By:Lonely Bulakenyo
This story is based from a dear friend’s experience who gave me the go signal to write and share their story. For those who are looking for an erotic story, this one is not for you. But for those hopeless romantics na good adviser din at the same time, I hope you find this story worth your time. And for the avid readers of my other story, At Your Service Nikko, I just want to assure you that I am working on the succeeding chapters. Konting pasensya na lang po. Again, thanks for the undying support at patuloy akong na-iinspire sa mga comments nyo sa akin. Keep it up.Moving on to the story…
It's March 1. Exactly one year ago nang iniwan ako ni Alex. Almost 3 years din kaming lumaban. Sa kabila ng napakaraming paghihirap, nakaka-ubos lakas na pagod, pagtagaktak ng balde baldeng mga sikretong pagluha at napakahirap tiisin na mga sakit ay nanatili kaming matatag. Patuloy kaming kumapit. Ipinangako namin sa isa't isa na sabay naming haharapin at lalabanan ang pagsubok na ibinigay sa amin. Kaya lang malakas talaga ang kalaban. Unti unti nyang pinahina ang katawan ni Alex. Hindi lang pambubugbog na pisikal ang nagawa nya sa amin. Pati pambubugbog na emosyonal, sikolohikal at pinansyal. Ganyan kasama ang kalaban namin. Ganyan kasama si CANCER.
I am Roi. I was 18 nung makilala ko si Alex. He was 28. Galing sya sa isang mayamang pamilya. Kakapasa pa lang nya sa medical board exam nuon at may naghihintay nang trabaho sa kanya sa isa sa pinakamalaki at kilalang ospital sa Pilipinas. Sophomore college student naman ako. Wala pang napapatunayan sa buhay. Full of insecurities. Kaya nung time na umamin sa akin si Alex ng nararamdaman nya ay agad ko syang hinindian. What can I do? He's too damn good looking. He's effin' well off. He’s way smarter. He's a doctor. And I am just a plain, aloof, and introvert probinsyano. He's just to good to be true for me.





















