By: Lito
Pagbabalikbayan ng aking si RobertMakalipas ang tatlong taon ay nagbalikbayan si Robert. Nagkaayos kami muli pero may inamin siya sa akin na nagdulot na naman sa aking ng sama ng loob.
Isang sunod sunod na katok ang gumising sa akin isang linggo ng Disyembre.
“Sino kaya naman ang agang aga ay nambubulahaw” pupungas pungas pa ako na bumaba ng hagdan at naghilamos muna.
Katok muli kalaunan ay tinawag na ang aking pangalan.
“Kuya, kuya si Rommel po ito” malakas niyang tawag.
“O napasugod ka, may problema ba?” salubong kong tanong pagkabukas ng pinto.
“Kuya, nag-alala si nanay dahil hindi ka dumaan kagabi kaya pinapunta ako agad dito, Bakit hindi ka dumaan sa bahay?” paliwanag niya habang tuloy tuloy nang pumasok sa loob ng bahay.
“Ah, ‘yun ba. Madaling araw na kasi ako nakarating kaya dumretso na ako ng uwi. Napuyat nga ako kaya tinanghali na ako ng gising. Nag almusal ka na ba, tayo munang magkape.”
“Kuya, may sorpresa ako sa iyo, sandali lang naiwan ko sa labas.”
Nag-init na ako ng tubig at ihinanda ang ang dalawang mug.


















