By: R'R
Hi KM readers, minsan na rin akong nagsulat ng personal kong storya dito. Susubukan ko naman ulit magshare ng experience ko habang nandito ako sa Makati. Sana masiyahan kayo sa storya ko.
Itago niyo nalang ako sa pangalang "R" 22 years old, 5'7" ang height, moreno.. sabi nila malakas daw ang asta ko kasi lalaking lalaki ang dating. Kilos lalaki at angas lalaki.. ikaw ba naman discreet e. Pero tanggap ko sa sarili ko na bisexual ako di lang ako ready sa magiging reaksyon ng mga tropa ko kapag umamin ako kaya tago tago muna.
Unang buwan ko sa Makati, dito ako naka dorm kasi dahil sa work ko. At dahil first time makapunta sa syudad na maraming bisexual syenpre curious ako kung sino ba nakikita ko sa araw araw na pagpasok ko ang bi sa kanila. To make it short iniisip ko kung bi din ang mga nakakasalamuha kong good looking budds.
One day kelangan ko mag grocery para sa stocks ko ng pagkain. Doon ako sa Waltermart bibili kung saan malapit ang dorm namin. Naiisipan kong tumambay sa isang resto dun at magkape. Habang pasikretong tumitingin sa paligid kung sino ang mga lilingon sakin may isang lalaki mga 5'10 ang tangkad, maputi, di gaano kalakihan katawan pero halatang nag gigym ang lumapit sakin. Tinignan ko sya sa mukha. Nakacap na red kitang semikalbo ang hairdo, may konting balbas at maangas maka tingin.
Hindi ko pinahalata na tumingin ako sa kanya, sumulyap ng tingin at binaling ko na atensyon ko sa ginagawa ko sa cp ko. Tumagal din sya doon mga 10 minutes na nakatapat ng upo sa pwesto ko sa kabilang side ng lamesa. Saka sya nagsalita "pre JR nga pala." Ako poker face kasi angas look ako nun para di makaamoy kasi ako amoy na amoy ko ang tinatago nya. Haha.
"Ano hanap mo dito?" Dugtong nya. Ako poker face padin halatang nagtataka bakit magtatanong ang isang lalaki sa kapwa lalaki kung ano ginagawa nya sa isang lugar. Unless may balak sya.
"Maggogrocery ako pre" para di naman ako magmukang isnabero. "A ako din gusto mo sabayan na kita?" Sagot nya. May pagdadalawang isip pero umoo narin ako tutal rest day ko naman kinabukasan kung sakaling may gawin man kami unexpectedly. haha.
Sa tagal ng paggogrocery kung ano ano na napagkwentuhan namin, tungkol sa trabaho, tungkol sa pinanggalingang probinsya, sya raw taga pangasinan ako naman taga Gen. San. Hanggang sa niyaya nya ako mag stop over sa condo nya katabi ng Mall kung nasaan kami. Wala naman ako gagawin bukas kaya pumayag ako.



















