By: Ju-on
I'm Nico, 21, gay pero di naman ung baklang ladlad bes. Kagagraduate ko lang. Pinigilan muna ako magwork ng mama ko. Magreview daw muna ako. Accountancy pala tinapos ko. Meron kaming negosyo na minamanage ni mama kaya yun siguro gusto nya para sa akin. Para matulungan ko sya sa pagmamanage. Syempre wala akong choice.By the way single parent si mama. Iniwanan kami ni papa nung 7 years old ako. Sumama sa iba. Wala kaming communication eversince. Ang natatandaan ko lang nagmamakaawa si mama sa kanya dati at tuluyan ng umalis. Yun lamang ang mga alaala ko sa kanya. Masama ang loob ko sa tatay ko. Sya ang one great love ni mama but he chose to break her heart. Hanggang ngayon wala paring ibang lalaki sa buhay ni mama. Minsan nga sinasabihan ko sya na mag-asawa pero ang lagi nyang sinasabi ay sapat na daw ako sa buhay nya. Alam ko alibi nya lang yun pero ang totoo hindi nya parin magawang magmahal ng iba.
Sa sobrang sipag ni mama nabigyan nya ako ng magandang buhay. Meron kaming malaking bahay, kotse etc. pero ang kapalit naman noon ay ang oras nya. Lumaki ako sa piling ng mga katulong namin. Naiintindihan ko naman at wala akong hinanakit sa kanya. Kaya siguro ganito ako, sanay na laging mag-isa at sanay na maiwan. Oo, wala akong masyadong kaibigan. Meron iilan pero di ko naman ganoon kaclose. Marami narin akong mga naging karelasyon at lahat yun ay mga di nagtatagal. Hindi ko rin masyadong sineseryoso. Ewan basta ganito lang talaga ako. Di ko binibigay ng buo ang puso ko kasi ayaw ko masaktan gaya ng sa mama ko. Para kahit iwan man nila ako di ako masyadong masasaktan.
Sinabi ko sa mama ko na ayaw ko pumasok sa review center at magseself review nalang ako. Pero di sya pumayag. Nanindigan ako sa desisyon ko pero sinabihan nya ako na pag-isipan ko daw munang mabuti. Kinabukasan sa muli naming pag-uusap pumayag na sya sa gusto ko na dito nalang sa bahay namin magreview pero may isa syang kondisyon, kukuha daw sya ng magtututor sa akin para siguradong marereview ako.




















