By: Model No. 4
Mag-aalas-kuwatro na ng makarating ako sa studio ni Abe. Nakatayo ako sa tapat ng malapad na bakal na pinto ng studio niya at marahang kumatok. Sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil almost an hour and a half akong late. Naka-schedule ang photo-shoot for the brief print ad pictorial ng alas-tres. Namatayan ng baterya ang sasakyan ko sa gitna ng ERod. Malaking problema di ba?Sikat na photographer si Abe. Nirerespeto siya hindi lang ng mga tulad niyang photographer pero pati na rin ng mga modelo kinukuhaan niya. Bihasa si Abe sa camera.
Kumatok uli ako. Wala pa ring sagot.
Napansin kong may buzzer sa gilid ng pintuan at pinindot ko yon. Ilang saglit lang ay narinig ko nang mag nag-a-unlock ng pinto sa loob at bumukas ang pinto pagilid.
Sumalubong sa akin ang isang mukhang walang kaikspre-ikspresyon. At halatang hindi nakapag-ahit ng ilang araw. Gulo-gulo ang buhok niya na parang kagigising lang. Rough at rugged. Artist na artist. Bukas ang polong suot-suot niya at napansin ko ang kakaunting buhok sa kanyang dibdib.
Nakatingin lang siya sa akin ng ilang segundo.
Nakatingin lang din ako sa kanya.
"Carlo, you're late," sabi niya. Wala pa ring enerhiya ang pagsasalita niya. Malalim at magaspang ang boses niya. Tumalikod siya at pumasok na muli sa studio. Sumunod ako.
Inexplain ko sa kanya ang nangyari. Parang hindi naman niya ako pinakinggan habang binubutingting ang mga pictures sa isang mesa.
Malawak ang studio. Sa gawing kanan ko ay may sala set at sa dulo ng studio ay may bedroom na natatakpan ng mga japanese paper walls.
Sa gawing kaliwa naman ay isang dingding ang natatakpan ng makakapal na tela at naka-set-up katapat nito ang mga aparato para sa photo-shoot.
"What?", tanong niya bigla na halos nakapag-palundag sa 'ken. Humarap siya uli sa 'ken at binalingan na naman ako ng malamlam na tingin.
"Ready na po ako," sabi ko naman. Hindi naman ganon katanda si Abe. Ang "po" ay tanda na lang siguro ng respeto. Palagay ko ay nasa bente-otso lang ito.





















