Pages

Thursday, November 28, 2019

Nainlove Ako Sa Astig Na Kuya Ng Girlfriend Ko

By: Steven

Rrrriiiinnnnnggg!!!!

Tunog ng alarm ng cellphone ko. Alas-syete na nang umaga at kailangan ko ng bumangon. Umpisa na ng semester at ayaw kong malate. Maaga pa naman kung tutuusin pero kailangan ko pang sunduin ang girlfriend ko sa bahay nila.
Si Kate. Sya ang girlfriend ko ng halos isang taon na. Mahal ko sya hindi dahil sa maganda sya pero dahil sa napakabait nya at napakamaalaga.
Wala na akong mahihiling pa at sinumang lalake ay talagang maiinlove sa kanya. Napakaswerte ko at ako ang kanyang minahal sa dinami-dami ng nanligaw sa kanya.
Gusto ko pa sanang mahiga pero tumunog ulet nag cellphone ko at nagpop-up ang message ni Kate sa messenger at sinasabing maligo na ako at alam nyang nakahiga pa ako.
Kabisado na talaga nya ang ugali ko, sabi ko sa sarili, napangiti nalang ako at bumangon para maligo.
Dumating ako sa bahay nila mga bandang 7:30 ng umaga, at tumuloy na ako sa loob dahil nakabukas naman ang gate. Hindi naman sila sobrang mayaman pero alam mong nakakaangat sila buhay. Meron silang business na pangexport kaya management ang kinuha ni kate kasi gusto nyang sundan ang mga yakap ng kanyang mga magulang.Ako naman ay civil engineering dahil gusto kong magtayo ng mga building at mga tulay.
Papasok na ako sa loob ng marinig kong kausap ni Kate ang kanyang mommy.
“Anak, uuwe na kuya mo dito at dito na sya titira ulet kesa gumawa pa sya ng gulo dun sa probinsya. Sobrang sakit na nang ulo ng lola mo sa kanya at hindi na sya kayang displinahin ng lola mo.”
“Eh kelan naman po uuwe dito si kuya, Ma?”
“ Sa weekends, uuwe na sya dito. Nakabook na ang flight nya at mga tanghali sya makakarating dito.”
Hindi na sumagot si Kate at napalingon sya kung saan ang kinaroroonan ko. “Steven, andyan kana pala, kanina ka pa ba?”
“Ah eh, hindi naman, halos kakadating ko palang.” Pakamot kong sagot kay Kate.
“Good morning po tita” bati ko sa kanyang mommy.

“ Good morning din iho. Buti at andito ka na. O sya sige na at baka malate pa kayo sa eskwelahan, mag-ingat kayong dalawa ah at wag magbulakbol. Iho, ikaw na bahala dito kay Kate ah. “ Dire-diretsong salita ng mommy ni Kate.
“Opo tita, ako pong bahala kay Kate.”
Humalik na sa pisngi si Kate sa kanyang mommy sabay alis namin sa kanilang bahay.
Sa loob ng sasakyan, tahimik lang si Kate at tila malalim ang kanyang iniisip. “Hon, bakita malalim ang iniisip mo? Me problema ba?” tanong ko, pero mukhang alam ko na kung bakit sya ganyan.
 Naikwento na kasi saken ni Kate noon ang tungkol sa kuya nya. Hindi daw sila in good terms nito dahil sa sobrang pasaway at walang direksyon ang buhay. Pinadala daw ito ng papa nya sa probinsya para dun sana sya matuto pero parang mas malala pa daw ang ginagawa. Imbis na ang negosyo nila ang asikasuhin, eh puro alak at barkada lang daw ang ginagawa.
“Ah eh, wala hon, meron lang akong naalala.” Pagsisinungaling nito.
“Hon, it's about your brother ano?” Tanong ko ulet sa kanya. Napatingin ito sa akin at nagulat sa aking sa aking sinabi.
“Pano mo nalaman ang tungkol kay kuya? Narinig mo ba ung pag-aaway namin ni mommy kanina?”
“ So inaaway mo pala ang mommy mo kanina, kaya pala parang may naririnig akong maingay pag dating ko sa inyo, hehe”
“ Eh kasi naman, uuwe na dito ulet si kuya, eh di magiging magulo nanaman dito sa bahay. Hay naku, kainis talaga.” Pagmamaktol nya.
“ Oh, umagang-umaga nakasimangot ka,sige ka buong araw kang magiging ganyan, hehe” pang-aasar ko.
“Hon naman eh, puro ka biro, naiinis kasi ako, kasi baka pati tayo eh guluhin nya.”
“Hon, hindi naman siguro ganun ang kuya mo, malay mo magbago na sya pag nakasama na nya kayo ulet.” Paninigurado ko.
“I doubt.”
“Hayaan mo na nga muna yan, tutal ilang araw pa naman bago pa sya dumating. Ang mabuti pa, ienjoy na muna naten ang unang araw ng semester at siguradong hinihintay na tayo ng tropa sa school.”
ILumiwanag ang mukha ni Kate pagkarinig neto. At doon at ngumiti na sya saken. “ Kaya mahal kita eh, alam na alam mo kung pano ako pasasayahin.”
“ Asus, nambola pa.. hehee. And yes, I love you too.” Sabay halik sa labi ni Kate.
SA ESKWELAHAN:
Pagdating namin sa school eh nakita namin kaagad ang tropa malapit sa tinatambayan namin na parking lot. Matagal na namin silang mga kaibigan simula palang nung first year college kami.
“Oh, andito na pala sila Steven.” Si Brian. Sya ang maituturing kong bestfriend sa tropa. Kababata ko sya dahil sa magkapitbahay lang ang aming pamilya at malapit din sa isa't- isa.
“Oi pre, musta ba? Kanina pa ba kayo dito?” Tanong ko.
“Hindi naman… halos kakadating lang namin.” Si Jayonce. Isa sya sa mga popular sa aming school dahil sya ang cheerleader at bukod ay talagang maganda sya at sexy kaya maraming lalake ang pumoporma sa kanya. Pero kahit na popular sya, eh napakadown to earth nito at magaling makisama.
Kasama din nila ang iba naming tropa na sina JB, Esmy at Kiefer. Sabay-sabay na kaming pumasok sa school at kanya-kanyang punta sa mga unang subject. Panibagong taon, panibagong pakikibaka. Dalawang taon nalang at matatapos na namin ang aming pag-aaral sa kolehiyo. Sigurado ako, magiging masaya nanaman ang buong taon namin. Lalo na't magkakasama pa rin kami at wala na akong mahihiling pa dahil napakaswerte ko at sila ang aking barkada.
Alam ko, masaya ito.. masaya..Yun ang akala ko. Hindi ko alam na ito pala ang magpapabago ng buhay ko..

Tapos na ang aming unang araw sa school at napagkasunduan nang tropa na kakain kami sa labas tutal wala naman masyadong ginagawa sa unang araw ng klase at puro requirements lang ang kalimitan dinidiscuss dito.
“Ano, san nyo balak kumain?” Tanong ni JB. “Gutom na ako kanina pa kasi hindi ako nakapaglunch gawa ng wala akong trip kainin sa canteen kanina.” Dugtong nya.
“Sa dating gawi nalang, sa kwek-kwekan.” Sagot ni Esmy. “Namiss ko na kumain nun saka matagal-tagal din tayong hindi nakapunta dun dahil sa bakasyon.”
“Oo nga, tara.. dun nalang. Gutom na din ako.” Sang-ayon naman ni Kiefer.
Pagdating namin dun ay kanya-kanyang dampot ng lagayan sabay tusok sa mga kwek-kwek ni tinda ni aling Bening. Tuwang-tuwa naman siya nang makita kami dahil alam nyang madami nanaman ang maibabawas sa kanya paninda dahil alam nyang matatakaw kami sa kanyang paninda.
“Ate, kamusta na po? Long time no see ah, lalong gumanda ah.” Bati ko sa kanya.
“Naku iho, kahit kelan bokero ka pa din. Wag ka mag-alala may libre ka pa ding isa.. haha!”
“ Yan talaga ang namiss ko sayo ate eh.” Sagot ko.
“ Nakaw, niloko mo nanaman si ate, porket alam mong paborito ka nya sa aming lahat kaya ka nakakalibre parati ng isa.” Basag ni Kiefer saken. Eh, malay ko ba, dinaan ko lang naman si aling Bening sa pagpapacute noon hanggang sa pumayag sya na bigyan ako ng libreng isa kada order eh. Saka, hindi ko na kasalanan kung charming ako. Haha, sa isip-isip ko.
“Oh hon, bat tahimik ka dyan? Tara, kain na dito. Eto oh, saken ka na tumusok. Masarap ung pagtimpla ko ng sawasawan. Sinubo naman ni Kate ang tinusok kong kwek-kwek para sa kanya sabay ngiti saken.
“Ay iba ka talaga girl! Haba ng hair, ikaw na talaga. May tigasubo ng kwek-kwek.” pang-aasar ni Esmy sa kanya.
“Hindi ah, may iniisip lang ako.. kukuha naman talaga ako maya maya, saka pano ako kukuha jan eh nakaharang ka, loka ka talaga.”
“Asus, may iniisip daw, eh ano naman yan? Wag mong sabihing may project na kagad kayo at kailangan mo nang isipin kung ano ang gagawin”
“Baliw wala nga.”
Tiningnan ko si Kate at alam kong iniisip nanaman nya ang paparating na kuya nya nitong weekend.
“Wag mo na kasing isipin yan, everything's gonna be okay hon, don't worry.” Paninigurado ko sa kanya. Isang tipid na ngiti lang ang sinagot nito saken.
“Ay girl, ano ba yang iniisip mo? Akala ko,eme eme lang yang drama mo dyan kanina.” Bawe naman ni Esmy.
“Yung kanya mortal enemy kasi dadating na weekends. Hehehe!”
“OMG, you mean yung kuya gwapo mong kuya?”
“Yup. The one and only.”Sagot ko.
“Unfortunately.”
“Ay girl, kelan ba tayo pupunta sa bahay nyo ng mawelcome naman naten ang kuya mo?”
“Loka, walang ganun.”
“Diba, matagal nang nasa probinsya yung kuya mo? Sya yung pinapunta ng erpat mo para asikasuhin ang negosyo nyo? Why the sudden change of plans? Tanong naman ni JB.
“Ewan, sobrang pasaway nanaman ang ginawa nun dun kaya nainis na si lola at pinauwe samen.”
Alam naman ng buong tropa ang tungkol sa kuya nito. Matagal nang naikwento nito noon ni Kate ang tungkol sa kanya at base sa kwento nito. Lubhang pasaway talaga ang kuya nya. Palabarkada, nagyoyosi at lasenggero. In short, walang direksyon ang buhay.

3 years ago..
Pababa palang si Kate mula sa kanyang kwarto, ay dinig na dinig na nya ang kanyang ama na sumisigaw. Kahit na hindi nya nakikita ito, alam nya na galit na galit ito at alam na nya kung sino ang binubulwayan nito.
“Wala kang kwenta, wala kang alam. Puro ka barkada! Sinong matinong tao ang uuwe ng umaga at lasing na lasing ha?!”
“Ako dad, ako.” Sagot nito sabay ngisi sa kanilang daddy.
“Aba, namimilosopo ka pa ah! Wala ka na talagang pag-asa, wala ka nang pag-asang magbago. Mabuti pa at dun ka nalang sa lola mo sa probinsya. Dun na tumira kesa dito ka pa magkalat ng kagaguhan mo.” Galit na galit na sabi ni daddy.
“You can't do that to me, ayaw ko dun. And you know na hindi din ako gusto ni lola na nandun ako.”
“ No!” matigas na sagot ni daddy.”Whether you like it or not, dun ka titira, hanggang sa magtino ka.”
Lumapit na ako kay mommy dahil nakita ko na sya na umiiyak na. Iyakin si mommy nakahit na sa simpleng drama lang sa tv ay naiiyak ito. Napayakap nalang siya saken sabay tingin sa kay kuya.
Nakita ko naman si kuya na tumingin kay mommy na tila ba nangungusap na pigilin si daddy na doon sya patirahin sa probinsya.
Pero dahil walang nasabi si mommy ay lalong nagalit ito at tumayo sa kinauupuan nya sabay sabing, “I hate you dad, I hate all of you!!!”
Sabay akyat sa kwarto nya at nagkulong maghapon.

Pagkatapos kumain sa kwek-kwekan, ay kanya kanya na kaming uwe at kami naman ni Kate ay tumungo na sa sasakyan para maihatid ko sya sa kanila.
“Don’t worry hon, kahit naman andyan na ulet ang kuya mo eh I'm sure na hindi na sya magiging pasaway. Takot lang nun sa daddy mo, hehe” paninigurado ko sa kanya.
“Thanks hon, natatakot lang ako dahil baka gumulo nanaman sa bahay ngayon na nandyan na ulet si kuya”
“ Hindi naman sigurado ulet mangyayari yun.”
“You know what, just forget about it. Hatid na kita sa inyo and get rest. Bukas may sorpresa ako sa'yo. Hehe?”
“ Ano naman yun?” sabay ngiti.
“Surprise nga diba? Eh kung sasabihin ko na yun, hindi na surpriss yun.”
“Eh ano nga yun kasi, sabihin mo na.”
“Bukas na, malalaman mo naman din naman eh.”
Inihatid ko na sya sa kanilang bahay at nung papasok na kami sa loob nito ay napahinto si Kate sa kanyang kinatatayuan dahil sa kanya nakita.
“Kuya?”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This