Pages

Tuesday, October 2, 2018

Fireplace Song (Part 5)

By: Mckenzie

“Hi, I’m Andrew, 21, and I live in Tarcan, Baliuag. I am Fil-American. I can understand Tagalog but I cannot speak straight Tagalog sentences..”  sabi nito habang nakangiti.

O.O

Siya yung binato ko ng sandwich sa cafeteria!    >.<   

Napayuko na lang ako para hindi niya ako mapansin.

Naku naman.    >.<   

“Sobrang pogi!! Ang cute pa magsalita..” sabi ni Dex sakin.

“Hoy Godzilla, wag kang malandi..” sabi ko.

Inirapan lang ako ni Godzilla. LMAO. *imagine nyo.    xD 

“Spokening dollar bakla, hindi ka pwede diyan. Baka maging anemic ka pag inEnglish ka niyan buong araw.”

“I is English.” sabi ng dinosaur na nakapout pa ang nguso.

“Hahahaha. You is English, me knows.”    

Magsasalita pa sana si Dex Godzilla nang nagpatuloy sa pagsasalita si Andrew.

“I grew up in the US and I started dancing when I was in gradeschool. I hope I can help you develop your dancing skills and make good friends with you all.”

Nung araw din na yun, nagsimula si Iveler na turuan kami ng mga sayaw. Haha, Iveler lang tawag ko sa kanya, ang cute kasi ng last name niya. Ang galing niya magchoreograph and sobrang astig gumalaw. Friendly siya sa lahat at sinisigurado niya na lahat ay nakakasunod sa mga steps.

Nagkuwento pa siya ng kung anu-ano nung breaktime namin. Nalaman namin na American ang mommy niya samantalang ang daddy naman niya ay half American, half Filipino.

Nagpalitan din kami ng cellphone numbers. Sabi pa niya, three months niya kaming tuturuan ng sayaw.   ^.^  

“The sandwich was delicious, what’s your name again?”

Sabi niya habang nakaharap sakin. Nakita ko na nanlaki ang mata ni Dex.

“My name is Momo.” Akala ko hindi na niya ako matatandaan.

“And I’m sorry about what happened the first time we met.” Mahina lang ang boses ko, nahihiya kasi ako.

“No, I was feeling sorry you were crying that time. By the way, I like the way you dance and I think you are cool.”

Nosebleed ako.    T.T

“Your expressions, your moves. You’re like an anime’ character.” sabi pa niya.

Like Sailor Moon? LOL.

“Uhm, thank you?..” haha hindi ko alam kung dapat ba ako mag-thank you eh.

+++++++++++++++++

Ininvite din kami ni Iveler sa bahay nila after ng rehearsal dahil birthday daw ng isa niyang pinsan. So halos lahat ng members ng dance troupe ay nagpunta sa bahay nila Iveler.

Syempre kasama ako! Haha.     ^.^  

Wow ang laki naman ng bahay!!!    O.O   

As in parang mansion. So pumasok na kami sa loob. I have a feeling dito na kami uumagahin. Malamang inuman ito. Haha. 

Nag set-up agad ng inuman si Iveler. Ang daming food at alak! Enjoy naman lahat.  Buti na lang at wala akong pasok bukas.   ^____^  

Inuman kami hanggang sa medyo nahihilo na ako. Haha. Ang bilis ko talaga malasing. Lagi naman ako tinatanong ni Iveler kung okay pa ako.

Syempre okay ako! Haha.

Ang dami naming napagkuwentuhan. Nagsoundtrip din kami. Ang iba naman ay naglalaro ng PlayStation.

Si Dex, ayun tulog na sa sofa. It looks harmless when it sleeps. LOL.

Hanggang lumalim na ang gabi. Ang iba ay nagpaalam na dahil hindi daw sila pwedeng magpa-umaga.

Ako pwede!    ^___________^   

Pero hilo na ako. Tahimik na lang ako sa isang tabi. Kumakanta ako nang mahina..

“Boy you got my heartbeat running away. Beating like a drum and it’s coming your way. Can’t you hear that boom ba room boom boom ba doom boom bass, he got that super bass..”

Lumapit sakin si Iveler at tinabihan ako sa upuan.

“You’re singing? Ang cute mo talaga..”

*Blush blush on* buti na lang madilim, haha.

“Hi there Iveler, you okay?” hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya.

“I should ask you that question. Okay ka lang ba?” sabi nito at napangiti ako dahil ang cute ng accent niya ‘pag nagta-Tagalog.

“Okay pa ako. I can manage.” sabi ko naman habang pinag-uumpog ang dalawa kong hintuturo. Nahihilo talaga ako. Hahaha. 

“I just wish your house will stop rotating.”

Natawa siya ng malakas sa sinabi ko.

“So really, you already are drunk huh?”

Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa mga tuhod ko.

“Don’t look down, you’ll get more dizzy.

Hinawakan niya ako sa dalawang pisngi. Pinaangat niya ang tingin ko para magkatapat ang mga paningin namin.

“Here, drink this.” Inabot niya sakin yung mug na dala niya.

“This mug is so cute.”

“Yes, it is baby blue like your shirt.”

Humigop ako ng coffee. Its aroma and taste made me feel better.

“Arigato.”

Nadinig kong napahinga siya ng malalim. “Oh God, Momo. I want you to be, like my younger brother.”

Ako?  ------  o____O 

---  O____O 

---  ‘__’ 

---  =______=  

“I’m sorry?”

“Yeah.. I mean, parang ang sarap mo maging little brother. And I will take care of you.”

Lasing lang ba ako? Ang weird naman nitong si Iveler.    =______= 

Naramdaman kong pinisil pa niya ang mga cheeks ko.

“Hey, I just need to check on the others. Just call me if you need me okay?”

“Uhm, I need to go to the wash room.” sabi ko.

“I’ll take you there. Come..” 

“No, just tell me how to get there.” 

“You sure? Uh, the restroom should be downstairs. Then you’ll go left, straight to a large family portrait, then to your right, count four doors then opposite the fourth door is a white door with a black knob. That’s the restroom.”

T_______T 

“Okay.” sabi ko na lang. Hindi sana ako maligaw. Ang hina ko pa naman sa directions and instructions.    >:(  

Tapos umalis na siya. So punta na ako sa restroom.

Bumaba na ako sa hagdan. Medyo madilim. Huhu.

To my left daw diba.. Tapos hanapin ko daw yung…

Ano nga ba hahanapin ko?    T.T  

Bahala na!

Family portrait! Haha. Malapit na ako!

Malapit na ako mawiwi.    T.T   

Nakalimutan ko na kung saan ako pupunta. Huhu. Ang laki naman kasi ng bahay! Halos lahat naman ng pinto dito ay white!

Naliligaw na ba ako? LOL.   

Okay, I’ll just count four doors.    >,<  

One.. Two.. Three.. There you go..

Haha at hawak ko na ang door knob. Black ba ito? Parang grey eh. Haha. 

So hawak ko pa din yung door knob nang bigla iyon bumukas.

O.O

Hinahawakan lang bumubukas na?! Astiggggg. LOL.

“Sino ka?!”

Aw, may cutie na lumabas mula sa pinto.

“Washroom ba yan?” sabi ko na lang. Kainis naman haggard ako. LOL.

“No, room ko ito. Bisita ka ba ni Kuya Andrew?”

“So room pala ito ng cutie.. Uhm, nasaan kaya yung restroom..” bulong ko sa sarili.

“Samahan na kita sa restroom..” Napatingin ako sa kanya. Pero napabawi din ako ng tingin dahil kakaiba yung titig niya sakin.

“Bakit ba ang sama nito makatingin?” bulong ko sa sarili.

“Are you saying something?”

“N-no, just tell me where the restroom is..” sabi ko ulit. Uneasy kasi ako sa kanya. Hehe.

“Okay, just go straight then turn right, and look for the white door with a black knob.”

Sabi ko nga. Black knob. LOL.

Talikod ako agad sa kanya at nagpunta na sa restroom. At nakita ko na! Hahaha.

Hayyy, kelangan makapag ayos. Mukha na akong ewan.

Paglabas ko ng restroom..

Hindi ko naman alam kung paano bumalik.    T . T 

Naglakad lakad ako.

Lakad…

Lakad pa..

Naliligaw na ako ulit..

Bumalik ang hilo ko..

“House, will you stop going round and round?! And get me back to the living room.” bulong ko sa sarili.

Pero hindi na talaga ako makabalik.

“Iveler!!!!!”

“Yes?”

“Ayy aswang!!” sabi ko. Aw, yung cutie kanina.

“Hindi ako aswang..”   =_______= 

Hahaha. Sorry naman magugulatin ako eh. At nahihilo pa ako. Abnormal ang responses ko.   >.< 

“Everyone in this house is Iveler.”

=________=  

Ang engot ko talaga.

“Sasamahan na kita pabalik dun kay kuya.”

So kuya niya si Iveler. Biglang nagring ang phone ko.

Incoming Call: Iveler

“No. Okay na ako.” sabi ko kay cutie at sinagot ang tawag ni Iveler. Nakita ko naman itong tumalikod na, lumakad at pumasok sa isang kwarto.

“Where are you?”

“I dunno how to go back.”

“Alright don’t worry, I’ll help you. What do you see?”

“Uhm..”

Toot toot toot..

O.O

Effin’ shit, lowbatt ako.    T.T    

Narinig ko si Iveler na sumisigaw. “Follow my voice!!!”

O.O

“How can I follow your stupid voice?! It echoes everywhere!”     T__T 

Then I felt the alcohol kick in again. Lalo akong nahilo. My vision went blurry. Hindi ko alam pero parang may naramdaman pa akong humawak sa likod ko.

Oh no.. Then my eyesight went black. Then nothing…

++++++++++++++

After a few hours.. Nagising ako.. 

O.O

Bakit ganun?.. Nakatagilid ako at nakahiga sa kama. Magkadikit ang mga braso ko at nakapuwesto iyon sa gawing chest ko.

At sa chest din ni Iveler..    T_____T   

Yakap niya ako habang mahimbing itong natutulog.

Aw.. Ano ang gagawin ko?!! Naman! Hindi ako makagalaw eh.    T.T  

Pumikit na lang ako ulit. Pinapakiramdaman ko ang paghinga ni Iveler. Ang sarap ng yakap niya sakin. Feeling ko talaga yakap ako ng kuya ko.

Napangiti ako. Sumiksik pa ako sa katawan niya. Naramdaman ko naman na lalong humigpit ang yakap niya sakin. Medyo nagulat ako nang bigla siyang nagsalita.

“Morning. Billy brought you here because you were so drunk, you couldn’t walk on your own.”

“Ohayo. Who’s Billy?”

“He’s my cousin.”

“Uhm.. Okay..”

“Let’s go back to sleep. Antowk pa ako.” Napangiti ako sa pilipit niyang Tagalog. Yumakap na lang din ako sa kanya.

++++++++++++++++

After a few days, bati na kami ni Chester. Hindi na daw siya tampo at miss na daw niya ako. Tapos nagulat ako nang makita ko si cutie na pinsan ni Iveler sa campus.

Magpinsan sila dahil magkapatid ang daddy ni Iveler at daddy ni Billy. Si Kim naman ay pinsan ni Billy sa mother’s side. Dito din pala siya nag-aaral. Then lalo ako nagulat nang malaman ko na member na din siya ng dance troupe.

Sinabi sakin ni Iveler na nag-audition ito kay Ms. Gwen. Nagsimula itong magrehearse kasama kami pero hindi siya masyadong nakikibonding sa group. Minsan ay lumabas kaming lahat para kumain sa Chowking.

Ang tahimik talaga ni Billy. Habang ang lahat ay sobrang ingay, parang nasa palengke.

“Guys, pinag-uusapan na naman tayo ni Billy.” biro ko. Nagtawanan na naman ang mga luko luko at luka luka. Napatingin lang si Billy sakin at ngumiti.

Tapos nanahimik ulit.    +____+   

+++++++++++++++

Today’s dose:

You show me things that I’ll never forget,

I’m so happy, remembering the first day we met..

Sa school cafeteria. Nakaupo na kami ni Kim sa isang table habang nagla-lunch. Nasa isang mesa naman si Chester at kasama ang mga kaibigan niya, kumakain din sila. Katext ko si Chester kahit na abot-tanaw lang namin ang isa't-isa.

"Friend," tawag sakin ni Kim, "Galingan mo ang pag-arte ha. Tingnan natin ang reaction ni Chester."

"Sigurado ka ba sa gagawin natin ha, Kim?" Parang gusto ko na kasing mag-back-out.

"Oo naman no, basta hintayin na lang natin si Billy. Sakay ka na lang sa mga sasabihin niya.” 

Wala pang five minutes, nandun na nga si Billy sa pinto ng cafeteria at palingon-lingon, hinahanap kung saan kami nakapwesto.

*Kinakabahan ako.  T.T   

Lumapit siya sa table namin nang nakangiti. Ang pogi niya talaga, pero wala yung kilig na nararamdaman ko ‘pag si Chester ang papalapit sakin.

"Hi Cousin. Hi baby.." nakatingin siya sakin habang sinasabi niya yung salitang "baby".

Shit, para akong naiiskandalo. Siguradong narinig ni Chester yung sinabi ni Billy.  >:((  

Pinigilan ko ang sarili kong mapatingin sa kinaroroonan ni Chester. Pero tumabi na sakin si Billy, umakbay, sabay sabing,

"Namiss na kita. Bakit ‘di ka na nagtext kagabi?"

F*ck, hindi ako nakasagot at napatingin na lang ako sa mesa nila Chester. Kitang-kita ko ang pagdilim ng kanyang itsura. Pinilit kong tanggalin ang pagkaka-akbay sakin ni Billy pero bigla na naman siyang nagsalita.

"Anong problema? Wala ka ba sa mood ngayon?”

Napapikit ako nang madiin sa mga nangyayari.

“I’m not acting. Kailangan maging boyfriend mo ako, kung hindi gulpi ka sakin.”

O_______O 

Bulong yun ni Billly sa tenga ko. Even Kim did not hear it. Noon ko nakuhang magsalita, "Please pakitanggal yung kamay mo."  >:((  

“’Wag ka na pumalag, this is also hard for me. Hindi mo ba iniisip kung ano ang mangyayari sa reputasyon ko after this?” bulong na naman niya.

Wow ha!!!!!  >______<  

“Eh anu bang pakialam ko dun, reputasyon ko ba yun?!” bulong ko din sabay takas sa pagkaka-akbay niya.

Medyo napatawa si Billy sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ako pero bigla ko na lang nakita ang pagtayo ni Chester at walang lingon na lumabas.

“Fuck.”bulong ko.

Kim was clapping his hands. "Thanks cous.." sabay high five kay Billy.

Parang nabingi ako dahil sa tunog na nanggaling sa pagsasalpukan ng mga kamay nila. Hindi ko alam ang dapat kong gawin, dapat na ba akong tumayo, at habulin si Chester para magpaliwanag?

Hindi ako nakagalaw man lang. Ang dami-daming pumapasok sa isip ko. Siguradong galit na galit sakin si Chester.  T.T  

Bigla siyang umalis. Naiwan ako, hindi sigurado kung tuluyan na nga bang nawala si Chester sakin.

++++++++++++++++

Pinuntahan ko siya sa classroom niya pero hindi na daw siya pumasok, nag-cut ng class. Hinanap ko siya kung saan-saan. Wala sa classroom, wala sa library, wala sa kainan, wala sa bilyaran, wala sa basurahan, wala sa ref, wala sa tv. Wala kahit saan!!! Asan ba yun?! Pagod na ako.

Siyempre, worried ako dahil kasalanan ko ang nangyari. Kaya hindi na rin ako pumasok sa mga subjects ko. Naisip ko na baka umuwi na ito sa apartment.

Nakita ko siyang nakahiga sa sofa, nakatakip ang kaliwang braso sa mga mata, parang natutulog. 

"Chester?.."   >:[ 

Lumapit ako at naupo sa sofa, sa tabi niya.

"Bakit nandito ka, may pasok ka pa ah." sabi niya habang nakatakip pa rin ang braso sa mga mata. Hindi man lang nakuhang gumalaw.

"Eh ikaw kaya ang unang hindi pumasok sa mga subjects mo." nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay na awayin ako dahil dun sa eksena sa cafeteria.

"Masama kasi ang pakiramdam ko, kaya umuwi ako para matulog. Bumalik ka na sa school."

Galit nga siya. Kainis naman, madalas kasi ‘pag galit siya sakin ay hindi niya ipinahahalata. Sa totoong buhay lang ay mas gusto ko pa yung nagsisigawan kami ‘pag may hindi pagkakaintindihan. Sa ganun kasi ay madali naming naayos ang problema namin. Nasasabi niya yung gusto niyang sabihin at ganun din ako.

Naglakas na ako ng loob. "Yung tungkol kanina.."

"Kung sasabihin mong hindi totoong kayo nung Billy na yun, maniniwala ako.." hindi pa rin siya kumikilos man lang sa pagkakahiga niya.

Nayakap ko na lang siya habang sinasabing "Hindi totoo yun." Napaiyak na ako.

Dahil siguro sa ayaw ko siyang nasasaktan.  T.T 

Medyo nagi-guilty siguro ako kasi kasalanan ko kung bakit nangyari yun. Inalis na niya ang pagkakatakip ng kanyang braso sa mga mata niya at yumakap na rin sakin.

"May tiwala ako sayo. Mahal kita eh.."

Tahimik lang ako nang mga sandaling iyon. Agad niya akong niyakap.

"I love you at wag mo sana akong ipagpapalit. Ibibigay ko ang lahat ng oras ko sayo, ‘wag mo lang ako iiwan."

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko, pinunasan niya ang mga luha ko sa mata at hinalikan ako sa noo.

“Pumasok ka na.” narinig kong sabi niya.

“Wag na tayo pumasok ngayon..” 

“Hmp. Bahala ka..” kunwari ay tampo pa din ito sa akin. Haha.

“Gusto mo ng sandwich?”

Nakita kong napangiti ito pero pilit sumimangot ulit para kunwari ay galit pa din siya. Natatawa talaga ako sa ikinikilos nito. Haha.

Inilabas ko ang sandwich spread at ang tinapay. Magpapalaman na ako nang inagaw niya iyon sa akin.

“Ako na..”

=_____= 

Ang weird talaga nito. Pinahiran niya ng palaman ang tinapay. Akala ko ay kanya iyon kaya nagulat ako nang ibinigay niya iyon sa akin.

“Oh eto, kainin mo.” sabi nito habang medyo nakasimangot pa din. Ako naman ay medyo napangiti.

Gumawa din siya ng sandwich niya at nang matapos ay kakagat na sana pero napatigil siya nang mapatingin sakin. “Titingin tingin mo?..”

“Wala..” napatawa ako at kumagat sa sandwich ko. “Arigato.”  ( ^ . ^ ) 

++++++++++++++++

Today’s vitamin:

You’re running through my mind all day..

"Sa Thursday night, sasabihin ko na sa kanila yung tungkol sating dalawa."

Foundation day kasi namin sa Thursday at may evening party.

"Talaga Hon? Baka naman nabibigla ka lang?" tanong pa ng mokong, todo ngiti pa ang gago.

"Nyeh, edi kung ayaw mo, wag na lang.."

"Hindi no, gusto ko nga eh." sabay kiniliti pa niya ako.

Sigurado na talaga ako, handa ko nang aminin sa lahat ang tungkol saming dalawa. Noon ko pa dapat ito ginawa, wala na akong mahahanap pang tulad niya na napaka-sincere pagdating sa relationship namin. Napakaswerte ko. May isang taong tulad niya na nagmamahal sakin. He is something to be proud of.

+++++++++++

February na at busy ang lahat para sa Foundation day. Kasama ko si Kim habang nagpre-prepare ako sa dance number namin. Nakabihis na ako at hinihintay na lang ang mga kasama kong magpe-perform. Hindi ko pinapansin si Kim dahil ayaw ko na sa kanya, wala siyang kwentang kaibigan.    >.<  

"Friend, kinakausap ka pa ba ni Chester?" biglang tanong niya sakin. Parang wala lang sa kanya at nakangiti pa na parang ewan.

Kainis, naka-general anesthesia ba siya para hindi niya maramdaman na nasusuklam ako sa kanya? Lol sa suklam. Haha.

Parang hindi ko na rin ma-take ang pagtawag sakin ni Kim na "Friend". Inis na ako sa kanya at pina-plastic ko na lang siya para na lang hindi ako magmukhang masama. Pasalamat siya at mabait ako.  :)) 

"Ayos naman kami, you don’t have to worry." may pagka-mataray kong sagot.

Lumayo ako nang kaunti sa kanya pero lumapit na naman siya sa akin na lalo ko namang ikinainis.

"Talaga? Ang tanga din naman pala nung Chester na yun eh no? Napahiya na nga siya, pero ayos lang sa kanya.." wala nang preno sa pagsasalita si Kim.

Hindi ako makapapayag na pagsalitaan niya ako nang ganun, at lalaitin pa niya si Chester?! Kumulo talaga ang dugo ko.

"Alam mo, mas tanga ka sa pag-aakala mong masisira mo kami ni Chester." mahinahon pa rin ako sa pagsagot. Ayaw kong mawala sa mood at malapit na kasi ang performance namin.

"’Wag kang mag-alala, sasabihin ko na sa lahat ang tungkol samin."

Napansin kong dumating na rin si Billy, kasama ko kasi siya sa dance number namin.

"At in-love ka talaga sa kanya ha." hirit pa ng pang-asar na bading.

"Yes, do you have a problem with that?"

Iniwan ko silang dalawa ni Kim. Wala silang magagawa para sirain kami.

++++++++++++++++++

Today’s vitamin:

I always miss your arms around me..

 Sometimes, after fixing something that was broken, motherfuckers will come and destroy it AGAIN..

Kahit sobrang pinaghirapan mo na ayusin iyon, kahit gaano pa katibay ang Mighty Bond mo.

++++++++++++++++

" Hon, gwapo na ba ako sa ayos ko na 'to?"

Napangiti naman ako sa sinabi niya, lumapit ako sa kanya para ayusin ang kanyang necktie.

"Oo naman, kinakabahan tuloy ako." sabi ko habang magkaharap kami, nakatitig lang siya sakin.

"Bakit ka naman kinakabahan?" tanong niya habang pinipilit hulihin ang tingin ko. Hindi ko sinalubong ang tingin niya, nanatili akong nakatingin sa gawing dibdib niya.

"Baka kasi maraming magkagusto sayo doon sa party. Ipagpalit mo na ako." sabi ko na seryosong-seryoso ang dating. Bigla naman siyang natawa sa sinabi ko.

"Ano ka ba, kahit naman magkagusto sila sakin ay wala silang magagawa. Sayong-sayo lang ako." Hinawakan niya ako sa mukha at hinalikan sa pisngi.

"Sigurado ka ha. Lagot ka sakin." sabi ko pa.

"Hay naku, Hon. ‘Wag kang mag-alala dahil ikaw lang talaga ang mahal ko. Magtiwala ka lang."

Iyon lang ang kailangan kong marinig. Sobrang mahal ko na siya at hindi ko na alam ang gagawin ko kung magkakalayo kami.

Nagpunta na kami sa school gymnasium at lumapit sa mga kakilala namin. Nakipagkumustahan kami sa mga friends namin at pagkatapos ay humanap ng table na bakante pa. Sandali lang at nakahanap kami ng isang mesa na pang-apatan sa gawing sulok ng gymnasium, medyo madilim dahil nga medyo malayo sa lights.

Agad kaming naupo at nagpalipas muna ng ilang sandali. Nagku-kuwentuhan kami ni Chester nang biglang dumating si Billy. Nasulyapan ko rin si Kim na nakatingin sa gawi namin sa di kalayuan, mukhang gustong makita ang magiging eksena sa paglapit sa amin ni Billy.

"Baby, nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Tumabi siya sa upuan ko. Napatingin ako kay Chester para humingi ng tulong.   >.< 

Hindi ko kasi malaman ang gagawin. Agad namang tumayo si Chester.

"Pare, ako ang boyfriend ni Momo at hindi ikaw kaya please lang ‘wag mo na siyang tatawaging baby."

Tumawa lang si Billy. "Pare, ikaw ang tumigil diyan dahil wala ka namang karapatan kay Momo." at bigla na namang umakbay sakin si Billy.   :[  

Nagpumiglas ako at pinilit tanggalin ang kanyang pagkaka-akbay ngunit mas malakas siya sakin at wala akong nagawa.  Medyo marami na rin ang nakapansin sa nangyayari sa table namin. Nakakahiya.

Si Chester ang nagpumilit na alisin ni Billy ang braso niya sa balikat ko. Nang aktong hahawakan na ni Chester si Billy, ay bigla na lamang itong sumuntok at tinamaan si Chester sa kaliwang pisngi.

O.O 

Nagulat ang karamihan nang bigla na lang akong sumigaw, "Chester!"

Agad na sumugod si Chester upang gumanti, sinapak ang bwisit na si Billy sa panga. Napaupo si Billy pagkatanggap ng suntok. Tumayo si Billy at aktong magbabalik ng suntok pero mas mabilis si Chester at nasuntok ulit si Billy sa gawing tenga nito. Hindi ko na alam ang gagawin ko nang mga oras na yun. Nasa isang tabi lamang ako at hindi makagalaw.

Pota, ang ganda ko! Pinagkakaguluhan ng dalawang lalake!

Nakita kong dumudugo ang labi ni Chester, hindi ko na alam ang mga nangyayari. Kumakabog ang dibdib ko.  Nagkagulo na at marami nang nagtatangkang umawat sa dalawa.

"Tarantado ka palang gago ka eh. Nagpapaloko ka." Narinig kong sigaw ni Billy. Nakatingin na sa amin ang karamihan ng mga tao.    T.T  

"Ikaw ang tarantado, ‘wag kang epal!" sagot naman ni Chester.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya at hinila siya sa braso dahil tangka na naman nitong susugudin si Billy. Naiiyak na ako.

"Pare, ginagago ka lang niyan. Nakipagsabwatan pa nga yan saming dalawa ni Kim para gaguhin ka!”

Napapailing na lang ako habang bumabagsak ang mga luha. Halo-halo na ang nararamdaman ko at nabibigla pa ako sa mga pangyayari.

"Bakit hindi si Momo ang tanungin mo ha, pare?" sigaw pa ni Billy habang inilalayo na siya ng mga lalaking umaawat sa kanya. Nakangiti pa ito na para bang siguradong-sigurado sa sarili.

Lalo akong nakaramdam ng inis para kay Billy. Tumingin si Chester sakin.

"Talaga bang nakipagsabwatan ka?" May matinding galit na mababakas sa kanyang mga mata. Hindi ko alam ang gagawin kong sagot.

"Hon.." sabi ko sa mahinang boses.

"Nakipagsabwatan ka ba sa kanila?!!!" galit siya at sumisigaw na.

Yumuko ako nang bahagya at tumango nang marahan bilang pag-amin. "Pero-.."

Nakita ko si Chester na napapailing. "Fine, ngayon alam ko na." at mabilis siyang tumalikod. Tumakbo at dali-daling lumabas. Naiwan akong basang-basa sa luha ang mukha. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari.

Hindi ko inakalang aabot sa ganito. Nakatingin ang lahat sa akin. Hindi ko na makita ang mga mukha nila dahil sa panlalabo ng paningin ko.

Mabilis kong nilisan ang lugar na iyon. Hindi ko alam ang nararapat kong gawin. Wala si Chester sa apartment.

Dito na lang ba matatapos ang lahat? Ang saya saya ko pa bago ang gabi na ito, plano ko pang sabihin sa lahat ang tungkol samin ni Chester.

Sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Chester pero hindi niya iyon sinasagot. Hinintay ko siya doon sa apartment hanggang sa mag-umaga pero hindi siya dumating.

Nagpasya na lang akong umuwi sa San Ildefonso at natulog buong maghapon.

Hindi maalis sa isipan ko ang mga nangyari nung nagdaang gabi. Hindi ako nakatulog nang maayos. Namamaga ang mga mata at medyo hindi maganda ang pakiramdam ko, sa pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Wala akong ganang kumain o kumilos man lang. Pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko.

Lumipas ang maghapon. Walang pasok, Katatapos lang kasi ng foundation day.

+++++++++++++

Ang sumunod na mga araw ay Sabado at Linggo..

Madalas akong napagalitan sa bahay nung mga araw na yun dahil sa lagi na lang akong tulala. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi at iniuutos sakin. Lutang talaga ang isip ko. Sobrang naiinip na ako at gusto ko nang makausap si Chester. Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Susubukan kong iexplain sa kanya ang side ko.

Kung hindi man siya maniniwala ay ayos lang sa akin, at least, sinubukan kong i-save ang relationship namin. Tinatawagan ko siya pero out of coverage area lagi yung phone niya, or naka-off.

++++++++++++++

Monday. Pumunta ako nang maaga sa apartment. Wala pa rin siya.     T.T  

Nakausap ko ang may-ari ng apartment at nalaman kong hindi umuwi doon si Chester simula pa nung Saturday. Humingi ako ng duplicate key at nakita kong nandoon pa ang kanyang mga gamit. Pati na ang iba kong gamit ay nandoon pa rin.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This