Pages

Sunday, December 29, 2019

Meet My Middle Finger (Part 13)

By:Raleigh


Capitulo Trece
A/N: yeah, yeah, I know.. I know better than anyone of you okaaay? So stahp harassing meh! XD
This chapter is quite short so... soweee! Teehee XD
  ~ Rae

********

Mabibilis na hakbang ang nagdala sa akin sa elevator ng condo habang bitbit sa magkabilang kamay ang mga pinamili kong paputok at mga prutas.
Kahit sinong tambay ang tanungin, tiyak makapagsasasbi silang excited na akong umuwi. Papano ba naman, naghihintay sa bahay ko ang aking asaw―este, bespren.
Sa kasabikan, makailang beses kong napindot ang elevator button.
“As if it would go down faster, idiot!” parinig naman ng katabi ko.
Kunwari’y wala akong narinig at pasipol-sipol pa akong pumasok ng elevator. I won’t let her negativity affect my chirpy mood.
“Yo, ‘sup! Lovely day it is!” bati ko sa babaeng nagparinig sakin.
Kawawa naman si Gus kapag sya ang nakasalo ng init ng ulo ko. Tiyak pati pwet nya ay mamumula―ooopsie!
Speaking of which, hindi nakaligtas sa peripheral vision ko ang pamumula ng babae. Di siguro nya aakalain na bathala ng kagwapuhan ang pinaringgan nya kanina.
Whatever...kibit-balikat ko na lamang.
Hmmm, what is that? Bakit ako masaya? Well, well, well... Gus and I will be spending the New Year’s Eve...alone.
Gustuhin man nya, di rin makakapunta si Kuya Brix dahil may New Year’s Eve Party ang company ni Dad, which he needs to attend dahil sya ang anak ng president.
What about me? Yeah, I politely declined the invitation nung isang linggo pa. Di naman ako parte ng kumpanya, may magagawa ba sila?
Sino bang mag-eenjoy habang pinapaligiran ng mga mahaharot na walang ginawa kundi ipangalandakan ang mga dibdib nila maka-one night stand ka lang?
Bahala nang walang boobs si Gus, mas masarap naman ang nipples nya. Oops!
Habang paakyat ang elevator ay inisip ko ang setup na gagawin sa may rooftop.
Plush rug, throw pillows, tapos papalibutan ko ng fairy lights ang paligid. Then candle-lit dinner na ako ang maghahanda, plus romantic music na background...
Ah, wine. Can’t forget the wine. Baka swertehin ako at malasing si Gus, kakaibang putukan ang magaganap ngayong gabi.
Napangisi na lamang ako.
“U-um, excuse me.”
Muntik ko nang bulyawan ang taong iyon, lamang ay narealize kong babae sya. I was so lost in my fantasies, di ko namalayan na nasa elevator pa pala ako.
“Mukhang maganda ang mood mo ngayong araw ah?” usisa nung babae.
“Haha, ganun ba?” how dare she intrude on my fantasies!

“Sobra, ni hindi mo nga ako narinig eh.” aniya sabay hawi ng buhok sa likod ng tenga.
“Oh, what was it you’re saying?”
“U-um, s-sorry pala kanina.” pa-virgin nyang tugon.
“Nah, it’s ok. No biggie.”
“Um, I’m Nina by the way. You are?” sabay alok ng kamay nya.
Lingid sa kanyang kaalaman, nahalata kong bahagya syang yumuko para mas lumitaw ang cleavage nya.
Nice boobs, actually. But sorry na lang sya. Ayaw na ayaw ko sa mga babaeng binibenta ang sarili nila mapansin lang ng mga lalaki.
“Nice to meet you, Nina.” sabi ko habang nakikipag-kamay.
Saan kaya aabot ang kalandian nito? Well, only one way to find out. I decided to play along.
Mas lalo pang namula si Virgin Nina nang ipatong ko ang aking braso sa bandang uluhan nya habang nakikipag-kamay parin sa kanya.
“Uhmm, d-di mo lang ba sasabihin ang pangalan mo sakin?” malagkit ang boses nya.
“Hmm, a mysterious guy is more interesting tho...” bulong ko.
“Masyado ka atang malapit?” kunwari’y nahihiya pa sya.
“Ayaw mo ba? Sorry, I just thought...” bitin kong tugon sabay layo.
“No! I mean, di naman ako na offend eh. Pero, di ba magagalit girlfriend mo nyan?” aniya sabay lapit sa akin.
“Girlfriend? Sino’ng nagsabi na may girlfriend ako?” maang-maangan ko.
Di naman ako nagsinungaling diba?
Technically, wala akong girlfriend kase di naman babae si Gus. Kung tinanong nya kung may asawa ako, aba! Baka magsabi pa ako ng totoo.
“Really?”
Dahan-dahan nyang pinagapang ang mga palad nya sa dibdib ko habang nag kagat-labi sya. Akala siguro nya ay nakakaakit ang ganung mukha.
“Yeah...” hinawakan ko ang siko nya.
“Sa gwapo mong yan, imposibleng walang nagkakandarapa sa’yo.”
“And so? Di ko naman sila type eh.” kibit-balikat kong tugon.
Kung ako parin ang Hunter noon, siguro kanina ko pa naikama ang babaeng ‘to. Maganda naman sya, malaki ang boobs.
Pero wala eh, di natuturuan ang puso. Sya na ang tahanan at mundo ko.
“Is that so? So...what do you think of me?” tanong nya at dahan-dahang lumapit sa akin.
Urgh, nakakasuka. Time to break the act.
“Hmm, let’s see. You’re a bitch who thinks she can lure a guy by pretending to be sweet and pure. I’ve seen through your act kanina pa. Go find another victim, succubus.”
Napamaang at namumutla si Nina nang alisin ko ang mga kamay nya sa dibdib ko at dire-direchong lumabas ng elevator.
Happy New Year nalang sa’yo.
“Ah, boss anjan ka na pala. Nasa kusina na po yung mga pinabibili mo sa’kin. Amin na yang mga dala mo at nang maayos ko na ang mga prutas sa lalagyan.”
Napangiti ako nang masilayan si Gus. Nagbalik na ang sigla at kulay nya. Kitang-kita na namumula ang mga tigyawat nya eh.
Isang linggo na rin ang nakakaraan nang nakituloy si Gus sa bahay ko. Minsan ay napapatawag sina Ate Tess at Auntie Hermie.
Ngunit sa lahat ng iyon, ni isa ay walang sinagot si Gus kung kaya’t ako na ang kumakausap sa kanila para di sila gaanong mag-alala.
Lalo na si Auntie Hermie dahil maselan ang pagbubuntis nya. Sa edad nya ay nasa high risk pregnancy sya. Ayoko namang mastress sya.
Naiintindihan ko si Gus; masyado pang sariwa ang sugat na naidulot ng paglilihim ni Auntie. But wounds heal with time, right?
Kaya susuportahan ko muna sya whenever and however I can.
Agad akong dumirecho sa computer at nagpatugtog ng mga jolly songs bago pumunta ng kusina at naghugas ng kamay.
Nagkukwentuhan kami ni Gus ng kung anu-ano, ang sinag ng papalubog na araw ang nagsilbing ilaw namin.
Habang kumukulo ang tubig ay sinimulan kong linisin ang mga hipon. Pagkatapos ay inihanda ko na ang iba pang ingredients.
But even the strongest men have weak points. Habang nagch-chop ng sibuyas ay di ko mapigilang mapluha.
“Huy, sandali lang. Diba pinagbabawal ang paputok dito sa inyo?” usisa ni Gus.
“Huh? De sa rooftop tayo.” pasinghot kong tugon.
Sinagot naman ako ng malutong na tawa ni Gus.
“Tawa pa.” tiningnan ko sya ng masama.
“Sorry na! ‘To naman oh. Mn, papano yan boss? Diba locked yung pinto paakyat sa rooftop?” tanong nya.
“Ako nang bahala dun.” sagot ko sabay tabi ng sibuyas sa maliit na bowl.
“Hala, magnanakaw ka ba?”
“Timang, b-bribe ko ng alak si manong guard para pahiramin tayo ng susi. Sa gwapo kong ‘to, gagawin mo akong akyat-bahay gang?”
“Mn, di naman. Pero sa mukha mong yan eh pasado ka na sa budul-budul gang.” panunukso nya.
“Aba’y putangina, kanina ka pa ha. Halika nga rito!”
Ibinagsak ko ang kutsilyo at lumapit sa kanya na animo’y galit na galit at nanlilisik ang matang nakatingin sa kanya.
Agad tumakbo ang engkanto sa sala kung saan nagpaikot-ikot kami sa sofa na parang mga timang. Walang tigil ang halakhak nya.
“Hoy, kung lalaki ka harapin mo ako!” pagbabanta ko.
“Ayoko nga, bleeeh!” sabay labas ng dila.
Damn, I wanna taste them!
“Aba’t etong sa’yo!” bulalas ko nang bumalik ako sa katinuan at saka tumalon sa may sofa.
Nagitla si Gus at di sya nakailag kung kaya nasapul ko sya at natumba kaming dalawa sa sahig. Buti na lang at makapal ang carpet ko.
Bilang ganti sa mga panunukso ay pinarusahan ko sya at ginamit ang kahinaan nya.
“Hahahaha! Tama naaa!” pagmamakaawa nya habang tumatawa at tumutulo ang luha.
Gus has this infective laugh kaya di ko mapigilang matawa. Pero buti na nga lang at tawa nya ang nakakahawa, di ang tigyawat.
It’s like basking in the warmth of sunshine...
“Ano, tatawa ka pa?!” pagbabanta ko habang natatawa na rin.
“H-hindi naaaahahahahaha!!!”
“Ahemmm!”
For the second time today, WHO DARES INTRUDE ON MY FANTASY?!
Nabaling ang atensyon namin sa gawing pintuan kung saan nanggaling ang boses. At nagitla ako sa aking nakita.
Maiksi ang buhok na hanggang balikat, nakataas ang kilay, nakapamaywang, suot ang paborito nyang high heels.
“Who are you and what are you doing in my house?” tanong ng babae.
“M-mom?!” bulalas ko.
Dali-dali akong bumangon at tinulungan si Gus na tumayo. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko.
Why is she here? Diba sabi nya hindi sya makakauwi?
Nakita ba nya ang ginagawa namin ni Gus? Gawd, she definitely saw us, didn’t she???
“What? Am I not allowed to return home?” halos nabasa nya ang katanungan ko.
“U-umm, g-g-good afte―ah!” kabadong bati ni Gus.
Kung hindi lang seryoso ang sitwasyon ay malamang humagalpak na ako sa tawa. Nakagat na naman kasi ni Gus ang dila nya.
“And...you are?” pangingilatis ni Mommy.
“G-g-good asfernoon po. A-ako po si Gush.” nabubulol nyang bati.
“And what brings you to my house, Gush?”
With my predator-like senses, alam kong ina-asses na ni Mommy si Gus. halatang may bahid ng suspisyon ang katanungan nya.
“Mom, it’s Gus.” sabi ko.
Napasulyap si Gus sa akin at napalunok ― damn, that throat is sexy… wait, what?
Hoy Hunter! Kakatayin na ng Mommy mo si Gus pero ikaw, kamanyakan pa ang pumapasok sa utak mo! saway ng anghel sa kaliwang balikat ko.
But he can’t help it if he’s telling the truth! Masama ba yun? kontra naman ng demonyo sa kaliwang ko.
“Mom...” pigil ko.
“Shush, let the boy speak. Get me some water, I’m parched.” malamig na utos ni Mommy.
Biglang nabalot ng katahimikan ang bahay. Kahit na naka-full blast ang aircon ay pinagpapawisan parin ako.
Pagbalik ko galing ng kusina ay nakita kong namutla si Gus. Kitang-kita sa mata nya na nanumbalik ang alaala ng ginawa ni Auntie.
Gusto kong tumakbo at yakapin si Gus; at the same time ay napako ako sa aking kinatatayuan. Ayokong maghinala si Mommy about sa amin.
Clack..clack..clack...
Dali-dali kong iniabot kay Mommy ang baso ng malamig na tubig. Senyales na naiinip si Mommy kapag tina-tap nya sa sahig ang high heels nya.
Ito rin ang senyales na dapat sundin ang gusto nya kaya di ko maiwasang mairita dahil naaalala ko na naman kung paano nya kinokontrol ang buhay ko.
Lumapit ako kay Gus at inakay sya paupo ng sofa. Binigyan ko rin sya ng tubig.
“Mom, can we talk abou―”
Natigil ako nang napakapit si Gus sa akin. Bagamat nanginginig ang kamay nya, nakuha nya paring ngumiti.
“O-okay lang Hunter. Dapat malaman ng Mommy mo kung bakit nakikituloy ako dito sa bahay nyo.” mahina nyang tugon.
“But―”
“Okay lang. Promise.” nakangiti nyang tugon.
At unti-unting sinimulan ni Gus ang pagkukwento. Kung kelan nya napansing nalulong si Auntie sa computer.
Na yung mga rason nyang tumitingin sya ng bags online ay palusot lang para makipag chat sa foreigner nya...
Na yung mga sandaling gising pa si Auntie hanggang madaling-araw dahil sa YouTube ay kunwari lang para maitago ang pag-VC nila...
Hearing Gus talk about a different side of Auntie Hermie, it’s like talking about another person. Masakit.
Ibang-iba sa version ng Auntie Hermie na nakilala ko. Ako rin ay hindi lubos maisip kung bakit nagawa nyang maglihim sa kaisa-isang anak nya.
But hearing Gus talk about himself is more painful.
Kung papaano sya tumakbo papalayo ng bahay nila...kung papano nya natagpuan ang sarili na nakaupo sa harap ng puntod ng kanyang ama.
Naalala ko kung paano ko sya natagpuang nakaupo sa puntod ng yumao nyang ama, with only a lamppost as company.
Malakas ang ulan at humahagupit ang hangin, napakanipis ng t-shirt nya at basang-basa sya ng ulan.
Ngunit hindi sya natinag. Para syang estatwa, walang buhay. I was angry, yet I was scared to death.
Scared to death kasi kumukulog. Eh putangina natatakot ako sa kulog. Baka tamaan ako ng lintik na kidlat na yan.
But I was more scared for Gus’ welfare. Ni hindi ko ininda ang malakas na ulan, makita lang sya and to make sure he’s safe.
I remember looking him in the eyes habang namumuo ang luha. I remembered the pain reflected back at me.
Nung mga oras na yun, napuno ang puso ko ng pagmamahal. I never knew I could love somebody as much as I love him.
I can never let him go ― that child-like crying habang mahigpit na yumayakap sa akin. I want to share his joys and pain.
And I realized, no one can love him as much as I do. There’s only me for him. And him for me. We were fated.
Hindi ko napigilang haplusin ang likod ni Gus para bigyan sya ng lakas, kahit pa nga kaharap ko ang nanay ko.
“Kaya po nagpapasalamat ako may kaibigan akong gaya ni Hunter. Kung di po dahil sa kanya, di ko alam kung saan ako pupulutin.”
“Agik, ako lang naman ang kaibigan mo eh.” pabiro ko syang binatukan.
“A-alam ko po na mali yung ginawa ko. P-pero di ko po kasi inaasahan na mangyari yun. Na para bang ang dali lang maglihim sa akin.
“Akala ko po kasi hindi mapapalitan yung lugar ni Papa sa puso nya.”
“Are you sure you’re saying it because of your father? Or were you hurt because you’re easily replaceable?” usisa ni Mommy.
“Mom!” saway ko.
Sa puntong ito ay unti-unting tumulo ang mga luha ni Gus. What the heck, my mother made him cry?
I’m the only one allowed to bully him!
Susumbatan ko pa sana si Mommy, pero biglang nagsalita ulit si Gus.
“Ba’t po ganun? G-ginagawa ko naman p-po yung m-m-makakaya ko eh...di pa ba ako sapat kay Mama?
“Hiccup...n-nag-aaral naman ako ng m-mabuti, nagti-tiyaga n-naman ako... pero―”
“Stop right there, boy.”
Biglang tumayo si Mommy at dali-daling pumunta ng kusina. Pagbalik nya ay may dala na syang baso at brandy.
Nagsalin sya ng brandy sa baso. Pipigilan ko sana sya dahil akala ko’y paiinumin nya si Gus, ngunit laking gulat ko nang nilagok nya ito.
Wh-what the fuck is happening...?!
“You know, I’ve been in your situation.”
Napangiti si Mommy, ngiting walang bahid ng tuwa, at saka nagsalin ulit ng alak sa kanyang baso.
“Ang lola ni Hunter, she had me when she was fourteen. Too young diba? My father left us di paman ako naisisilang. Looking for a better woman, I guess?”
Tinungo nya ang bintana at saka pinagmasdan ang lumulubog na araw, hawak-hawak ang baso ng alak.
I am legit seeing my mother in a new light.
“She gave birth to me at fifteen, forced to stop studying para magtrabaho upang may maipakain sa akin. Just like any normal person, she worked day and night.
“And like any normal person, pinili nyang magtrabaho kung saan sya kikita ng mas malaki.” I can almost hear the sarcasm in her voice.
“Dahil nga bata pa sya, kulang sya sa pagmamahal. She engaged with several relationshits. Older, younger...never really mattered.
“At any rate, lumaki akong walang kinikilalang ama. She started bringing her men into our house, at ikukulong ako sa kwarto.
“I had to be a good girl para di magalit si nanay, para di nya ako paluin. Even when I heard strange noises at night, I didn’t dare leave my room.”
- - - - - - - -
Makailang beses lumagok si Mrs. Pineda mula sa kanyang baso. Natuyo na rin ang mga luha sa aking pisngi.
Halos hindi ko maimagine ang pinagsasabi sakin noon ni Hunter na poker face ang Mommy nya, dahil ang Hilary Pineda na kaharap ko ngayon ay puno ng emosyon.
Bumalik si Mrs. Pineda sa harap namin at nagsalin ulit ng alak.
Gustuhin man namin ni Hunter na pigilan sya sa paglaklak, di namin magawa. Diba sabi nila, nakakapag-palakas ng loob ang pag inom?
“Then, just like a Cinderella story, my mother met a prince. Isa syang businessman at nakilala nya si nanay bilang isang waitress.
“Maganda rin naman kasi si nanay, that’s where we got our looks.” mapait syang ngumisi.
“One day, habang naglalaro ako sa sala, di inaasahang pumasok ang lalaki sa bahay namin. Binigyan pala sya ni nanay ng susi.
“The six-year old me was shocked. Muntik nang magwala ang lalaki sa bahay namin. Good thing umuwi agad si nanay at nag explain.
“She denied me. In front of that guy, she denied I was her daughter. Told him I’m her neice. And that fool of a man believed her.
“Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit na bagay sa mundo? Yung ideny ka ng sarili mong ina.”
Kaya ba ganito rin sya? Dahil sa karanasan nya?
“Anyway, kids don’t understand these things dahil bata pa nga. Ayun, labas ako ng bahay, kunwari uuwi sa non-existent bahay namin.
“But what I really did was stay under the bridge and wait for my mother to call me. Naging tambayan ko ang tulay ng ilang linggo.”
Ilang segundong nanahimik ang ina ni Hunter, tila nagdadalawang-isip kung ipagpapatuloy pa ba ang pagkwento.
Huminga muna sya ng malalim bago nagpatuloy.
“Isang araw, I woke up to see my mother wear this beautiful dress with a flower crown. She looked so happy. Ang ganda nya.
“Bigla syang lumapit sakin, told me she loved me and hugged me tight. I’ll never forget that day because of two reasons.
“Una, it’s the first time she told me she loved me. I was happy. And then she bid me goodbye dahil pupunta na sya sa trabaho, like the usual.
“Magdidilim na ngunit di parin nakauwi si nanay. Normal na rin yun, kaya binalewala ko. Tiniis ko rin yung gutom.
“I waited hanggang sumunod na araw, pero wala parin si nanay. Sa sobrang gutom ay kinain ko yung mga chocolate na regalo ng lalaki nya.
“Then the next morning came, and the next, and the next. But there was no sign of my mother coming home.
“And the second reason I’ll never forget that day was because that was the last time I saw her.”
Ngayon nauunawaan ko na, kung bakit sinabi nyang naiintindihan nya ako. Hindi man kami pareho ng pinagdaanan, pero pareho kami ng naramdaman.
Pareho kaming inabandona ng nanay namin...
Muling namuo ang luha sa aking mata, ngunit sa pagkakataong ito ay dahil naawa ako sa Mommy ni Hunter.
Sa murang edad ay ganoon ang dinanas nya. Hindi ko lubos maisip kung bakit nagawa iyon ng nanay nya.
“I got sick dahil ilang araw akong di nakakain. Halos buto’t-balat na ako nang iwan ako ng kapitbahay namin sa pagamutan.
“While I was on the verge of life and death, this lady came. Ang sabi nya ay kapatid daw sya ni tatay.
“Naalala ko ang sinabi ni nanay, wag sumama o maniwala sa mga hindi mo kilala. Naturally, I rejected her.
“But the woman showed patience; inalagaan nya ako at dinala sa mas malaking ospital. Hindi sya tumigil hanggang makuha nya ang tiwala ko.”
Lumagok ulit si Mrs. Pineda hanggang maubos nya ang baso ng alak.
“B-by that, you mean…?” napakapit si Hunter sa akin.
“Yes, your grandfather’s sister raised me. I owe her my second life, and I will forever be grateful to her.
“It’s quite funny how people had the patience just to regain the lost trust. After all, I am but a reject. Pero iba sya, inalagaan nya ako hanggang gumaling ako.
“Inuwi nya ako, binigyan ng kumportableng buhay, pinaaral. Lahat ng masasarap na pagkain, natikman ko.
“Then one day, she told me the truth. Showed me pictured of my mother wearing that beautiful dress, getting married to that guy.
“Never saw my parents after that.” nakangiti nyang inilapag ang baso sa mesa.
“Before going to bed, I always have this thought. I wanted to die, I lost my faith. Bakit sa akin pa nangyari yun?
“Bakit ako iniwan ng nanay at tatay ko? Am I really that unwanted? Bakit di ako isinama ni nanay nung umalis sya?
“Naging mabait na bata ako, ni minsan di ko pinahirapan si nanay. Lahat ng utos nya sinunod ko. Kulang pa ba yun?
“Kung tunay na mahal mo ang isang tao, di mo sya iiwan. Even if it meant facing hell together.” tumawa ng mahina ang Mommy ni Hunter.
Unti-unti syang lumapit sa akin. Ikinagulat ko nang bigla syang lumuhod sa harap ko at kinuha ang aking mga palad.
“M-mom...” nanginginig ang boses ni Hunter.
Di ko mapigilan ang pagdaloy ng luha sa mata ko. Napakatatag ng Mommy ni Hunter, at napakabait.
“I was abandoned by my parents at hanggang ngayon hindi ko parin alam ang kasagutan sa ‘bakit’. Hanggang ngayon, iniisip ko parin kung ano ang kasalanan ko.
“Gus, in this journey, you will still face a lot of trouble more than any other people. But you need to be strong and stand on your feet.
“Love yourself; only then can you love others and learn to trust once again. Yan lang ang maipapayo ko sa’yo.”
Paulit-ulit akong nagpasalamat sa kanya habang umiiyak. Halos di ako makahinga dahil napuno na ng sipon ang ilong ko.
Napalingon ako kay Hunter na syang tumalikod, marahil ay hindi sya makapaniwala sa sinapit ng kanyang Mommy.
Maging ako ay hindi makapaniwala na sa likod ng matatag na babaeng ito ay nagkukubli ang madilim na nakaraan.
Sa kabilang banda, hindi ko maiwasang maisip na napakaswerte ko parin dahil nariyan si Hunter sa aking tabi.
Hinanap nya ako at natagpuan kahit pa nga malakas ang ulan at madilim. Sya ang nagsilbing liwanag ko nitong mga nakaraang araw.
Sya ang nagbalik ng sigla at ngiti sa mga labi ko.
Tila narinig ni Hunter ang pasasalamat ko kaya’t lumingon sya at nagtama ang aming paningin. May kung ano roon na hindi ko maipaliwanag.
Badump..badump..
T-teka, ano itong nararamdaman ko? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Ilang beses na kaming nagkatinginan, pero bakit ganito?
“Hay naku, tama na nga itong drama. Gus, be a dear and help me carry my bags to my room, will you?” nakangiting tanong ng Mommy ni Hunter.
“O-opo, Mrs. Pi―”
“Oh, just call me Mommy. Ohohohoho…” malutong nyang tawa.
M-mommy? W-wala naman kaming relasyon ni Hunter ah!
“E-eh??? P-pwede po bang T-tita na lang?” namumula kong tugon.
 “Why? You’re my son’s precious friend. Walang masama kung Mommy ang itatawag mo sakin eh. Ohohoho!” tawa nya ulit.
“P-pero po―”
“Walang pero-pero. Call me Mommy, that’s final and irrevocable.”
Sa tono at aura ni Mrs. Pineda ay masasabi kong wala na akong lusot at kelangan kong sundin ang utos nya.
“O-opo, M-mommy...” naiilang kong sagot.
“Again, and louder this time.”
“O-opo, Mommy.” tugon ko.
“Ohohoho! Hunter, ikaw na ang magdala ng mga bag ko sa kwarto. Marami pa kaming pagkukwentuhan ni Gus.
“Also, call one of the nearest restaurants. See if they can deliver food fit for a New Year’s Eve dinner. Syempre dito ka kakain Gus.”
Di ko alam kung lasing ang Mommy ni Hunter pero parang napaka-masayahin nya ngayon.
“What? Ang hassle nun. Eh kaya ko namang magluto.” inis na tugon ni Hunter.
“You? In the kitchen?” gulat nyang sagot.
“Wag po kayong mag-alala, masarap po magluto si Hunter.” nakangiti kong tugon.
“Gus, I dunno what he’s been feeding you but this kid doesn’t even know how to boil an egg.”
“Yeah, if it was a year ago. Mom, I’m a changed man!” pagmamalaki ni Hunter sabay kindat sa akin.
Salitan kaming tiningnan ni Mrs. Pineda, na tila ba pareho kaming baliw dahil sa aming pinagsasabi.
“Mom, you can go rest sa kwarto.” sabi ni Hunter makalipas ang ilang sandali.
“Opo, kami na po ang bahala dito. Saka alam ko po pagod kayo sa byahe ninyo.” nakangiti kong dagdag.
“Gus, are you sure hindi tayo magkaka salmonella poisoning sa ginagawa ni Hunter?” nababahalang tanong ni Mrs. Pineda nung ihatid ko sya sa kwarto ni Hunter.
“Hindi po, promise! Malaki nga po ang ipinagbago ni Hunter eh.”
“W-well... if you say so.” nag-aalinlangan nyang tugon.
“Sige po M-mommy, tulog na po kayo. Gisingin nalang kita mamaya.”
Hindi mawala-wala ang ngiti ko nang isara ni Mrs. Pineda ang pinto. Ganito din ba ang naramdaman ni Hunter nang tawagin sya ni mama na ‘anak’?
“Huy, ginagawgaw mo jan? Ang creepy ng mukha mo kapag nakangiti kang mag isa.” sita ni Hunter nang pumasok ako sa kusina.
“Grabe ka naman, boss.”
“Pero mas creepy kapag sumimangot ka. Ngiti ka nalang ulit.” sabay halakhak.
Pinisil ni Hunter ang baba ko at tiningnan ko sya ng matalim, pero mas lalo pang natawa ang demonyo.
Tinulungan ko si Hunter sa paghahanda. Dahil di naman ako marunong magluto, ako na lang ang naghuhugas ng mga gulay at ng mga platong ginamit nya.
Matapos iyon ay pinagmasdan ko si Hunter habang nagluluto sya. Nakakamangha na ang lalaking kasing laki nya ay maliksi gumalaw sa kusina.
Oo nga, malaki ang pinagbago nya sa loob lamang ng iilang buwan. Para syang isang tunay na chef.
May kinalaman kaya ang pagkakaibigan namin sa pagbabago nya? Gagi, ano ba ang iniisip ko!
Imposible naman ata yun, nasa tao naman kung gusto nilang magbago para sa ikabubuti nila.
“Huy!”
Muntik na ako malaglag sa aking inuupuan nang hampasin ako ni Hunter sa balikat.
“Aray! Boss naman eh!” halos mabasag ang ribs ko dahil sa mabilis na tibok ng puso ko.
“Haha, ungas ka kase. Kanina pa kita tinatawag, di mo ako naririnig. Teka nga, may nakikita ka na naman ba na di ko nakikita?”
Nakangisi ang demonyo habang sumasandal sa bandang lababo. Ibang klase talaga ang mukha ni Hunter, sobrang gwapo.
Pero sobrang nakakainis din ang nakangisi nyang mukha.
Hmm, takutin ko rin kaya sya?
Seryoso kong pinagmasdan ang bintana sa likod nya, kunwari ay may nakikita nga ako doon.
“Boss, may tao yata sa labas.” sabay nguso ko sa bintana.
“Urur, tae tae ka. Papano magkaka-tao jan eh walang balcony jan.” nakangisi parin nyang tugon.
“Weh, di nga? Nakatingin pa nga sya sa’yo eh.” kunot-noo kong tugon.
Hindi paman natatapos ang pagsasalita ko ay halos liparin ni Hunter ang kitchen counter at pinagpipindot lahat ng switch ng ilaw.
Lumiwanag tuloy ang buong condo. Muntik na akong matawa nang magtago si Hunter sa aking likod.
“G-Gus, seryoso? Saan?” tanong nya habang nakahawak sa damit ko.
“Ayan oh, di mo ba nakikita? Naka kulay pulang baseball cap sya at itim na t-shirt. Kumakaway pa nga sya sa atin. Kaibigan mo ba sya?”
Nilingon ko si Hunter at di maipagkakaila na nasisindak sya sa mga pinagsasabi ko.
“Sigurado ka ba boss na di mo kilala yan?”
“Huy, s-sure ka? Gago papano magkaka tao jan? Gus…” nanginginig ang boses nya.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at natawa na lamang ako. Tinulak ako ni Hunter nang mapagtanto nya na pinagtitripan ko sya.
“Gago ka talaga, pinaglalaruan moko eh.” kinurot nya ako sa tagiliran.
“Haha, dapat nakita mo sarili mo boss! Ang laki ng mata mo eh!” panunukso ko sa kanya.
Halakhak ako ng halakhak, di ko mapigilan. Hanggang sa pati si Hunter ay nahawa na rin at humalakhak.
Pailing-iling nyang pinuntahan ang kumukulo nyang niluluto.
“Adik ka rin ah, akala ko talaga totoo eh... hali ka nga dito.”
“Eh? Ayoko nga! Baka sakalin mo ako eh.”
“Gagi, ikaw sasakalin ko? Lika, tikman mo kung ok na lasa.” paanyaya nya.
Nang makalapit ako kay Hunter ay hinipan nya muna ang mainit na sabaw bago isinubo sa akin.
Tumango-tango ako, tanda na nasasarapan ako sa lasa ng niluto nya. Nginitian nya ako at inilagay sa lababo ang kutsara.
Matapos nun ay niligpit namin ang mesa at inihain ang mga handa. Tinawag ko na rin ang Mommy ni Hunter upang makakain na kami.
- - - - - - -
“Si Hunter po ba yan?”
“Yah! And look at this, sipunin pa sya noon! Ohohoho!”
“Ah! Ang taba naman nya noon! Ang cute!” bulalas ni Gus.
“Precisely! Para syang butanding! Ohohoho!”
“Pinipig po ba ‘to, Mommy? Akala ko sariling dumi ni Hunter eh! Hehe...”
“Oh, no no no... ako pa, di ko naman hahayaan maging dugyot ang anak ko. And look at this! My boy is adorable, isn’t he? Ohohoho!”
Masayang-masaya na nag-uusap si Gus at si Mommy habang tinitingnan nila ang album ko noong bata pa ako.
Ang sarap sa feeling na marinig si Gus na nagsasabi ng ‘mommy’, parang son-in-law ang turing sa kanya eh.
Hindi ko lubos akalain na mabilis syang matatanggap ni mommy. I mean, c’mon, she’s Hilary Pineda, and for her, everything of no value is plain trash.
Well, he’s my Gus. And he’s a fucking jewel kaya dapat lang na matanggap sya ni mommy.
Kung hindi nya tinanggap si Gus ay magtatanan kaming dalawa, pupunta kami sa lugar na walang makakakita sa amin.
Pupunta kami ng Amazon forest!
Hindi, joke lang. Di ko nga alam kung saan yun eh. Saka mapapatay kami dun ng wild animals o di kaya ng mga tribo na nandoon.
Well, baka naman mas nakakatakot pa ang mukha ni Gus kesa sa mga dangers ng Amazon forest at maka survive pa kaming dalawa.
Besides, hindi pa ako ganoon ka lakas para magtanan kami ni Gus. Hindi pa nga ako nagtatapat sa kanya eh.
Baka matakot sya at lumayo kapag sinabi ko na sa kanya.
Isa pa, I didn’t think that far ahead kung ano ang mangyayari sa amin in the near future. Iisa lang naman talaga ang gusto ko:
Ang manatili sya sa tabi ko.
At kasama sa plano ang linisin ang mundo ng mga taong may potensyal na magnasa kay Gus.
Err, although di naman talaga ako nababahala na may mang agaw kay Gus kasi nga hello, nakakatakot ang mukha nya.
But it’s not impossible. tugon ng traydor na side ng utak ko. Ikaw nga nainlove kay Gus eh. At yung kuya mo. Di malabo na may magkagustong iba sa kanya!
Oh, and fuck...si kuya nga pala.
Argh! Ang gulo! Ayoko muna isipin yun.
“Oo nga po Mommy, idol nya ata si Brix! Sunod sya ng sunod kahit saan magpunta ang kuya nya eh!”
And as much as I love Gus calling my mother ‘mommy’, I do not appreciate them laughing at my pictures from the past.
“Look here! Ohohoho, this is him during―”
“Okay, enough of that.” lumapit ako sa mag-hipag at kinuha ang album.
“Hunter! Give it back!” saway ng nanay ko na namumula sa ininom nyang red wine.
“C’mon mom, it’s already 11pm. We have to get the fireworks ready.”
“Fireworks my ass! Ibalik mo nga yan―”
“You’re drunk.” sita ko sabay bawi ng baso nya.
“I am not.”
“Mom, you clearly are. Tama na pag iinom.” saway ko.
“Hunter namaaan...” nakausling-nguso na sabi ni Gus.
Damn! Those puckered lips...
Kung kaming dalawa lang ni Gus ang nandito, d ako magdadalawang isip na lapain sya kapag nagpa-cute sya.
Kaso nga, andito ang nanay ko at hindi kami pwede gumawa ng kahit anong indecency.
“You’re drunk, too.” sita ko sa kanya.
“I am most definitely not!” deny ni Gus.
Nagdedeny pa ang puta eh nagi-English na sa kalasingan.
“It was just a sip―a teeny, tiny sip...” pagrarason pa ng impakto.
“And we were having fun, too!” dagdag ni mommy.
“Yeah, at my expense. Magtigil na nga kayong dalawa. Manonood pa tayo ng firewor―”
“Ah, ayokooo!” tila bata si mommy na nagdadabog.
“Fireworks?! I love fireworks!” sabat naman ni impakto. “Let’s goooo!”
Napangiti ako nang tumalon-talon si Gus na parang bata na excited manood ng fireworks.
Yep, I’ll definitely add it on the long list of what he likes. Flowers, astronomy, french kiss, blow jo―
WHAT THE HELL?!
Gusto kong sampalin ang sarili ko for thinking these erotic thoughts habang nasa harapan ko ang nanay ko.
Ano na lang gagawin ko kung may bumukol, huh?
“Ah, I’m tired. Can I go sleep?” sabi ni mommy.
“But Mommy, fireworks...” cute na sabi ni Gus.
“Nope, inaantok na ako. Kayo na lang.” tugon nya habang papunta sa kwarto ko at isinara agad yun.
Napangiti ako at halos pagkuskusin ko ang aking mga palad. Matutuloy na ang romantic setup na binabalak ko!
“Gus, why don’t you take a nap for a bit? Gisingin nalang kita pag pupunta na tayo sa rooftop.” At i-bbribe ko pa si manong guard.
“Promise? Wake me up?” parang bata sya na nakatingin sakin.
“Yeah, love. I will. Go sleep…” sabi ko sabay halik sa noo nya.
“Mmm’kay.”
Dali-dali kong niligpit ang mga plato at baso sa sala at inilagay iyon sa lababo. Bukas na ako maghuhugas ng pinggan.
Mabilis akong nagtungo sa hagdan papuntang rooftop at doon ay chinika ko si manong at nag under the table ng bayad.
Nang makuha ang susi at tumakbo ako pabalik ng bahay at kinuha ang dapat kunin, inayos ang dapat ayusin.
Makalipas ang tatlumpong-minuto ay naisagawa ko rin ang maputi kong balak. Everything is where they should be.
“Gus...gising na.”
Marahan kong hinaplos ang likod ni Gus hanggang sa magising syang pupungas-pungas ang mga mata.
“How’s your sleep?” nakangiti kong tanong.
Napailing naman sya, kaya’t naguluhan ako.
“Why babe?”
“Fireworks?” para syang bata na nagtatanong.
Natawa ako ng bahagya sabay halik sa noo nya. Kinuha ko ang jacket ko at ipinasuot ito kay Gus.
“Come, let’s go see the fireworks!” excited ko syang hinila at tinakbo namin ang papuntang hagdan.
Ten minutes na lang at mag-aalas dose na ng madaling araw.
“Wow!” manghang naglibot ang mata ni Gus sa tanawin ng rooftop.
Napangiti ako.
May kinabit akong fairy lights na nagbibigay ng liwanag sa centerpeice na binubuo ng plush carpet at mga throw pillows.
Si Gus pa mismo ang humila sa akin papalapit sa carpet na iyon at sa halip na umupo lamang ay hinila nya ako pahiga.
“C’mon! Higa ka and let’s watch the fireworks explode like stars!” excited nyang sabi.
“Baliw, may five minutes pa.” tugon ko naman.
“Eh, kahit na!” kontra nya sabay hila sa akin.
Well, mas malakas ako kesa sa impaktong ‘to kaya di nya ako matinag-tinag. Bilang ganti ay hinila ko rin sya, kaya’t natumba sya sa dibdib ko.
Pero sa halip na hampasin ako gaya ng nakagawian nyang gawin ay humalakhak lamang sya ng malakas.
Hindi ako nakatiis. Niyakap ko sya ng mahigpit saka hinalikan ang sentido nya.
“I’m glad you’re laughing like this again...” bulong ko.
“Thanks to you...” pabulong nyang tugon at ginantihan ang yakap ko.
“So, you’re going back home tomorrow?” tanong ko.
Mga ilang sandali na hindi umimik si Gus. Hindi ko alam kung may impluwensya pa ng alak sa katawan nya.
Alam kong ngayon lang ulit sya tumawa ng ganito, pero kailangan parin nyang harapin ang problema nya.
“Boss...”
“Gus, you know Aunti Hermie misses you a lot. She’s worried...” pangungumbinsi ko.
Hindi sya umimik. Bakgus ay hinigpitan nya ang pagyakap sa akin.
“Will you come with me...?” tanong nya.
“Of course...”
“Then...” at marahan syang tumango.
Napangiti ako at ninamnam ang mga sandaling magkayakap kaming dalawa. Anjan na naman ang malakas ngunit mabagal na tibok ng puso ko.
I love this guy...
Peeeew! Boom… boom… boom!!
Sabay kaming napatingin ni Gus sa kalangitan. Nagsimula na ang fireworks display!
Para kaming nasa kalawakan na naliligo sa milyon-milyong butuin na nahuhulog mula sa langit.
Tumayo bigla si Gus at tumalon-talon habang nakataas ang mga kamay na wari’y inaabot ang mga bituin.
“Hunter!” natatawa nyang tawag sa akin.
Oo, kahit puro putok ang maririnig sa palibot ay mas malakas parin ang boses ni Gus. Sya lang ang nakikita ko.
“Adik! Kahit anong talon mo, di ka na tatangkad!” panunukso ko.
“Ha?!” pasigaw nyang tanong.
“Wala!” sigaw ko.
Habang pinagmamasdan ang tuwang-tuwang mukha ni Gus ay kinuha ko ang mga sparklers. Sinindihan ko ang isa at iniabot sa kanya.
Para syang baliw na umikot-ikot at sumayaw sayaw hawak-hawak ang sparkler. Pati ako ay hinila nya para samahan sya.
Hindi ko maipaliwanag ang aking sarili.
Para akong maiiyak na parang sasabog ang dibdib. Hindi na ako nakapigil. Hinalikan ko ng mariin si Gus, at naramdaman ko ang pag ganti nya.
This time, it was different.
This time, it was passionate. Marahan naming dinama ang bawat hagod ng dila, ang bawat pagdampi ng labi namin sa isa’t-isa.
I poured my feelings into that kiss. Gusto kong iparamdam kay Gus na mahal ko sya, na hindi ko sya iwan, na gagawin ko lahat para sa kanya.
Matagal kaming naghalikan, hindi alintana ang ingay at pagsasaya sa paligid namin.
Nalunod ako sa sarili naming mundo. Niyakap ko syang mahigpit. Hinawakan ko ang mga kamay nya, hinaplos ang mga pisngi nya.
Ayoko syang pakawalan. Ayokong matapos ang gabing ito...
I love you...
“W-what?” biglang tanong ni Gus.
Oh, fuck!
“B-boss, anong sinabi mo?” gulantang na tanong ni Gus.
Hindi ko namalayan...
Hindi ko sinasadyang sabihin sa kanya iyon.
I’m supposed to be his bestfriend. Hindi ko pa dapat sinabi yun. Anong gagawin ko kung matakot si Gus at lumayo sakin?
Nataranta ako, gusto kong mag mura. Gusto kong tumakbo papalayo, hukayin ang sarili kong libingan at ibaon ang sarili ko.
Fuck...fuck...fuck!
“H-hunter, please...?” halos magmakaawa si Gus sa akin.
Hinawakan ni Gus ang mga kamay ko. Di ko alam kung sino ang nanginginig sa amin: ako ba o sya? O dahil malamig dito sa taas?
Siguro panahon na nga para magpaka lalaki. Sasabihin ko na sa kanya.
Tiningnan ko si Gus sa mata, kinakabahan din sya. Hinaplos ko ulit ang pisngi nya at hinalikan sya ng marahan...
Nakabibingi ang tibok ng puso ko, tila anumang sandali ay sasabog na ito.
“Whoa...that’s some loud heartbeat right there...” pagbibiro ko habang magkadikit pa ang noo namin.
“I know, it’s mine...” namumula ang mukha ni Gus.
Tiningnan ko sya ulit sa mata at dinampian ng halik ang mga labi nya.
“Gus... I love you.”
= = = = = = =
A/N: hello guys!
So, yeah. It’s been a year, or two, no? I’m back, sort of. Sobrang busy na ng life ko ngayon, napabayaan ko na yung story. And for that, I owe you an apology.
Sana maintindihan nyo kung bakit matagal akong nag release ng new chapter. I AM EMPTY. Hahahaha…
Di ko alam kung kelan exactly nagsimula ― maybe it crept on me silently over the past year ― but by the time I noticed it, it’s too late. I’m too numb to care.
So much so na kahit mamatayan ako ng pasyente, I don’t feel anything. It’s a bad thing not to feel anything. I swear, it’s better to walk around hurting and crying than to feel indifferent.
And this is where I apologize again. The second reason kung bakit ayaw kong ipublish ang 13th chapter ng MMMF ay dahil wala na akong pakiramdam. Gus and Hunter, and Brix, are all passionate people. How can I channel their emotions kung ako mismo ay drained na?
I love Gus and Hunter ― my yin and yang, the sunlight to my moonlight ― at ayokong i-half-ass sila, at ikagagalit nyo yun. If you truly love something/someone, you would give your time, heart, soul. But I can’t give what I don’t have, diba?
Sorry for telling you this way; maybe it’s the only way I can tell what I feel. Di pa ako ready na sabihin sa mga friends ko :) they would worry about me, and I hate making people worry :)
Lastly, I’m grateful you all stayed and waited. I beg of you, please be patient with me once more.. Maybe darating yung time na aapaw ulit yung balon ng emosyon ko, I dunno when and how, but I hope it would. And by the time na mangyari yun, maybe may MMMF 2 na. Broken things need fixing :)
Thank you. I’ll see you in the next chapter <3

No comments:

Post a Comment

Read More Like This