By: Jack Kulit
Maliwanag ang buwan, may kalamigan ang ihip ng hangin at payapa ang paligid. Habang nakaupo ako sa veranda ng aming bahay, hindi maiwasan ng isip ko ang magmuni-muni... magmasid... at magtanong ng mga bagay-bagay tungkol sa aking buhay at sarili. Sa tuwing nag-iisa kasi ako, ito ang lagi kong ginagawa. Para sa akin, ito ang pinaka-angkop na oras upang mapagnilay-nilay ang mga bagay na nagawa ko sa maghapon, mga bagay tungkol sa aking buhay at mga aral ng panahon na dapat kong matutunan.
Sa pagkakaupo kong iyon, sumagi muli sa aking isipan ang karanasang kanina lamang nangyari. Ito ay isang pangyayaring naganap sa pagitan ko at ng isang lalaking nakasabay ko sa paglalakad pauwi sa amin. Ito ang simula ng aking paglalahad...
Maaga na naman akong makakauwi dahil tuwing araw ng Biyernes ay hanggang alas-tres lamang ang aking pasok sa unibersidad na aking pinapasukan. Kagaya ng dati, uuwi ako agad ng bahay upang makapagpahinga at makapag-internet hanggang gabi. Hilig ko kasi ang makipag-chat sa aking mga kaibigan, kaklase at mga bagong nakikilala sa mga social networking sites, lalu na yung mga sites na ang laman ay puro mga lalaki o yung tinatawag na m2m.