By: Love Juice
Naka-boxers at sando lang akong lumabas ng kwarto nung umagang iyon. Nagising ako sa lakas ng ulan. Magdamag na umuulan at hindi pa ito tumitigil. Mukhang magiging maghapon apa ang ulan na ito, sa isip ko.
Nadaan ako sa kwarto ni Kuya Dave. Bukas ang pinto nito pero wala ang aking bayaw. Malamang pumasok na. Wala naman akong balak na pumasok sa ganitong kalakas na ulan kaya nagpasya na lang ako na tumambay na lang sa bahay. Tutal nakapag-cover naman ako sa area ko at ilan na lang ang hinahabol ko para maka-quota.
Alam kong wala pa si Daddy Roger, ang aking biyenan kaya hindi na ako sumilip sa kwarto niya. Hindi pa siya dumarating mula sa Nueva Ecija. Ilang araw na rin mula nang nagpunta siya doon.
Pupungas-pungas akong bumaba para mag-banyo. Pagbukas ko ng pinto, may isang papel na nakadikit sa salamin sa lababo. May nakasulat rito. Sulat kamay ni Kuya Dave.
“Sira ang tubo, walang tubig. Tumawag na ako ng tubero pakihintay na lang bago ka pumasok. Puno ang drum sa likod.”
Napapalatak ako. Kinuha ko ang maliit na timba at tabo at binitbit ito papunta sa likod bahay. May malaking drum roon na imbakan ng tubig. Sumalok ako ng tubig hanggang mapuno ko ang maliit na timba at muling bintbit ito pabalik ng banyo.
Matapos kong umihi, pumunta ako ng kusina para mag-kape. Hindi ko alam kung anong oras darating ang tubero pero ayos lang naman akong maghintay dahil hindi naman ako aalis ng bahay. Sinilip ko ang laman ng ref kung ano pwede lutuin. May pan-sigang. Iyon an lang ang lultuin ko, isip ko.