Pages

Saturday, January 11, 2020

Cruel Summer

By: Lurker1994

APRIL
Habang hawak ng kaliwang kamay ko ang isang bote ng beer, sumandal ako sa isa sa mga poste ng malawak na lanai ni Phil. Masyadong okupado si Phil na nasa isang bangko doon sa sulok ng kanilang hardin, kausap ang bago nilang kapit-bahay. Ang iba ko namang kasamahan ay may kani-kaniyang mga inaatupag. Habang pinagmamasdan ko ang mga taong abala sa kani-kanilang mga mesa na nagkukwentuhan at kumakain, pinikit ko lamang ang aking mga mata at huminga ng malalim.
Gusto ko nang umuwi.
Napadilat ako nang biglang tumugtog ng malakas ang isang napakapamilyar na kanta. Sunod-sunod ang tunog ng mabibigat na bass.
Cruel Summer.
Lumingon ako sa may kusina kung saan nandoon ang sound system. Si Erika, nakangiti sa akin. Alam niyang gustong gusto ko ang kantang iyon. Nabuhay ang aking loob at sumasabay ang aking ulo sa ritmo ng kanta. Kumanta ako ng mahina, nakasandal parin. Dahan dahan akong umupo sa sahig. Inilapag ko ang beer at pumuweso ng parang mongheng nagdadasal, nakatingin sa hardin na puno ng tao at ilaw. Kumakanta ng mahina.
“What do you think about the bridge?”, isang boses ang biglang umalingawngaw sa aking tainga. Bahagya akong nagulat nang malaman ko kung kaninong boses iton. May kaunting hiya akong naramdaman nang umupo siya sa tabi ko. Halos isang dangkal lamang ang layo niya sa akin. Isang dangkal? Tatlo? Lima? Hindi ko alam. Hindi naman ako teknikal sa mga sukat.
“Hm?”, hindi ako agad nakasagot. Uminom siya ng beer at inilapag iyon sa sahig. “That song. The bridge. What do you think?”, sabay taas ng isang kilay niya.
“I think it’s the very culmination of her breakable heaven”, ang tanging naisagot ko. Napaisip tuloy ako kung tama ba iyon. Pero opinion ko lang naman.
“Your favourite metaphor?”, tanong ulit niya. “No rules in breakable heaven, huh?”
“That’s the ultimate flaw of having secret heavens.”, sagot ko. “Secret heavens are illusions we all make. No rules, yes. We break it whenever we want to but we end up being broken, too.”, psahabol ko. “Or at least the other one. The unlucky one.”
“Oh, relate ba?”
“Hindi naman”, sa tutoo lang, medyo. “I know my boundaries”. Mahina akong tao pagdating sa mga No-Strings-Attach na usapan.
Marupok, putangina.
“But you love the song”, pahabol niya.
“Because it’s well written. Well-produced.” , sagot ko. “and I can’t relate”, tumawa lamang kaming dalawa.

Hindi ko akalaing hahaba ng ilang oras an gaming pag-uusap. Bakit nga ba naman niya ako kakausapin? Iniisip kong marahil ay wala lang din siyang makausap at nababagot narin; naghihintay na lamang na makauwi. Ngunit dahil pareho kaming may “friendship obligations”, at malapit narin sa amin ang mga magulang ni Phil na kakabalik lang mula Europa, pareho naming gustong makisama o makiisa man lang at tapusin ang munting piging na inihanda ng pamilya. Kung ano man ang dahilan niya, masaya narin ako.
Sino nga ba si Brandon?
Si Brandon. Siya iyong tipo ng tao na tititigan ng halos lahat ng makakasalubong niya. “Good Catch” kung iisipin. Labi. Kilay. Mga mata. Ilong. Lahat ng iyon ay minamasdan ko habang kami ay nag-uusap. Maraming detalye ng kanyang buhay ang kanyang ibinahagi sa akin. Cum Laude. Masasabi kong may kaya sa buhay. Sumasali siya dati sa mga male pageants. Maganda ang boses. Ngunit nagmarka sa aking isipan ang pagkahilig niyang uminom ng pineapple juice gabi-gabi. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing naiisip koi yon, napapangiti na lamang ako. Alam kong ramdam niya ang aking pagkahumaling sa kanyang mga mata. Sa makinis at maganda niyang mukha. Sa hulmado niyang katawan na pansin ko kahit may kaluwagan ang puting t-shirt na suot niya. Sa mga labi niyang mapupula, tila sumasayaw sa tuwing nagsasalita siya. Sa mga istorya ng buhay niya. Lahat.
“Okay ka lang?”, pagtatanong niya nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita at nakatitig lamang sa kanya, nakikinig sa mga kwento.
“Ah, Oo. Sige lang, I’m listening.”

***
2 AM. Umakyat ako patungo sa ikalawang palapag dahil hinahanap ko ang tatlo ko pang mga kasama. Naabutan ko silang tulog sa guest room. Sinubukan kong gisingin si Tristan ngunit inisip ko na lamang na kumuha ng Grab upang makauwi. Ayaw kong magpalipas ng gabi sa ibang bahay. Hindi ako nakakatulog sa ibang kama. Kailangan ko pang masanay, at kakailanganin ko ng mga ilang araw para doon. Nagpadala na lamang ako ng text na mauuna na akong umuwi. Bumalik ako ng hardin at nagpaalam kay Phil. Niyakap ko ang ina niya na tila pagod narin. Kumaway lamang ako sa ama niyang nakikipag-inuman sa isang mesa.
“Sigurado ka? Grab?”, tanong ni Phil habang nakaakbay siya. Papalabas kami ng bahay.
“Oo naman. Better, actually. I can sleep on my way home”
“Pero―”, hindi niya natapos ang dapat ay sasabihin niya nang malipat ang aming atensyon sa isang lalaki na humarang sa amin. “Uy, you’re going home now?”, tanong ni Phil.
“Busy ka kasi kanina. Masyado kang occupied doon sa sulok”, sagot ni Brandon na tila may panunukso. Napatawa lamang si Phil at mahinang binatukan siya.
“Gago. Teka, I suppose you don’t need any introduction.”, tumingin si Phil sa akin.
Tumango lamang ako. Tinanong ako ni Brandon kung saan ako nakatira. Sumagot naman ako. Ramdam ko ang pagragasa ng dugo sa aking mukha. Magkalapit lang pala kami ng tinitirahan. Tatlong klasada lamang ang pagitan. “Oh, perfect. Let’s go.”. Sinikap kong itago ang aking pagkailang. Ang dating kaunti ngunit ngayon ay di masukat na hiya. Bakit ba ako ganito?

***
Ilang minuto akong tahimik habang siya ay nagmamaneho. Walang musika. Madilim. Mga ilaw lamang sa kalsada ang aking naaaninag. Napalunok ako. Sasabihin ko ba ang tungkol sa Twitter niya? Tatanungin ko ba siya kung mayroon pa siyang Pineapple juice sa kusina? Nais ko sanang bumili. Regalo lang naman. Magkaibigan na kami diba? Tama ba ang aking mga iniisip?
“Tahimik mo ah”, biglang naputol ang aking pag-iisip at napalunok na lamang ako. Pilit kong hinihila pababa ang aking shorts. Bakit parang ang iksi ng mga ito ngayon? Nilalamig ako ngunit pinagpapawisan.
“So, are you single?”, tanong ko. Nais kong ibaon ang sarili ko sa lupa. Nakakahiya. Bakit ko ba sinabi iyon?
Putang ina.
Ilang minuto siyang hindi sumagot hanggang sa bigla na lamang siyang sumabog sa kakatawa. Napatingin lang ako sa kanya, pinagmamasadan ang mga magaganda niyang ngipin at labi. Nahihiya man, napatawa na rin ako.
“You are a very honest soul. I like how impulsive you are.”, sabi niya. “Yes, I’m still single.”, lumingon siya sa akin.
“Hm. I suppose you’re still broken. Or afraid. Or still unwilling to commit. Or might be, all of the above.”, sinabayan ko ng tawa. Nakaramdam ako ng luwag sa aking paghinga. Tumawa lamang siya. “Okay, I’m sorry that I’m a little overwhelming. It’s 2:30 AM. My mind is a constant questioning machine. Just forget it. But I’m actually curious, how d―”, pinutol niya ang aking pagsasalita.
“All of the above”, sagot niya. Diretsong tingin sa kalsada.
“I see. All of the above. Not going to judge you. It’s totally fi―”, tila nasemento ako sa aking kinauupuan ng bigla niyang dinakma ang aking tuhod. Ang init ng mga kamay niya. Hindi ko alam kung pansin niya ang panlalaki ng aking mga mata. Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay. Ang tila walang humpay na tibok ng aking puso. Sumasabog. Nagdadabog. Ang tigas na aking nararamdaman.
Sobrang tigas.
“Kamay ko lang pala magpapatahimik sayo”, nakangiti niyang sabi.
Hindi ako nakasagot. Naramdaman ko ang unti-unting paghigpit ng haplos niya sa aking tuhod. Diretso ang aking mga tingin. Huminga ako ng malalim. At humugot ng lakas ng loob mula sa halos pasabog ko nang puso.
“Stop the car”, sabi ko.
“Why? You’re not enjoying this, huh?”, tila nang-aakit ang kanyang boses.
“Stop it now”, hindi ko alam kung akala niyang nagagalit ako dahil agad niyang ipinarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Isang maliit ng eskinita. “Desserted”, kung mailalarawan ko ang Chino Roces. Tila abandonado ang Wilcon Depot sa malapit. Isang kawalan. Puno ng kadiliman.
Magkasalubong ang kanyang mga kilay. Bahagyang nakabusangot ang mukha. Hindi makatingin ng diretso. Alam kong iba ang kanyang interpretasyon sa pagnanais kong ihinto niya ang sasakyan. Ginawa ko na ang isang bagay na kanina (kahapon) ko pang nais gawin.
Narinig ko siyang umungol. Mabagal ngunit may diin ang ginagawa kong pagmasahe sa kanyang ibaba. Huminga siya ng malalim, sumandal at tumingin sa akin.
“Good boy, you listened to me. Let me show you why I wanted this fucking car to stop.”, bulong ko sa kanya. Magkalapit ang aming mga mukha. Dumistansya ako ng kaunti para makita ko nang buo ulit ang kanyang mukhang mala anghel. Ngumiti siya sa akin.
“Allow me to take you to heaven?”, tanong ko.
“God, Frederico Jose. I never expected you to be this wild.”, tumawa siya sa naasiwa kong reaksyon nang marinig ko ang buo kong pangalan. Ayaw na ayaw kong tinatawag ako nang ganoon.
“Next time you say that fucking name”, napa-ungol ulit siya nang binigla ko ang diin sa kanya. “Will be the start of a very,”
“Ohhh”
“Very”
“Fuck”
“Very, very bad habit”, nakapikit siyang nakangiti, bahagyang nakalingon sa akin.
“Take me to heaven now, Frederico Jos―mf” 
Bigla ko siyang sinunggaban ng halik. Madiin akong humalik. Malaro ang mga labi. Malikot ang dila. Wala akong marinig kung hindi ang mga tunog ng mga basang labing nagsisiping. Hindi ko siya pinakawalan agad. Ninamnam ko ang lasa ng kanyang bibig. Ipinasok ko ang aking kamay sa kanyang pantalon.


***
Nakaupo ako sa sulok ng isang Coffee Shop habang pinagmamasdan mga taong naglalakad. Masyado akong napaaga. Humigop ako ng kaunti bago sumandal. Pinikit ko ang aking mga mata at napangiti na lamang. Biglang tumunog ang aking telepono. Kinuha ko iyon at binasa ang mensahe.
“Sweet. Again, I highly appreciate it but not necessary. Thank You.”, mensahe sa akin ni Brandon.
Gaya ng dati, napaaga ako dahil sinigurado kong ang gwardiya kung saang condominium siya nakatira ang mag-aabot sa kanya ng aking munting regalo. Nag-iwan ako ng limang tig-iisang litro ng pineapple juice sa reception area. Siyempre, para naman hindi masyadong halata ang aking intensyon.
 “See you later?”, malakas na ang loob ko ngayon at kaya ko nang magtanong ng mga ganitong bagay.
“Very early and very horny? Later, Babe.”, napangiti ako habang binabasa ko iyon. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. “I’m your bad habit, remember?”
“You are, Frederico Jose”
Lumabas na ako at dinala ko ang aking kape. Tumungo ako isang pathwalk at binaybay ang mga concretong bloke hanggang marating ko ang isang gazebo. Tumungo ako sa katabi nitong fish pond at nagmasid sa repleksyon ko. Masigla ang sinag ng araw sa Legazpi Park. May mga nag-iehersisyo. May mga katulad kong naglalakad papuntang opisina.
“Babe”, bulong ko sa aking sarili. Kinapa ko ang aking dibdib na nagsisimula na namang kumabog na malakas. Sa unang pagkakataon, tila musika sa aking tainga sa tuwing tinatawag niya ako gamit ang buo kong pangalan.
***
MAY
Sabado. Alas nuebe ng gabi. Iminulat ko ang aking mga mata at nagmasid muna nang ilang Segundo sa silid. Dahan-dahan akong pumesto ng comportable upang hindi ko siya magising sa pagkakahimbing. Hindi muna ako gumalaw. Pinagmasdan ko muna ang kanyang maamong mukha sa ilalim ng dilaw na ilaw na nanggagaling sa labas. Bukas ang kurtina ng bintana niya. Naririnig at naaamoy ko ang kanyang hininga. Nais ko sanang halikan siya ngunit ayaw kong tapusin muna ang aking pagkakatitig. Alam kong sa ganitong paraan ko lamang naman siya maaaring pagmasdan ng ganito kalapit. Dahan-dahan kong inangat ang kanyang kamay na nakabalot sa akin. Dahan-dahan upang hindi siya magising. Maayos akong tumungo ng banyo upang maghilamos. Pinagmasdan ko ang aking repleksyon. Napangiti ako nang makita ang mga marka sa aking leeg at dibdib. Ang tindi niyang humalik, at ang hilig niyang mangagat. Parang bata. Nakakatuwa.
Inabot ko narin ang mouth wash at nagmumog. Tahimik akong lumabas at naabutan ko siyang nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama niya. Tanging kumot lamang ang nakabalot sa mababang parte ng kanyang katawan. Nakasandal, nakangiti sa akin. Tila isang larawang clasiko na nakasabit sa pader.
“You mouthwashed? Must be up for a third round, huh?”, patawa niyang sabi. Medyo namamaos pa ang boses niya dahil kakagising pa lamang niya.
Hindi ako sumagot at tumabi lamang sa kanya. Sumandal ako at magkadikit na ulit ang aming mga braso. Mas malaki siyang tao sa akin ngunit hindi ako nagdalawang isip na abutin ang kanyang ulo at hilain ito pababa upang sumandal siya sa aking dibdib. Matagal nang natanggal ang aking pagkailang sa aking katawan. Hindi man ganoon kaayos ang aking postura tulad ng iba, hindi man kasing ganda ng katawan niya ang akin, masaya naman ako doon. Mapili siyang tao, buti nalang nakalusot ako.
Swerte?

“Teka lang”, nahirapan siyang yumuko. “I’m heavy”, pahabol niya.
“Shut up.”, sagot ko.
“Sungit mo tal―”, Hinawakan ko ang mga pisngi niya at pinisil pisil iyon. Tumatawa ako habang ginagawa iyon at pinagmamasdan ko na naiinis siya sa aking ginagawa dahil mistulang nasisira ang kanyang mukha. Magkasalubong ang mga magaganda niyang kilay at nakatutok sa akin.
“Baby boy.”, pang-iinis ko. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi dahil hindi ko tinigilan ang pagpisil sa kanyang mukha. Bigla niyang hinablot ang aking mga kamay at pinisil iyon ng malakas. Napa-aray ako dahil sa pagpilipit niya sa aking mga daliri.  Tila mga batang naglalaro at naghahampasan, nanatili kami sa ganoong posisyon nang ilang minuto. Bigla niyang inangat ang aking palad at ibinuka iyon. Idinikit niya ang kanyang palad sa akin.
“Halos magkasinglaki pala tayo ng kamay”, bulong niya. Napangiti lamang ako habang minamasdan siya. Tiniklop niya ang kanyang mga daliri upang mahawakan ang aking kamay. Ibinaba niya iyon at inilapat sa kanyang dibdib. Nararamdaman na aking kamay ang tibok ng kanyang puso. Kumakabog, ngunit tila mas nabingi ako sa lakas ng tibok na aking puso.
“Your hand is cold”, tugon niya habang nakapikit. Iniangat ko ang aking isang kamay at hinawi ang ilang hibla ng buhok na dumikit sa kanyang noo. Hinimas ko ang kanyang mukha. Inilapat ko ang aking palad sa kanyang ulo upang haplosin iyon. Napangiti ulit siya sa aking ginawa. Nakasandal ako at nakatitig sa kisame.
“I know I’m a mess, Freddy.” bigla siyang nagsalita.
You’re beautiful, ang tugon ng aking isipan.
Hindi ko inalis ang aking pagkakatitig sa kung saan man nakasemento ang aking mga mata. “If you ever decide to end this, just let me know.”, hindi parin ako sumagot.
Bakit ko naman iyon tatapusin? Magdadalawang buwan pa lamang kami.
Ilusyunado.
Magdadalawang buwan pa lamang itong namamagitan sa amin. Masyado pang maaga upang tapusin ito.
“I know you’re a strong guy. The company you’re providing me, the nights you’ve been spending  with me because I’m lonely, the conversations we have; they’re treasured. I just want you to be happy.”
“What ‘s making you say all these things? This is kind of unusual. Enlighten me, will you?”
Gumulong siya at umupo. Magkaharap na kaming dalawa, walang saplot, mga matang nagniningning lamang. “I just want to thank you for being here. And I’ll beat the shit out of those people who will hurt you, okay?”
Napatawa ako ng mahina sa mga sinabi niya. “Brandon, no one’s going to hurt me.”, tumitig lamang ako.
Wala nga ba, o baka naman siya?
“If you ever find him soon, let me know. You can’t date him without my approval”, itinaas-baba niya ang kanyang mga kilay habang nakangiti ng pilyo.
Ito ba ang paraan niya upang sabihing “Don’t you dare fall for me?”, dahil sa aking pagkakaintindi, tila ito nga iyon.
“Tangina. Nanay kita?”, ang tanging nasabi.
“Nope. Just a friend who cares”, at bumangon siya at tumayo. Tumawa lamang siya. Alam niya kung ano ang opinyon ko sa Dating at Relationships. Lalo na’t katulad niya, isa din ako sa mga nagtatago sa kloseta. Hindi sarado ang aking isipan ngunit sadyang hindi ko lang pinaprioridad ang mga bagay na iyon. Ang kaibahan lamang namin ay may karanasan na siya doon. Ako, wala.
Pero iyon ang alam niya.
Alam ba talaga niya ang tunay kong salooban tungkol doon? Marahil ay sinungaling akong tao. Pinaniwala ko siyang ayaw ko sa pag-ibig. Na ayaw ko sa pakikipagrelasyon at “Commitment”. Na isa akong propesyonal pagdating sa mga bagay na may limistasyon. Marahil sinabi ko lamang iyon at pilit na pinanghawakan dahil iyon lang naman ang alam kong rason para maipagpatuloy ko ang kung ano man ang mayroon sa aming dalawa. Ayaw kong isipin niyang nagbabakasakali akong masuklian ang nararamdaman ko kung sakali mang maramdaman niyang may nararamdaman na akong kakaiba para sa kanya. Matapos ang gabing iyon sa kotse niya mahigit isang buwan na ang nakakaraan, sa isang madilim ng eskenita ng Makati sa may Chino Roces, parang automatiko nang pumasok sa aking isipan na ang tanging koneksyon namin ay pagkakaibigan lamang. Magkaibigan sa kama, kumbaga. “Breakable Heaven” ayon sa kantang nagpakilala sa aming dalawa sa isa’t isa. Isang langit. Isang ilusyong paraiso na pwede naming wakasan kailan man namin gustuhin. Ngayon pa lang, alam ko na naman kung sino ang wawakas sa langit na iyon. Kung sino ang maiiwang nakaluhod. Kung sino ang mas malulugmok. Pero kahit ganoon ang aming sitwasyon, hindi ko na masyadong iniisip kung paano magwawakas ang lahat. Alam ko na noon pa na ang tanging mayroon sa aming dalawa ay isa lamang sekretong kalian man ay hinding hindi magkakaroon ng pagkakataong masikatan ng araw. Isang sekretong kailangang itago sa dilim.
Sumandal siya sa gilid ng bintana at pinagmasdan ang mga ilaw mula sa baba. “I’m interested to see the place you’ve been telling me before”, sabi niya at tumungo sa sofa kung saan nandoon ang kanyang mga damit na hinubad kaninang hapon. “Tara?”, nagbihis siya sa harapan ko. “Sure”, sagot ko. “CR lang ako saglit”, at tumungo ako ng banyo. Isinara ko ang pintuan at napasandal na lamang doon.
“Just a friend who cares. Right. Just a friend.”, binulong ko sa aking sarili ang mga salita niyang nagmarka sa aking isipan. Mahina kong sinasampal ang aking mga pisngi. Naghilamos ulit ako at nagsuklay. Sa huling pagkakataon makikita ko ang aking repleksyon sa salaming ito, huminga ako ng malalim.
***
Sa isang Café Bar kung saan ako madalas nagpupunta dati ay napadpad kami. May hilig ako sa mga bago at local na musika. Kahit hindi likas sa akin ang pumunta sa mga lugar na iyon kung saan naamoy ko madalas ang usok ng sigrilyo at alak, mas nangingibabaw sa akin ang pagtuklas sa mga bagong musika sa siyudad.
Kinalabit niya ako sa aking balikat. Lumingon ako.
“Ano?”, pasigaw ko sabi. Hindi ko maintindihan ang kanyang sinasabi. Sumasabay ang musika sa kanyang pagsasalita. Pula. Asul. Dilaw. Iyong lamang ang madalas na kulay ng ilaw ang naaninag ko habang ang mga tao sa paligid ay nakatayo at nakikisabay sa kanta. Kahit nangingibabaw ang kadiliman sa buong silid, kitang kita ko ang mga mata niyang nagnining at mga ngiti na tila bang sinasabi sa akin na para lamang sa aming dalawa ang gabing iyon.
Alam ko namang hindi.
Lumapit siya sa akin at ipinuwesto ang kanyang kamay sa aking tainga upang bumulong. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga at mga kamay. Ang kanyang boses na halos pasigaw. Umalingawngaw iyon sa akin at tila hindi ko ininda ang lakas.
“Anong kanta ito, sabi ko!”, ang tanong niya.
Bahagya akong tumingkayad upang maabot ko ang tainga niya at sumagot.
“Tahanan”, sabi ko.
“I love this song”, nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako at sinuklian ko din siya ng mga ngiti. Bumalik siya sa pagkakatitig sa kung saan man ang banda at papikit-pikit ng kanyang mga mata habang ninanamnam ang musika. Sa gitna ng nagkukumpulang tao, sa ilalim ng madilim na paligid, malinaw ang aking pagkakatitig sa kanyang mukha. Tila anghel na nasasarapan sa musikang pinapatugtog sa hardin ng langit. Kung iisipin ko, pano ba napadpad ang isang anghel sa lugar na ito, kasama ko?
“Bakit ngayon mo lang ako dinala dito?”
“Ngayon ka lang pumayag eh”
“Next time ulit. When this band plays here again. Okay?”, tumitig siya sa akin at hindi ko inaasahang may isang mainit na sensasyon ang babalot sa aking kamay. Isang malambot at mainit na balat. Mga Kalamnan. Mga daliring mahihigpit ang kapit.
Napalingon ako sa kanya habang magkasalubong ang aking mga kilay. Nabigla ako at ayaw kong may makakita sa amin nang magkahawak an gaming mga kamay.
Hindi maaari.
Ngunit ang tanging bagay lamang na ginawa niya ay tumutok sa banda at sa musikang tumutugtog. Hindi siya nagsalita at pumikit lamang.
Pinikit ko na lamang din ang aking mga mata at hinigpitan ang kapit sa kanyang kamay.
***
1 AM.
Binaybay namin ang mga kalsada ng Makati. Nagkukuwentuhan. Tumatawa. Masaya sa bagong musikang idadagdag sa playlist niya. Nakasaksak sa kanyang tainga ang isa kong earphone habang yung isa naman ay nasa akin. Nakahanap kami ng upuan sa open square ng Stock Exchange. Gamit ang aking cellphone, nagsasalitan kami sa pagpapatugtug ng mga pabotiro naming musika. Kada isang kanta, may opinion at repleksyon kaming ibibigay.
“This song again”, tugon niya niya habang nagsisimula nang tumugtog ang napili kong kanta. Cruel Summer. Halos kami na lamang ang tao sa lugar na iyon. May kalamigan ngunit mainit ang aking pakiramdam dahil sa takbo ng mga pangyayari. Lumingon ako sa kanan at nakita ko ang may kadilimang hardin ng Ayala Triangle. Napalingon ako sa kaliwa at tila abandonadong kalsada ang Ayala Avenue.
Kaming dalawa; nagsasalo sa musika.
“Fever dream high in the quite of the night you know I caught it”, sinabayan niya ang mga liriko ng musika.
“Bad,bad boy shiny toy with a price you know I bought it”, sumunod na din ako.
“Killing me slow out the window, I’m always waiting for you to be waiting below”
“Devils roll the dice, angels roll their eyes. What doesn’t kill me makes me want you more”
Napaisip ako. Magtatapos na nga pala ang Summer na ito. Hanggang saan kaya aabot ang kung ano mang mayroon sa amin? Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman dahil nais kong sumabog. Nais kong sabihin lahat sa kanya na nais kong ayusin ang kung ano mang nawasak sa kanya. Nais kong angkinin ang kung ano man ang maaari niyang ibigay sa akin. Nais kong malaman niyang hindi ako bato, na naniniwala ako sa mahiwagang emosyon. Sa mahika. Sa pagmamahal. Sa amin.
Kung mayroon man?
Mayroon nga ba?
Tumayo ako at natanggal ang headset sa telepono na siyang nagpatigil sa musika. Bulong ng utak ko sa akin at umupo ulit at ipagpatuloy ang pagkanta kasama niya. Ngunit may isang boses na mas malakas pa sa pagsabog ng dinamita ang sumisigaw at bumibingi sa akin simula pa noong una.
Nais nitong sumabot at sumigaw: Mahal Kita.
“What if I don’t want this summer to end yet?”, tanong ko habang nakatitig sa kanya. Nakita ko ang kanyang pagkabigla, nakatingala sa akin. Nagtaka siya at di nakasagot.
“I love you, aint that the worst thing you ever heard?”, pahabol ko.
“Ah, are you still singing or…”, nakuha pa niyang tumawa. Ngunit bakas sa kanya ang pagkalito kung kinakanta ko pa ba iyong liriko.
Hindi ako sumagot. Tila nasemento kaming dalawa sa aming mga posisyon. Blanko ang kanyang mukha habang ako, nakatitig lamang sa kanya. Tanging mga ilaw lamang ng kalsada ang nagpapaliwanag sa paligid.
Hindi ko binilang kung umabot ba ng ilang minuto ang pagkatigil ng mundo sa mga oras na iyon. Walang nagsalita. Walang gumalaw. Tanging paghinga at tibok ng puso ko lamang ang aking nararamdaman at naririnig.
Putangina. Sinabing ‘wag. Ehto na. Wala na.

“Freddy”, Yumuko siya sandali. Tila inaayos ang mga salitang nais sabihin. Maging ako ay napalingon na lamang sa mga puno sa hardin. Bahagya kong ginalaw ang aking katawan at inayos ang aking sarili.
“I thought we’re good”, pahabol niya. Bakas sa kanyang boses ang kanyang nararamdaman. Naiilang? Nahihiya? Malay ko ba.
“I know, I just want you to know”, nahirapan ako sa aking pagsasalita. Parang nababasag ang aking boses. Nanginginig.
Lumingon ako at nakita kong nakayuko parin siya. Hindi niya magawang tumingin sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat na reaksyon. Ano nga ba dapat?
Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa aking bulsang maong ngunit hinugot ko rin agad. Hindi ako mapakali sa katahimikan. Nakakabaliw. Nakakatunaw.
Napabuntong hininga ako. Mas malalim pa sa gabing piangsaluhan namin. Nanginginig kong inabot ang aking telepeno mula sa kanyang kamay. Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo. Papalayo. Hindi ako lumingon. Hindi ko ninais pang Makita ang kanyang mukha. Naglakad ako ng mabilis. Kasabay ng malamig na hangin na dumapi sa aking balat ay ang mga butil ng tubig na hindi ko mapigilang pumatak mula sa aking mga mata. Hindi ko na alam kung saan na ako nakarating. Pinikit ko lamang ang aking mga mata at kinontrol ang aking paghinga upang mapigilan ko ang pagsabog ng aking mga luha. Ng aking puso. Huminga lamang ako ng malalim at pilit na pinapakalma ang aking sarili. Napatingala ako sa mga bituin. Bihira ang magkaroon ng malinaw na kalangitan sa gitna ng syudad, ngunit sa gabing iyon, tila naiintindihan ng kalawakan na kailangan ko ng liwanag.
Isinuot ko ang earphones ko at pinindot ko ang aking telepono. Sumisigaw ang awitin sa aking tainga.

“… Said "I'm fine", but it wasn't true
I don't wanna keep secrets just to keep you
And I, snuck in through the garden gate
Every night that summer just to seal my fate
And I screamed for whatever it's worth
I love you, ain't that the worst thing you ever heard?”
Thank You.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This