By: Volleyball_Guy

Well, enough of describing myself, ikukwento ko lang sana ang karanasan ko noong high school ako. Galing ako sa isang exclusive all-boy school kaya kabisadong-kabisado ko na ang galaw ng bituka ng mga kaedad kong lalaki – ke straight pa yan o hindi. Aware ang karamihan sa batchmates ko na bakla ako. Yung mga kabarkada ko na bakla rin ay itinuturing akong ‘reyna’, dahil ako lang kasi ang may lakas ng loob makipag-away o kahit pa makipagsapakan kapag di kami nirerespeto o kaya’y ginagawa kaming tampulan ng tukso. Hindi porket malamya kami ay hanggang dyan na lang ang kaya naming gawin. Itong mga bully kasi na ito ay di mapigilan sa kakaasar. Kahit asarin nila ako ng salita, gagantihan ko sila doble pa, tupok na tupok kahit yung katiting nilang pride. Kaya siguro throughout my high school years, nakakuha ako ng respeto mula sa mga school mates ko na ito.
Hanggang dito na muna ang pagkwekwento ko tungkol sa aking munting kaharian at karanasan. Marami pa akong nais ikwento pero ‘yan ay depende na kung gusto pa ninyo: mayroon tungkol sa team captain na naging karelasyon ko, sa di malilimutang encounter sa ilang hunky batch mates habang nasa PE class, at sa isang manliligaw kong inayawan ko noon pero hahabulin ko pala ngayon.
Pinch in your comments, so I can assess where to improve. Salamat KM readers. Hope you enjoyed! :)