By: Mike
POV Mike“Uy Mike, Welcome back!”, bati sa akin ni Nikki nang duamting ako ng Mcdonald’s Greenfield District. “Dito ka dali”, pagyaya niya sa akin na tumabi daw ako. Napansin kong may tatlong bago din.
Nagpakilala kami sa isa’t isa. So bale siyam na kaming aakyat. Excited ako dahil nagresearch talaga ako sa Google about sa Mt. Maynoba, at ang taas ng expectations ko. As usual, cold padin pakikitungo ni Seb sa mga bagong kasama namin, ngunit napansin ko na yung dalawang babae nagbubulungan nang magpakilala sa kanila si Seb in a usual monotonous and cold approach. Ramdam ko ang kilig ng dalawa. Landian agad sa madaling araw.
Magkatabi nadin kami ni Nikki sa van. Inirapan nga ako ni Seb dahil sumandal sa akin si Nikki at nakatulog sa balikat ko.
Hiking 002: Mt. Maynoba, Rizal Province
Ang Mt. Maynoba ay isa sa mga pinakaaccessible at may mataas ng success rate na makita ang Sea of Clouds. Be sure na maaga kayong mag-umpisa. Note lang, don’t forget your insect repellent lotion and sunblock dahil pagsikat ng araw, sobrang exposed na kayo. Good thing, mayroong 8 waterfalls na madadaan niyo pagbaba to quench the heat. I recommend you to wear long sleeves and leggings dahil matalahib at medyo mahapdi ang mga damo. Going back… As usual, panay ang photoshoot ni Trish at Marco, nakisali nadin mga bagong kasama namin. Ako, as usual, kumukuha lang ng random pictures dahil ayokong magpapicture. Kasama ko parin si Nikki. “Tara swimming tayo. Sarap ng tubig”, niyaya niya ako. This time, nasa unang waterfalls na kami. “Sure!”, naghubad na ako ng tshirt, sapatos at medyas at nakashorts nalang.
“Yummy mo pala Mike. Haha”, tinukso ako ni Nikki.
“Favorite mo pala liempo? Haha”, pabiro kong sagot.
“Ok nayan baby fats lang yan. Lang akyat pa at matutunaw din yan.”, napansin kong nakatitig sa amin si Seb, katabi niya si Sir Julius na kumuha din ng litrato gamit Camera niya. Agad binaling ni Seb tingin siya sa camera ni Sir Julius at nagpa as if na tumutulong kumuha ng maayos na anggulo. Palusot pa to.
“Alam ko ang sexy ko haha”, sinara ni Nikki ang panga ko dahil napanganga ako nang maghubad na siya. Di naman siya nakabikini, naka short shorts lang, bale yung top niya ay tight drifit na kita mo yung abs niya. Shit ang hot ng babaeng to.
“O—ok.”, at lumusong na kami ng tubig.

















