By:Yue
[Habang naglalakad pauwi] hindi ko mapigilan ang mga ngiti na kusang gumuguhit sa labi ko. Pero naguguluhan din ako sa nararamdaman. Sa loob ng 1 taon naming magkakilala, akala ko hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Pero parang mayroon siyang ginising sa puso ko. Damdaming tila matagal nang natutulog.
Akala ko noon nung masaktan ako, hindi na ako magmamahal pang muli. Sinabi ko noon na huling huli na yun, na siguro hindi talaga magwowork kailanman yung mga ganitong klase ng relasyon. Pero mali pala.
(Pagkauwing pagkauwi ko sa apartment) alam kong sigurado ako sa taong ito. Na mahal ko siya. Kaya ipinagtapat ko rin sa kanya ng gabing yon.
[Via text]
Yue: 'Niel, okay lang ba tumawag?'
Niel: ‘Why not? Sure.’
At tumawag ako. [Via call]
Y: ‘may sasabihin ako sayo.’
N: 'wag mo munang sabihin. Labas ka muna.'
Y: ‘bakit?’
N: ‘saka na yang bakit mo, sumunod ka muna.’
At paglabas ko ay nakita kong andun siya. Sinundan pala ako ng mokong.
N: 'Sorry sumunod ako. Umaasa kasi akong may sasabihin ka rin na hindi mo na patatagalin.
Y: ‘nyaks. Masyado ka naman nag-assume. Ayoko na pala sabihin. [Pakipot, hahaha]’
N: ‘dali na.(nagpapacute at pinapasingkit ang mga mata)’




















