By: Loverboynicks
Pagdating namin sa bahay nina Jane ay nagmadali na akong bumaba sa kotse ni Kevin. Nauna na rin akong pumasok sa loob at sinadya ko siyang iwanan sa labas.
Natakot kasi talaga ako sa kanya kanina. Akala ko ay talagang sasapakin na niya ako. Mabuti na lamang at hindi niya itinuloy.
Grabe naman kasi ako kung makapanakit sa kanya. Pero kasalanan naman kasi niya. Naiinis ako sa sobrang kayabangan niya.
Marami na ang tao sa loob nang makapasok ako. Nakita kaagad ako nina Jane at Liza kaya mabilis nila akong nilapitan at inakay patungo sa loob.
“Happy Birthday!” bati ko kay Jane sabay abot ng regalo ko.
“Thank you Renz. Akala ko hindi ka na darating.” lambing nito saka na kami nakijoin sa mga classmates namin na nandoon.
Naging friendly naman sa akin ang ibang mga classmates namin kahit na hindi ko sila kaclose pag nasa school. Naisip ko na okay din naman pala sila. Hindi ko lang siguro talaga binibigyan ng chance.
Nang makakain na kami ay nagsimulang dumilim sa paligid at biglang sumindi ang mga disco lights kasabay ng pagtunog ng magagaslaw na tugtugin mula sa speaker.
Nagtanong ako kay Jane kung okay lang na mag-ingay kami nang ganoon doon. Sinabi naman niya na okay lang at kami lang naman daw ang tao doon dahil ipinagpaalam na niya sa mga magulang at kapatid niya ang bahay.
Nagsimulang maglabas ng alak ang mga kaklase kong lalaki at nagsimula nang magsayawan ang lahat sa malawak na sa sala.
Halos hatinggabi na nang mapansin ko na maiingay na ang mga kaklase namin at malikot na ang iba na nagsasayaw.