By: Josh Sanchez
Totoo pala na pag ikaw ay nagmahal ay ibibigay mo ang lahat. Ako nga pala si Josh Sanchez, 22 yrs old,nasa 5'7" ang height, chinito, moreno, di ako payat at di rin katabaan at isa akong discreet gay. Bata palang ako ay naghiwalay na ang aking mga magulang. May sarili ng pamilya ang tatay ko at ang nanay ko naman ay nangibang bansa na at may kinakasama na siya. Pero sa kabila nito ay naging masiyahin akong tao. Dito ako ngayon sa Lola ko sa mother side at may kasamang isang kasambahay.

Nagkaroon kami nun ng event,pag welcome saming mga freshmen. Grinupo kami ng 5,may 2 lalaki at 2 babae akong kasama sa grupo. Kada grupo ay may inassign na higher year para maging leader. Ang naitoka samin ay si Kuya Brian,gwapo si kuya Brian,halos kasing tangkad ko siya,maputi, bilugan ang mata at may kakisigan. Misteryoso sya,seryoso palagi ang mukha at di ngumingiti. Nagpakilala kami isa isa sakanya,nung nagpakilala ako ay nautal utal pa ako sakanya. Tinitigan niya kasi ako sa mata. Natapos ang mga activities at inannounce na din na next week na gaganapin ang acquaintance party. Nagusap kami ng mga kagrupo ko about dito. Nasabi kong di ako magaattend dahil tinatamad ako at nagpaalam na ako sa kanila,pumunta muna akong cr para umihi. Pumasok din pala si Kuya Brian sa CR.
Kuya Brian: Narinig ko na di ka magaattend ng acquaintance party,Bakit?
Ako: Tinatamad po kasi ako.
Kuya Brian: Marami kang mamimiss pag di ka nag attend kaya pumunta ka.
Tsaka sya lumabas. Kinilig ako dahil gusto niya akong pumunta sa acquaintance party. Sa mga sumunod na araw ay madalas kami magkita ni Kuya Brian,pinapansin niya naman ako kaya nginingitian ko naman siya. May isang araw pa na sinamahan niya ako maglunch sa canteen ng university ng nakita niya akong mag isa. Pinakilala niya din sakin ang kanyang bestfriend niyang si Kuya Lance. Nakaramdam ako ng konting selos dahil close na close sila.
Biyernes ng umaga nun,nag iisa ako nakaupo sa may grass nagaaral sa isang major subject ko. May lumapit sakin at umupo sa tabi ko.
Kuya Brian: ang sipag mo naman mag aral.
Nagulat ako kay Kuya Brian.
Ako: Kailangan po kasi. Mag eexam kami next week.
Kuya Brian: may sabado at linggo pa naman. Mamayang gabi na pala ang acquaintance party. Ano,punta ka?