Pages

Wednesday, December 12, 2012

Bulag (Part 8)

By: Rico Toledo

Pasasalamat sa lahat ng tumangkilik, muli ay susundan ng mas matitinding pagsalin ng kwento hango sa realidad ng buhay. Ang inyong imahinasyon ang magsisilbing gabay. Maligayang pagbasa....
VOX -------------------------------------------------------------------
Pahina 8 Bulag sa Tadhana

Tila nabingi ako pagkatapos kong marinig ang mga katagang lumabas sa aking pinsan, nawala ang normal kong pagsilay sa paligid at tila lumalabo ang mga sigawan at ingay. Lumalakad ako, mabilis, patungo sa dapat kong puntahan sa dulo ng pasilyo.

"Tristan!" sigaw ko sa nagkukumpulang estudyante ng madatnan ko sa loob ng klase, lumuwag ang iilan at tumambad sa akin ang papatayong si Tristan.

"Bakit?" pagtataka nito pero sinalo ko siya sa kwelyoat idinikdik sa pader, asal kalye ako kapag nagagalit. Tumitig sa naguguluhan niyang mata...

"Kilala mo ba si Marcus? Kilala mo ba siya?" ulit ko
"Marcus?!" kasabay ng panlalaki ng mata niya.
"Sagutin mo ko anong meron sa inyo ng pinsan ko!!! Please!" mangiyak kong pag utal. tumutulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Pinsan mo si--"
"Shit!" kasabay ng pagsuntok ko sa pader. Nanatili ako sa ganuong posisyon, alam kong natulala si Tristan dahil haging na ang kanyang mukha, pero hindi ko siya kaya pang saktan. Napayuko ako sa kanyang balikat at humagulgol. Patuloy ko pa din ginagawa ang mga pagsuntok ng pader hanggang sa pigilan niya ang kamay ko. Niyakap ako ni Tristan.
"Ikaw na ang mahal ko.Please wag mo ko iiwan Rico." asunto niya
"Bakit... bakit di mo sinabi sa kin?... " yun lang ang paulit ulit kong itinatanong sa kanya pero hinihigpitan niya lang ang yapos niya sakin.

"Rico, sorry dhie... sorry dhie... mahal po kita" bulong niya pero ni hindi ko maintindihan ang mga yun, pinilit kong kumawala sa kanya. Itinulak ko siya at tumakbo palabas, nasalubong ko si Cha pero hindi ko na ito pinansin. narinig ko na lang ang mga boses sa likod ko.

"RICOOOO MAHAAAAAL KITAAAAA!!!"
"tama na kuya! kuya pabayaan muna natin siya."
"Cha, bitawan mo ko please! please!"
------------------------------------------------------------------------------

Mula din nung araw na yon ay hindi na ako pumasok, hindi ko kinikibo sila nanay. Hindi na din dumalaw pa sa bahay si Marcus. Bakit ba natin kailangang masaktan...

Habang nakatulala ako sa mga naghahampasang alon, hindi pa din maubos ang mga luha sa mata ko. araw gabi kong iniisip ang mga salita ng pinsan ko.
Mahal nga siguro niya si Tristan, hindi ko man alam ang tunay niyang pagkatao pero bakas sa mukha niya ang katotohanan ng aminin niyang kasintahan niya si Tristan.

Alam ko din na narinig ng mga kaklase ko ang pinagawayan namin ni Tristan, nakita ko ang exgirlfriend kong si Trisha dun pero hindi siya nakisali. Alam na nila ngayon ang buo kong pagkatao pero hindi iyon mahalaga. Mahal ako ni Tristan, iyon ang pinagsisigawan niya nung umalis ako, pero bakit sa dinami dami pa ng makakahati ko si Marcus pa. Halos kapatid ko na siya at di hamak na mas gwapo siya sa kin, mas matalino, mas nakakaangat. Aaminin ko, takot akong makipagkompetensiya dahil wala naman akong maipagmamalaki. Anong kailangan kong gawin... dapat na ba akong sumuko sa pag iibigan namin o kalabanin ang minsan ko nang itinuring na kapatid.

Kasabay ng pag lubog ng araw ang huling pag agos ng aking luha.

Walang lumilipas na araw
na hindi ka dumadalaw
sa isip kong baliw
at para bang ayaw bumitiw.


Hawak mo ang mundo ko
sa tinig mong maamo,
hindi nga pangkaraniwan
pagsambit sa'yong pangalan.


Siguro nga ako'y makulit
sarili sayo'y pinipilit,
masaya ako sa iyong bisig
natutunaw sa iyong titig.


Ngunit ngiti'y panandalian
puso muli'y mahihirapan.
isa ka lamang bang ilusyon,
tukso ng pagkakataon?


Tunay ka man o hindi,
sa mga oras na nakihati
ang puso ko sa'yong daigdig
prinsipe kong iniibig.


Pasasalamat ang nanaisin
at handa kong tanggapin
muli akong nabuhay sa isang saglit
iibigin pa rin kita, kahit di na mauulit.
-------------------------------------------------------------------------------

"Kamusta na ang kapatid mo Charizze?" tanong ng isang matandang babae.
"Nakahiga pa din Mama, ilang araw na ding di kumakain yun" paliwanag ni Cha.
"Naku ang kuya mo talaga, sino naman ba dahilan kung bakit nagkakaganyan ang kuya mo?" iita nitong sabi.
"Hindi ko din ho alam.." pagtatanggol ni Cha

Sumilip ang matanda sa pintuan at nakita ang nakahigang si Tristan, nasilayan niya ang malungkot nitong mukha. Maya-maya pa'y isinara na nito ang pintuan at muling hinarap ang anak na dalaga. Bakas din sa mukha ni Cha ang pag-aalala. Halos isang linggong di pumapasok si Tristan. Ganun din si Rico, ganitong ganito ang nangyari sa kanila sa maynila, nang malaman niya ang tunay na pagkatao ng kanyang kapatid, ang panghahalay ni Marcus dito . Pero hindi niya maintindihan ay ang pagiging masokista ni Tristan, na sa kabila ng panghahalay ng pinsan ni Rico, patuloy pa din niya itong minahal hanggang sa makita n a nilan may kinakasama na itong iba. Gali na galit siya kay Marcus dahil pinaglaruan lan nito an damdamin ng kanyang kapatid, dahil dun nagpasya silang umuwi sa lugar na ito. Pero ngayon muling nasasaktan an kanyang kapaid dahil na naman kay Marcus.

"Cha, sabihin mo nga, sino yung lalaking kasama ng kuya mo lagi dito?" usisa ng matanda
"hoh? ah- eh si Rico ho kaklase ho namin pero wala ho siyang kinalaman sa nangyayari kay kuya" alala ni Cha
"kung ganun alam mo kung sino may gawa nito?" unti unti nang lumalabas ang kakaibang mukha ng matanda, hinuhuli niya ang kanyang anak sa mga kilos at salita nito. "sabihin mo, bakla ba ang kuya mo?"

"Hindi ko po alam mama..." takot ni Cha.
"Anong apelyido ni Rico?"
"Ah- eeh... Rico Toledo ho.. Toledo po"
"To-- Toledo? Sabihin mo Cha, tama ba ang narinig ko?"
"opo"

Ang kaninang nagagalit na ina, biglang kinabahan, napasandal ito sa dingding at wari'y kumakausap ng kung sino. Nanlalaki ang kanyang mga mata, naghahalo ang galit at pagkagulat. Nagulat si Cha sa nakia, may nasabi ba siyang mali? Ipinahamak ba niya an kanyang kapatid?

"Bakit anong mayroon mama?"
"Cha, hindi na kayo pedeng makipagkita sa kaniya..."
"Bakit mama???"
"Nagiisa lamang ang pamilyang Toledo sa bayan na to, ang pamilya ni Linda Toledo..."

Mula sa pinuan ay bumungad ang nagugulat na si Trisan, kanina pa ito nakikinig sa usapan ng dalawa at nabahala ng marinig ang pangalan ng kanyang sinisinta.

"Huwag niyong sabihing, si Tita Linda.... si Rico anak ni Tita Linda..." ani ni Tristan
"Oo anak, si Linda, ang kalaguyo ng iyong ama, kapatid mo si Rico...."

SUSUNDAN

15 comments:

  1. sinusubaybayan ko to, ganda talaga... next chapter pls. mr. author

    ReplyDelete
  2. Oh shit! NOooo! NO fucking way!

    Fuck! Fuck! Bakit ganun!?

    ReplyDelete
  3. Hala grabe. OMG, kapatid niya si rico. Nakakainis :)))

    ReplyDelete
  4. what the hell!! anu na sunod?? bitin!!♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

    ReplyDelete
  5. blind incest medyo kadiri sa mga malilinis na mga bakla,,lolx..hays bakit mga bakla mahihilig sa incest..laman sa laman dugo sa dugo..hmmmm bad taste idea..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung nagmamalinis k wag k dito s site n ito, dun k s site n puro mapagpanggap.

      S author kudos! Galing m s mga pagtwist ng story. Hehe cant wait to see kung paanu m tutuldukan ang story n ito.

      Delete
  6. Ito na siguro ang pinaka maayos na pagsusulat na aking nabasa sa mumunting "blog" na ito. Kudos rico toledo. I was expecting the direction of the story leaning towards incest, rith after rico the character met tristan's mom. Susubaybayan ko kung paano mo isasalarawan at kung saan mo dadalhin ang istorya ng dalawang binata. I know you won't disappoint. Gusto ko ang istilo mong magsulat. Salamat sa isang interesting na istorya.

    ReplyDelete
  7. asan na yung next chapter? bakit wala pa.....

    ReplyDelete
  8. Asan na ang kasunod?

    ReplyDelete
  9. next chapter plsssss..pretty, pretty please. . .

    ReplyDelete
  10. Next chapter na po parang awa nyo naaaaaaa! Hahaha!:D

    ReplyDelete
  11. Wala na ung part 9..
    kakabitin..

    ReplyDelete
  12. nasaan na ang part 9?

    ReplyDelete

Read More Like This