By: Xianne
Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay. May mg ailang karakter na pinalitan ang pangalan para mapangalagaan ang pribado nilang mga buhay.Summer 1998, katatapos lang ng klase namin sa isang pribadong eskwelahan para pangkalalakihan at nais ng daddy ko na isama ako sa zambonga City para mag attend ng graduation ceremony ng pinkamatandang kapatid naming babae na gagraduate na Magna Cum Laude/Valedictorian sa ADZU (AdeZ) pa noon at para na rin daw makilala ko ang mga pinsan kong nasa probinsya. March 28, 1998 dumating kami sa Zamboanga city isang araw bago ang graduation at may konting hinanda ang tito andrew ko (kaptid ni daddy) at pamilya niya para sa aming pagdating, tubong zamboanga city ang daddy ko at Zamboanga Del Sur naman ang mommy ko pero sa lola ko sa manila ako lumaki. Ako nga Pala si Xianne Lee Fernandez, 22 na ako ngayon.
back to story: pagdating namin ang dami agad gustong makikpagkilala sa akin pero ako yung tipong tao na hindi mahilig makipag-usap sa mga di ko maxadong kakilala kaya diretso nalang ako sa kwarto ko sa bahay namin na tabi lang ng bahay ng tito Andrew ko. hinyaan lang nila ako dahil ganun naman talaga ako.





















