By: Neil
19 years old ako noon, 2nd year college, nang mapag-desisyunan kong sumali sa isang organization sa college namin. Nakumbinse akong sumali dahil sabi nila ay isa itong academic org, ibig sabihin mga ka-kurso ko din sa engineering ang miyembro nito. At dahil halos major subjects na ang kinukuha ko, meron din akong nagiging mga kaibigan na miyembro ng org na ito, kaya’t nag-apply ako.
Ako nga pala si Neil. Noong college ako eh hindi naman ako stand out sa pagiging gwapo, pero maraming nakakapansin sa akin dahil matangkad ako, maganda ang porma ng katawan, at maamo ang mukha. Actually, nung una kong punta sa room ng org na to bilang applicant, naririnig ko agad na tinutukso nila ako sa mga bading na miyembro nila. Noong simula ay tahimik lang ako, pero hindi naman ako mahiyain. Eventually, nang nakakasabay ko na sa pag-punta ang iba kong kaklase, may naging kabarkada na din akong applicants. Bilang aplikante, binigyan nila kami ng partner na currently miyembro ng org. Parang buddy ba, na mag-guide sa amin sa application process. Ang na-assign sa akin ay si Van.
Tumakbo ang sem, so far ayos naman ang application ko, hindi naman nakaka-hassle sa pag-aaral ko. Masaya din naman kasama ang mga fellow applicants ko at mga members ng org. Ok din namang org mentor si Van. Hindi siya active pero tinutulungan niya ako sa pagpapakilala at pagpapirma ng applicant’s sheet sa mga nakatataas sa org. Pagdating ng huling buwan, isa na lang ang wala pang pirma sa akin – si Derek. Madalas ko naman siyang naaabutan sa org room, pero pag binabati ko siya’t akmang magpapapirma, ngingiti lang siya at iiling. Ibig sabihin hindi pa pwede. Ang pinagtatakahan ko, ang ibang babaeng aplikante ay may pirma mula sa kaniya. At hindi din naman siya ang may pinakamataas na posisyon. Pero hinayaan ko na lang.






















