By: Bendo
Indi ko mapatay ang alarm clock ni Jam kahit ilang beses ko na hampasin.Nagising ako.
"Alarm clock ko pala ang hindi ko mapatay" nalinawan ako. Ako ay nasa pamamahay ko. Pinatay ko ang alarm. Tiningnan ko ang paligid. Wala si Jam. Sadyang nahatid nga siguro niya ako.
Panaginip lang pala lahat. Siguro iyon lang gusto ko marinig kay Jam. Ako lang pala lahat iyon. Malakas lang pag iilusyon ko. Antanga ko parin na pinapaniwala ko sarili ko na magkakagusto sakin si Jam. Matagal nang wala paulit ulit lang talaga ako.
Hindi muna ako nagbar mga isang linggo pero hindi ko narin nakaya.
Pagkatapos ko sa trabaho ay tumungo ulit ako sa M25 Bar. Gusto ko munang makalimot kahit ngayon lang.
Kung nalasing ako last week, anu ano naman kaya pinagsasabi ko kay Jam. Sana hindi kami muna magkita.
"Kell?" parang pamilyar sa akin ang boses pero hindi ko maalala kung sino.
"Naalala mo ako?" tanong niya.
"Sorry pero hindi kita namumukhaan" seryoso ako.
"Si Bond ito, matagal din bago tayo nagkita ah. Bilis mo namang makalimot" sabi niya.
"Bond?" parang naliligaw ako sa mga pangyayari.
"Matapos kong pakinggan lahat lahat ng problema mo kay sino nga iyon, John ba iyon? nakalimutan ko, ah basta iniwan mo lang ako na walang paalam" parang may gigil sa aking boses.
"Ikaw si Bond?" Tiningnan ko siya ng mabuti. Mukhang naalala ko nga iyong macho at gwapong lalaking ito. Siya nga. Siya nga iyong rason kung bakit hindi ako makagalaw ng maayos sa dalawang araw.
Inakbayan niya ako at ningitian. "So kamusta kana Kell at iyong John na sinasabi mo asan siya baka gusto mo apakan natin" halakhak niya.















