m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, October 21, 2012

Saltwater Room (Part 3)

By: Travis

Naging back to normal ulit ang College Life ko. Wala ng blackmail mula kay Xander dahil sa pareho na kaming may alas sa isa't isa. Hindi na din ganoon ka-angas si Xander, dahil siguro lahat naman ng tao ay nagbabago at dahil na din siguro sa pagtira pansamantala ni Raf kina Xander ay nagkaroon na ito ng makakasama sa bahay.

Dahil na din siguro sa madalas kami magkita ni Xander dahil sa tinuturuan nya ako sa gym at nagtututor ako sa kanya ay mas naging close kami. Pero hindi naman umabot sa level na sobrang close, sakto lang.

Tuloy tuloy pa din ang gym session namin ni Xander, minsan andun din si Raf kaya nacoconscious ako pag pinapanood nya ako sa mga routines.

"Sige lang Travis push it harder"

ang pagchicheer sa akin ni Raf, tinuruan pa nya ako sa ilang routine, medyo natuwa naman ako at mas pinagbuti ko pa ang paggawa sa routine. Nakatingin lang si Xander sa amin na tila naiinis pero hindi ko na lang pinansin. Pagkatapos ng session ay kumain na kami. Nagbaon ako ng pagkain ko kasi nahihiya din ako kay Xander kung dun pa ako sa kanila makikikain. Tinapay lang ang dinala ko kasi yun lang ang kinakain ko pag hapon. Nakita iyon ni Xander

"Ano yan?"
nakakunot ang noo ni Xander na parang nagagalit.

"Tinapay, pagkain ko"

"Bakit hindi ba kita pinapakain kaya nagdala ka nyan?"

"Nahihiya kasi ako, libre na nga paggamit ko sa gym mo tapos pati pagkain pa"

"Naglolokohan lang pala tayo eh. Alam mo ba na carbs yan? Wala din silbi 'tong ginagawa natin kung yan din pala kinakain mo"

"Ano ka ba Xander, tinapay lang 'to hindi big deal"

"Ganyan ka naman eh, sana lang pumayat ka pa sa ginagawa mong yan tignan lang natin kung may magseryoso sayo pag mataba ka pa din"

at tinamaan ako sa sinabi ni Xander at hindi na nakapagsalita.

"Alam mo ba sana ngayon nasa barkada ako pero nandito ako sa bahay nagtuturo sa isang tao na gustong pumayat pero wala namang disiplina. Waste of time lang 'to"

"Ah ganun ba, sige sorry Xander, kung ayaw mo na ok lang, wag ka na din mag-alala sa tinago kong kodigo mo, matagal ko nang sinunog yun, hindi ko ugaling manlaglag"

at umalis na ako. Medyo na-offend ako sa sinabi nya kaya umalis na lang ako.

Pagdating ko sa dorm ay napaisip ako sa sinabi ni Xander na walang seseryoso sa akin pag mataba pa din ako. Medyo totoo naman yun kasi ni minsan ay wala pa akong napaibig muli simula nung tumaba ako. Kahit na may itsura naman ako dahil sa ang Nanay ko ay may dugong Mestiza ay namana naming magkakapatid ang dugong yun. Pero laging zero ang love life ko. Natatakpan lang marahil mas nakikita nila ang katabaan ko kesa sa itsura ko.

Nagdaan ang mga araw at nagkikita naman kami ni Xander sa School at sa ilang Minor Subjects dahil magkaklase kami dun. Hindi nya ako pinapansin sa hindi ko malaman na dahilan. Mas dapat yata na magalit ako kasi nainsulto ako sa mga sinabi nya. Kasalanan ko pa yata na kumain ng tinapay at kawalan daw ng disiplina. Hindi ko din sya pinansin kaya nagtaka ang mga kaibigan ko kasi alam nila na ok kami ni Xander. Hindi na din ako bumalik kina Xander para mag gym. Nag gym na lang ako dun sa malapit sa dorm. Nag iipon ako kada araw para may pang-gym ako tuwing lunes at huwebes.

Halos tatlong buwan din kaming hindi nagpansinan ni Xander. Hindi ko naman dinamdam yun kasi wala naman akong kasalanan sa kanya. Tsaka parang wala din naman sa kanya kaya dapat lang na hindi ko intindihin.

Nagkaroon ng meeting ang club na kinabibilangan ko, dun ko lang ulit nakita si Xander, nagpakalbo sya at mas lalong gumwapo, pero kagaya ng dati hindi pa din nya ako pinapansin o kahit bati ay wala din. Magpapadala daw ng isang Member kasama ang Officers ng club namin sa isang beach kasama ang Officers ng Clubs ng iba't ibang University sa Manila, parang Intercollegiate Meet yun ng lahat ng Officers. Isa sa mga Officer nun si Xander at dahil sa hindi naman ako sikat sa Campus ay confident ako na hindi makakasama. Nagulat ako nang magkaroon ng botohan sa Members kung sino ang sasama. Dalawa kaming nanominate. Nakakuha yung isa kong kasama ng 32 votes at dun ako kampante na hindi aabot sa 32 ang boboto sa akin. Pero mapaglaro talaga ang tadhana at nag-tie kami sa botohan 32 votes din ang sa akin, magsasuggest na sana ako na yung kamember ko na lang ang isasama nang biglang nagtaas ng kamay si Xander, marahil gagawa na sya ng paraan para hindi ako makasama

"Count me in, 33 votes for Mr. Travis Miguel"

ang sabi ni Xander. Nagulat ako sa ginawa nyang iyon at ako na nga ang kaisa isahang member na makakasama sa Meet. Nakangiti sya sa akin nun na parang nang aasar dahil siguro nahalata nya na ayaw ko sumama.

Dumating ang araw ng Meet. Maaga kaming umalis sa Campus papunta sa isang beach sa Batangas. Binati naman ako ni Xander nung nasa Batangas na kami

"Pumapayat ka na ah"

at nilayasan din nya ako. Napangiti na lang ako kasi nagbunga din pala ang ilang sakripisyo ko para pumayat. Pero alam ko na hindi pa ko ganap na mapayat kaya dapat na pagbutihin ko pa ang pag-eexercise.

Wala kaming ibang ginawa kundi makipagkilala sa ibang representatives. Dun ko nakilala si Aaron ang aking bagong eye candy. Matangkad si Aaron nasa 6'0" sya kung hindi ako nagkakamali. Friendly sya at masarap kausap. Marahil naramdaman nya na Bi ako ay madali kaming nagkasundo. Nung kinagabihan ay nakapagusap kami habang nasa bar kami.

"Travis, wag ka sanang ma-ooffend, Bi ka ba?"

Hindi ako agad nakasagot dahil siguro takot ako sa rejection pero dahil andun na sumagot na lang ako.

"Oo, sorry di ko nasabi agad"

"No, ok lang yun, pareho naman pala tayo"

at ngumiti sya sa akin. Parang nabuhayan ako ng loob at sa wakas bukod sa mga kaibigan ko ay may nakatanggap sa tunay kong pagkatao.

Puro kwentuhan at tawanan lang kami ni Aaron nun. Nung madaling araw na pumunta kami sa dalampasigan. Dahil na din siguro sa impluwensya ng alkohol ay mas naging mapusok kami at simula kaming maglaplapan. Ang sarap humalik ni Aaron. Ito ang first kiss ko at dahil sa first ko yun ay ginuide ako ni Aaron. Ang sarap pala humalik lalo na kung may dila at pinahawak nya sa akin ang bukol nya. Natigil lang kami nung may sumita sa amin.

"Ano 'to live show?"

Si Xander pala yun at galit na galit sya sa amin. Lumapit sya at hinila ako patayo.

"Tara na aayusin mo pa yung activity bukas"

Nagalit din si Aaron sa ginawa ni Xander

"Sandali lang tol nakakabastos ka ah"

Alam ko na gustong suntukin ni Xander si Aaron sa inis

"Bakit hindi ba kabastusan yung ginawa nyo kanina? Paano kung may makakita sa inyo? Gago ka ba? Hindi mo ba alam na Scholarship lang ang inaasahan ni Travis at kung matanggalan sya nun dahil sa kagaguhan mo may magagawa ka ba?"
at natauhan ako sa sinabi ni Xander, may concern din pala sya sa akin kahit papaano.

Hindi na nakakibo si Aaron at hinila na ko papunta sa Hotel. Hindi na din ako nakapagsalita kasi tama naman sya. Dinala nya ako sa kwarto nya

"Naayos mo na ba yung activity na tayo ang magpafacilitate bukas?

Puro kasi kalandian inatupag mo simula nung dumating tayo dito" ang naiinis nyang sabi sa akin.

"Sa biyahe pa lang ayos na yun at bakit ba pinakikialaman mo ako? Bawal na ba ko makipagkilala sa iba?"

"Makipagkilala pwede pero makipaglandian ayoko!"

At sinigawan nya ako.

"Lasing ka lang Xander"

"Hindi ako nakainom"

"Bawal na din ba ako makipaghalikan sa iba? At sino ka ba para pagbawalan ako"

akmang paalis na ako ng itulak nya ako sa pader.

"Oo, makipaghalikan sa iba bawal, gusto ko ako lang ang hahalik sayo, ako lang"

at hinalikan ako ni Xander na puno ng emosyon. Damang dama ko ang katawan nyang unti unting dumidiin sa akin at tuluyan na kong nagpaubaya sa gusto nya.

Itutuloy..

10 comments:

  1. Andaya, bitin ang kwento

    ReplyDelete
  2. Auuuuuuhhhhh... Kilig to the bones. I like it when boys get jealous over you. Long hair lang ang peg!

    ReplyDelete
  3. anu ba yan post n agad kasunod nkakakilig...

    ReplyDelete
  4. Ay teh mukhang di lang pagbabawas ng timbangbang kailangan mong gawin. Try mo din magpa-trim ng hair haba na oh. Hahahaha next chapter na.

    ReplyDelete
  5. next na pls... na kakabitin ka.. pwde wag moh na patagalin lol....sweet ng story kilig to the bones...

    ReplyDelete
  6. bro your story meet my satisfaction. Parang nakipagsex na dn ako pero bitin! Post agad!

    ReplyDelete
  7. Drool over the story sobrang ganda nung delivery, obvious yung istorya na may gusto sa kanya si Xander pero may formula pa rin na babalik balikan mo yung kwento nya...

    ReplyDelete
  8. bwahahaha... hoy magsitigil kayo..., ang lalandi nyo, ang mga hitad kinikilig sa pantasyang istorya ng may akda.. ang sarap pakukurutin ng mga bayag...wahahahaa...

    ReplyDelete
  9. Hay anu b yan naging gay na dn c xander. Di na exciting..

    ReplyDelete