By: Mikah
“Marami lang iniisip Jen, » ang sagot ko sa kanya.
« Kelan ka ba nawalan ng iisipin. Hindi na bago yun Mikah. Tatanda ka ng mabilis niyan kakaisip mo.”
“Ang dami nanamn kasing problema sa bahay tapos idagdag mo pa ang mga gastusin at babayarin. Minsan parang gusto ko nalang umalis at takasan lahat,” ang sabi ko sabay buntong hininga.
Umupo sa tabi ko si Jen at nangalumbaba sabay tingin sa akin.
« Alam mo minsan gusto ko ding gawin yan. Halika na sabay tayo!” Ang sagot sakin ni jen na may halong pang-uuyam.
“Ewan ko sayo.”
“Mikah alam mo naman na hindi solusyon yan sa mga problema mo,” sabi ni Jen sabay akbay sa akin, « kahit gaano pa kahirap yang pinag dadaanan mo kailangan mong magpakatatag. Ikaw nalang ang inaasahan ng Nanay mo at ng kapatid mo.”
“Alam ko yun Jen. Pero minsan napapagod din ako.”
“Kapit lang Mikah malalampasan mo din yang mga suliranin mo. Teka, kamusta na pala yung applikasyon mo sa posisyong HR Manager sa IBM?” Tanong sakin ni Jen.
“Mukhang Malabo Jen, ang sabi kasi ng nag interview sa akin na kailangan nila may karanasan din sa nasabing posisyon ng maski tatlong taon. Manager nga ako ng 6 na taon na pero hindi naman sa Human Resources kung hindi sa isang kapehan na napaka overpriced at overrated na mga kape.”
“Anu ba ang nabbanggit ng nag interview sa iyo?” Pngungulit ni Jen sa akin.
« Nasa proses opa raw sila ng pag kikilatis sa mga aplikante at tatawagan ako kung naayon ako sa posisyon, » ang sabi ko.




















