Pages

Monday, October 22, 2018

Fireplace Song (Part 9)

By: Mckenzie

Author's note: Hello guys, I'm sorry kung natagalan itong next part. My lolo passed away and I did not have free time to write. I hope you enjoyed the previous installments. This is the first story I wrote and I appreciate all of your comments. Pasensya na kung minsan may grammar and spelling errors. Pasensya din kung minsan kulang ako sa pag-elaborate ng scenes, feelings at mga pangyayari sa story. I'm inspired by a lot of writers here and dream ko na maging magaling din ako tulad nila. I hope everyone's having a great day. Stay awesome.

“Are you aware of what you made me feel?! Sinaktan mo ako, binale-wala!”

Hindi ito sumasagot.

“It’s all thanks to you, I feel so pathetic and miserable right now!”

Nakayuko lang siya. Nakakainis!

“Kung wala ka nang kailangan sakin, pwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagsunod-sunod samin? Para kang aso!" galit na galit ako habang sinasabi ko iyan.

Pagkatapos ba naman ng lahat ng pagpapahirap na ginawa niya sakin. Pagkatapos ng lahat ng sama ng loob, guguluhin pa rin niya ako?

Sinusubukan ko na nga siyang kalimutan pero ayaw pa rin niya akong tigilan.

Nanatili lang siyang nakayuko at hindi ako pinapansin. Nakakapikon!

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang nag-angat ng tingin.

Nanatiling nakabukas ang bibig ko. What the fuck?! Naputol ang balak kong pagsasalita.

Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya.

Si Chester? Iiyak?..

Ganun ko ba siya nasaktan sa mga sinabi ko?

Nakaramdam ako ng lungkot pagkakita ko sa mukha niya.



Sa isang iglap, naalala ko na mahal na mahal ko pa rin pala siya.

Aktong hahawakan ko ang mukha niya nang bigla siyang tumayo.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya na agad naman niyang pinunasan.

Napansin ko sa kanyang braso na suot niya ang stainless bracelet na regalo ko sa kanya nung birthday niya.

Natulala ako. Fuck this!

Ang akala ko ay binalewala na niya ang regalo ko na iyon sa kanya.

“B-bakit s-suot mo yan?”

Tumalikod siya sa akin at nagtuloy-tuloy na lumabas, umakyat sa hagdan papalabas ng warehouse.

Naiwan akong nakatulala. Hindi ko alam ang gagawin ko.

I was dumb, I was blind to let him down.

+++++++++++++

Nagulo ang isip ko pagkatapos ng gabing iyon. Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. Ang akala ko ay nagsisimula ko nang magustuhan si Billy. Pero bakit ngayon ay si Chester na naman ang nararamdaman kong mahalaga para sa akin?

Nakakalito.    >.<

Pagkatapos ng gabi na iyon ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

Nagi-guilty ako kay Billy dahil parang ginagamit ko lang pala siya para makalimutan si Chester. Dex was right all along.

Napaka-unfair para kay Billy. Napakagago ko.

“I was expecting this..”

In fairness maayos ang English ng dinosaur ngayon. Sinabi ko sa kanya lahat ng gumugulo sa isip ko.

“I told you, this will happen. You did not listen to my told!”

=_______= 

Sakit sa ulo ni Best.   >___< 

Inabala ko na lang ang sarili ko sa mga gawain sa school. Para lang makalimutan ko ang mga gumugulo sa isip ko.

++++++++++++++++

Three left, I took one more capsule out of the glass bottle.

You make me happy, I’ll be right by your side always..

Isang araw ay naisipan kong pumunta ng San Miguel. Kinuha ko yung yearbook namin. Sa San Miguel kasi ako nag-aral ng high school.

Naisip ko din na daanan si baby tree.   ^.^ 

Kumusta na kaya yung puno na itinanim ko?

Pagdating ko sa eksaktong pinagtaniman ko ay nagulat ako.

Hanggang bewang ko na si baby tree!  :p 

Napansin ko din na may nakatayong sanga ng kawayan sa gilid ni baby tree. Nakatali ang katawan ng puno sa sanga.. Inilagay iyon ng kung sino para hindi ito basta basta mabuwal kapag humangin nang malakas. Ganun din yung puno na itinanim ni Chester.

“Baby tree, sino ang naglagay niyan sayo?”

Para namang sinagot ako ni baby tree nang malaglag ang isang tuyot na dahon malapit sa bato na inilagay ko sa tabi niya dati.

Napansin kong may nakasulat sa bato.

I’M SORRY.

I LOVE YOU.

Bigla ang kaba ko nang mabasa ko iyon.

++++++++++++++++

Minsan, may nagtext sakin. Number lang kasi hindi nakaregister sa contacts ko.

Good morning. :) 

Nung una ay hindi ko pinansin dahil hindi naman ako nag-eentertain ng mga messages na hindi ko naman kilala ang sender.

Pero napapadalas ang pagte-text sakin ng isang ito. Maya't-maya ay may message siya para lang ipaalala na kumain ako ng breakfast, lunch and dinner.

Napakatiyaga nitong magtext kahit na hindi ko siya nire-replyan.

Isang araw ay nagtext na naman ang mystery texter ko.

Hi, miss na kita. Pansinin mo nman ako.

Napilitan na akong magreply sa message niyang iyon. Baka kasi friend or schoolmate ko siya na nagpalit lang ng number.

Momo: Sino kba?

Curious na ako kung sino siya.

Texter: Just call me pogi. XD 

O.o

Luh, at nakadali pa yata ako ng may sira sa ulo. Akala ko pa naman ay matino ang isang ‘to.

Momo: Sino ka nga?

Pogi :    I’ll tell u pag may lakas na ko ng loob.

Momo: Bakit? -____-

Pogi :    Basta. Pogi muna itawag mo skin.

Momo: Ikaw bahala. Eh pogi kba tlga ha?

Pogi :    Syempre, haha. malaman mo din pag nagkita tau.

Momo: Hindi ka lang yata pogi, mayabang ka pa. 

Pogi :    Oy, pogi tlga to. Walang halong biro haha. 

Hindi ako nagreply. Ayt, ang yabang niya!

Pogi  :    Hindi ka na po nagreply. :( 

Momo: Ayaw ko kasi talaga sa sobrang yabang eh.

Pogi  :    Sorry, ndi na po ako magyayabang.

Momo: Wait, kilala ba kita ng personal ha mr. yabang?

Pogi : Ewan ko. Pero ikaw kilala ko. Galing mo nga sumayaw eh.

Momo: Huh? Lagi ka cguro sa mga prctice namin?

Pogi : Hindi nman. Uhm, oo. Hehe, parang ganun na nga.

Baliw yata ‘to eh.  -____- 

Pogi  : Kumain ka na?

Momo: Yup, pero kaunti lang nakain ko. Nahihilo kasi ako.

Pogi  : Hala buntis.

O.O 

Gago pala ‘to eh.

Momo: Sira. May lagnat kasi ako.

Pogi  : Rape kita jan eh.

O.O 

Momo: Wag ka na nga magtetext dito!!

Pero naging textmates pa rin kami mula noon.  XD 

Nung una ay wala lang sakin kahit na ayaw niyang sabihin sakin yung real name niya. Pero dahil sa dalas niyang magtext ay parang lalo akong nagiging curious.

Sino ba talaga siya? Kilala pa niya ako. Ang daya naman.  :( 

Ang hirap kayang isipin kung sino siya. Maya't maya ang mga messages niya. Hindi nga kumpleto ang araw ko ‘pag hindi siya nagtetext.

++++++++++++++

Lagi pa din kaming magkasama ni Billy pero hindi mawala-wala sa akin ang makaramdam ng guilt.

Feeling ko kasi ay napakasama ko. Wala naman ako sa lugar para gawin ito. Hindi ako ganun ka-special.

Nanggagamit ako para lang makaiwas sa mga problema ko. Kawawa naman si Billy. Ang bait-bait pa naman niya.

++++++++++++

That day, pumunta ako sa rooftop ng school. Hapon noon kaya gusto kong tumambay sa rooftop. Tahimik kasi doon at malamig. Masarap matulog.  ^.^ 

Sakto walang tao. Nahiga agad ako sa floor. Mamaya pa namang hapon ang next subject ko. Three hours pa.

Inayos ko ang headset ko at pumili ng kanta sa playlist.

Gusto ko yung nakakarelax.   ^.^ 

Nakatitig ako sa langit. Ang ganda ng clouds. Yung isa parang isda yung shape. 

“Kumusta na kaya sila Miley at Taylor?”

“Kumusta na kaya ang apartment?”

“Kumusta na kaya yung mga stars?”

“Kumusta na kaya…”

“Kumusta na kaya siya?..”

Umiiyak na naman ako..

Simula nung gabing iyon, hindi ko na nakita ulit si Chester. Hindi na siya sumusulpot sa mga lakad namin.

Dapat lang siguro na maging masaya na ako, pero hindi iyon ang naramdaman ko.

Siguro ay iisipin ninyong sira na ang tuktok ko pero parang nami-miss ko si Chester.

Parang hinahanap-hanap ko ang presence niya. Parang nasanay na ako na lagi siyang nandiyan.

Mahal ko pa talaga siya.  T.T 

Ang masakit nga lang doon, pinaalis ko pa siya. Ipinahiya ko siya sa harap ng maraming tao.

Sinaktan ko siya at dahil dun, hindi na siya babalik pa.

Hindi na siya magpapakita pa sakin. Hindi siguro talaga kami para sa isa't-isa. 

Masyado nang marami ang mga pinagdaanan namin pero ang gulo. Ang hirap.

Hindi na ako umaasa (hindi na nga ba?) na kaming dalawa pa rin sa bandang huli pero patuloy ko pa rin siyang mamahalin.

Oo, mamahalin ko pa rin siya. Mukha akong tanga no?

Wala eh, ganun talaga..

Alam ko naman na kasalanan ko ang lahat.

“Tanga pala talaga ako..”

“Sinira ko ang lahat..”

At sigurado akong wala na akong magagawa para maibalik yung dati.

Ang sakit isipin na mahal ko siya at siguro ay mahal pa rin niya ako pero dahil sa sobrang engot ko, ay wala na ngayong pag-asa na maging kami ulit.

“All I wanna do is find a way back into love..”

Narinig ko na sumara yung pinto.

O.O 

Napabangon ako bigla. Akala ko ay ako lang ang tao dito.    >.< 

Ayt, sino kaya yun? Narinig niya ako na nagsasalita mag-isa.   T.T 

At umiiyak pa..

++++++++++++++++

Malapit na nga pala mag Christmas.  ^.^

It’s my favorite time of the year. I love this season. Hehe. Medyo lumalamig na at may Christmas decors na sa lahat ng sulok ng campus.

Anyways. Lagi pa rin nagtetext sakin si Pogi slash Mr.Yabang.

Lagi na lang siyang may good morning or afternoon or evening.

Haay, kakainis na nga eh. Ayaw pa ring umamin kung sino ba talaga siya. Hindi ko talaga maisip kung sino siya. Hindi ko na lang siya nireplyan nang mga tatlong araw.

Pogi :  Momo, txt nman jan oh. Miss na kita.

Grrrr.. Hindi ko talaga malaman kung ano ang trip ng isang ‘to.

Momo: Sino kba kasi tlaga ha? Bakit ayaw mong sbihin ang name mo? Cguro may kslanan ka sakin no?!

Pogi :   Hehe. Buti nman nagreply ka na. Sorry ha.

Momo:  Sorry saan? May kslanan ka tlga sakin?! Wlangya ka, ano un ha!! sbihin mo na!

Pogi :  Oo, may kslanan nga ako sau. Sorry.

Momo:  Tawag ka nga.

Matagal siyang hindi nagreply.

Maya-maya ay narinig ko na ang pag-ring ng cellphone ko.

"Hello." Inintay kong magsalita ang nasa kabilang linya pero wala akong narinig.

"Hello. Sino ka ba ha?" Hindi pa rin ito nagsalita. Unti-unti akong nainis.

"Bakit ayaw mong magsalita? Tatawag-tawag ka diyan, pipi ka naman pala. Sayang lang ang load mo."

No response pa din! Grrrr. Nakaka-asar talaga!    >.< 

"Kung hindi ka magsasalita, magtext ka na lang!"

Narinig kong nagbuntong-hininga ang nasa kabilang linya bago tinapos ang tawag.

Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang madinig ko iyon.

“Sino naman ang kalaban mo diyan?” tanong ni Dex bakla sakin. Ang lakas talaga ng pandinig. Sampu yata ang eardrums neto eh.  +_____+ 

“Wala ‘to.” sagot ko na lang.

“Eh ano naman ang ipinaglalaban mo?”

Hindi na lang ako sumagot, pinagti-tripan na naman ako ng bakla.

Naiinis talaga ako sa Mr.Yabang na ‘yan. May kasalanan daw siya sakin?

Wala naman akong maisip na ibang may kasalanan sakin bukod kay Kim at Billy.

Syempre hindi na ako ite-text ni Billy nang ganun kasi magkatext naman talaga kami.

Si Kim siguro yung Pogi na ‘yun! Pogi ah! Lol. xD 

Pero malamang din na hindi si Kim si Pogi.

Eh sino?! Isa na lang ang naiisip kong may kasalanan sakin.

Malaking kasalanan.

Napakalaking kasalanan.

Si Chester.   T.T 

Pero imposibleng i-text pa ako ng mokong na ‘yun pagkatapos ng ginawa ko sa kanya. Matindi siguro ang galit sakin nun ngayon.

Haay, Pogi slash Mr.Yabang, dagdag ka pa ngayon sa mga problema ko.

++++++++++++++

Naging busy kami nila Dex at Billy nang dahil sa dance concert kahit na malayu-layo pa naman ang date ng performance namin.

Oo nga pala, kasama din sa dance concert si Kim pero hindi ko siya pinapansin kahit na may dance number na kami ang magkatapat sa blocking.

Si Billy lang ang lagi niyang kausap tuwing practice namin. Hindi rin naman ako pinapansin ni Kim. Siguro ay dahil narealize na niya na hindi nakabuti para sa aming dalawa ang mga ginawa niya noon.

Bitch.

“Kim just made you the campus sweetheart best.” sabi ni Dex sakin.

Napakunot ang noo ko.

“Everyone looks at you at a new perspective. They know who’s the worthless bitch. Kim.”

That must be true. I got everyone’s sympathy. They all want to be friends with me now.

That thought made my mood better.

++++++++++++

Today’s dose:

Simple things is what my heart beats for. I don’t ask for much, having you is enough..

Then there’s just only one capsule left.

Nagkayayaan na mag-house party ang dance troupe. Birthday kasi ng isang member. Siyempre kasama ako haha.

I want to get drunk tonight.   :p 

Ayun, sa bahay nila Billy kami nagpunta. Parang namiss ko tuloy si Iveler.

Kumusta na kaya ‘yun ngayon? Hindi kami masyadong nakakapagchat lately. Ang daming sumama sa party. Nag-invite kasi yung iba ng friends nila.

Ayun, ang gulo na naman namin. Kanya-kanya ng business. Minsan ay nagsasayaw ang lahat sa gitna. Sa living room kami nakapuwesto.

Enjoy naman ako kasi madaming beer. Lol. Si Dex naman ay puro pagkain ang binabanatan. Matakaw talaga.

I need this.. Para naman mawala muna lahat ng iniisip ko.

Nakikibond ako sa lahat at marami din akong nakilalang bagong kaibigan. Si Billy naman ay sobrang busy sa pag aasikaso sa mga kasama namin.

Tuloy tuloy lang ang kasiyahan. Parang lasing na yung iba. Yung may birthday, tulog agad. Haha.

At may mga naghahalikan na!  +___+ 

Lalong umingay. At kung saan-saan na nakakarating ang mga adik. Ang laki naman kasi nitong bahay.

Si Billy naman ay nakapagpahinga na at kasali na sa inuman at kuwentuhan.

Biglang dumating si Chester. May dala pa itong dalawang bote ng alak. Naupo ito sa gawing kanan ko.

Si Billy naman sa kaliwa.

Waaah! Eh ano bang gagawin ko ha?!  >.< 

Ibinigay ni Chester yung isang bote ng alak kay Billy. Ang isa naman ay binuksan niya.

Nagtititigan ang dalawa, parang wala ako sa gitna nila.

Hello!!!!    >.< 

Nakita kong nilagyan ni Chester ng alak ang baso ni Billy.

Uh-oh.

Binuksan din ni Billy yung isang bote at nilagyan din ng alak ang baso ni Chester.

Naku.    T.T 

Eh, bakit ganun ang mga nangyayari?

Ininom nila parehas yung mga nasa baso nila. Tapos, nilagyan ulit nila ng alak yung baso nila. Si Billy ang nagsasalin sa baso ni Chester and vice versa.

Nakahalata yung mga kasama namin sa table. Umalis sila at nag set up ng isa pang table para sa kanila.

Huhu, ano ba’ng nangyayari?  T.T 

Silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Parang nag uusap sila sa paraang hindi ko alam kung paano..

Ako > clueless of what’s going on.

Parang gusto ko na din sumama sa kabilang table.

Hinawakan ako ni Billy sa braso. Napansin niya siguro na hindi ako komportable sa kanilang dalawa.

Nagpatuloy sila sa pag inom hanggang sa maging tig kalahati na ang dalawang bote ng alak. Dito nagsimulang mag-usap ang dalawa.

“Why are you getting in the way between us two?” tanong ni Chester kay Billy.

“Why don’t you just give it up? He doesn’t want you around anymore. ” sabi naman ni Billy.

Lasing na yata sila.   T.T

“I can’t, he was the one who kept me going when we were together.”

Tapos natahimik sila parehas.

….

….

“Hanga ako sa mga ginagawa mo para kay Momo.” sabi ni Chester habang nakatingin sa basong hawak.

Napangisi lang si Billy. Napayuko na lang ako. Umiinom pa din ako pero hindi ko sinasabayan ang dalawang ito. Beer lang yung sakin.

Shot na naman silang dalawa.

Inuman contest ba ito?!!    >.< 

Patuloy nila akong pinag-usapan.

Hello guys, nandito po ako! Pwede iba na lang pag-usapan niyo?!!!

Tagay ulit.

“Why didn’t I do the same thing when we were together?” sabi na naman ni Chester.

Bahala kayo mag usap diyan!!!

“Sana hindi siya nawala sakin..”

Nahihirapan akong huminga sa mga naririnig ko. Malapit na nila maubos yung tig-isang bote nila.

“Itigil n’yo na nga ‘yang inuman na ‘yan!!” sigaw ko sa dalawa.

Tumingin silang dalawa sakin.

“Uh.. Wala, wala!! Sige ituloy n’yo lang. Hehe..”   =_____= 

…..

*kroo kroo kroo…

….

“I want to stay away from Momo pero nahihirapan ako.” sabi na naman ni Chester.

“I know..” sagot ni Billy.

“You know?!” sigaw ko kay Billy.

Pero walang pumansin sakin. +___+ 

“Just be gone forever okay?!!” baling ko kay Chester.

Napainom ako ng kalahating baso na straight.

Stressful!!    >.<

“Hindi siya pwedeng mawala.” sabi ni Billy sakin.

Napalingon ako sa mukha niya. Namumungay na ang mga mata nito. Katulad ni Chester.

Lasing na sila.

Waaaaaah!!!!

Ano’ng sabi ni Billy?

“Hindi siya pwedeng mawala.. Siya yung blowfly. ”

“Huh?”

Naapektohan na ng alak ang pagsasalita ni Billy. Ang bagal niya magsalita.  >.< 

“Siya yung blowfly. Ako naman ang fly swatter mo..”

Parang maiiyak si Billy habang nagsasalita.

“‘P-pag nawala siya, hindi mo na ako kailangan…”

Napaiyak ako sa narinig ko.

Hindi..   T.T 

I don’t know what to say.

Billy laid his head on the table and instantly fell asleep.

Oh my gosh. Ganun pala ang iniisip ni Billy. He thinks I’m just using him.

T.T 

Napatingin ako kay Chester na ngayon ay nakatulog na din. Itinuloy ko ang pag inom mag-isa. Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyayari.

Sana panaginip lang ito.    T.T 

Naiiyak ako mag isa habang umiinom. Nahihilo na din ako. Lumabas muna ako sa front door at nagpahangin.

Ilang minutes ang lumipas nang lumabas din si Billy. Binigyan niya ako ng coffee.

Ipinagtimpla pa niya ako.  T.T

Napangiti ako nang makita ko na may naka-draw na smiley sa foam ng coffee.

“Tikman mo muna baka hindi mo magustuhan ang timpla ko.”

Humigop ako ng kape.

“Matapang sa kape at asukal. Ganito din ako magtimpla.”   ^.^ 

Nagsmile siya sakin bago humigop din ng kape. Tapos tahimik lang kami na nakaupo sa bench doon.

Maya-maya ay hinawakan niya ang kamay ko.

“I’ll show you something. Come..”

Napapatulala naman ako habang ibinababa ang cup. Ang sarap ng pagkakahawak ni Billy sa kamay ko. Nakatingin lang siya sakin habang naglalakad kami.

“San ba tayo pupunta? Ang dilim dito.”

“Just wait. You’ll love this..”

Sa gilid ng bahay nila kami nagpunta at naglakad pa ng medyo malayo. Ang lamig sa labas pero okay lang.

Papunta kami sa isang malaking puno nang mapatulala ako.

Bumitiw ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko at patakbong lumapit.

Sobrang ganda…

Napakaraming fireflies na nasa mga sanga at dahon ng puno. Para iyong maliliit na ilaw na nagbi-blink. Ang buong puno ay kumikislap.

“This is beautiful..” bulong ko.

Lumapit siya sakin at hinawakan ulit ang kamay ko. Inaya niya ako sa ilalim ng punong iyon. May malaking swing pala na nakasabit sa puno.

Nahiga siya sa swing. Pinahiga niya din ako kaya naman yakap niya ako habang nagkukuwentuhan kami.

“Merry Christmas baby..” narinig kong bulong niya sa isa kong tenga.

Napaharap ako sa kanya at nagtama ang mga ilong namin, sobrang lapit pala namin sa isa’t-isa.

“M-merry Christmas..” mahina kong sabi, nakatitig ako sa mga mata niya.

I was so clueless about what’s going on his mind. He just stared at me.

I gave him a confused look..

He crossed the small distance between our faces. I didn’t know how to react. My heart was beating thousands of miles an hour.

I couldn’t look into those dark eyes any longer. I closed my eyes.

I felt him kiss me.



….

….

I can’t explain how I felt.

+++++++++++++++

Nagpunta ako sa gym dahil may practice kami. Hindi siguro ako nakatingin sa dinadaanan ko kaya may nabangga ako.

“Gomenosai!” sabi ko.

Nalaglag yung mga dala kong gamit at bag. Tinulungan niya ako pulutin yung mga gamit ko.

Ayt. Kahit kelan talaga clumsy ako.  >.< 

Nakuha ko na lahat ng gamit ko nang iniabot nito yung wallet size picture namin ni Chester.

“Mag-iingat ka kasi lagi..” napatingin ako sa mukha niya.

….

Si Billy pala.  T____T  

Nakita pa niya yung picture.   >:( 

Umalis na si Billy.

+++++++++++++

Malapit na magstart yung practice pero hindi na ulit lumitaw si Billy. Biglang nawala.

Ayt, kasalanan ko!

Nagpaalam ako kay Ms. Gwen na hahanapin ko si Billy.

Nagpunta ako sa gawing likod ng gym at doon ko siya nakita na nakahiga sa isang mahabang bench.

Nakapikit siya, ginawang unan ang mga braso.

Mukhang tulog.   >.< 

Hindi ko alam ang dapat sabihin sa kanya.

“Gomen.” sabi ko maya-maya.

Matagal bago siya nagsalita.

“You’ve changed…”

“Huh?”

“I said you’ve changed. Dati ‘pag malungkot ka, kitang-kita ‘yun sa mukha at ikinikilos mo, ganun din ‘pag masaya ka. ‘Pag masaya ka, hindi pwedeng walang makapansin.”

“Uhm. Hindi… kita maintindihan.” sagot ko.

“Pero ngayon, you are not transparent anymore. Ang hirap mo nang basahin. I still love you, and I love this version of you as well. Pero it breaks my heart imagining how you are feeling. Ayaw ko na malungkot ka. Ganyan ba talaga ‘pag nasaktan nang sobra? Malaki ang ipinagbabago?” bumangon at umupo na siya sa bench.


"All this time, I wanted you to tell me how you feel. He must be your first love, and your first heartbreak. I appreciate na ayaw mo akong masaktan kaya wala kang sinasabi. Pero lagi kong wish na maging open ka sakin."

Tinitigan ko siya nang mabuti. Nahihirapan ang loob ko sa mga sinasabi niya.





“I hate myself. ‘Di ko siya makalimutan.”

This is giving me much discomfort.   T.T 

At last nasasabi ko na kay Billy.

“I know, nandun ako sa rooftop nung isang araw.”

?_____?

So siya pala yun. Narinig niya lahat ng emote ko sa rooftop. >:( 

“Kung pwede lang sana na makalimutan ko siya agad.”

“Kung pwede lang sana hindi ko na lang siya nakilala.”

“Kung pwede lang sana. Kung pwede lang sana na hindi ko na siya mahal.”

“Kung pwede lang sana na naibabaling basta basta ang feelings.”

“Momo. Lahat naman pwede. Pero hindi lahat dapat. Hindi dapat na umasa ka pa sa wala na.”

“When a door closes, a window opens.” sabi pa ni Billy.

I can feel his sadness. I feel so sorry. I'm hating myself for causing Billy this emotional load. I'm so stupid. I'm a fucking idiot. Lahat ng bad vibes sa buong situation na ito, ako ang cause.

Paano naman kung yung door pa din ang gusto kong buksan? Hindi ba pwede ‘yun?

Mali yata na sinabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko.

“Hindi talaga lahat ng gusto mo ay makukuha mo.” bulong ko sa sarili.

“Parang ikaw..” sagot niya.

Napayuko ako at hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

“Stop crying. I hate it when I see you cry..” tumabi siya sakin.

Parang gusto niya na hawakan ang mukha ko na parang hindi.

Yumuko na lang ako dahil hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Niyakap niya ako.

“Whenever I see you cry, it makes me want to protect you even more. And I’m afraid I might become possessive. Ssshh, stop crying babe. I hate it..”

Lalo ako naiiyak sa sinasabi niya eh.   T.T 

“Hey, stop it..”

“Billy, arigato. Domo arigato..” sabi ko sa pagitan ng mga hikbi.

“No problem. But for now, pwede bang tumigil ka na sa pag-iyak please. Baka isipin nila pinapaiyak kita.”

Kumalas siya sa pagyakap sakin. Pinunasan niya ang mga luha ko.

“Stop okay? Hays nakakainis, hindi kita matiis.”  

Kumunot ang noo ko. Hindi ko gets ang sinasabi niya.

“Galit ako sayo kanina.”

“Eh?”

“Don’t ask why, maiinis lang ako.”

“Okay..”

“Good.” then he kissed my forehead.

“Ayos ka na?”

“Hai, arigato.”

And so we went back to the gym at nagpractice.

It was such a relief.

++++++++++++++++++
      
Pasko na.

Hindi ko masyadong ramdam ang Christmas ngayon. Parang may kulang sakin.

Ayaw kong aminin sa sarili ko kung ano iyon.

I took the last vitamin out and read it..

You’re the only one who made me feel this way. You are more than I could ever want. You are my sunshine..

“Thanks for making me feel good and strong. Thank you..” mahina kong sabi. I let the tears fall once again.

++++++++++++++++

TO BE CONTINUED.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This