By:Pascal
Halos punuan lahat ng mga resort ngayon buti nalang swerteng may nakuha pa kami. Ok naman yung nakuha namin. Dalawa lang yung kwarto pero may space naman ok na para sa grupo ng mga babae at grupo ng mga lalaki. Oo hiwalay, bukod sa dadalawang room lang ang availabe hindi pa naman umaabot sa sukdulan ang kalandian ng mga kasama ko. Tinatanong nyo siguro kung saan ako matutulog? Syempre sa kwarto ng mga boys teh, boy parin naman ako.Ready na ang lahat ng pagkain alak at iba pa. Ako nalang yata ang di ready. Nagsimula ng magpatugtog si Miguel ng music, party party na mga bes. Kinalimutan ko muna lahat ng kadramahan ko sa buhay. Magpapakasaya muna ako bes kahit ngayong gabi lang. Masaya ang lahat, tawanan, kwentuhan, inisan. Lumipas pa ang mga oras parang may tama na ang alak sa katawan ko. Batid ko na maging sa aking mga kasama ay gayun din. Medyo umiinit narin ang katawan ko buti nalang nag aya na si Luis na maligo muna. Eto na teh! Isa isang nag hubad ang mga kasama ko teh babae lalaki. Hiyang hiya naman ako. Bakit reding ready sila sa mga swimming outfits nila di ako na inform. Yung mga babae naka two piece. Yung mga lalaki enebe nakapang swimming briefs talaga. Ako swimming shorts lang. Kahit si eric handa. Dahil nga madalas sila mag gym di maikakailang magaganda ang mga katawan nila Luis at Miguel. Kay Mark di na ako nasurprise matipuno talaga syang lalaki. Naalala ko yung unang may mangyari sa amin charrr! Ano ba teh erase erase puro na naman ako kalandian, nag momove on nga diba. Pero wait, my god! Ginalingan din naman ni Eric. First time ko nakita syang hubad at grabe iba rin ang hotness ng isang ito. Kung masarap mag pinta ng kalikasan sa katawan ni Mark, parang ang sarap naman maglaro ng jack stone sa abs ni Eric bes. Makinis din sya. Kutis mayaman. Lahat sila teh handang handa talaga. Yung totoo sa boracay ba ang punta nila.
Sam: teh yung totoo, handang handa kami sa swimming, ikaw?
Me: oo nga di naman ako na inform na pasexihan outfit pala to.
Sam: nako teh kung nalaman ko lang na wala kang outfit pang swimming di sana pinahiraman kita. Gusto mo tanong ko ibang girls kung may baon pa silang extra?
Me: loka loka ka talaga. Haahah. Ok lang yan. Makinis naman ako. Pak na yan!
Sam: hahaha. Ikaw ng makinis teh. Pero wait teh mukang busog na busog ang mata mo ha. Sinong mas hot kina Mark at Eric?
Me: loka loka ka talagang bruha ha. Puro ka kalandian.
Sam: hahahaha. Joke lang Shaun. Tara na nga mag swimming.





















