By: Anonymous
Mag waone week na pero hindi pa rin ako umuuwi ng bahay, nagrent ako ng room sa hotel dahil sinabi ni tita Jennelle kay daddy na nasa bahay condo nya ako tumutuloy. Hindi ko alam kung hinahanap pa rin ako ni daddy pero ang ang mahalaga ay makalayo na muna ako sa kanila, hindi ko alam kung hanggang kailan ako may pera, hindi pina deactivate ni daddy ang account ng mga cards ko, at hindi ko alam kung bakit. Si julia lang ang sinabihan ko tungkol sa problema ko at sya lang ang nakakaalam kung nasaan ako ngayon.Mmadalas ay dinadalhan ako ni Julia ng pagkain sa hotel at sinabi nya sakin na magpakita na daw ako kay daddy dahil one week na itong nasa labas palagi ng eskwelahan, mukhang balisa at mukhang hinihintay daw ako. Tinatawagan din ako ni Enzo pero hindi ko sinasabi sa kanya kung nasaan ako, pati na din si tita Jenelle. Dumating si Julia sa hotel, may dala syang pagkain para sa akin, madalas ay sya ang inaasahan ko at hindi ko alam kung bakit napakakampante ko pag nanjan sya.
"Mikel, buong araw ka lang bang magmumukmok dito ha?" ang sabi sa akin ni julia habang hinahanda ang pagkain. Hindi ko sya sinagot at nakatingin lamang ako sa labas.
"Mikel, come here, lets eat, alam mo bang alalang alala na sila sayo. Naaawa na ko sa daddy mo kakahanap sayo. Although hindi mo sya tunay na daddy dapat magpakita ka na sa kanya, sa kanya ka pa rin lumaki," ang sabi niya sa akin.
"Kung papagalitan mo lang ako Julia, iwan mo na lang ako," ang sabi ko sabay pasok sa kwarto. Sinundan ako ni Julia at sabay sinabi na.
"Kumain ka! Gusto mo bang mamatay?" ang sigaw nya.
"Teka nga Julia, wala kang pakialam sakin, ano ba kita, kaibigan lang kita, yun lang at hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito," ang sabi ko kay julia sabay iwas nanaman dito, akamang aalis na ko at kukunin ko na ang jacket ko para pumunta sa bar ay bigla itong humarang sa pinto.
"Ano, lalabas ka nanaman, magwawalk out, iinom. Hanggang kailan mo ba wawasakin yang buhay mo, pati ako nahihirapan na sayo,"
"sino bang may sabing tulungan mo ko, kung nahihirapan ka na, umalis ka na,, iwan mo na ko, kaya kong magisa,"




















