By: Victor
Ito ay tunay na nangyari sa akin noong nakaraang taon. Bakasyon ko noon. Dahil walang pera para sa holiday vacation, naghanap na lamang ako ng ibang alternative na bakasyon. Noon ko naisip si Relene, ang isa kong kabaata sa aming probinsiya. Sabi niya kung uuwi raw ako ng probinsya, doon na lang daw ako sa kanila tumuloy. Maluwag naman daw ang bahay nila at silang mag-asawa lang daw ang naroon. Wala raw silang anak dahil meron daw siyang diperensya sa matris.
Yun na nga, balik probinsya ako. Medyo nahirapan lang akong hanapin ang bahay ni Relene dahil nasa tabi pala sila ng dagat. At malayo sa kalsada ang kanilang bahay. Pero sa madalli't sabi nakarating din ako bago magtanghalian. Sinalubong ako ni Relene at kwentuhang umaatikabo agad. Tinanong niya kung nag-asawa na ako, sabi ko hindi pa dahil mahirap ang buhay sa Maynila at late nag-aasawa ang mga tao doon (pero hindi niya alam ay lalaki ang type ko).
Tapos nung bandang hapon na dumating ang asawa niya, galing sa munisipyo. Pagod na pagod at medyo pinapawisan. Kuha agad ng maiinom si Relene at naiwan kaming dalawa na hindi man lang napapakilala ni Relene. Tumingin siya sa akin, at agad nakangiting lumapit, "O pre, ikaw ba si Victor?" Lumapit siya at nakipagkamay, "Ako si Edong ang asawa ni Relene". Mahigpit siyang nakipagkamay. Ang tigas ng kanyang palad, halatang batak sa trabaho.
"Oo ako si Victor. Kababata ko yang si Relene, pero doon kami sa bayan noon nakatira. Kapitbahay namin sila. Yung dati naming bahay, giniba na at pinagtayuan na ng clinic kaya dito na lang ako sa inyo makikituloy." Parang bigla akong ginanahang magkuwento. Parang napakagaang ng dating niya. Yun bang tipong bago mo pa lamang nakikilala eh palagay na agad ang loob mo. Habang nagdadadakdak ako, eh sinusuyod ko naman ng tingin ang kanyang katawan.
Maganda at firm ang kanyang kaha, tapos ang maganda sa kanya ay ang kanyang pigi na napaka-well-formed. Masikip ang suot niyang maong kaya bakat na bakat ang kanyang matitigas na pisngi doon
























