m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Wednesday, March 13, 2013

Lucas Chronicles (Part 1)

By: CorpC

Maagang gumigising si Joey. Ganun ang nakalakihan niya. Kaya naabutan niya laging humihilik pa si Lucas sa himbing ng pagtulog. Napatingin siya sa bago niyang roommate. Maganda pa rin ang katawan ni Lucas kahit may tiyan ng kaunti. Siguro hindi na rin nakapag-gym mula nung nagulo ang buhay.

Inayos na niya ang gamit niya. Maayos siya sa gamit. Isa rin sa mga kinalakihan niya. Maaga siyang nawalan ng tatay at tumayong padre de pamilya. Matalino at nagsumikap kaya naman maayos ang trabaho sa isang IT na kumpanya. At kahit kaya na niyang tumira sa isang malaking lugar na pangsarili, minabuti niya na mag-rent ng room na lang at maghanap ng roommate. Ganun siya katipid pagdating sa sarili. Halos kuripot na. Ang luho na lang niya ay ang gadgets at games. At kahit dun ay hindi rin siya magastos.

Ang tingin sa kanya ng barkada niya ay nerd o geek. Ngunit sa tingin naman niya ay hindi naman ganun kasama. Oo at hindi siya mahilig sa mga clubs at sayawan. Pero sumasama naman siya kung inuman ang gimmick. Hindi rin siya mahilig sa pagworkout. Kaya nga minsan tinatanung rin siya kung bading talaga siya. Natatawa na lang siya.

Nung nakabihis na siya, inayos na niya ang gamit niya at ni-lock ang cabinet niya. Tinignan ang paligid bago tumuloy umalis. At tamang-tama naman na nagising na rin si Lucas.

"Morning." ang bungad sa kanya ni Lucas habang nag-uunat pa.

"'Morning, bro. Una na ako." at dali-daling lumabas si Joey, parang nahiya.

"Sure, bro." Napangiti si Lucas sa sarili habang nagsasara ng pinto si Joey. Bro? Ganun ba ngayon ang tawagan nila? Akala niya 'roomie' o 'kapatid'? At tumayo na rin siya mula sa kama. May isang malaking hard-on sa kanyang boxers. 'Morning wood' ang tawag ng mga bading. Uumpisahan niya sana na magjakol ngunit tinigil nung nakita oras. Nag madali na pumasok sa opisina.


Maaga nakarating si Tere sa opisina. Malayo pa kasi ang pinanggagalingan kaya inaagahan niya. Nag-aayos siya ng opisina ng boss niyang si Von ng ganung oras. Kaya naman lagi siyang nababati ng boss at ng iba pang boss sa opisina.

Habang nagpupunas ng desk, nagulat siya ng may nagring na telepono. Sa number ng boss niya. Lampas alas-sais y media pa lang, may tumatawag na. Sinagot niya mula sa kanyang desk.

"Mr. Diaz' office. May I help you?"

Hindi sumagot agad ang nasa kabilang-linya. "Hello?"

"Si Von Diaz? Nasaan siya?"

"I'm sorry he's not in the office yet. He arrives at 8:30 in the morning. Would you like me to take a message."

"Ok, ok. Sabihin mo yung isang bisor niya bakla."

Nagulat at nanlamig si Tere habang nasa telepono. "Ano po?"

"Yung bisor niya, si Lucas, bakla yun. Paratingin mo sa kanya!"

"Sir, I'm sorry po. I don't think I can take your message."

"Bakit? Bakit di mo ma-relay yung message? Alam mo bang bakla yun? Alam mo bang ang kati-kati nun?"

Pinilit ni Tere na hindi sabayan ang galit ng kausap. At mukhang talagang matindi ang galit kay Lucas.

"Wala naman kasing kinalaman ang sexual orientation sa kanyang trabaho." depensa ni Tere sa kaibigan.

"Ha! Yun ang akala mo. Eh kung malaman yan ng boss mo, palagay mo wala siyang gagawin?"

"Sir, who's this, please? I will just relay that you called po."

"Ah, ayaw mo? Ha! Makaka-usap ko rin ang boss mo. Wag mo ng protektahan ang baklang yun."

Biglang napaisip si Tere. Kung babaliwalain niya ang caller, baka nga humanap na lang ng paraan para makadiretso kay Von. Kawawa naman si Lucas.

"Hindi ko siya pinoprotektahan. Siguro kailangan ko lang malaman ang mga detalye, bago ko iparating kay Sir ang mga sinasabi mo."

"Malaman mo rin. Hahaha" tumawang mala-demonyo ang kausap. "Ikukuwento ko ang lahat tungkol sa kanya. At sisiguraduhin mong isusulat mo at ipaparating mo sa Boss mo."

"Opo. Ano ba ang mga alam niyo?"

"Tatawag ako uli sa kamakalawa. Marami pa akong sasabihin sa iyo." at biglang binaba ang telepono.

Binaba na rin ni Tere ang telepono at napaupo. Sino kaya ang may galit ng ganito kay Lucas at gusto siyang siraan sa trabaho niya?"

Alas-nuebe na nung makarating si Lucas sa opisina.

“Good morning! Kamusta, Tere?”

“Luc, dun tayo sa conference...” at hinila agad ang kaibigan sa bakanteng conference room.

“Oh napano ka? Bakit?”

“Luc, may tumawag dito.” hindi pa rin alam ni Tere kung paano niya babanggitin kay Lucas.

“So?”

“Hanap si Sir Von. Parang galit sa iyo.”

“Huh? Sa akin? Anong sabi? Lalaki?”

“Oo. Basta galit. Gustong kausapin si Von tungkol sa iyo.”

“Huh? Anong sasabihin? Anong sabi sa iyo?”

“Luc.. parang i-out ka kay Boss.”

Nanlamig si Lucas. At napaupo sa isang silya.

“Shit. Anong sabi mo?”

“Una, sinabi ko wala si Von. At nung binanggit niyang sabihin ko raw kay Von na bakla ka, siyempre sinabi ko na walang kaso yun.”

“And?”

“Basta sabi niya sasabihin niya kay Von. Gagawa raw siya ng paraan.”

Uminit ang ulo ni Lucas.

“Eh bakit mo pa kasi kinausap?! Sana binagsakan mo na lang ng telepono!”

“Luc, na-isip ko yan. Pero mas lalong magagalit. At baka gumawa talaga ng paraan na kausapin si Von.”

“Shit, Tere. Shit talaga.”

“Look, mukhang na-convince ko na ako ang kausapin. Haharangin ko lahat ng tawag niya. Hindi niya makaka-usap si Von.”

Napabuntong-hininga si Lucas. “Si Carlito eto. I’m sure. Putang-ina niya.”

“Hindi mo alam iyan. Aalamin ko muna. Cool muna tayo.”

“Anong oras siya tumawag?”

“Ang aga. Mga past 6am pa lang.”

“Si Carlito talaga yan. Nasa night-shift na naman siguro. Uupakan ko siya!”

“Wag kang pabigla-bigla, Luc. Wag nating gagalitin muna. Basta, kakausapin ko para malaman ko kung ano ang alam niya at ang gusto niyang iparating. Cool ka lang.”

“Shit talaga. I don’t need this from him.”

“Basta, cool ka lang. I’m here. Ako muna bahala.”

Niyakap si ni Lucas. “Thanks, dear. Buti na lang nandun ka nung tumawag.”

Tamang-tama sumilip si Sir Von sa conference. “Tere! I have been looking for you!” At napatingin kay Lucas.

“Is there a conference I didn’t know about?”

Biglang tumayo si Lucas. “Wala po, Sir. Sorry po.”

At biglang tumayo si Lucas at si Tere at lumabas ng kwarto.

Nagsimula dun ang isang pangambang muling napabigat sa damdamin ni Lucas.

2 comments:

  1. ang YUMMY nung nsa pic!!!

    ReplyDelete
  2. sobrang yummy. haaaahaaaayyy! di ko pagsasawaan.

    ReplyDelete

Read More Like This