By:Anonymous
Babala: Ang kwentong aking isasaad ay isang kathang-isip lamang. Ito ay isang kwento ng pagmamahalan sa dalawang binata. More of kilig and not sexual. Pero syempre may kasamang ganun kasi alam ko na gusto niyo yun at ako din.. hahahaha
(Si Carlos)
Si Carlos ay freshman palang at kumukuha ng kursong Engineering sa isang unibersidad sa maynila. Makikita sa kanya ang kakisigan, kagwapuhan. May matangos na ilong,
mapupungay at bilugang mata, maninipis na labi, semi-kalbo, moreno at medyo maangas ang itsura. Siya ay may tangkad na 5 feet 8 inches. Halata sa kanyang pananamit at
gamit na galing ito sa isang mayaman na pamilya.
Unang araw pa lang ng klase ay talagang pansinin na si Carlos, maraming mga mata ang napapatitig kapag siya ay dumadaan. Maraming mga babae ang medyo napapangiti
habang nakakasalubong ang batang ito. Hinanap niya ang kanyang class room at talaga namang pagpasok niya ay napatitig ang mga kaklase niya sa kanya. Umupo si Carlos sa
bandang unahan ng silid ng biglang dumating ang kanilang Professor.
"I am Ms. Alfie Goncilla Molino, I am your section adviser and I'm your professor in this class. First of all, I want yo to introduce yourself. Okay batang
pogi sa unahan (Si carlos ang tinutukoy) sayo tayo magsisimula. "
Tumayo si Carlos, at halata sa kanyang mukha na nahiya dahil sa sinabi ng prof. at ito ay pumunta sa unahan at nagpakilala.
"Ako nga pala si Carlos Antonio Hontiveros Montelibano, 16 anyos, Nakatira sa Laguna." sabi ni Carlos.
Pagkalaon ay umupo na to sa kanyang upuan. Halata sa kanyang mga kilos na wala siyang interes sa mga kaklase nito. Sa mga oras na iyon ay gusto ng matapos ni Carlos
ang klase niya upang makalabas na ng school. Si Carlos ay isang batang walang kahilig hilig sa pag-aaral. Pinagpatuloy niya lang ang kanyang pag-aaral sa pamimilit ng
magulang. Nag-iisang anak si Carlos kaya ito ay spoiled na spoiled. Nang matapos ang klase ay nilapitan siya ng ilang mga kaklase upang kausapin ngunit halata sa
kanyang pananalita at kilos na ayaw niyang makausap ang mga ito. Suplado si Carlos at napaka-aroganteng bata. Ika nga nila walang patutunguhan sa buhay, kampante sa
sobrang yaman at alam niyang di siya pababayaan ng magulang.
Pagkatapos na kausapin ng mga kaklase si Carlos ay lumabas ito ng silid, naglibot libot sa campus. Pagkatapos maglibot libot ay lumabas ito ng campus at kumain ng
tanghalian. Kung tutuusin madami naman siyang pedeng magkaibigan. Mailap lang siya at hindi palakaibigan. Dumaan ang buong araw na para bang gusto na niyang tumigil sa
pag-aaral. Lumipas ang isang linggo at wala pa din siyang kaibigan. Tanging sarili lang niya ang iniintindi niya pagdating sa loob ng unibersidad. Lumipas ang isang
buwan ngunit naging mailap pa din si Carlos sa mga kaklase, ngunit nagbago ito ng may makilala siyang isang estudyante ngunit hindi niya kaklase, Si Miguel.
"Kuya, May ballpen ka jan?" tanong ni Miguel.
"Meron, eto o" sabi ni Carlos habang inaabot kay miguel ang ballpen.
Nakaupo ang dalawa sa labas ng isang gusali, may pi-fill-up-an na form si Miguel ngunit nawala ang kanyang ballpen. Nang matapos na sagutan ni Miguel ang form ay
biglang dumating si Hyena. Si Hyena ang Student government president para sa taon na yun.
"Ok na ba to, migz? nasagutan mo na lahat?" tanong ni Hyena.
"OO" sagot ni Miguel.
Napansin ni Hyena si Carlos at inabutan din ito ng form. Nang basahin ni Carlos ang form ay biglang nagulat ito.
"Ate, ayoko po sumali dito." sabi ni Carlos
"Bakit naman? sayang naman, ang cute cute cute mo pa naman." sagot ni Hyena.
"Di po ko mahilig sumali sa mga ganyang contests, di po malakas loob ko." sagot ni carlos.
"Sayang naman, pero sige ok lang, ano nga pala pangalan mo at department?" si Hyena
"Carlos po, Engineering" sabi ni carlos.
"Hay, sayang may panlaban ka pa naman. By the way Hyena here, SSG president." sabay abot ng kamay ni Hyena at umalis na ito.
"Ay, carlos sorry, ako nga pala si Miguel, Miguel Loyala, galing sa BUsiness and Accounting Department, Freshman." pakilala ni Miguel.
"Siguro naman narining mo na kung ano pangalan ko at department ko? hindi ko na kailangang ulitin." Sabi ni Carlos.
"Oo, narinig ko, Sungit mo naman." natatawang sabi ni Miguel.
Niyaya ni Miguel kumain si Carlos ng lunch sa cafeteria at sinang ayunan naman ito ni carlos. Dito nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa. Nung una medyo tahimik si
carlos ngunit nang tumagal tagal ay nakikipagkwentuhan na to kay Miguel. Pagkatapos nila kumain ay naghanap sila ng matatambayan at dun nila tinuloy ang kwentuhan.
Nang biglang tumingin si Carlos sa kanyang relo at naalala niya na may klase na pala siya. Nagpaalam ito kay Miguel at tumatakbong lumabas ng silid. Halata sa mukha ni
Carlos ang tuwa dahil meron na itong naging kaibigan, ngunit hindi pa rin siya sigurado kung makakapagkatiwalaan niya ito.
Lumipas ang mga araw, hindi na nagkita ang dalawa. Ngunit wala lang ito kay carlos. Balik siya sa dating gawi. Nag-iisa. Sanay naman siya sa ganung estilo pagdating sa
loob ng unibersidad.
Nang isang araw, naglalakad si Carlos at nakasalubong si Miguel...
(Hindi ko muna itutuloy ang naiwan ko sa dito para may thrill, gusto ko muna niyong makilala si Miguel. Gusto ko na makilala niyo siya ng mabuti at ang naging buhay nito sa mga unang araw niya sa unibersidad.
(Si Miguel)
Si Miguel, Miguel Concejo Loyola ang tunay na pangalan, ay 16 years old, kinukuha niya ang kursong Accountancy sa isang kilalang unibersidad sa maynila. Galing siya sa
mayamang pamilya, anak siya sa may-ari ng
isang kilalang real estate company sa maynila. Si miguel ay taga laguna, ngunit may bahay sila sa maynila at lingguhan to kung umuwi ng probinsya. Magiliw at
masiyahing bata si Miguel. Nag-iisang anak siya, bagamat alam niyang mayaman sila, hindi ito mailap sa pakikipagkaibigan kahit sa mga taong hindi masyadong marangya
ang buhay.
Si miguel ay matangkad at gwapo. Siya ay may taas na 5 feet 10 inches. Maputi na malaporselana ang balat. Mapupula at kissable lips. Singkit ang mata at matangos ang
ilong. Makisig ang pangagatawan sapagkat mahilig mag-gym at magsayaw. Military cut ang gupit ng buhok at sadyang napaka yummy talaga.
Unang araw ng klase. Naeexcite itong pumasok sa kanyang unang klase. Nang makapasok sa classroom ay agad siyang lumapit sa isang kaklase at nakipag-usap dito.
Actually, palipat lipat ito ng upuan upang makipag-usap sa mga kaklse niya. Hindi ito naging mailap at nagkaroon kaagad siya ng mga kaibigan. Matapos ang unang klase
ay agad niyang niyaya ng kanyang mga naging kaibigan na kumain sa labas at tumambay. Pansinin ang batang ito, at lahat ng nakakasalubong niya ay napapangiti pag
nakikita siya. Dahil hindi naman siya suplado ay nginingitian niya sila ng pabalik. Panay kantyaw ang mga kaklase niya sa kanya. Siya daw ang bagong Campus Crush ng
university.
Makatapos kumain ng pananghalian at dalawang oras ng pagtambay, ay bumalik sila sa ng mga kaklase niya sa unibersidad para sa susunod niyang klase. Habang papasok ng
gate ng unibersidad, ay may biglang kumulbit sa likuran niya. Si Hyena.
"Yes?" tanong ni Miguel.
"Hi, I'm Hyena, ako nga pala ang SSG president. Anong pangalan mo?" si Hyena
"Ako si Miguel, Migz for short. Ano po kailangan niyo?" si Migz
"Kukunin sana kita sa pageant, bilang contestant, ok lang?" si Hyena
"Sige, pag-iisipan ko muna." si Migz.
"Sige, eto yung form, pakisagutan na lang if ever na pumayag ka." si Hyena
"Ok, thank you." sabi ni Migz habang inaabot ang kamay ni Hyena para kamayan ang babae.
"Welcome, sana sumali ka." si hyena
"Sige po ate mauuna na po muna ako, may klase pa ako." sabi ni migz habang nakangiti at umalis para sa klase nito.
Nagdadalawang isip ang binata sa pagsali sa contest. Magiliw man ito at macharisma, ngunit wala pa siyang karanasan sa pagsali sa mga ganitong contests. Pumasok siya
sa klase niya at napagalaman na wala pala silang prof. kaya't nagyayaya siya na tumambay muna at sumangayon naman ang kanyang mga kaibigan. Nasabi niya rin sa kanyang
mga kaibigan tungkol sa pagpapasali sa kanya ng SSG president sa pageant at sa pagdadalawang isip nito. Ngunit pinilit siya ng mga kaklase at sinabing susuportahan
nila si Miguel. Naengganyo na din si Miguel sa pagsali sa contest.
Lumipas ang buong araw ng masaya. Hindi na makapaghintay si Miguel sa Halos na apat na taon niyang bubunuin sa unibersidad na pinapasukan niya. Lumipas ang mga araw at
mas naging close niya ang kanyang mga kaklase, at mas dumami pa ang kanyang kaibigan. Lumipas ang isang buwan at halos lahat ay kilala na siya. Hindi talaga maikukubli
sa kanyang personalidad ang pagiging palakaibigan at talagang sociable. Pero natatakot din siya sa ganitong sitwasyon, sapagkat alam niyang maraming mata ang
nakatingin sa kanya. Maraming nagmamasid.
Biglang naalala niya ang sasalihang contest. Tinext niya si Hyena, at sinabing magpapasa na siya ng form at magkita na lang sa harapan ng isang gusali. Dito niya
makikilala ang isang estudyante na nag-ngangalang carlos...
"Kuya, May ballpen ka jan?" tanong ni Miguel.
"Meron, eto o" sabi ni Carlos habang inaabot kay miguel ang ballpen.
Nakaupo ang dalawa sa labas ng isang gusali, may pi-fill-up-an na form si Miguel ngunit nawala ang kanyang ballpen. Nang matapos na sagutan ni Miguel ang form ay
biglang dumating si Hyena. Si Hyena ang Student government president para sa taon na yun.
"Ok na ba to, migz? nasagutan mo na lahat?" tanong ni Hyena.
"OO" sagot ni Miguel.
Napansin ni Hyena si Carlos at inabutan din ito ng form. Nang basahin ni Carlos ang form ay biglang nagulat ito.
"Ate, ayoko po sumali dito." sabi ni Carlos
"Bakit naman? sayang naman, ang cute cute cute mo pa naman." sagot ni Hyena.
"Di po ko mahilig sumali sa mga ganyang contests, di po malakas loob ko." sagot ni carlos.
"Sayang naman, pero sige ok lang, ano nga pala pangalan mo at department?" si Hyena
"Carlos po, Engineering" sabi ni carlos.
"Hay, sayang may panlaban ka pa naman. By the way Hyena here, SSG president." sabay abot ng kamay ni Hyena at umalis na ito.
"Ay, carlos sorry, ako nga pala si Miguel, Miguel Loyala, galing sa BUsiness and Accounting Department, Freshman." pakilala ni Miguel.
"Siguro naman narining mo na kung ano pangalan ko at department ko? hindi ko na kailangang ulitin." Sabi ni Carlos.
"Oo, narinig ko, Sungit mo naman." natatawang sabi ni Miguel.
Niyaya ni Miguel kumain si Carlos ng lunch sa cafeteria at sinang ayunan naman ito ni carlos. Dito nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa. Nung una medyo tahimik si
carlos ngunit nang tumagal tagal ay nakikipagkwentuhan na to kay Miguel. Pagkatapos nila kumain ay naghanap sila ng matatambayan at dun nila tinuloy ang kwentuhan.
Nang biglang tumingin si Carlos sa kanyang relo at naalala niya na may klase na pala siya. Nagpaalam ito kay Miguel at tumatakbong lumabas ng silid.
Nabigla si Miguel, kahit nagpaalam ang kanyang bagong kaibigan ay hindi niya ito naintindihan sapagkat nagmamadali itong lumabas. Medyo nadismaya si Miguel sapagkat
di man lang niya nakuha ang number nito. Nahiwagaan si Miguel sa pagkatao ni Carlos pero alam niyang mabait ito.
Lumipas ang mga araw, hindi na nagkita ang dalawa. Ngunit wala lang ito kay Miguel, sapagkat madami naman siyang kaibigan. Ngunit nanghihinayang lang talaga siya
sapagkat iba si carlos sa mga nakilala niyang kaibigan. Kahit medyo naging magiliw si Carlos nung nagkwentuhan sila, ay alam ni Miguel na may tinatago pa ito at ito
ang gusto niyang malaman.
Nang isang araw, naglalakad si Miguel at nakasalubong si Carlos...
.....itutuloy....
What a nice story....sanamay next na po.....thanks
ReplyDeletesana wag na.. pa-ulit-ulit... kalerki..!!
ReplyDeleteSorry naman daw sabi ng writer.. First time niya kasi magsulat ng story, and this is an assignment for creative writing.. It's a style of writing mr. anonymous.. and yung introduction of the main characters lang ang may ganyang ulit ulit.. if you don't want the style of my writing, then don't read it. Btw, I got uno for that assignment..
DeleteKung may maicocomment lang ako eh medyo lacking yung side ni migz akala ko kasi mas may malalim pang pagpapakilala kay migz I guess in the future magkakaroon pa ng ganun... Pero overall maganda - Z
Deletethanks anon... :) mejo bago pa lang din ako sa pagsusulat :) don't worry, I know I'll improve..
DeleteNice sya, uhm iba din kc yung way of writing mo. Kahit first mo lang eh ok naman ung flow. Kaya lang nabitin ako hehe ung lang ang nega. Ko. But i really like ung characterization nila, kya im craving for m0re pa. Gusto ko pa malaman mga pers0nalities nila pati na ung iba pang mangyayari sa buhay nila. 2 thumbs up dude! :) hehe
ReplyDelete