By: Travis
Naging back to normal ulit ang College Life ko. Wala ng blackmail mula kay Xander dahil sa pareho na kaming may alas sa isa't isa. Hindi na din ganoon ka-angas si Xander, dahil siguro lahat naman ng tao ay nagbabago at dahil na din siguro sa pagtira pansamantala ni Raf kina Xander ay nagkaroon na ito ng makakasama sa bahay.Dahil na din siguro sa madalas kami magkita ni Xander dahil sa tinuturuan nya ako sa gym at nagtututor ako sa kanya ay mas naging close kami. Pero hindi naman umabot sa level na sobrang close, sakto lang.
Tuloy tuloy pa din ang gym session namin ni Xander, minsan andun din si Raf kaya nacoconscious ako pag pinapanood nya ako sa mga routines.
"Sige lang Travis push it harder"
ang pagchicheer sa akin ni Raf, tinuruan pa nya ako sa ilang routine, medyo natuwa naman ako at mas pinagbuti ko pa ang paggawa sa routine. Nakatingin lang si Xander sa amin na tila naiinis pero hindi ko na lang pinansin. Pagkatapos ng session ay kumain na kami. Nagbaon ako ng pagkain ko kasi nahihiya din ako kay Xander kung dun pa ako sa kanila makikikain. Tinapay lang ang dinala ko kasi yun lang ang kinakain ko pag hapon. Nakita iyon ni Xander
"Ano yan?"





















