By: Kiel
Belle: OMG! This is so unhygienic Kiel. I can tolerate lahat ng kadramahan mo Kiel because you’re hurt and you have the right to be like this and that I don’t have a choice, but this Kiel, seriously?
Yea that’s belle ang bff kong dirt freak at yes babae sya. Naging bff lang kami dahil narin sa mga magulang namin na bff din since childhood days nila kumbaga naitadhana na din. So eto sya ngayon nagbubunganga while me? ayun nakahiga lang sa kama habang nakatitig sa kisame.
Belle: Kiel matitiis ko naman lahat e pero yung baho talaga bes yun talaga e. 3 days ka nang di naliligo at puro junk foods lang ang kinakain mo bakit ka pa buhay?
Me: ay grabe sya o. brokenhearted lang ako bes pinapatay mo na ako?
Sabi kong hindi inaalis ang mga mata sa kisame. Lumapit si belle sa akin at umupo sa dulo ng higaan.
Belle: bes bumenta na tong scene na to sa lahat ng movies at books e wala kang originality
Tinitigan ko lang sya ng masama since wala din naman syang masasabing tama. Wala din naman ako sa mood to deal with her.
Belle: okay. Bes I understand na nasasaktan ka and all pero kasi sa ginagawa mo ikaw ang nagmumukhang talo. Hindi ka pa ba naawa sa sarili mo? He doesn’t care about you Kiel and he doesn’t deserve you kaya kahit mag mukmok ka dito ng ilang linggo o buwan o magpakabaho ng sobra e hindi ka niya babalikan. E diba nga pinag……
Me: oppssss! Wag mo na ituloy! Tsaka baka malay mo…..
Belle: arghhhh may tanga akong kaibigan
Nagdadabog niyang sabi habang palabas ng kwarto namin. Iisang condo unit lang kami ni belle kaya naman wala talaga siyang choice kundi pagtiisan ako. Tama nga naman si belle kinakawawa ko lang ang sarili ko habang si gago, ayun pa-beach beah pang nalalaman. Pano ko nalaman? Instagram beybii. Syempre mag ii-stalk padin naman ako sa kanya kahit sinaktan niya ako kaso nga lang ayun I always end up crying over and over again. ang lala naman ng pinagdaanan ko feeling ko tuloy noong nagsabog ng kamalasan sa mundo e nasa tuktok ako ng pinaka mataas na bundok sa pilipinas at salong salo ko lahat.





















