Pages

Wednesday, December 12, 2012

Music of My Life (Part 1)

By: Xianne

Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay. May mg ailang karakter na pinalitan ang pangalan para mapangalagaan ang pribado nilang mga buhay.

Summer 1998, katatapos lang ng klase namin sa isang pribadong eskwelahan para pangkalalakihan at nais ng daddy ko na isama ako sa zambonga City para mag attend ng graduation ceremony ng pinkamatandang kapatid naming babae na gagraduate na Magna Cum Laude/Valedictorian sa ADZU (AdeZ) pa noon at para na rin daw makilala ko ang mga pinsan kong nasa probinsya. March 28, 1998 dumating kami sa Zamboanga city isang araw bago ang graduation at may konting hinanda ang tito andrew ko (kaptid ni daddy) at pamilya niya para sa aming pagdating, tubong zamboanga city ang daddy ko at Zamboanga Del Sur naman ang mommy ko pero sa lola ko sa manila ako lumaki. Ako nga Pala si Xianne Lee Fernandez, 22 na ako ngayon.

back to story: pagdating namin ang dami agad gustong makikpagkilala sa akin pero ako yung tipong tao na hindi mahilig makipag-usap sa mga di ko maxadong kakilala kaya diretso nalang ako sa kwarto ko sa bahay namin na tabi lang ng bahay ng tito Andrew ko. hinyaan lang nila ako dahil ganun naman talaga ako.
kinabukasan, ginising ako ng mommy ko upang maghanda na sa graduation ng Nakatatandang kapatid ko. gising na ang lahat, Si ate Ann (ang gragradweyt) si ate baby (pangalawa) at ang bunso naming si Pia. lumipas ang ilang oras at tapos na rin ang graduation magtatanghalian na.

"Dad, where are we going to eat? I'm hungry" tanong ko sa daddy ko, close ako dati sa dad ko, "sa Asturias may reservation dun for the celebration" sagot ni daddy, yun na daw ang pinaka engrandeng hotel / convention center dun sa Zamboanga city at that time. pagdating namin sa hotel marami nang nauna sa amin dun at isa lang ang napansin ko sa dami nila, ang isang batang lalaki na naka jumper na maong, singkit, maputi, tantaya ko 10 years old xa nun, pinakilala xa sa akin ng mommy ko kasama ang mommy at daddy niya at dalawa niya pang katid na lalaki, ang pangalan niya ay Shane, pangalawa xa sa kanilang tatlo, Ray naman yung panganay at Erwin ang pangatlo, malayong kamag-anak family friend, ang mommy nila ay si Tita Cathy at ang daddy nila si tito Edwin.

"xa na ba ang anak mo na nasa manila Lina?" Tanong ni tita cathy sa mommy ko. "ay oo, xa na nga, alam mo bang mana din yan sa ate niya, consistent number one sa klase" sagot naman ng mommy ko.

"ganun ba?" diba ganun din ang dalawa mo pang anak si baby at pia, lagi ngang nagpapatuluong itong si ray kay Baby dahil magkatabi lang daw sila ng classroom, at si pia naman magkaklase sila nitong erwin ko" sabi naman ni tita cathy, "oo nga, naalala kong sila ang magkagrupo sa group project nila for finals diba?" sagot ni mommy

patuloy lang ako sa pakikinig ng banggitin ni tita cathy ang pangalan ko. "kailan mo ba balak ilipat ang anak mong si Xianne dito sa zamboanga city?" tanong niya

huming ng malalim si mommy " ewan ko ba kay frank, gusto niya daw kasi dun xa para daw mas madali niyang mabisita everytime na dadaan yung barko nila sa manila." sagot naman ni mommy, dun ko nalaman na miss na miss na pala talaga ko ng mommy ko. maraming nangyari sa celebration/party na iyon na ang tanging di ko malimutan any ang marinig si shane na kumanta upon special request dahil sa galing nitong kumanta.. wow ang sarap sa tainga

Lumipas ang mga araw ng kailangan ko ng bumalik sa manila, di ko na rin ulit nakita si Shane, pero tumatak na ata sa kokote ko ang boses at pangalan niya, kaya hanggang natapos ako ng elementarya, boses niya pa rin ang lagi kong naalala pag nababanggit ang zamboanga, nakalimutan ko na ang mukha niya pero di mawaglit sa isip ko ang boses niya. Dumating si mommy kasama ang mga katid ko sa manila upang sunduin ako dahil doon na daw ako mag-aaral sa zamboanga city, ayaw ko sana dahil nanghihinayang ako Scholarship na nakuha ko after graduating Valedictorian in class, pero sabi ng administrator pwede ko yng gamitin dun dahil sister school naman daw ang lilipatan ko. so pumyag na rin ako, kaibahan ng lang COED dito sa zambonga city at All male naman sa School namin hanggang highschool, tanging College lang ang CoEd.

May 2002, enrollement na at kailangan ko daw munang mag take ng entrance exam, kahit sabi ng administrator na di na kailangan pero para di naman iisipin ng mga ilang parents kailangan ko na rin mag take, ang dali ng exam parang grade 3 palang ako yun na leksyon namin, naisip ko tuloy na baka magiging bobo ako dito. kasama ko sa Enrollement ang mommy ko, nakita ko rin si tita cathy pero ang alam ko ang panganay nito na si kuya Ray ay nasa Cebu na ang Aral, at si Erwin naman ay kaklase ng younger sister ko sa elementarya. dun ko naalala na may isa pa pala xang anak na si Shane. tapos na ang enrollemnt at admission process textbook/workbook nalang ang kailangan ko at ok na lahat, sabi s aakin ng Cashier na diretso nalang daw ako sa textbook department to claim my books, akala ko wala pang tao dahil 9am palang naman pero nagkamali ako ang taas na nang pila at halos lahat ay mga fourthyear students base na rin sa kulay ng bagong lineyard for their ID's. pumila ako dun sa may nakatatak na 1st year at 2nd year ng may biglang lumapit sa akin na dalawang babae at tinatanong kung bago ba daw ako, kapwa sila maganda but not my type, yung isa naka eyeglasses halatang banat sa pag-aarala pero carry pa rin mag ayos, yung isa naman panay ang tingin sa hawak na salamin habang pinapaypayan ang sarili hawak sa kanang kamay.

"Bago ka?" tanong ng babaeng may hawak ng salamin.
"what?" i asked. "hay nako bingi naman pala ito eh" sabi niya "Sorry po, di ko po kasi kayo napansin, what is hat again?" tanong ko ulit

"sabi ni Michelle, bago ka ba daw? kasi ngayon ka lang namin nakita dito." sabat nanamn ng babaeng may salamin sa mata. "Oh, yeah! I'm new, may problema po ba?" sagot at tanong ko. wala naman daw sabi ng babaeng nakasalamin at nagapakilala naman xa, xa daw si karen Class 1st honor at president ng Student Government Organization (high School Department) at Assistant Secretary sa Student Body Council sa Entire university at yung isa naman daw si MIchelle, Miss High School at Band Majorette, sinabi nila sa akin na kung mai kailangan ako wag daw akong matakot na lumapit sa office nila sabay turo sa office malapit sa School Paper Office. Di ko man lang namalayan ng may isang lalaking nakatayo sa tabi ko na tantaya ko mga 5"9 na ata ang height niya at singkit, maputi at naka salamin din, bigla nalang xang nagsalita. "Bat ang tagal mo, kanina pa naghihintay sina mommy at tita lina sayo, bagal mo naman kumilos, malelate pa tuloy ako sa rehearsal ko. " ang sabi ng mamang masungit " akin na nga yang book order form mo para ma claim na natin" dagdag niya, di ko talaga xa maget, sino ba ang lalaking ito, bakit kaya ang init ng loob nito sa akin, at bakit kilala niya ang mommy ko. sino xa?......

.....to be continued

1 comment:

  1. Saan sa zamboanga del sur nakatira, mommy mo? ;)))( zambo sur din jasi ako :)))

    ReplyDelete

Read More Like This