By:EyesCandy
Nakarating ako sa Saudi edad 25. Since ang company ko ay isang Service Organization para sa Aramco, sa Aramco camp ako nakatira kung saan 5,000 ang Filipino, kaya naman napakalaki ng Dining Hall kung saan ko unang nakilala ang kauna-unahang lalaking nagpatibok ng puso ko.
Dahil baguhan, mag-isa lang ako parati kung pumunta sa dining hall at kung saan-saan lang ako umuupo, kalimitan kung saan may table na walang kumakain. Kapansin-pansin naman na yung mga matatagal na dito ay malimit magkakasama sa paborito nilang pwestuhan.
Isang araw dinaanan ako ni Pearl (Peter tunay na name nya, officemate ko) sa dorm ko para sumabay na raw sa kanya mag-dinner. Since 6pm na rin naman kaya kako sige sabay na ako.
Matapos makakuha ng pagkain, inaya nya ako kung saan maraming Batangueno na nakapwesto na sa isang table. Parang siyang director na itinuro sa akin kung saan ako uupo.
Pearl: Boys, eto nga pala si Eyes bagong officemate ko. Eyes yang katabi mo si Gene. At tuloy sya sa pagpapakilala sa lima pang kasama ni Gene.
Eyes: Hi boys. Hi Gene.
Gene: Kumusta kabayan. Tagal ka na namin pinagmamasdan tuwing pumapasok ka dito sa dining hall.
Eyes: Bakit naman?
Gene: Kasi ang galing mong magdala ng baston tapos nakatsinelas ka pa ng sungkit.
Eyes: Ano yung sungkit?
Gene: Yang suot mo. Tsinelas ng magsasabong. Magsasabong ka ba?
Eyes: Ah ito ba? Hindi naman ako magsasabong. Naisip ko lang kasi dito sa Saudi mabuhangin. Para hindi pasukin ng buhangin ang mga paa ko kaya ganito dinala ko.
Gene: Hindi pa man ay alam na namin Batangueno ka rin.



















