
“I want you to live”
“As if I’m dying, eh?”
“No. I don’t want you to kill yourself!”, umalingawngaw ang sigaw niya sa buong paligod. Buti na lamang at tanging mga kargador at tagapamahala lamang ng bangkang nakadaong ang nandoon.
“And who gave you that idea? You crazy?”
“Because I’ve read your fucking journal, you bastard!”
Mistulang nabingi ako sa mga sinabi niya. Kahit tunog ng mga alon ay di ko na amrinig. Nangingilid na ang aking mga luha, kaya naman bigla akong tumalikod at tumakbo papalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Gusto ko lamang maglaho. Gusto kong makalimutang ang bigat at dilim. Gusto kong maglaho ang taong naging pasakit sa kanyang magulang. Gusto kong maglaho ang taong naging talunan. Gusto kong maglaho ang taong di man lang magawang ibangon ang sarili. Yung taong mahina at duwag. Yung taong AKO.
***
Tumingala ako sa kalangitang malarosas. Malapit na ang sunset. Umupo ako sa buhangin habang pinagmamasdan ang karagatang kulay tsokolate. Ganuon ang kulay dahil nadin sa malapit na mining site. Ang ganda siguro ng data na iyon noon. Napansin ko ang isang malaking anino mula sa aking likuran. Hindi ako umiik kahit na noong tumabi siya sa akin. Dinama ko ang katahimikan nang bigla siyang magsalita ng marahan.
“I’m not in a wanderlust.”, bigla siyang nagsalita. Hindi parin ako umimik.
“I went to your house the other day. Your mom told me you left. Sabi niya papunta ka daw Cagayan de Oro para bumisita sa kaibigan… So I travelled to CdO. What was I thinking? Wala akong kakilala doon. Di ko man lang tinanong sa mama mo kung saan. So, I stalked you on facebook. Nothing. I found nothing, I tried to reach you out on messenger. You were not responding. I contacted a common friend. Si Leo. He told me you’re going to Siargao. And then… I got lost. Maling bus yung nasakyan ko kaya bumaba ako kung san mo ako halos mabangga. I was very lucky. I found you.”
“I’m sorry. I was very immature that time. I was scared of our situation. Me and Meg falling apart, that time. You. Me… such a hard time, eh. Sorry.”
“I’m okay. Everything is okay, George. No need to explain.”, sabi ko.
“No. I’m not okay… For 14 months, I’ve been thinking about how to make up things with you. I was stupid. But, I’m finally here Tin.”
Tumingin ako sa kanya na para bang nalilito ako sa mga sinasabi niya.
“What’s your point?”
“My point is that I want to make things right. If we were to rewind everything. I would not push you away. I would kiss you back. I would do that.”
“Sorry. Your romantic lines will never save me. Buo na ang decision ko, George”, tumawa ako ng mahina. Nilaro laro ko ang buhangin sa aking paanan.
“I can’t save you, but you will save yourself”
“I can’t do that”
“You can…” bigla niya akong tinulak at napahiga ako sa buhangin, tinitigan niya muna ako bago niya inilapat ang mga labi niya sa akin. Di ako gumalaw. Huminto siya. Pinagmasdan niya muli ang aking mukha at nagsalita.
“You can… but let me help you. I will make you realize that someone loves you. I do. I’m telling you that someone has travelled far just to see you again, to earn your forgiveness and bring back what’s lost. It’s me. I will remind you everyday that someone will go insane if you die. It’s me. I will never stop telling you how someone regretted like hell for letting you go because he was stupid and scared. It’s me. It’s me who will remind you of how great you are, Albert Einstein. Fuck them who can’t see you for who you are. Fuck them! But know this, I see you.”
Hinalikan niya ulit ako. Dinama ko ang bawat ritmo ng kanyang labi sa akin. Hindi ko na ininda ang pag agos ng aking luha. Tama nga siya, ako lang ang makakapagsalba sa aking sarili, ngunit hindi ko kaya iyon mag-isa. Kaya siguro nagtagpo ulit kami, upang maipaalala niya sa akin na may dahilan parin akong mabuhay. Na may puwang parin sa mundo ang isang tulad ko. Na maging masaya. Na mahalin. Na magmahal.
No comments:
Post a Comment