By: SadBoy
Gumising ako sa isang napakagulo at makalat na bahay. Nanunuot sa aking ilong ang amoy ng alak at sigarilyo. Napabuntong hininga naman ako sa nakita kong hitsura ng sala. Ilan sa mga kaklase namin ay natutulog sa sofa at may ilan namang nasa sahig na marahil dala ng sobrang kalasingan.
Tatlong araw na mula nang kami na lamang dalawa ni Marcus ang naiwan dito sa bahay at kung naging mahirap man ang tensyon sa pagitan namin nang mga araw na iyon ay mukhang mas lalong lalala ito ngayon.
Nag-imbita siya ng ilang mga kaklase at kaibigan niya rito sa bahay kagabi at sa madaling salita rito sila nagparty. Nagkulong lang ako sa kwarto nang mga panahong iyon at hindi rin naman ako nakatulog agad dahil sa sobrang lakas ng tugtugin nila. Minabuti ko na lamang na pabayaan sila dahil alam ko namang hindi gugustuhin ni Marcus na manghimasok pa ko sa pinaggagagawa niya.
Kasalukuyan kong pinupulot ang mga nagkalat na bote ng alak at ilan pang mga kalat nang may biglang humablot sa braso ko.
"M-Marcus?" nauutal kong sabi habang mahigpit niyang hinahawakan ang braso ko at dinala ako nito sa aking kwarto. Itinulak pa ko nito sa aking higaan na sya namang ikinagulat ko.
"Bakit ka lumabas?" kita ko sa mga mata niya ang galit kaya naman minabuti ko na lamang yumuko upang hindi masaksihan iyon.
"A-Ano kasi... Magulo na 'yung bahay. K-Kailangan kong linisin at saka d-di mo pa ba sila p-pauwiin. A-Anong oras na rin oh." nakatingin lamang ako sa sahig at kahit na di ko sya tingnan ay ramdam ko ang malamig niyang pagtingin sa akin.
"Wala ka ng pakialam dun at ayokong malaman ng mga kaibigan ko lalo na ng mga kaklase natin na magkakilala at nakatira tayo sa iisang bahay, naintindihan mo?" tumango na lamang ako sa sinabi nya at di ko na namalayan na umiinit na pala sulok ng aking mga mata.
Nagbago na talaga siya. Hindi ko rin maiwasan sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari. Ako ang unang bumitaw sa pagkakaibigan namin at ako ang unang nakasakit sa kanya.
Sumandal na lamang ako sa headrest ng aking kama at nagsalpak ng earphones sa aking tenga at nagpatugtog. Nagbukas din ako ng aking social media account at nakita kong may isang friend request doon.
Nagtaka ko dahil napakabihira lang na may nag-aadd sa akin dahil nga loner ako. Napangiti naman ako nang makitang si Jozeph pala iyon. Kaagad ko naman siyang inaccept at ilang saglit pa ay nagchat siya sa akin.
"Good Morning 😉" pagbati niya at sa totoo lang kinakabahan ako dahil di ako mahilig makipag-usap lalo na yung ganitong thru chat.
"Sayo rin. 😃" napafacepalm na lang ako sa aking reply. Ano ba namang klaseng response yon, di ba?
Nanalangin na lang ako na sana magoffline na sya dahil ayaw ko talagang nakikipag-usap sa chat lalo na kung biglaan at di naman importante. Pero mukhang di natupad iyon kaya wala kong nagawa kung di magreply dahil nahihiya rin naman akong snob-in sya.
Inaya nya kong magbike dito sa subdivision namin at sinabi pa nyang dadaanan nya ko pero tumanggi ako dahil alam kong nandito pa ang mga kaibigan at kaklase namin ni Marcus kaya hindi ako makakalabas. Sinabi ko na lang na may sakit ako at nagoffline na rin para makaiwas sa mahaba-habang usapan.
***
Napabalikwas ako sa pagtulog ko nang marinig ko na may tumatawag sa akin sa may labas ng bahay. Lumabas ako ng kwarto at mukhang wala na naman dito ngayon sila Marcus kaya tuluyan na kong tumungo hanggang sa labas ng bahay.
"Jozeph, anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong sa kanya. Mukhang maling ideya nga talaga na hinayaan ko syang ihatid ako hanggang dito sa bahay namin noong isang araw.
"I brought some fruits, ayos na ba ang pakiramdam mo?" pinapasok ko naman sya sa loob at nahiya pa nga ko dahil pagsisinungaling lang naman ang sinabi kong iyon sa kanya kanina.
"Di ka na dapat nag-abala saka di ba dapat mga naoospital lang ang dinadalhan ng prutas?" tumawa lamang ako nang mahina at napakamot lamang siya ng batok. Ipinatong ko sa mesa ang mga dala niya. Aalukin ko sana syang kumain dahil nahiya naman ako sa kabutihang loob nya nang bigla nyang idikit ang noo nya sa noo ko.
Nabigla ako sa ginawa nya at nailang ako lalo dahil nakahawak pa sya sa magkabilang balikat ko. Ilang saglit din kaming nasa ganoong posisyon nang humiwalay na sya.
"I'm just checking your temperature. I'm sorry." ramdam ko ang pamumula ng aking mukha kaya naman napayuko na lamang ako.
Halos magkalapit pa rin kami nang biglang nakarinig kami ng yapak galing sa hagdan at alam kong parehas kaming nagulat.
"M-Marcus?" taka niyang tanong habang papalit-palit ang tingin nya sa aming dalawa.
Sobrang lamig ng tingin sa amin ngayon ni Marcus at alam kong galit ito ngayon. Napalunok na lamang ako ng laway sa ideyang maaari na naman niya kong pagsabihan oras na umalis itong si Jozeph.
"W-Wait, you two are living in the same roof?" napabaling naman siya ng tingin sa akin at marahan akong tumango.
"Tsk. Nakita mo naman na pareho kaming nandito, di ba? Di ka na dapat pa nagtanong." ito na nga ba ang sinasabi ko kaya bago pa tuluyang kumulo ang dugo ni Marcus ay minabuti ko nang pauwiin na si Jozeph. Humingi na lamang ako ng pasensya sa kanya dahil nag-abala pa sya at di ko man lang sya naalok ng kahit na ano. Nginitian nya lamang ako at sinabing wala akong dapat ipag-alala bago siya tuluyang umalis.
Marahan kong isinarado ang pinto at nagulat na lamang ako nang biglang humarang si Marcus sa dadaanan ko.
"Boyfriend mo?" diretsa nyang tanong na nagpatingala sa akin. Napailing ako sa sinabi nya, pero ang mas ikinagulat ko ay ang unti-unting paglapit sa akin ni Marcus kaya naman patuloy rin ako sa pag-atras. Yun nga lang naramdaman ko na ang pinto sa likuran ko at ikinulong nya ko sa dalawa nyang mga braso.
"You're gay, aren't you?" mahinahon niyang tanong ngunit yung mga nata niya ay sobrang talim kung makatingin na para bang wala talaga akong maitatago sa kanya. Unti-unti akong yumuko at ramdam ko na ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata. Hinawakan nya ang baba ko gamit ang isa niyang kamay at itiningala ang ulo ko.
"SAGOT!" sigaw nya na nagpabigla sa akin kaya naman umiling lamang akong muli pero hinigpitan pa nya lalo ang pagkakahawak sa baba ko.
"H-Hindi nga M-Marcus. B-Bitiwan mo na ko." natatakot na ko sa kanya at gusto ko ng magkulong sa kwarto ko pero mas lalong di ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.
Hinalikan niya ko sa labi. Sobrang rahas nito na at pilit ko syang itinutulak pero dahil patpatin ako at siya ang lamang saming dalawa ay wala ring kwenta ang pagpigil ko sa kanya. Kinagat nya ang ibabang labi ko na siya namang nagpasinghap sa akin at ginamit nya ang pagkakataong iyon upang ipasok ang dila niya.
Ramdan ko na tumutulo na ang mga luha ko sa pareho kong mata pero wala akong magawa. Matagal-tagal din niyang pinapak ang mga labi ko hanggang sa humiwalay na sya at pareho kaming naghahabol ng hininga. Patuloy ako sa pag-iyak habang sya ay nakatingin lamang sa akin na para bang wala lang sa kanya ang kanyang ginawa. Didiretso na sana ko sa kwarto ko nang bigla itong magsalita.
"Now, let's see kung di ka nga talaga bakla." ngumisi siya at pinunasan ang mga labi nya gamit ang braso nya na para bang sya pa ang nandidiri sa ginawa nya.
Napaupo na lamang ako sa sahig matapos kong maisara ang pinto ng kwarto ko at doon ako patuloy na umiyak.
Hindi ko na alam kung paano ko pa sya haharapin nito. Dito man sa bahay o sa eskwelahan. Natatakot ako. Alam nya na ang sikreto ko pero hindi ko dapat sya bigyan pa ng motibo para mas maniwala doon. Hindi maaari. Ayoko nang mahusgahan. Itatago ko kung sino ang totoong ako.
***
Kasalukuyan akong nasa banyo malapit sa classroom namin at alam kong limang minuto na lamang at malelate na ko pero di ko alam kung paano ba ako papasok lalo na't nasa malapit sa pintuan ang kinauupuan ni Marcus.
Iniiwasan ko na sya simula pa lang nung unang araw ko kila tita Risa pero mas matinding pag-iwas ang ginagawa ko ngayon lalo na't di pa rin nawawala sa isipan ko ang ginawa nya sa akin noong Sabado.
Nakita ko na papaakyat na sa hagdan ang prof namin para sa parating na period kaya wala kong choice kung di pumasok na. Huminga muna ko nang malalim at mabilis na naglakad.
Nagtama ang mga mata namin ni Marcus pagpasok na pagpasok ko ng kwarto at kahit na saglit lang iyon ay pansin na pansin ko ang biglaan nyang pagngisi sa akin. Dumiretso ako sa pwesto ko sa may pinakadulo at umupo na pero ang ikinagulat ko ay ang isang vandal sa desk ko na isinulat gamit ang pulang marker. "FAGGOT!!!" iyan ang nakalagay at tila ba dumoble ang tibok ng puso ko. Napatingin ako sa mga katabi ko pero parang wala naman sa akin ang atensyon nila. Hinanap ko si Marcus at nakita ko syang nakaharap sa board pero may pinapaikot na pulang marker sa kanyang kamay.
Doon gumuho ang mundo ko. Ano bang problema sakin ni Marcus? Humingi na naman ako ng tawad sa nagawa ko sa kanya noon bago ko tuluyang umalis papuntang Amerika. Natatakot ako dahil alam kong maaaring ito pa lamang ang simula ng kung ano man ang binabalak niya.
Kinuha ko ang alcohol sa bag ko at tissue at saka ko sinimulang tanggalin ang nakasulat na iyon sa desk ko. Ramdam ko na naman ang pagiging malaking iyakin ko dahil umiinit na naman ang gilid ng aking mga mata.
Marcus, di mo na ba talaga ko mapapatawad? Napabuntong hininga na lamang ako sa isiping iyon. Itinuon ko na lamang ang sarili ko sa discussion upang matabunan ang lahat ng inaalala ko.
Dumating ang break time at naalala kong inaya nga pala ko ni Jozeph kanina dahil sabay naman daw ang break time namin tuwing Lunes kaya pumayag na ako. Papalabas na ko nang biglang umakbay sa akin si Marcus.
"Guys, baka may ipapabili kayo sa cafeteria at nagpresinta na itong si, ano nga ulit pangalan mo?" tumingin pa ito kunwari sa ID ko na para bang hindi niya talaga ko kakilala.
"Ahh, si Jacinth na isabay na sa bibilhin niya ang ipapabili niyo." ngumiti naman ito nang nakakaloko at hinigpitan ang hawak sa balikat ko. Wala akong nagawa dahil para bang nabato ako sa kinatatayuan ko at isa-isa nang lumapit ang mga kaklase ko at sinabi ang ipapabili nila sa cafeteria.
Nagulat pa nga si Jozeph nang magkasalubong kami dahil ang dami ko raw dalang pera. Humingi pa nga ko ng dispensa rito dahil hindi ko siya masasamahan dahil maraming ipinasabay na bibilhin sakin ang mga kaklase ko pero sumabay pa rin sya sakin at sinabing tutulungan nya na ko.
Tig-isang paper bags ang bitbit namin ni Jozeph. Balak pa nga niyang bitbitin ang hawak ko pero tumanggi na dahil kaya ko naman at nakakahiya na sa kanya.
"Mukhang marami ka ng kaibigan ah." natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon.
"Oh, bakit? Are you okay?" nag-aalalang tanong nya.
"I'm fine. May naalala lang ako." nagpilit naman ako ng isang ngiti oara di nya na ko usisain pa.
Inihatid niya na rin ako sa classroom namin at alam kong medyo nagulat ang mga kaklase namin dahil sa kasama ko. Sino bang hindi? Eh kung tutuusin nga ay napakagwapo nitong si Jozeph para dumikit sa isang katulad ko. Tinulungan nya kong ipamigay yung mga pinabili sakin ng mga kaklase ko at yung mga babaeng kong kaklase iyon at halatang nagpapapansin sa kanya pero paki ko naman, di ba?
Napadako naman ang tingin ko kay Marcus at mukhang wala naman syang pakialam at alam kong magiging hobby na nyang pahirapan ako.
Nagpasalamat ako kay Jozeph at ibinigay nya sakin yung binili nya kaninang sandwich at tubig. Akala ko nga ay sa para sa kanya yun kaya tumanggi ako pero mapilit siya kaya tinanggap ko na at ginulo pa nito buhok ko bago sya umalis.
***
Mag-isa lang akong umuwi ngayon dahil may tryouts para sa tennis na sasalihan si Jozeph at ayoko na naman syang istorbohin pa kaya nauna na ko. Medyo nagtataka nga rin ako kung bakit nawalang bigla si Marcus sa huling klase namin pero di ko na lang iyon pinansin dahil alam ko namang di ko na sya dapat pakialaman pa. Pagka-akyat ko sa kwarto ko ay rinig ko ang mahihina at impit na ungol sa kwarto ni Marcus.
"Ooh, f-fuck A-Apollo. H-Harder please." napalunok naman ako ng laway dahil sa narinig kong iyon.
"How many times do I have to tell you to stop calling me by that name? Ugh! You'll be punished, bitch." di ko na kinakaya ang nangyayari sa kwarto ni Marcus kaya minabuti ko na lamang na magbihis na at bumaba sa kusina upang magluto ng hapunan.
Nasa kalagitnaan ako nang paghahalo ng adobo ng marinig kong bumukas at sumara ang pinto. Mukhang tapos na sila sa session nila. Nagulat pa nga ako dahil napaaga yata dahil kadalasan madaling araw na o umaga pa minsan kung pauwiin ni Marcus ang mga dinadala nyang mga babae rito sa bahay.
"Matagal pa ba yan?" nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ni Marcus sa likuran ko. Tanging boxer briefs lamang ang suot nya at halatang katatapos lang talaga niyang makipag-ehem dahil medyo basa pa ang buhok at dibdib niya ng pawis pero ewan ko ba pero parang mas lalo syang gumwapo sa ganoong dating.
"Matatapos na 'to. Saglit na lang." tinakpan ko naman ang kawali at hinintay itong kumulo pa lalo bago ito hanguin at patayin ang kalan.
Kasalukuyang nagpupunas ng pawis si Marcus nang sinimulan ko syang hainan ng pagkain. Para tuloy kaming mag-asawa sa setup namin ngayon. Napailing naman ako sa aking isipan dahil sa ideyang iyon. Masyadong tumataas ang kalandian ko ngayon. Kaya naman bago pa ko mabungangaan na naman ni Marcus ay nagpasya na kong umalis at bumalik na muna sa kwarto. Mamaya na lang siguro ko kakain pagkatapos nya.
"Saan ka pupunta?" tanong niya pagkalabas ko ng kusina.
"Babalik na muna ko sa kwarto ko." nakayuko kong sagot.
"Ganyan ba ang natutunan mo doon sa Amerika, ang yumuko habang kinakausap ka?" napatingala naman ako dahil sa sinabi niyang iyon.
"Tsk. Sabay na tayong kumain." pero mas nakakagulat ang huli niyang sinabi na iyon.
Ilang saglit pa kong tumayo roon na parang timang at natauhan lamang ako ng titigan nya kong muli na para bang nagtataka sa inasta ko.
Nagsandok na rin ako ng ulam at kanin ko at medyo dumistansya na lang ako sa inuupuan ni Marcus.
"Iniinsulto mo ba ko? Dito ka umupo." nakakunot noo nyang utos sakin na sapat na para magwala ang puso ko.
Marcus. Di na talaga kita maintindihan.
•••
Author's Note:
Kung sakaling nagaabang kayo ng mga SPG scenes I make sure na magkakaroon ng ganoon ang story na ito. Kasama iyon sa plot, hintayin lang po muna natin magdevelop ang story para mas ramdam ang upcoming hot scenes.

No comments:
Post a Comment