Pages

Wednesday, December 12, 2012

Ang Yugto (Part 1)

By: Tin

Heto ako, natatakot at nagagalak sapagkat nasa sitwasyon ako ngayon na hindi ko kailan man nawari na mangyayari ito sa akin. Napakainit ng kanyang hininga, nadadama ko ang bawat pintig ng kanyang puso, haplos haplos ng aking palad ang mainit at pawisan niyan dibdib. Kahit wari'y inosente sa kanyang paghilik, sinabi niya sa akin na ako'y buong tapang niyang ipaglalaban. Sino nga bang makakapagisip na ang taong kasama ko ay iibig sa tulad ko? Paano nga ba nagsimula ang lahat?

------------------------------------------------
Aking Ina :Anak, gumising ka na. Baka malate ka na naman Tin! Malayo pa ang eskwelahan mo at kailangan mo pang bumiyahe.

Iyan ang laging panimulang bati sa akin ng aking ina tuwing umaga. Sa aming tahanan, Tin ang aking palayaw. Isa akong iskolar sa isang unibersidad sa maynila. Ilang buwan na lamang ang aking hinhintay upang ako'y makapagtapos.

Ang aking buhay ay umiikot lang sa tatlong bagay: ito ang aking tahanan, eskwelahan at ang youth organization sa aming subdivision. Ako'y isang aktibong kabataan sa aming lugar na naghahangad ng kaayusan. Kaya naman marami kaming mga proyekto na isinasagawa upang ilayo ang pag-asa ng bayan sa mga masasamang bisyo. At ang isa sa mga ito ay ang SPORTFEST:
Angel: Hey guys, we decided na to implement yung SPORTFEST na suggestion niyo. But I need your manpower for this program na maging successful. Maasahan ko ba kayo?

She's angel, ang presidente ng aming grupo.  Siya yung tipo ng babae na tingin ko gugustuhin ng bawat lalaki sa mundo Hahaha. Ang ganda na, matalino pa at higit sa lahat sobrang bait pa. Kaya nga di na nakakagulat na maraming nagkakandarapa sa kanya.

Sa aming grupo may apat pang mga officer at isa ako sa kanila.Ito sina Aura, Nef at si Jake. Halos isang taon na rin kaming magkakasama at marami na rin ang nakapagsabi na malaki ang tulong namin sa aming komunidad.

--------------------------------------------------
SPORTFEST

Nagsimula na ang SPORTFEST kung saan may volleyball, chess, badminton, track and field, tug of war at maraming pang iba. Ngunit sa mga sports na aking nabanggit ang BASKETBALL ang paniguradong hinihintay ng lahat.

Mark: Hey angel
Angel: Oh..( Nagulat) Akala ko na hindi ka makakapunta sa liga?
Mark: Ako, of course makakapunta ako. This is one of your main project, so dapat hndi ko ito ma-miss.
Angel: Paano yung schedule mo na out of town this week?
Mark: Nah, mas mahalaga na makita kita. (sabay kindat)
Angel: Ewan ko sayo! ( Halatang kinikilig)
Mark: Manood ka ng games namin ah, We will win the basketball crown for sure.
Angel:Ipakita mo.. wag mong sabihin (Nakangisi)

Grabe ang gwapo talaga ni Mark Hahaha. Yan talaga ang reaksyon ko kapag nakikita ko siya. Hindi naman dahil may pagkasilahis ako pero talagang ang gwapo niya. Kung may Angel sa babae, si Mark naman ang male version. Sa tantya ko 5'11 ang kanyang taas, may matipunong katawan at may kayumanggi kulay na mas nagpalakas ng kanyang dating. Kung sa manliligaw lang ni Angel, alam kong si Mark ang may pinakamataas na pag-asa. Pansin ko naman iyon sa reaksyon ng dalaga tuwing sila'y naguusap.

Nagpatuloy ang liga at walang mintis na hindi ko napanood si Mark maglaro. Sobrang bibilib ka sa kanyang istilo ng paglalaro. Makikita mo rin na madaming naghihiyawan sa tuwing siya'y nakakapuntos. Masasabi mo talagang CRUSH siya ng BAYAN Hahaha. At kasama ako sa nagkaka-crush sa kanya.

Natapos din ang larong palakasan at sa inaasahan nanalo ang team ni Mark sa basketball. Sa kagalakan ng kanilang team, they decide to celebrate yung basketball crown nila. And we officers are invited sa kanilang victory party.

Mark: My Angel, sabi ko sayo eh. Kami ang panalo! (nakangisi)
Angel: Oo nah! Magaling ka na.
Mark: Hahaha. Nope actually hindi ako magaling, Yung energizer ko yung effective
Angel: Huh? Anu yun?
Mark: Ikaw
Angel: Bumabanat ka na naman (kinikilig)
Mark: Asahan kita sa victory party ah,
Angel: Ahmm.. Ok isama ko yung mga officer ng Org. ok lang ba.?
Mark: No prob, isama mo na ang lahat basta you're there my angel
Angel: Ewan ko sayo (kinikilig)

-----------------------------------------------------------------
Victory PARTY

Tin:Naku ngayon pa ako nahuli. Haay!! Nakakahiyang pumasok, Paano kaya ito?

Nahuli ako sa pag punta sa party sapagkat marami pa akong tungkulin dapat kung tapusin sa aming tahanan. Bagama't aktibo may hiya rin naman akong tinatago. Nagdadalawang isip akong pumasok dahil sa tingin ko hindi naman ako welcome sa party Hahaha. Muka kasi mainit ang dugo sa akin ni Mark. Sa tuwing nakakasama ko kasi siya ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Yung tipong kulang na lang ang salita para ipagtabuyan ako. Hahaha

Jake: Hey Tin, bakit nandito ka pa.
Tin: Ah nahihiya kasi ako. Buti lumabas ka.
Jake: Pasok na tayo. Hinihintay na tayo dun.
Tin: Ah cge

Si Jake nga pala ay co-officer ko. Pinsan siya ni Angel at may taglay din kagwapuhan at katipunuan. Mayroon siyang maputing kutis at mga 6'0 ft ang taas. Masasabi mo talagang maganda ang lahi nila Hahaha. Kahit matagal na kaming magkakilala, masasabing kung hindi kami magkaibigan. Ni minsan kasi hindi kami nagkwentuhan tungkol sa personal na buhay namin.

Ito ang una kong pagkakataong makapasok sa bahay ni Mark. Napakaganda at napakaorganisado. Hindi ko nga maisip na magagawa pa niyang mag-victory party dahil lang nanalo sila sa patimpalak. Eh magkanu lang naman ang premyo nila. Halos sampung beses ata ng premyo ang ginastos nila para sa party na ito. Madaming uri ng pagkain ang makikita mo. Simula panghimagas hanggang dessert meron. Iba't ibang kulay na inumin ay iyo ring masisilyan. Ang yaman talaga nila Mark.

Angel: Yes Tin! You made it. Ang tagal mo. Kanina ka pa kami namin hinihintay
Tin: Sorry sorry, may duty kasi sa bahay
Jake: Muka ngang hindi papasok eh. Kanina pa yan sa labas
Tin: Uy hindi naman ah, nagiipon lang ng lakas ng loob.
Nef: Hey guys, approved na. Mark's family will sponsor our next project.
Angel: That's good news.
Nef: It is not new anymore noh. Basta kasama si Angel, Mark will surely support us.
Aura: Tama
Angel: Tigilan niyo nga ako.
Jake: Nasan na ba si Mark? Para ma-coordinate na natin yung project?
Tin:Hindi ata good timing na dito yan pagusapan. Party kaya ito.
Nef: Dont worry Tin!, Si Mark ang nag-insist na pagusapan yung next project this night.
Aura: Nakakakilig talaga siya Angel. Wag mo na siyang pakawalan.
Jake: Here they come

Nagsidatingan na rin ang mga kampyon sa basketball. Halos dumugin sila ng kanilang mga bisita. Ang pagtitipong kanina'y maingay ngayon ay mas maingay sa hiyawan ng mga tao. Ngunit si Mark ay dagli tumungo sa aming kinaroroonan. May baon siyang nakakapangakit na ngiti habang nilalakad ang natititrang espasyo mula sa aming grupo.

Mark: Hi Guys. Masaya ako that you are here tonight. Especially you my Angel..
Jake: Hey bro, thanks for the invitation. Galing mo maglaro dude. Sayang hindi ako pede maglaro. Ako sana nakakuha ng MVP hahaha. Just Kidding.
Mark: Sayo na ang MVP award Jake i don't need that, mas kailangan ko ang OO ni Angel
Nef: Ayieee
Angel: cge OO na. Let's talk na about the project. Lakas mo talagang mang-trip.

Nagsimula na ang aming paguusap tungkol sa proyekto. Maraming mga suhestiyon ang ibinahagi ng bawat isa ngunit sa huli ,isang proyekto lamang ang nanaig.

Angel: So it's final. We will be conducting a workshop this coming christmas break.
Jake: Maganda talaga yung project., but i think may lakad kami ni Angel during the sched.
Tin: I think si Nef may lakad din.
Nef: Yah Tin. It is our tradition na umuwi ng province every christmas break.
Aura: Hey guys, makukulangan tayo niyan sa manpower.
Angel: Nah, I believe that you Aura and Tin can handle this workshop event. And besides, Mark is there to assist you. Am I right Mark?
Mark: Huh? (Gulat na gulat) Ah sure.

-------------------------------------------------------------------------------------
WORKSHOP:

One week after the SPORTFEST, heto na naman ako kumakayod na naman at nagpaplano sa susunod ng proyekto. Hindi maalis sa aking isipan ang malaking hamon sa amin ni Aura na gawin ng matiwasay ang workshop. Hindi ko rin lubusan maisip na makakasama ko si Mark sa planong ito. Paano ko kaya siya kakausapin. Hahaha Bahala na. Basta gagawin ko lamang ang dapat kong gawin.

Aura: Good news Tin, may mga trainors na tayo for the workshop.
Tin: Wow, and you know what nakapagreserve na rin ako ng venue for the event.
Aura: How about the promotion? Kamusta na ang updates?
Tin: I dont know yet Aura. Si Mark kasi ang nagcommit dun eh. Pero ni isang beses hindi siya sumipot sa meeting natin.
Mark: So maybe this is my first time. (panggulat na pagpasok ni Mark)
Tin:(Nahiya at nagulat) Oh Mark. Good that you’re here                                                              
Mark: But I think yung venue na pinareserve mo is not GOOD for the project.
Tin: Ah ok! ( Naangasan kay Mark).
Mark: Hindi appropriate ang covered court for that event.
Aura: May point ka Mark, But hirap talaga maghanap ng venue
Mark: Don’t worry Aura, pwede natin i-conduct yun sa school namin. Tutal  Christmas break naman. Walang pasok nun.
Tin: Cge mas maganda nga yung school for the venue

Naging matagumpay ang pinagkatiwalaang proyekto sa amin ni Aura. Halos 300 mga kabataan ang sumali dito at natuto ng iba’t ibang kaalaman. Ngunit di ko maitatanggi na malaki ang naging papel ni Mark para sa ikakaganda ng programa. Kaya naman kahit nahihiya ako sa kanya nararapat ko lang siyang pasalamatan.

Tin: Uy Mark
Mark: What? (Masungit ang dating)
Tin: Anu kasi, ah thank you pala at tinulungan mo kami
Mark: May sasabihin ka pa?  Kung wala na can you please leave me alone.

Ang sungit mo!!, ang yabang mo! Nakakainis ka.. Iyan ang mga salitang tumatak sa akin sa tuwing maalala ko ang usapan naming iyon. Nasira ang buong kong gabi dahil sa kanyang baluktot na pananalita.

-------------------------------------------------------------------

Ang magandang pagtulog ko’y binulabog na isang makataong tunog. Nakakarindi ang sunod-sunod na message tone ng aking cellphone. Ngunit ng ito’y aking buksan, isang di naasahan na mensahe ang aking natanggap.

Mark: Hi Tin, Free ka ba today?
Tin: Yup, why?
Mark: That’s good, sunduin kita diyan sa house niyo
Tin: Ha, anu bang meron?

Isang malaking katanungan ang namayani ng umagang iyon. “Bakit niya ako susunduin?”. Anong himala ang nagaganap at kailangan ako ni Mark?

Lumipas ang ilang oras at isang kalmadong pagkatok ang narinig sa aming pintuan. Sa pagbukas nito’y nasilayan ko ang isang magandang nilalang. Kay gandang  niyan pagmasdan dahil bagay na bagay sa kanya ang kanyang kasuotan.

Mark: Goodmorning Tin
Tin: Magandang umaga, Anong meron?
Mark: Sasabihin ko sayo mamaya. Tara
Tin: Ma! Alis na po kami
Mama: Ingat kayo Anak.

Habang siya’y nagmamaneho , hindi ko mawari kung ano ang nakain ng taong ito. Ang taong kay damot magsalita pagdating sa akin ay kay daldal naman ngayon. Binaybay namin ang daan at saglit lamang ay nakarating na kami sa aming tutunguhan. Ito’y isang mamahaling restaurant sa Quezon city.

Mark: Order ka na. Pili ka dito masasarap yan.
Tin: Oo nga muka masarap Mark kaya lang pangit sa bulsa.
Mark: No prob. Sagot ko yan.
Tin: Nga pala, ano ba meron? Kanina ko pa tinatanung yan sayo?
Mark: Tin, I need you? (nakakatitig, eye to eye contacts)
Tin: Huh?
Mark: I don’t know If  I can survive without you? (Hinawakan ang kamay ni Tin)
Tin: (Windang na windang)
Mark: Pwede mo bang punan ang pangangailan ko?
Tin: Ang gulo mo, anu ba gusto mong sabihin?
Mark: Please tulungan mo akong gumawa ng AVP for Angel
Tin: ah Akala ko namn kung anu na.
Mark: Hahaha You’re the only one lang kasi na makakagawa nun. Magkababata kayo so I believe marami kang memories with her. You know Tin yung mga important event of her life. Gusto ko maipakita yun sa AVP. I plan kasi to present it on her birthday.
Tin: Yah, malapit na nga b-day niya. Cge I’ll do my best to assist you.
Mark: Thanks Tin, I’ll never forget this

Nais ni Mark na magbigay ng regalo na alam niyang pinaghirapan niya. Kaya naman sobrang effort siya dito. Pinuntahan naming ang bawat lugar at tao na alam naming na mahalaga kay Angel. Nagsagawa kami ng interbyu at kumuha din ng mga litrato.

Halos araw-araw kaming magkasama at ang dating malamig na samahan ay naging pagkakaibigan. Sa likod ng kayabangan niya Hahaha, masasabi mong isa siyang responsableng anak. Hindi man halata sa kanyang postura, isang siya compassionate na tao. Nakita ko iyon nung nahabag siya sa mga bata sa lansangan. Sa kaunting panahon ng aming pagsasama, alam ko na may lugar na siya sa aking puso.

Mark: Tin, I’m very grateful kasi you help on this. I hope magustuhan niya itong AVP na gawa natin.
Tin: Appreciatve si Angel Hahaha I’m sure speechless yun.
Mark: Ang bait mo talaga. Alam mo ba walang oras na hindi ka nakukuwento sa akin ni Angel?
Tin: Ha? Ako
Mark: Yup, ngayon alam ko na kung bakit mahalaga sa kanya. Hindi ka kasi mahirap mahalin.
Tin: Ganun talaga lovable ako eh. Hahaha Sige Mark uuwi na ako masyado ng gabi.
Mark: See you next time Tin

“Hindi ka kasi mahirap mahalin”.. “Hindi ka kasi mahirap mahalin” Hindi maalis sa isipan ko ang mga katagang iyan. Habang nilalakbay ko ang daanan patungo sa bahay ako’y gulantang sa aming usapan ni Mark. Para bang nakulong ako dito at hindi na nais lumabas pa. Isa ba itong pahiwatig ng pagkagusto o sadyang mapaglaro lang ang aking isipan. Paano ko kaya siya haharapin sa susunod na pagkakataon?

--------------------------------------------------------------------------

Mga ilang linggo na lang at kaarawan na ng aking kaibigan na si Angel. Mapapansin mo na abala ang lahat upang mapaganda ang pagtitipong ito.

 Ilang linggo na rin na hindi ko nasisilayan ang nagpagulo ng isip at puso ko. Marahil may mahalaga siyang tungkulin sa kanilang kabuhayan o kaya naman may importante gawain sa eskwelahan. Bagama’t siya aking hinahanap-hanap, ako’y mas panatag na wala siya sa aking paningin sapagkat alam kong mas malaya akong makakagalaw.

“Hi, How are you guys?” Isang pamilyar na boses ang aking narinig.

Nef: Marky!! Kamusta na? Tagal mong di nagparamdam ah.
Mark: Hindi naman! May mga commitment lang sa business.
Jake: Hey, Mark I know you miss my cuz kaya lang as of now she’s not here
Aura: Grabe, I’m so excited na sa birthday party niya. Hindi niya kasi alam kung anong surprises ang naghihintay sa kanya.
Mark: I want to see her facial reaction. Hahaha Na-imagine ko how it looks. Where is Tin?
Nef: Uy Tin mamaya ka nadiyan magbusy-busyhan. May bisita tayo.

Kumakabog ang puso ko. Nanlalamig ang mga kamay ko. Ako’y hindi mapakali at naexcite na masilayan ko muli si Mark. Pinilit ko pakalmahin ang sarili ko at hinarap siya ng may kagalakan.

Tin: Nandiyan ka pala Mark. Sorry medyo madami lang gawain sa school kaya di kita napansin.
Mark: I miss you Tin Hahaha. Kain tayo, hindi pa kita napapasalamtan eh
Nef: Gusto ko yan. Sama ako
Aura:Ako din.
Mark: Guys kami muna ni Tin. May paguusapan lang kami. Right Tin? (Sabay kindat kay Tin)
Tin: Pero
Mark: I don’t accept NO as an answer


Ang rupok ko talaga. Nahulog ako sa taong dapat hindi ko kinahulugan. OO, nagkakagusto ako sa kapwa lalaki pero ni minsan hindi pumasok sa isipan ko na magiging seryoso ako ng ganito. Ang hirap iwasan ang ganitong damdamin.Wala akong kalayaan na ipabatid ang alab ng aking pagibig.

Mark: Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tuliro diyan?
Tin: Ayos lang. Salamat sa treat mo ah. Nabusog talaga ako.
Mark: Niloloko mo ba ako? Hindi mo nga naubos yung order mo eh.
Tin: Hahaha siguro wala lang sa mood.
Mark: Tin, tell me. May problem ka ba? You can open it to me.
Tin: Mark uwi na tayo. Hinahanap na ko sa bahay.

Naging malamig ako sa pakikitungo kay Mark sa lumipas na araw. Mas pinili kong iwasan siya na sa alam kong paraan upang lumaya sa aking pag-ibig. Ngunit kabaligtaran ang nangyayari, ang pagibig na dati’y alab ay naging apoy na hindi kayang patayin ng tubig Mas sumidhi ang nadaramang init at mas nahulog ako sa kawalan ng pagmamahal.

Mark: Tin! (Hinahabol), Hey Tin! Come on
Tin: Sorry Mark nagmamadali ako
Mark: May galit ka ba sa akin or something? I thought were okay but ano to?
Tin: Ikaw lang ang nag-iisip niyan
Mark: Ano ba ang problema ha? (Naiinis)
Tin: Wala
Mark: Hey Tin, Ano nga (hinawakan ang kamay)
Tin: Ikaw Mark… ikaw ang problema. Please lang get out of my life.
Mark: What? How dare you to say that? Tell me ano bang nagawa ko? I don’t remember anything wrong na nagawa ko para sabihin mo sa akin yan.
Tin: Please lang Mark!
Mark: Give me valid reason para layuan kita!
Tin: Mahal kita! Anu Mark? Enough reason na ba yun?

Hindi ko na hinintay na sumagot ang aking iniirog. Dagli akong tumakbo at naghanap ng isang lugar na ako’y mapag-iisa. Luha ko’y wari isang talon na patuloy lang sa pagbuhos. Pinagsisihan ang huling salitang naisambit ko sa kanya. Paano ko siya haharapin sa susunod na panahon?
-----------------------------------------------------------------
 Tiktak Tiktak.. Kay bilis ng paggalaw ng oras. Isang araw na lang ang hinihintay at ipagdidiwang na ang kaarawan ni Angel. Kung ang ibang kasamahan ko’y nanabik sa tagpuan ito ako naman ay kabaligtaran. Nangangamba akong magkrus ang landas namin ni Mark. Hindi ko alam kung anung nararapat na reaksyon ang dapat kong ipakita. May ngiti pa bang maasahan sa kanya o tanging kunot ng noo ang aking makikita?

Nef: Tin, Himala nagpakita ka. Anung bang nangyari sayo?
Tin: Hi Nef, madami lang kasi gawain sa school. Graduating na kasi kaya medyo busy.
Nef: Ay oo nga noh, malapit na pala yung defense mo.
Tin: Yup, Anung bagong balita?
Nef: Hay naku Tin, Laki lang ng tawa k okay Angel. Hindi niya pa rin alam na may surprise party tayo for her.
Aura: Hindi lang basta-basta party Nef, “ENGRANDENG party kamo. Hahaha. Hey, Tin lagi ka sa akin hinahanap ni Mark.
Tin: Huh ako? Hahanapin ni Mark?
Aura: Yup, I don’t know the exact details basta sabi niya hihiramin niya yung USB mo.

“OO nga pala, hindi ko pa na-itransfer sa pc niya ang ginawa naming video. Marahil hindi ako nakontak ni Mark dahil nagpalit ako ng numero. Kinakabahan na naman ako sa mangyayari. Sana’y malagpasan ko ito ng matiwasay.

Nef: Kakatext ko lang kay Mark sabi ko na nandito ka at yung USB dala mo na. But Mark said, medyo masama yung katawan niya dahil sa physical sports activity niya yesterday. Pwede daw ba na ihatid ko na lang daw yung USB sa kanya?
Tin: Ah gnun ba, Cge Nef ikaw na ang maghatid nito. Salamat. Ang sexy mo talaga. Hahaha
Nef: Wag mo kong bolahin noh, hindi mo ako makukuha sa ganyan. Hmmp. Anu bang concern ko sa USB na yan? Ikaw na maghatid Tin.
Tin: Nef, please ikaw na. Gusto mo ilibre pa kita ng lunch, Isama po yung dinner.
Nef: Kaya mo na yan.
------------------------------------------------------------------------
Narito na ako ngayon sa tapat ng kanilang tahanan. Napakalaki at napakaganda talaga ng pagkagawa dito. Bawat sulok ay alam mong may simbolo ng kasiningan.

Ate Fe: Oh, Iho magandang hapon. IKaw ba ang hihintay na bisita ni Sir Mark
Tin: Magandang hapon po. Hindi na rin po ako magtatagal dahil may kailangan pa po akong gawin. Maari niyo na lamang po bang iabot ang USB pong ito kay Mark?
Ate Fe: Naku Iho wag ka nang mahiya. Puntahan mo na siya sa itaas.
Tin: Po?
Ate Fe: Personal mo na lamang na ibigay iyan.

“Patay”.. “Patay na” …. “Anu na naman ang pinasukan ko?”. Heto ako ngayon nasa tapat ng pintunan ng kanyang kwarto. Ang lamig ng aking mga kamay at ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Ilang galaw na lamang at kami’y magkikita na. May kapanabikan mang nadarama may umiigting ang takot a puso ko.

Ate Fe: Ser, nandito na po iyong hinihntay ninyong bisita.
Mark: Salamat Ate Fe! Papasukin mo na lamang dito sa kwarto.
Ate Fe: Iho pasok ka na.

Hindi ako makaimik sa tagpong ito. Sa pagbukas ng pinto ako’y napatigil at nanlamig. Kitang kita ng dalawang mata ko ang lalaking umangkin sa aking puso. Siya’y nakatalikod akin at nakaharap sa kanyang personal na kompyuter. Mahahalata mong siya abala sa kanya ginagawa.

Ate Fe: Maiwan ko po muna kayo Ser
Mark: Sige po Ate. Nef, thanks ah at dinala mo yung USB. (nakaharap sa computer)
Tin: Iwan ko na lang dito, Sige kailangan ko ng umalis
Mark: Tin!! (Gulat na gulat)

Mata namin ay nagtagpo, Tahimik ngunit kami’y nangugusap sa isat isat. Parang tumigil ang oras sa panahong ito. Ang paggalaw ng aking paa’y hindi ko na magawa. Nilamon ako ng aking emosyon at ang tubig mula sa mata ko’y pumatak sa sahig.
Mark: (tumayo at lumapit kay Tin). Hindi ako karapat-dapat sa mga luhang iyan. (pinunasan ang luha gamit ang daliri). Dapat hindi mo ko iniiyakan. I don’t deserve that.
Tin: ………
Mark: The only thing na gusto ko Makita ay yung smile mo. I don’t know what will happen. Ang alam ko lang is I will fight for you.

Sa mga sandaling iyon, inilapat niya ang kanyang malalambot na labi sa aking mga labi. Namayani ang bugso ng damdamin kaysa sa aking isipan. Hindi na
inalintana ang hinaharap. Hinagkan ko siya ng may pagmamahal. Dinama ang init ng kanyang katawan. Ibinigay ang aking sarili na walang alinlangan.

Abangan ang susunod na kabanata.. Pasensya na po at hindi ako marunong magsulat. Sana pa ay magcomment kayo para ma-improve ko pa po ang gawa ko. ^_^

inalintana ang hinaharap. Hinagkan ko siya ng may pagmamahal. Dinama ang init ng kanyang katawan. Ibinigay ang aking sarili na walang alinlangan.

10 comments:

  1. nice ng story mo,,,excted to knw wat happen after nyo mgakta n mark,,,nce 1!!!

    ReplyDelete
  2. Shet. Ang ganda. <3

    ReplyDelete
  3. part 2 plss ang ganda ng flow ng story super love it ^_^ i can't weit ..

    ReplyDelete
  4. Sana meron na agad na part 2!! :)

    ReplyDelete
  5. oh my grabe,, ang ganda ng storya,, can't wait for the next chapter

    ReplyDelete
  6. Ang ganda ng story.... I can't wait for part 2 supah excited n ako..... Very nice story.... I like it.... ^^,

    ReplyDelete
  7. Super ganda nitong story! Grabe!

    ReplyDelete
  8. so may nangyari na ba agad? hehehe
    nice story sna masundan agad.. Wow star player ng basketball bi din sya? Hehe..

    ReplyDelete
  9. Part 2. .pleaseeee. .bitin. .

    ReplyDelete

Read More Like This