By: Father Migz
Hi KM readers! I'm Migz! I've been an avid fan of this page and I've also been active in our chatroom under a different name. Anyway, this is my first time to write an erotic story. I hope you'll drop your comments below, whether it's good or bad.
"Nakakagutom! Alas-sais na pala ng gabi, hindi pa ako nakapag-tanghalian!"
Inabot na ng gabi si Troy sa pamimigay niya ng leaflets at paghahanap ng clients para sa binebenta niyang condo unit. Nakakapagod man, ngunit dahil ayaw na niyang umasa sa magulang, kailangan niyang mag-pursigi.
Nagtungo siya sa pinakamalapit na tindahan sa kaniyang pwesto, ang Mini Stop.
"Mabuti naman at maikli ang pila ngayon. Ano bang masarap kainin? Medyo sawa na ako sa BBQ Glazed Chicken, sa Spring Rolls at sa Fried Siomai. Etong Hot Chix na lang, at matagal ko na tong di naitikman ulit!"
Buong sabik na pumila si Troy upang malagyan na ang kumakalam nitong sikmura.
"Miss, isang Hot Chix with rice, for here. Saka isang Red Tea na din po, 22 oz."
Matapos makuha ang inorder, nagtungo siya sa kanyang paburitong pwesto, sa tapat ng aircon, sa tabi ng ref.
"Uhm!!! Bango talaga nito! The best sa Mini Stop!"
Habang kumakain, naisipan niyang buksan ang kanyang Hornet app upang tignan sino ang malalapit sa kinaroroonan niya.
"Ayun! Si Chinito!" pagbanggit niya sa kanyang isipan.
Matagal-tagal na rin niyang nakaka-chat si Tom. Isa siyang mag-aaral ng isang malaking paaralan sa España, na kumukuha ng kursong Engineering. Nakita man niya ito sa mga litrato, ngunit di pa niya ito nakita ng personal.



















