By: Travis
Kinabukasan ay maaga ako nagpunta sa kanila. Gusto kong sabihin ang lahat ng sinabi sa akin ni Rob. Pagdating ko ay pinapasok ako ng kasambahay nila dahil kilala naman ako sa kanila. Tinext ako ni Zoey na padating na daw sya at may binili lang sya saglit. Pagdating ko sa kanila ay may nag-uusap na dalawang lalaki sa bandang likod ng bahay. Nalaman ko na si Raf at Xander ang nag-uusap. Pumwesto ako malapit dun para marinig ang pinag uusapan nila. Alam ko na masamang makinig sa usapan ng iba pero dahil sa narinig ko na binanggit ni Xander si Rob ay hindi ako nagdalawang isip na makinig.
Xander: Gago talaga yang Rob na yan binugbog ako, kaya pala nag-aya na manood ng boxing eh yun pala mag sparring kami ng tarantado.
Raf: Bakit ka naman bubugbugin ng tao, unless may ginawa ka?
Xander: Si Bryan kasi isa pang gago magpinsan nga sila. Inamin na pinagpustahan lang namin si Travis nung College.
Raf: What? Pinagpustahan nyo si Travis? Ikaw ang gago mas gago ka pa sa gago!
Xander: I know, kaya nga bumabawi ako ngayon eh.
Raf: Kelan mo sasabihin kay Travis?
Xander: Bakit ko naman sasabihin? Hindi nya kailangan malaman yun!
Raf: Tarantado ka! Ayokong maglihim sa asawa ko. Pag nalaman to ni Zoey masasampal ka pa nun, bestfriend ng asawa ko yung niloko mo!
Xander: Hindi naman nila ito malalaman diba?
Raf: Hindi pwedeng pagtakpan kita habangbuhay. Kailangan mong sabihin kahit na ano ang maging reaction nila tanggapin mo. Consequence yan ng kagaguhan mo.
Xander: Alright. But not now. Lalo pa na mas nagiging okay kami ni Trav.
Parang gustong sumabog ng ulo ko pagkatapos kong marinig ang lahat. Fifty thousand ang naging halaga ko kay Xander at sa paglalaro nila ng damdamin ko.
Pumunta ako sa CR at inayos ang sarili ko. Sa totoo lang ay hindi na ako naiyak sa mga nalaman ko. Dahil siguro sayang lang ang mga luha ko dahil sa ngayon na alam ko na sa sarili ko na mas mahal ko si Rob at mahal din nya ako. Sa tagal na magkakilala kami ni Xander ay parang nabuhay ako sa kasinungalingan. Nabuhay ako sa pantasya na minahal talaga ako ni Xander.
Lumabas ako ng CR at saktong pagdating naman ni Zoey.
"I'm home! Kanina ka pa?"
ang tanong sakin ni Zoey.
"Hindi naman masyado"
at pumasok na ng bahay sila Xander at Raf at agad naman akong binati ni Raf.
"O Trav andito ka na pala. Kadarating mo lang?"
ang tanong ni Raf.
"Nauna ako kay Zoey. Nag CR lang ako pagdating ko dito. San ba kayo galing?"
"Ah nasa likod lang kami ni Xander"
Tinignan ko si Xander, mukhang hindi sya mapakali. Hindi nya alam kung may narinig ako sa usapan nila o wala. Mas madaming pasa sa mukha si Xander kumpara kay Rob. Dahil siguro sa mas malaki si Rob kay Xander ay madali nya itong nabugbog. May pasa si Xander sa pisngi, may black eye at putok ang labi. Habang nakaupo kami ay kakaiba ang kinikilos ni Xander. Hindi sya masyadong makatingin sa akin ng diretso. Halatang guilty.
Nang matapos na ang lunch ay may sasabihin lang daw sa akin si Xander,
Nag-excuse sya sa mag-asawa at sa labas kami nag-usap. Kontrolado ko ang sarili ko nun at sinabi ko na hindi ako magpapadala sa galit.
"Masaya bang manalo ng fifty thousand sa pustahan?"
tumingin lang sa akin si Xander. Natagalan bago sya nakasagot.
"I'm sorry. Alam mo na pala, dati pa yun Trav, nung immature pa ako, please forgive me"
"Sana dati pa lang sinabi mo na nang palihim na pustahan yun. Para naman naging madali ang task mo, pagbibigyan naman kita eh. O siguro ayaw mo ng may kahati sa fifty thousand, inisip mo siguro na hihingi ako sayo bilang bayad sa pagpayag ko na maging magkakutsaba tayo"
"It's not what you think. Tumanggi ako sa pustahan Trav"
"Oo tumanggi ka nung lumalaki na ang pusta. Pero kinuha mo pa din yung pera. Ibig sabihin lang nun pinagpustahan nyo lang talaga ako"
"I'm so sorry Trav, dati na yun. Ngayon ibang iba na ako. Tsaka mahal kita eh, totoo yun, alam ko na nararamdaman mo naman yun"
"Kung may pagkakataon ka noon, hindi mo din naman aaminin sa akin diba? Anong kasinungalingan pa ang hindi ko alam?"
Simula nun ay naiyak na si Xander sa sobrang guilty. Kahit na ganun ay nakuha ko pa din na maging kalmado kahit na umiinit na ang aming usapan. Inamin ni Xander ang isa pang bagay na hindi pa alam ng iba, kahit na ang pinsan nya ay walang alam tungkol sa kanyang bagong rebelasyon.
"Hindi totoong iba ang tatay ng pinagbuntis ni Mimi, anak ko yun Trav, iniwan ko kasi pakiramdam ko sayo talaga ako magiging masaya"
Nagulat ako sa sinabi nyang iyon. Muli ay nagsinungaling sya, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng mga hindi pa nakakaalam.
"Iniwan mo dahil sa akin? Sinungaling ka! Sa loob ng tatlong taon na hindi tayo nagkita hindi mo ko kinontak ni minsan tapos ngayon sasabihin mo dahil sa akin? Oh my God!"
"Gusto ko lang ibigay sayo ang time at space na kailangan mo kaya hindi kita kinontak"
"You're impossible. You know what hindi ko na alam kung ano ang totoo at hindi sa mga sinasabi mo. Napakawalang kwenta mong tao. Nakakahiya ka, hindi na ako magtataka kung pati ang anak mo hindi ka na kilalanin"
"I'm so sorry Travis, please patawarin mo ko"
"Wag kang pupunta sa bahay, baka makita ka ni Rob at bugbugin ka ulit, actually yung mga pasa mong yan, you deserve it, parang naiganti ko na ang sarili ko at si Mimi at ang anak mo"
"Sorry.."
Tumutulo ang luha ni Xander ng mga oras na yun. Naramdaman ko naman na nagsisisi sya sa mga ginawa nya. Pinag-ayos ko sya at baka mahalata kami ng mag-asawa. Ayoko munang malaman ni Zoey dahil magagalit ito at masasampal nya panigurado si Xander.
"Saka na lang tayo mag-usap. Please wag ka munang gumawa ng move. Bago kami umalis papuntang Canada mag-uusap ulit tayo"
"Thank you and I'm sorry"
At tumayo kami at pumunta sa living room. Halata ni Zoey na umiyak si Xander.
"What happened?"
ang nagtatakang tanong ni Zoey.
"Ah wala, nag heart to heart talk lang kami"
ang pag depensa ni Xander.
"Guys uuwi na din ako, wag nyo na ko ihatid ha, magtataxi na lang ako"
at umalis na ako sa bahay nila Raf at Zoey.
Habang papalabas na ng gate ng village nila ay may bumusina sa akin. Hindi ko masyadong napansin kung sino pero nung buksan nya ang window ay nakita kong muli si Josh, ang ex ni Rob.
"Travis! Pauwi ka na? Tara sabay ka na sakin"
nahiya ako at nag-alangan pero dahil kahit papaano ay may pinagsamahan din naman kami ni Josh ay sumakay na din ako, ayoko din naman tumanggi at baka mapahiya sya.
"Its been a long time na hindi tayo nagkita! Sa chat lang"
"Oo nga eh naging busy lang. Nareceive ko naman yung IM mo sakin yun nga lang nawala ko yung number mo kaya hindi kita macontact nung nandito na kayo"
"Kaya naman pala, namiss ko ang mga kwentuhan natin"
"Same here. Kamusta na kayo ni Rob?"
"Kami? Ok naman ganun pa din, wala naman bago"
"Ang bagal talaga nyang si Rob"
at natawa si Josh, parang nakuha ko na ang kanyang ibig sabihin ngunit tinanong ko pa din sya.
"What do you mean?"
"Mabagal in terms of panliligaw, alam mo naman na mahal na mahal ka nun"
at ngumiti si Josh sa akin.
"Okay lang sayo?"
"Of course! Bakit naman hindi, after nung breakup namin ay maayos naman namin napagusapan yun, tsaka walang bitterness nung nagkahiwalay kami, pareho naming desisyon yun. Nainlove ako sa iba habang kami pa at ayoko naman maging unfair sa kanya kaya napag-usapan namin na maghiwalay na kami. Alam mo naman na may communication pa kami hanggang ngayon diba?"
"Yes, nasabi nga nya, magbestfriend kaya kayo"
"Sakin sya laging humihingi ng advice tungkol sa mga dapat nyang gawin. Kung alam mo lang Trav kung gaano ka kamahal ni Rob, malamang pag-uwi mo ngayon sagutin mo na sya"
ang sabi ni Josh habang binabagtas namin ang kahabaan ng Edsa.
"Hindi pa nga pormal na nanliligaw eh!"
at nagtawanan kami.
"Ang sabi ko sa kanya dati na wag ka na nya pakawalan kasi kitang kita ko naman na masaya sya sayo, gusto ko ikaw na ang makatuluyan ni Bestfriend Rob"
"Thank you Josh, wow engagement ring?"
habang nakatingin sa singsing na suot ni Josh.
"No, wedding ring. Kasal na ako Trav"
"Wow! Kelan pa?"
"Last year, sa Spain kami nagpakasal ni Alfonso, uuwi sya dito para sunduin ako by next week nandito na yun, magkita kita tayo ha?"
"Oo naman, may 13 days pa naman kami dito"
"By next year dapat may suot ka na din na wedding ring ha? mag-promise ka Trav"
"Si Rob lang ang makakasagot nyan"
at nagkangitian kami. Nagpababa ako sa SM North Edsa. Nagpaalaman kami at nagpalitan ng mobile number.
"Thank you Josh! Next week ha."
"No problem, mag-ingat ka! Tatawagan kita okay?"
Tumango ako at kumaway kay Josh.
Sumakay ako ng Fx papuntang Bulacan at dun ako matutulog. Habang nasa biyahe ay tinignan ko ang phone ko. Walang text galing kay Rob. Nakakapanibago at medyo uneasy para sa akin. Kaya tinext ko sya ng sorry kasi alam ko nagtatampo pa din sya sa akin dahil sa sagutan namin nung nakaraan. Pero hindi pa din sya nagreply.
Doon ko lang narealize na si Rob pala talaga ang totoong nagmahal sa akin at hindi si Xander. Si Rob ang nandyan para sa akin kahit anumang oras ko sya kailanganin, kahit kaibigan lang ang turing ko sa kanya dati. Ni minsan ay hindi ako sinigawan ni Rob at ramdam ko ang pag-aalaga at pagmamahal nya sa akin. Si Rob ang matiyagang naghihintay at sumusundo sa akin kapag gabi na, Sya ang nahuhuling matulog kapag magkasama kami, gusto nyang makita na safe ako bago sya matulog. Lahat ng gusto ko ay binibigay nya. At ang huli, Sya yung tipo ng tao na mahal na mahal ako, kahit na galit ako sa kanya ay pinapakita nya na mahal nya pa din ako at ni minsan ay hindi ko naramdaman na nanlamig sya sa akin. Sa pagkakataong iyon nalaman ko din sa aking sarili na mahal ko pala talaga si Rob, hindi lang bilang kaibigan kundi bilang boyfriend. Masasabi ko ngayon na mas kailangan ko sya sa buhay ko, bilang partner.
Pagdating ko sa amin ay tinawagan ko ang Mommy ni Rob.
"Good Evening po Tita! Si Travis po ito. Kamusta na po?"
"Travis anak ikaw pala, ayos naman kami, ikaw kamusta na ba? Kelan ka pupunta dito sa Condo?"
"Okay naman po ako Tita, yun po ang gusto kong itanong sa inyo na kung okay lang po na pumunta sa inyo bukas?"
"Ay oo naman anak, ikaw pa welcome na welcome ka dito, tsaka kailangan mo talaga yata pumunta dito, parang matamlay si Rob eh, wala namang sakit"
"Ah sige po Tita bukas po punta ako"
"Kung gusto mo anak magstay ka muna ng ilang araw dito. Mawawala kami ng ilang araw, walang kasama si Rob, ayaw naman nyang sumama"
"Ah okay po Tita no problem po, thank you po Tita! Good Night po!"
"Okay. Good night din anak!"
Pakiramdam ko ng mga oras na yun ay kausap ko ang mother in law ko. Sobrang accomodating ng family ni Rob sa akin, tanggap na tanggap nila ako.
Kinabukasan ay pumunta ako sa condo nila Rob. Hindi ko na naabutan sila Tita pero nagkatext naman kami na iniwan nya yung spare key sa lobby at kunin ko na lang daw kasi panigurado ay tulog pa daw si Rob kapag dumating ako. Pagdating ko dun ay sumilip ako sa kwarto ni Rob, tulog pa sya. Hinayaan ko muna syang matulog at nagluto ako ng lunch namin, dahil 10:30am na din yun, paggising nya, tiyak tanghali na.
Nang matapos ako sa pagluluto ay naghanda na ako. Hinihintay ko na lang sya na magising. Umupo ako sa sofa at tinignan ko yung mga picture frame ni Rob. Natuwa ako kasi sino ba naman mag-aakala na yung lalaking gwapo, matangkad, mabait ay magkakagusto sa akin. Biglang pumasok sa isip ko na sana ay hindi na sya galit sa akin.
Maya maya pa ay lumabas na sya ng kwarto nya. Nakaboxers lang sya at walang damit pang-itaas. Nagulat sya na nandun ako.
"Good Morning BF!"
"O bakit ka nandito?"
at lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Ayaw mo ba? Gusto ko lang mag-sorry, sana hindi ka na galit"
nginitian ako ni Rob.
"Kelan ba ko nagalit sayo sige nga? Kaya ko bang magalit sa mahal ko? Pero may konting tampo pa din ako"
"Pano ba mawawala yang konting tampo mo? Bati na tayo"
"Hug mo muna ko"
at niyakap ko ng mahigpit si Rob.
"I'm sorry na hindi ako kaagad naniwala.."
biglang pinutol ni Rob ang sinasabi ko.
"Okay na yun, tapos na yun GF, kalimutan na natin yun"
at hinalikan ko sa pisngi si Rob.
"Thank you BF"
at nagngitian kami ni Rob.
"Tara na kain na tayo mukhang masarap niluto mo ah"
"Ang favorite mong sinigang"
"Wow! Mahal mo talaga ako, GF"
"Sige na magsuot ka ng pang-itaas"
"Bakit ayaw mo ba ng view?"
"Baka hindi ako makakain ng maayos kasi baka mapako ang tingin ko sa view"
at nagtawanan kami. Puro kulitan kami habang kumakain. At nung matapos na kami ay nagligpit na kami at panigurado may matindi pa kaming pag-uusapan.
"Pano mo nalaman na totoo lahat ng sinabi ko sayo tungkol kay Xander"
"Narinig kong lahat, galing mismo kay Xander, nag-uusap sila ni Raf. Hindi din pala alam ni Raf"
"Kahit ganun ang ginawa sayo Trav, at the end of the day marealize mo na tao lang tayo at nagpapatawad din"
"I know, ilang araw na lang tayo dito, mag uusap pa naman kami"
"Alam mo dati okay yung sa akin yung idea na mapunta ka kay Xander kasi sya ang mahal mo, remember the Art Exhibit, planado lahat yun. pero nung nalaman ko na ginagago ka lang nya, ayoko na. Sabi ko ipaglalaban kita and I'm glad nagawa ko yun"
"Thank you Rob"
at hinawakan ni Rob ang kamay ko.
"How about us? Mapagbibigyan mo ba ako ng chance para manligaw?"
"Ayokong manligaw ka sa akin, Rob"
at naging malungkot sya.
"Ah okay, makakapaghintay pa naman ako pag ready ka nang mahalin ako"
"Ayokong manligaw ka, kasi gusto ko proposal agad, matagal ka nang nanliligaw sa akin, almost everyday."
at muling sumigla ang mukha ni Rob.
"I can't believe this, Really!? Tayo na? Pakakasalan kita pagbalik natin ng Canada agad agad! Mahal na mahal kita Trav"
at niyakap nya ako. Pagkatapos nun ay isang halik sa labi ang binigay sa akin ni Rob.
"Sa loob ng tatlong taon Rob hindi mo ko iniwan, kaya hindi mo na ko kailangang ligawan, ayaw na din kitang pahirapan. I love you my big boy!"
"I love you too! So officially tayo na?"
at hinalikan nya ko sa kamay, habang hawak pa din nya ito.
"Of course BF! Kaya lang pano ang family mo? Matanggap kaya nila?"
"Tignan natin"
at kinuha nya ang phone nya at may dinial. Alam ko Mommy nya yung tinawagan nya at nilagay nya sa speakerphone.
"Hello Mommy! Sinagot na ko ni Trav!"
kinakabahan at nagulat ako sa sinabi ni Rob.
"Wow anak! Congrats! I'm so happy for you! Sa wakas natupad na din!"
parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang marinig ko iyon. Ang approval ng family ni Rob.
"Thank you Mom, I love you all!"
"Mahal ka din namin anak, Hay naku narinig ng Dad at mga kapatid mo tuwang tuwa sila dito, pagbalik na lang daw namin tayo magcelebrate"
"Alright Mom. Tawag ulit ako mamaya, aasikasuhin ko muna 'tong girlfriend ko. Bye!"
"Okay, Bye anak!"
at binaba ni Rob ang phone
"See, tanggap na tanggap ka nila. Kaya lang pano yung family mo GF matanggap kaya nila ako?"
"Alam ng family ko ang lahat lahat. Last night I told them everything. Masaya sila kasi natagpuan ko na daw yung taong para sa akin, yung pagiging official na magkarelasyon na lang daw ang kulang. Alam mo kung gaano ka kafavorite ng parents ko at mga kapatid ko, pag hindi ka pumupunta ng bahay ikaw lagi ang hinahanap"
"Ang sarap pakinggan, now makakatulog na ko na hindi na unan ang kayakap ko, kundi ikaw na"
"If I know pantasya mo talaga yun"
at nagtawanan kami. Niyakap ako ni Rob sa mga oras na yun na mahigpit na mahigpit at damang dama ko ang pagiging boyfriend nya sa akin. Simula noon ay parang lahat ng hinihiling ko sa buhay ay napagbigyan.
Nakapagbakasyon pa kami ni Rob ng dalawang araw sa Boracay. Masayang masaya kami at wala kaming pakialam sa ibang tao na nakakita sa amin na magka-holding hands at magkayakap sa isang place. Hindi naman namin sinadyang mag PDA pero siguro ganun lang talaga kapag inlove ka. At sigurado ako mas madami pang natuwa kesa sa nainis at nairita nung nandoon kami.
Pagbalik namin ng Manila ay saktong naabutan namin ang Parents ko sa bahay namin. Hinayaan kong si Rob ang magsabi tungkol sa amin dahil sa gusto din naman sya ng pamilya ko at hindi naman sila tututol sa aming dalawa.
"Dad, Mom, may sasabihin po si Rob sa inyo"
tinignan ko si Rob at ngumiti sya sa akin.
"Tito, Tita, sinagot na po ako ni Trav"
"Wow! Ay ngayon Daddy at Mommy na din ang tatawag mo sa amin! Naku anak Rob gustong gusto kita talaga para kay Travis!"
ang sabi ng Mommy ko.
"Ay Mom, wag Daddy at Mommy, Papa at Mama na lang kasi Dad at Mom ang tawag ni Rob sa Parents nya baka magkalituhan pag nasa isang lugar lang tayo diba. Ganun kasi ang tawag ko din sa Parents ni Rob"
"Okay fine! Pero anak, Rob matagal na namin alam dito sa bahay kwinento agad sa akin ni Mare!"
ang sabi ni Mommy habang nakangiti.
"Kaya nga di mawala yung smile ng Mommy nyo nung pagdating nyong dalawa dito"
ang natatawang sabi ni Dad sa amin.
"Ah kaya naman pala"
ang sabi ko at nagtawanan kami.
"Tara na pasok na tayo at kumain na tayo ng snack"
ang pag-aya ni Mommy sa loob.
Pagpasok namin sa loob ay binati kami ni Jake, ang kapatid ko.
"Ayun o! Official brother in law na!"
at nag-apir sila ni Rob.
"Ano bayaw ayos ba?"
"Syempre naman Kuya Rob ikaw na eh!"
at nagtawanan sila.
Habang kumakain kami ay pinagmasdan ko kung gaano kasaya ang pamilya ko para sa akin. Bihira kasi yung mga ganyan na tanggap na tanggap nila na yung anak nilang lalaki ay may karelasyon na kapwa lalaki. Sobrang swerte ko sa pamilya ko at ganun din si Rob dahil walang humadlang sa aming dalawa. Alam namin na hindi pa ganun katanggap ng publiko ang same sex marriage pero para sa amin as long as na tanggap at masaya ang pamilya namin para sa amin ni Rob ay parang natanggap na din ng buong mundo ang konseptong iyon.
Nagtetext pa din ng "Sorry" si Xander at sinabihan ko syang mag uusap kami next week. Hindi naman tumutol si Rob, sa halip sya pa nga ang nagsabi sa akin na wag ko na daw patagalin. Para din daw magkaroon na ng Peace of Mind si Xander.
Maya maya pa ay tumawag sa akin si Josh, ang ex at bestfriend ni Rob.
"Hi Trav! Kamusta na?"
"Hey! Okay naman, ikaw?"
"Ayos naman, available ba kayo bukas? Nandito na kasi si Alfonso, yung husband ko, gusto nya kayong mameet."
"Ay oo naman sige tomorrow. Text mo na lang kung saan tayo magkikita"
"Sige Trav"
"Trav, congratulations nga pala ha"
"Ano ka ba, wala pa ngang kasal eh"
"Dun din naman papunta yun eh. Basta iinvite mo kami ha. Kahit nasa Spain kami pupunta kami sa wedding nyo sa Canada"
"Sure! Ikaw pa!"
"O sige na Trav, ikamusta mo na lang ako kay Rob, hindi ko na sya kakausapin baka nasa cloud nine pa yan dahil sinagot mo na sya"
sabay tawa.
"Alright sige! Thanks Josh! Bye!"
"Bye!"
Biglang nagtanong si Rob.
"Anong sabi?"
"Ah yung date natin bukas kasama si Josh and Alfonso"
"Ah okay"
"Diba natatandaan mo naman yun kasi tinext kita agad nung pauwi ako nun. Kaya lang di ka nagreply kasi galit ka sakin nun"
"Tulog ako nun kaya"
at kiniliti nya ako.
Kinabukasan ay nakipagkita kami kina Josh at ang kanyang husband na si Alfonso. Tuwang tuwa ako kay Alfonso kasi marunong sya magtagalog. Hanga ako dahil walang awkwardness sa pagitan nila Rob at Josh na kahit mag-ex sila ay napanaliti nila ang kanilang friendship. Masaya ang naging pagkikita namin, kung wala lang silang appointment ng kinagabihan ay malamang nandun pa din kami at magkakasamang nagdinner. Maayos kaming nagpaalaman at naghiwalay at nangako sila Josh at Alfonso na pupunta sa kasal namin sa Canada, basta daw magsabi kami 2 weeks bago ang date ng kasal namin.
Habang pauwi kami ay nagtext si Xander. Pinabasa ko ito kay Rob.
"Sige na GF, mag-usap na kayo wag mo na patagalin"
ang sabi ni Rob.
"Ok sige"
at tinext ko sya na magkita kami bukas.
Hinatid lang ako ni Rob sa bahay at umalis din agad. Dahil may get together sila ng mga barkada nya nung high school. Kahit na inaya nya ako ay hindi na ako sumama dahil kailangan din naman nya ng space at time para sa sarili nya. Malaki ang tiwala na ibinigay ko kay Rob kaya hindi ako nagseselos sa mga taong may ibang intensyon dahil alam ko naman kung sino talaga si Rob.
Habang nasa kwarto ako ay tinignan ko ang mga pictures namin dati ni Xander. Meron kaming dalawang picture dun na naka-wacky kami pareho. Natuwa ako at tinabi ko yung isa. Kasabay ng pagkuha ko sa iba pa naming pictures ay nakita ko ang bangle na ibinigay sa akin ni Xander nung graduation. Nasa maayos na kundisyon pa din ito pati na ang box. Sa totoo lang ay hindi ko iyon sinuot dahil natatakot akong mawala iyon at isa pa, hindi ito kelan man naging sa akin.
Tinext ko si Xander na sa Park na lang dati kami magkita. Yung park na malapit sa dorm ko dati. Natuwa ako nang makita ko ulit ang park. Wala naman itong masyadong pinagbago. Para akong bumalik sa isang tahanan ko dati. Hinanap ko ang bench na inuupuan ko dati at nandun si Xander, naghihintay.
Dala dala ko ang isang paperbag, lumapit ako kay Xander at ngumiti.
"Titignan mo na lang ba ako?"
at bigla akong niyakap ni Xander at napaiyak sya. Alam na nya na napatawad ko sya. Wala din naman masyadong nakakita sa amin dahil sa weekday noon at kung meron man ay wala na akong pakialam.
Umupo kami at nagsosorry pa din si Xander.
"I'm so sorry Trav"
napapaluha pa din si Xander.
"Okay na yun, kalimutan na lang natin and move on. Kahit papaano Xander, may soft spot ka sa puso ko kaya pinapatawad na kita"
"Thank you Trav, gusto ko sanang bumawi sa mga kasalanan ko pero alam ko wala na kong time"
"Mas gusto ko na bumawi ka kay Mimi at sa anak mo"
"Matatanggap pa kaya nila ako? Namimiss ko na din sila"
"I-try mo Xander, paano mo malalaman? Kung hindi ka man mapatawad agad at least nagtry ka. At kung hindi man ay try to win them back again and again kung kinakailangan"
"Baka next week pumunta na ako ng States, gusto ko na kasi silang makita eh"
ang naluluhang pahayag ni Xander.
"Magiging okay din ang lahat, Xander wag mo na ulit gagawin yun sa mag-ina mo"
"Hindi na talaga Trav. I'm sorry ulit"
"Hay naku ha paulit ulit na lang tayo sa sorry"
at napatawa ko si Xander.
"Eto nga pala pictures ng baby ko"
at pinakita sa akin yung mga picture sa cellphone nya.
"Ay ang gwapo kamukha ng Daddy nya! Ano nga palang name nya?"
"Syempre mana yan sa akin! Name nya Trevor Matthew"
ang sabi ni Xander.
"Talagang letter T ha?"
at nagtawanan kami.
"Xander, may ibibigay nga pala ako sayo"
at inabot ko ang box at ang picture frame.
"Ibigay mo itong bangle mo sa anak mo, para paglaki nya may gamit kang ipapamana sa kanya. At eto namang picture frame yung wacky shot natin, remembrance na minsang nagkakilala tayo at naging magkaibigan"
"Thank you"
at nagyakapan kami ni Xander.
"Basta ayusin mo yung mga dapat na matagal nang ayos. Hindi pa naman huli, madami ka pang time. Sana alam mo kung ano yung sinasabi ko"
"I will Trav. Thank you sa friendship at love, kahit na alam ko ikakasal ka na kay Rob sana maging magkaibigan pa tayo"
"Oo naman, alam naman ni Rob yun. Magkaibigan pa din tayo"
Maya maya pa ay nag-aya na si Xander, sakto namang padating si Rob dahil gusto din nyang magkaayos sila ni Xander. Bumaba ng sasakyan si Rob at lumapit sa amin.
"Xander, pasensya na ah sa mga pasa"
at inabot ni Rob ang kamay nya kay Xander.
"Ako nga ang may malaking atraso sa inyo eh, sorry pare"
at nagkamayan sila.
"Ayan na kasi sabi ko eh boxing boxing pa kayo ah"
at nagtawanan kami.
"Sige na guys una na kayo may dadaanan lang ako dyan, Rob, Trav, thank you! Ingat kayo"
"Ingat ka din Xander, balitaan mo na lang ako ha, sa Facebook or text"
at niyakap ko si Xander at nagngitian kami.
Pagkasakay namin ng sasakyan ay kumaway pa sa amin si Xander, tinignan ko sya sa side mirror habang papalayo kami. Natutuwa ako na may realization din si Xander ng kanyang pagkakamali at alam nya na dapat syang magbago. Kahit hindi kami ang nagkatuluyan ni Xander ay alam kong mas higit pa ang sayang maibibigay sa kanya ng kanyang anak kesa sa akin. Kahit na papaano alam ko na minsan sa buhay ko ay nakilala ko sya, nakapagbigay ng saya at pagmamahal sa kanya. Nagpapasalamat ako kay Xander dahil nalaman ko kung sino ang nagmahal at nagmamahal sa akin ng tunay - Si Rob.
Sulit na sulit ang natitira naming mga araw sa Pilipinas. Tatlong araw makalipas ang huli naming pagkikita ni Xander ay nagtext sya na aalis na sya papuntang States, napaaga ang flight nya papunta dun. Nagreply ako na mag-iingat sya at balitaan nya pa din ako. Maayos ang naging paalam ni Xander sa akin.
Dumating na ang araw na pagbalik namin sa Canada, malungkot na masaya. Malungkot kasi bibilang nanaman ng ilang taon bago ko makita in person ang pamilya ko at mga kaibigan. Masaya naman dahil alam kong may kasama na akong gigising tuwing umaga.
Sobrang sweet ni Rob sa akin, pinapasandal nya palagi ang ulo ko sa balikat nya habang nasa eroplano kami. Maayos ang naging flight namin pabalik ng Canada, dumiretso kami sa flat ko at dun na nagpalipas ng gabi. Hindi ko tinanong si Rob tungkol sa kasal hindi dahil sa wala akong interes, ayoko lang kasi na ma-pressure at ma-stress sya.
May dalawang araw pa kaming natitira bago bumalik ng trabaho. As usual namasyal kami at nag-inquire ng requirements sa kasal.
"Ako na ang mag-aayos ng requirements, don't worry GF ako ang bahala dito"
"Okay"
at hinalikan ko sya sa labi.
At lumipas na ang dalawang araw namin na off ni Rob. Bumalik na kami sa kanya kanya naming trabaho. Naging smooth naman ang pagbabalik namin at masaya kaming dalawa ni Rob sa Canada.
***At dumating na ang pinakamadilim na bahagi sa Love Story namin ni Rob. Sa totoo lang ay nagdadalawang isip ako na isama ang part na ito dahil baka hindi ito paniwalaan ng mga makakabasa. Pero dahil sa mga naniniwala at sa kagustuhan ko na malaman nyo ang aming buong Love Story namin ay isinama ko na din. Iiwan ko na lang ang pagpapasya sa inyo kung ito ay paniniwalaan nyo o hindi***
Tuesday noon at Winter. Malakas ang snowfall nung araw na iyon. Bilang Engineer, si Rob ay kailangan nyang pumunta sa field para kausapin yung mga katrabaho nya, para sa kanilang bagong project. Nagpaalam sya sa akin.
"GF, punta lang ako sa field, baka gabihin ako ha?"
"Sure ka? Baka pwede mo namang ipagpabukas na lang? Madulas ang daan tsaka heavy yung snowfall"
"Hindi pwede eh. Kailangan talaga"
"Ah okay sige ingat ka, call me na lang, I love you!"
ang paglalambing ko kay Rob.
"Sige, I love you more, Bye"
at binaba ni Rob.
Usually mga 7pm ay natutulog na kami ni Rob. Pero sa hindi ko maipaliwanag ay hindi ako mapakali. Kahit na pagod ako ay hindi ako makatulog. Gusto ko na sanang tawagan si Rob pero ayoko namang makaistorbo sa trabaho nya. Kaya naghintay na lang ako ng tawag o text na mula sa kanya.
Past 8pm na nun ay wala pang text o tawag na nangagaling kay Rob. First time kong kabahan at hindi na maganda ang pakiramdam ko kaya naghilamos ako sa CR. Ilang saglit ay may nagriring na ang cellphone ko. Dahil sa akala ko si Rob ito ay nawala ang kaba ko, pero nung tinignan ko ay ang kuya pala ni Rob ang tumatawag, at kinabahan ulit ako.
"Hello Kuya"
"Trav, si Rob naaksidente"
"What? Saang ospital?"
"Magbihis ka na on the way na ko sa flat mo"
at binaba ni Kuya ang tawag at nanghina ako. Halos mapaupo ako sa sobrang kaba at nagsimula na akong umiyak. Nagmadali akong nagbihis at lumabas ng flat maya maya pa ay bumusina na si Kuya at sumakay na ko ng sasakyan. Iyak ako ng iyak sa sasakyan.
"Trav, kalmahin mo ang sarili mo, kakatawag lang ni Roger(Manager nila Rob) buhay pa si Rob, pero nasa operating room na ngayon kasi duguan sya at kailangan tahiin mga sugat nya"
Hindi na ako nakakibo habang nakatingin kay Kuya habang patuloy pa din ang pag-iyak ko. Pagdating namin sa ospital ay nag-abang kami sa designated area. Habang naghihintay sa doktor ay wala akong tigil sa pagdasal. Alam ko na hindi Nya pababayaan si Rob at alam ko na ililigtas Nya ito.
Ilang saglit pa ay lumabas na ang doktor at kinausap kami.
"The patient is fine, he's being transferred to Our Post Anesthesia Care Unit.."
Hindi ko na naintindihan ang ilang sinabi ng doktor dahil sa pag-aalala. Ligtas na daw si Rob at wala namang brain damage. May stitches lang daw sa forehead si Rob at ilang pasa. Abot abot ang pasasalamat ko noon dahil maayos si Rob, kahit na ganun ang nangyari ay hindi sya napahamak ng matindi.
Nagtext ako sa kasamahan ko na hindi ako makakapasok bukas dahil sa nangyari at naintindihan naman nila. Habang nakaupo kami ay kwintento sa amin ni Roger ang nangyari. Dahil daw gabi na ay gusto nang makauwi ni Rob, habang nasa high way ay may kasalubong sya na truck na nawalan ng preno, at dahil na din sa dulas ng kalsada ay nagkasalpukan sila.
Nakatulog na ako sa suite kakahintay kay Rob, kinabukasan ay dinala na sya sa kwarto nya. Gising na sya at mukha namang okay. Bukod sa tahi at ilang pasa ay maayos naman sya, naiyak ako nung makita ko sya at bigla kong niyakap.
"Ok ka lang? May masakit ba?"
at nakayakap pa din ako sa kanya
"I'm okay. Wait.."
ang sabi ni Rob.
"Ay sorry nasaktan ka yata"
at kumalas ako sa pagyakap sa kanya.
"Do I know you?"
at tinignan ako ng kakaiba ni Rob. Hindi ako nakapagsalita agad dahil akala ko ay babawiin nya ito agad.
"Rob, si Travis yan!"
ang sabi ng Kuya ni Rob.
"Sorry, Travis who? Ikaw ba yung nagdala sa akin dito sa hospital?"
at nagtinginan kami ni Kuya.
"Rob, nagbibiro ka ba?"
ang tanong ni Kuya.
"Hindi, kuya bakit naman ako magbibiro?"
dun na ako naiyak at alam kong hindi talaga sya nagbibiro.
"Teka tatawag ako ng doktor"
at lumabas na si Kuya. Habang kami lang dalawa ay kinausap ko ulit sya.
"Rob, ako 'to si Travis, yung partner mo, ako si GF"
nakatingin lang sa akin si Rob at pilit na nag-isip.
"I'm sorry pero hindi talaga kita maalala eh, ang alam kong huli kong partner si Josh, pero break na kami at hindi ikaw yun"
nasaktan ako sa sinabi nya pero alam kong hindi naman nya intensyon yun. Maya maya pa ay dumating na ang doktor at ineksamin si Rob. Lahat naman ng test ay normal, oriented sya sa time at place, lahat ng tao kilala nya at naalala nya, maliban lang sa akin. Sabi ng doktor ay nagkaroon ng Selective Memory Loss si Rob, maaring bumalik ito sa mga darating na araw, buwan o taon, pwede din daw na hindi na bumalik ang alala nya sa tungkol sa akin ang sabi ng doktor. Isa itong rare case ng memory loss o amnesia at nalungkot ako dahil sa kanya pa nangyari ito.
Pagkatapos nun ay nagpaalam ako kay kuya na uuwi muna. Iyak ako ng iyak pauwi dahil sa hindi ko matanggap na sa lahat ng tao na kilala nya, ako pa yung nakalimutan nya.
Tumawag sa akin ang Mommy ni Rob na papunta na daw sila ng Canada para maalagaan si Rob. Tinawagan ko din ang Mommy ko at kwinento ang nangyari. Pinilit kong ipaalala kay Rob ang tungkol sa amin. Pero wala talaga. Hanggang dumating ang Parents ni Rob at nag-iyakan kami nung nasa ospital kami.
"Mom, buhay pa ako, wag nyo ko iyakan"
ang sabi ni Rob na nagpatawa sa amin.
"Ok lang kami anak, masaya lang kami ng Dad mo at ni Trav na ok ka"
"Siguro ganun kayo kaclose nila Mom at Dad ano Trav?"
ang sabi ni Rob habang nakangiti sa akin. Nagtaka ang Parents ni Rob at pinaliwanag ko ang kondisyon ni Rob.
Nag-emergency leave ako sa trabaho para maasikaso si Rob. Lahat naman ay pwede nyang kainin kaya sa araw araw ko na pagpunta doon ay nagdadala ako ng mga paborito nyang pagkain at ilang pictures namin para makatulong sa pagbalik ng alaala nya sa akin. Halos umabot sa 3 weeks ang araw araw na pagpunta ko sa ospital, dun na din ako nakakatulog sa gabi. Pero dumating na kami sa point na nagalit na sya sa akin.
"You know what, nakakainis na. Naiilang ako sa tuwing nandito ka. I'm not rude pero why don't you get a life? Hindi naman kita yaya eh!"
hindi na ako nagsalita at lumabas na lang. Narinig pala ng Parents ni Rob yun at kinomfort ako.
"Everything will be okay, anak"
"Tita, sana po kahit maalala lang nya ako bilang ako kahit wala na po yung feelings nya para sa akin okay na po ako dun"
"Gusto namin ng Daddy mo ikaw ang makatuluyan ni Rob, tsaka ayoko ng Tita ang tawag mo sa akin, Mommy pa din ha"
at nagkangitian kami.
"Mommy, siguro po hindi ko na muna pupuntahan si Rob, lalo po syang naiistress kapag nandyan ako"
"Kung ano sa tingin mong makakabuti anak, okay lang sa amin. Sya nga pala, pag pinauwi na si Rob ay balak namin na dun na sa Vancouver sya dalhin, para makarecover sya. Sasama ka sa amin anak, gagawan natin ng paraan yung work mo para kasama ka namin"
"Mommy si Rob lang po ang makakasagot nyan kung gusto nya akong isama"
at biglang tumawag si Rob at pumunta ang Parents nya sa loob at naiwan ako sa labas. Nagugutom lang pala si Rob at gusto ng kumain.
Naghintay ako sa labas at pagkatapos kumain ni Rob ay nagpaalam na ako.
"Uuwi na po ako
Rob, pagaling ka ha"
"Sige anak ingat ka"
ang sabi ng Daddy at Mommy ni Rob
"Travis ingat ka and Sorry sa kanina"
ang sabi ni Rob.
"Okay lang yun"
at umalis na ako.
Ubos na ang luha ko kakaiyak. Pero sobrang malungkot ako ng mga panahong iyon. Pagdating ko sa bahay ay pinaprint ko yung mga memorable photos namin ni Rob. Nasa 300+ ang lahat ng photos na pinagpilian ko at bumili din ako ng 26 na makakapal na photo album. Pinagpuyatan ko ang paglalagay ng mga picture magdamag. Naalala ko yung mga masasayang moments namin ni Rob at di ko napigilang maiyak.
Kinabukasan ay tinawagan ako ng Mommy ni Rob, pwede na daw umuwi si Rob at may clearance na daw na pwedeng magtravel si Rob. Balak kasi nilang dumiretso na sa Vancouver para dun na magpagaling si Rob. Yung stitches na lang daw nya ay pwedeng ipatanggal sa OPD sa ospital sa Vancouver. Nagmadali akong pumunta sa ospital dahil maaring ito na yung huli naming pagkikita ni Rob. Dala dala ko ang 26 na photo album na nilagay ko sa box. Pagdating ko ay kinausap na ako ng Parents ni Rob.
"Trav, susunod ka sa amin after 3 days ipapaayos ko ang lahat ng papers mo para kasama ka namin ng Mommy at ni Rob sa Vancouver"
ang sabi sa akin ng Daddy ni Rob.
"Dad, hindi na po, mas okay na po yung hindi ako nakikita ng madalas ni Rob, naiilang na po sya sakin ngayon, baka po mahirapan syang maka-recover"
"You can visit us anytime, tawagan mo lang kami ng Mommy mo ha?"
at niyakap ako ng Daddy ni Rob.
Pagpasok ko ay inaayos na ng Mommy ni Rob ang mga gamit nya. Lalabas na sya ng ospital at nakangiti sya nung nakita nya ako, akala ko naalala na nya ako pero hindi pa din pala. Lumabas muna ang Mommy ni Rob para makapag-usap kami.
"Rob, dalhin mo 'tong mga photo album baka makatulong. Masaya ako na okay ka ngayon, pero kung hindi mo na talaga ako naaalala okay lang. Wag mo na pilitin. Sakaling nakalimutan na ako nito (sabay hawak sa ulo nya) pero alam ko kahit kelan hindi ako makakalimutan nito (at tinapat ko ang kamay ko sa puso nya)"
at niyakap ko sya. Niyakap din ako ni Rob at naramdaman ko yung pagyakap nya sa akin dati.
"Thank you Travis, I know very close ka sa akin I'll try hard na bumalik yung.."
at pinutol ko ang pagsasalita ni Rob.
"Wag Rob wag mo na pilitin"
at nginitian ko sya. Tinawag ko na ang Parents nya para makaalis na sila. Pero bago kami lumabas ng kwarto ay humiling ako na kung pwede magpapicture kami ni Rob na kaming dalawa lang at pumayag naman sya. Inakbayan nya ako at nagpapicture kami. Pagkatapos nun ay lumabas na kami ng kwarto at ng ospital. Sa labas naghihintay ang Kuya ni Rob.
"Trav, susunod ka sa amin ha?"
"Hindi ko alam Kuya, pero I'll keep in touch"
at may inabot sa akin na box si Kuya.
"Trav, eto yung engagement ring tsaka wedding ring nyo, ibibigay nya sana sayo yan nung gabing nangyari yung aksidente"
naiyak ako habang hinahaplos ko yung mga singsing.
"Kuya kay Rob yan, hindi sa akin yan. Baka may paggamitan nyan in the future"
"Sayo 'to, ikaw na ang magtago"
"Hindi na Kuya, dalhin nyo na yan, mag-iingat kayo ha?"
at nagyakapan kami ni Kuya. Lumapit din sa akin ang Parents ni Rob at nagpaalaman na din. Kumaway lang ako kay Rob habang nasa loob na sya ng sasakyan at unti unti na silang papalayo.
Habang nasa cab ay naisip ko na baka hindi talaga para sa akin ang mainlove. Kahit na masakit ay pinilit ko na mag-move on. Sobrang mahal ko si Rob pero wala akong magawa. Siguro panahon na lang ang magsasabi kung gaano ko kamahal si Rob. Simula noon ay hirap ako kumilos. Lalo ko kasing naalala si Rob habang nasa flat ako. Sa tuwing may kakatok umaasa ako na sya iyon. Sa tuwing uuwi ako galing ospital umaasa ako na may bubusina sa akin at pagbubuksan pa ako ng pinto ng kotse. Sa tuwing naglalakad ako mag-isa ay umaasa ako na may aakbay at hahalik sa pisngi ko. Halos mamatay ako sakit na dinulot nito sa akin pero alam kong hindi naman ito pinili at hindi din ito kasalanan ni Rob.
Nung pauwi ako galing sa paghatid kay Rob ay may nakita akong green na journal. Natuwa ako at bumili ako ng limang piraso. May purpose pala ang pagbili kong iyon. Green ang paboritong kulay ni Rob at pinangalanan ko itong Conversations with Rob. Ginawa ko itong parang diary na ang kausap ko ay si Rob. Lahat ng pwede ko ikwento in person kay Rob ay nakasulat dito na parang nagkwekwento lang ako sa kanya habang magkatabi kami. Naglalagay ako ng picture kung kinakailangan. Eto ang first entry ko sa Conversations with Rob na naka-attach yung picture naming dalawa na kinunan sa ospital nung araw na lalabas na sya.
"Dear Rob,
Thank God magaling na ang big boy ko! Syempre naman super macho kaya ng big boy a.k.a BF ko kaya mabilis ang healing process parang si Wolverine lang. Hehe. Kidding aside. Magpeprepare ako ng mga foods na favorite mo para gumaling ka kaagad. Hindi muna ako hihiga sa braso mo kasi masakit pa yan. Ikaw muna ang baby ko sa gabi habang ang baby ko ay nagpapagaling. We will watch ng buong season 4 ng House M.D. kahit na magtanong ka nang magtanong about sa mga sakit ay sasagutin ko. Yun lang. I love you very much mwah!
-GF"
Lahat ng sinusulat ko sa journal ay masaya, hindi ako naglalagay ng malulungkot na thoughts. Nilagay ko din yung mga dapat na gagawin namin dahil binalak ko itong ipadala sa kanya. Lagi kami nag-uusap ng Mommy at Daddy ni Rob, binabalita sa akin ang kanyang progress, regular daw ang check up ng Neurologist at mukhang okay naman daw except lang yung sa part na hindi nya ako maalala. Habang tumatagal ay nawawalan na ako ng pag-asa. Unti unti ko itong tinanggap.
Dumating ang birthday ni Rob. Tinawagan ko sya pero saglit lang. Wala din naman kaming mapag-usapan dahil awkward ang dating para sa kanya. Nagpadala din ako ng birthday gift at nagtext sya agad ng thank you nung makuha na nya. Sa journal naman ay vinideo ko ang sarili ko na nagbebake ng chocolate cake na favorite nya at nandun din kung paano ko sinelebrate ang birthday nya na mag-isa lang. Nung matapos ay binurn ko ito at nilagay ang CD sa tapat ng page ng journal.
Lumipas ang ilang buwan at hindi ko namalayan na halos anim na buwan na ang nakalipas. Alam ko na hindi na healthy kung patuloy ko pa din iiyakan ang nangyari sa amin ni Rob. Isa itong wake up call para sa akin at kinakailangan ko na ayusin naman ang sarili ko. Habang nandun ako sa lugar na kung saan ko laging naaalala si Rob ay hindi ako makaka-move on. Kaya napagpasyahan ko na mag cross country na lang. Inofferan ako ng ospital na magtrabaho sa sister hospital nila na nasa Los Angeles, nagdalawang isip din ako na baka sakaling bumalik ang alaala ni Rob at puntahan ako sa flat, pero naisip ko na wala na siguro talaga para sa amin.
Nagpaalam ako sa Parents at Kuya ni Rob na lilipat na ako sa Los Angeles. Nalungkot sila pero alam nila na kailangan ko yun. Nag-sorry din sila kasi daw mahirap ang pinagdaanan ko dahil kay Rob, pero sabi ko na wala naman may kasalanan nun at lalong hindi gustong mangyari ni Rob yun. Malungkot ako ng iwan ko ang Canada, pero akala ko na iniwan ko na dun ang lahat pero hindi pa din pala. Pagkaayos ng mga papeles ko ay pumunta ako agad sa Los Angeles. Na-inform ko na din ang pamilya ko sa Pilipinas at masaya naman sila para sa akin.
New life ang dating sa akin ng pagtira ko sa Los Angeles, pilit pa din nagmomove on. Habang naglalakad lakad ay may pamilyar akong mukha na nakita. Habang papalapit ay mas lalong naging malinaw kung sino ang kaharap ko, Si Xander.
"Trav!"
at nagyakapan kami.
"Anong ginagawa mo dito? Di ba nasa Chicago ka dapat?"
"Nandito sila Mimi at ang anak ko, hindi pa din kami okay eh. Pero pinapayagan naman nya ako na makita ko ang anak ko. Mahal ko sila Trav pero hindi na yata kami makakapagsama sa iisang bahay"
ang sabi ni Xander.
"Wag ka mawalan ng pag-asa. Tutulungan kita"
"Thanks, bakit ka nandito?"
at kwinento ko ang nangyari sa amin ni Rob. Nalungkot din sya para sa akin pero sinabi ko na okay lang yun. Pagkatapos nun ay pumunta kami sa apartment na tinutuluyan nya at namangha ako sa ganda ng apartment nya. Punong puno ito ng pictures ng baby at ng asawa nya. Kulang na lang dun ay ang asawa at ang anak nya. Kinuhanan ko ito ng picture at alam kong may paggagamitan ako nito.
Madali naman akong nakapag-adjust sa bago kong trabaho. Nagpaalam ako sa family ni Rob na kung pwede ay putulin na muna namin ang communication namin, hindi dahil sa ayoko na sa kanila kundi mas mahihirapan akong mag-move on. Naintindihan naman daw nila yun at pinadala ko ang address ko sa kanila, na baka sakaling sulatan nila ako. Sinabi ko din na kung sakaling makahanap si Rob ng bago nyang iibigin ay wag nilang pigilan at suportahan nila.
Lately lang ulit akong naging active sa Facebook at may message sa akin si Rob. Kinabahan ko at naexcite na basahin ito.
"Travis, hindi ko alam pero lagi kong naaalala ang pangalan mo. Close talaga tayo baka pwede mo naman ako kwentuhan? Lagi ko kasing tinitignan mga pictures natin sa bigay mong photo album. Baka makatulong sa pag-alala ko sayo yung mga kwento mo"
Hindi ako nagreply sa message ni Rob dahil ayokong bigyan sya ng stress sa pagpilit na maalala ako. Kahit na labag sa loob ko ay tiniis kong hindi replyan si Rob at nagpatuloy sa buhay kahit hindi ko na sya kasama.
Mabilis ang panahon at mag-iisang taon na simula nung naaksidente si Rob. Nakaka dalawang journal na din ako dahil araw araw pa din akong nagsusulat. Pero alam ko na balang araw ay titigilan ko na din ito.
Napag-alaman ko na umuwi na pala ang parents ni Rob sa Pilipinas at sila na lang ng Kuya nya ang nasa Vancouver. Okay na daw kasi si Rob at ayaw magpa-baby.
Mag-iisang taon na din kakasuyo si Xander sa mag-ina nya. Naawa ako sa kanya at napagpasyahang tumulong. Kung tutuusin ay pareho kaming malungkot ni Xander at kung gusto namin magpakasaya ay maaari naming gawin pero dahil na din sa respeto ay hindi na namin ito ginawa.
Pumunta ako sa bahay nila Mimi at natandaan nya ako. Alam pala nya ang tungkol sa amin at nagsosorry sya dahil sya daw ang sumira sa amin. Sinabi ko naman na wala na yun at tapos na at silang mag ina ang buhay ni Xander. Pinakita ko sa kanya yung itsura ng apartment ni Xander na puno ng pictures nila. Naiyak sya dahil narealize nya na mahal pala talaga sila ni Xander. Nakiusap ako na kung sana mapagbigyan nya na maging masaya ulit si Xander sa darating na birthday nya na kung pwede dun na sila tumira at magsama na silang pamilya sa isang bahay. Pumayag naman ito at tinulungan kong mag empake ng gamit nila at nung araw din na yun ay sinamahan ko sila pauwi sa apartment ni Xander. Nasurprise si Xander at napaiyak din nang malaman nya na dun na titira sa kanya ang mag-ina nya.
"Thank you Trav!"
"Ano ka ba okay lang yun"
"Makakabawi din ako sayo Trav"
ang sabi ni Xander.
"Wag ka sa akin bumawi, sa mag-ina mo ikaw bumawi"
at nagngitian kami.
Nagpaalam ako na aalis na at nagyakapan kami ni Mimi. Alam ko na simula na iyon ng kaligayahan nilang pamilya.
Hindi ko na napigilan ang paglipas ang panahon, Nabuhay ako ng wala si Rob, mahirap pero kinaya ko. May mga pagkakataong hinahanap hanap ko pa din sya pero hanggang dun na lang kami marahil. Pinilit kong maghanap ng bagong makakasama, pero nauuwi lang ako parati sa pagkabigo. Sinabi ko na lang sa sarili ko na kung may dadating talaga para sa akin ay darating, kung hindi naman ay baka wala talagang nakatadhana sa akin.
Ilang buwan na din ang nakalipas, ilang buwan na lang magdadalawang taon na simula nung aksidente ni Rob. Wala na akong balita tungkol sa kanya. Pero naikwento sakin ng Mommy ko na balik trabaho na daw si Rob. Nalaman ng Mommy ko dahil nag-uusap pa din sila ng Mommy ni Rob.
Ikakasal na sa Church sila Xander at Mimi, tinanong nila ako kung pwedeng isali nila ako sa entourage at pumayag naman ako.
Huling sulat ko na sa Conversations with Rob journal. Ito ay yung birthday nya. Doon nilabas ko ang lahat ng sama ng loob at ang pag Goodbye ko sa kanya. Ayoko din naman kasing habangbuhay akong magsulat at umasa. Iyon na ang panglima at huli kong journal. Gusto ko sanang tignan ang iba pero pinigil ko ang sarili ko. Lahat ng yun ay ang mga magagandang nangyari dapat sa amin at sabi nga sa kasabihan All good things must come to an end at napagpasyahan ko itong itapon na.
Dumating ang araw ng kasal ni Xander at Mimi, masaya ang lahat at pumunta dun ang bestfriend kong si Zoey, Raf at ang anak nilang si Kiefer. Tuwang tuwa ako sa pamangkin kong ituring na si Kiefer. Pagkatapos ng reception ay nangakong magbobonding kaming mag-bestfriend sa mga susunod na araw. Naiwan ako sa venue at nalungkot ako kasi kailangan ng mawala ang mga journal. Tinitignan ko ito nang lapitan at nakita ako ng mag-asawa at kinomfort nila ako.
"Ano yang box na yan?"
ang tanong ni Xander.
"Ah mga journals ko, Conversations with Rob, alam mo yun di ba? Itatapon ko na kasi mamaya pag-uwi ko, Can you do me a favor, please?"
ang tanong ko kay Xander.
"Sure"
"Pwede ba ikaw na lang magtapon nito? I know masakit sa akin pag ako nagtapon nyan pero kailangan na kasi nyang mawala"
"Are you sure? Itatago ko na lang yan muna"
"No, itapon mo please?"
"Baka naman magsisisi ka Trav"
"Buo na yung decision ko. So please make me happy? Can you?"
tinignan ako ni Xander at ngumiti.
"Okay. Akin na yan"
at kinuha na ni Xander ang box.
"Aalis na ko, thank you!"
at hinalikan ko sila pati si Trevor ang anak nila Xander at Mimi.
"Xander, ayoko nang makita yan ha? Utang na loob, itapon ha?! Please!"
"Okay okay no problem! Bye!"
"Bye"
at umuwi na ako. Pagdating ko sa unit ko ay nakatulog agad ako.
Parang hangin na dumaan ang mga araw at malapit na ako mag-birthday. At 27 single pa din ako, kahit na may magandang trabaho ay hindi pa din buo ang pagkatao ko. Bigla kong naalala ang sinabi ni Rob na pag single pa din ako at 27 ay pakakasalan nya ako. Natuwa ako bigla at naalala ko din yung iba pa naming masasayang sandali. Hindi na ako naiiyak, ginagawa ko na lang na inspirasyon na ang nangyari sa amin ni Rob.
Hindi ako nakapagcelebrate ng 26th birthday ko dati, iyun kasi yung panahon na down na down ako. Nung nag 27th ako ay naghanda ako ng party. 5 days before ay tinawagan ko sila Xander para imbitahin at tinanong ko kung tinapon ba nya talaga ang mga journal.
"Xander, tinapon mo ba talaga yung mga journal?"
"Yes! why? You want it back? Sabi ko na sayo eh pagsisisihan mo"
"No. I'm just making sure. Baka kasi hindi mo tinapon. Alam ko naman na madami kang pasabog baka kung anong ginawa mo dun"
at nagtawanan kami. Sa totoo lang imbes na makaramdam ako ng lungkot sa pagkawala ng journals ay parang natuwa ako, hiniling ko naman ito na mawala kaya dapat wala akong pagsisihan.
Naiayos ko na mag 3 days off ko sa work bago dumating ang birthday ko. Kaya nakapagpahinga ako ng isang araw bago dumating ang birthday ko, this time alam ko wala nang dadating na Rob para i-surprise ako. Natanggap ko na din na wala na talaga. Nung kinagabihan ay hindi ako makatulog. Kaya lumabas na lang ako at naglakad lakad. Malamig ang weather nun at dahil sa hilig ko sa pagtambay sa park ay pumunta ako sa park na malapit sa unit ko at dun nagpalipas hanggang sumapit ang 12 AM - ang aking birthday.
Naupo ako sa isang bench na malapit sa post. Habang nagbabrowse ng mga pictures sa cellphone ko ay may tumawag sa akin.
"Travis!"
paglingon ko ay si Rob, sinundan nya ako sa Los Angeles. Natulala ako at parang gusto ko syang yakapin pero pinigil ko ang sarili ko.
"Yes?"
at naghintay ng sagot mula sa kanya.
"Simula nung nasa ospital pa ako ay tumatak ka na sa akin, hanggang nung umalis kami papuntang Vancouver ay naaalala ko ang pangalan mo pero hindi ko maalala kung anong meron tayo. Sa gabi napapaginipan kita, nahuhulog ang loob ko sayo habang tinitignan ko ang mga pictures sa photo album na binigay mo"
at naiyak si Rob.
"Sabi nga ni Kuya, ikaw ang partner ko, gusto ko man maniwala pero hindi ko talaga maalala, alam ko na dapat may kayakap ako, hinahanap hanap ko yung taong nag-aalaga sa akin pero hindi ko matandaan kung sino. Araw araw kahit nasa trabaho ako ay naiisip kita, hindi ko maipaliwanag pero mahal talaga kita kahit na wala akong maalala tungkol sayo, hanggang sa mabasa ko ito"
at ipinakita ni Rob ang limang green journals, ang aking Conversations with Rob na hawak mismo ni Rob. Nagtaka ako kung paano napunta yun sa kanya dahil ipinatapon ko na iyon kay Xander.
"Nabasa ko ang lahat ng mga nakasulat dito, ang mga pictures at napanood ko ang mga video na nasa loob. Trav, dahil dito bumalik ang alaala ko sayo. Sa loob ng dalawang taon, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sayo. Nadagdagan pa yun dahil sa araw araw kong pagtingin sa mga photo album. Trav, patawarin mo ako"
at lumuhod si Rob sa harap ko. Agad ko syang pinatayo at nagyakapan kami ng mahigpit.
"Rob, hindi mo kasalanan yun"
at tuloy kami sa pagyakap.
"Ako pa din ba ng prince, big boy at BF mo?"
"Oo, ikaw pa din"
"I love you Trav. I love you, babawi ako sa dalawang taon na nawala sa atin"
at hinalikan nya ako sa labi. Napakasarap ng halik nyang iyon. Hindi ko maipaliwanag pero tila nagdiwang ang katawan ko sa paghalik sa akin ni Rob.
"I love you too, Rob"
at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Nung bumalik ang alaala ko pinuntahan kita sa flat pero wala ka dun. Pumunta din ako sa ospital pero nalaman ko na lumipat ka na dito sa LA. Akala ko hindi na kita makikita hanggang sa kinontak ko sa Facebook si Xander at binigay nya ang address mo dito, sya din ang nagpadala sa akin ng mga journals"
ang sabi ni Rob.
"Si Xander"
at napangiti ako.
"Di ba may deal tayo na kapag 27 years old ka na at single pa din pakakasalan mo ako? Hindi mo yan naisulat sa journal pero natatandaan ko"
"Oo naman"
"So ngayon ay 12:12 AM na and officially birthday mo na, gusto ko sana ibigay 'to sayo, dapat noon pa ito eh pero kung tatanggapin mo"
at pinakita ang engagement ring na binili nya dati bago ang aksidente.
Naluha ako at hindi na nakapagsalita. Sobrang saya ko ng mga panahong iyon. Ito na yata ang pinakamagandang birthday gift na ibinigay sa akin. Lumuhod si Rob at sinabing:
"Will you marry me?"
"Of course"
at nagyakapan kami. Pinunasan ni Rob ang mga luha ko at naramdan ko ang pagyakap nya sa akin.
"I love you so much Trav"
habang hinahalikan nya ako sa noo.
"I love you too my big boy"
at hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
Inaya ko sya sa unit at habang papunta kami dun ay nakaakbay sa akin si Rob. Tinawagan ko si Xander na parang alam na nya kung ano ang nangyari sa park kanina.
"Xander, thank you"
"Ngayon alam mo na, hindi ko itinapon ang journals mo, pinadala ko kay Rob, kanino pa ba dapat mapunta yun kundi sa kanya lang"
"Thank you talaga"
"Di ba sabi ko sayo babawi ako sa pagtulong na ginawa mo sa akin sa pagpapauwi mo dito ng mag-ina ko. Yan na yun. Sige na magmoment na muna kayo, alam ko namiss nyo ang isa't isa"
"Okay, bye!"
"Alright"
at binaba ni Xander ang tawag. Nang makarating kami sa unit ay kumain muna kami ni Rob. Tuwang tuwa sya dahil sa wakas nahanap na nya ako. May nangyari sa amin ni Rob ng gabing iyon. Nadala kami ng mga damdamin namin at masaya akong ibinigay ang sarili ko sa kanya. Puro sarap lang ang naramdaman namin ni Rob ng gabing iyon. Alam namin na kami talaga ang para sa isa't isa. Nakatulog ako sa braso ni Rob, habang yakap ko sya.
Paggising namin ay nagluto ako ng paborito nya. Pagkatapos nun ay pumunta sya sa hotel na tinutuluyan nya, nag-check out sya at lumipat sa unit ko. Kinagabihan idinaos ang Party ko. Ibang saya ang meron ako noon dahil buo na ang pagkatao ko. Nung araw din na yun pinaalam ni Rob sa pamilya namin, mga kaibigan at mga kakilala na ikakasal na kami at masayang masaya sila para sa amin.
Kinasal kami ni Rob sa Canada, nakapunta ang parents namin pareho pati na din sila Josh at Alfonso. Pagkatapos ng dalawang araw ay bumalik kami sa Los Angeles at napagdesisyunan namin na dun na manirahan. Masaya kaming magkasama sa isang bahay. Hindi nahihiya si Rob na ipakita ang pagmamahal nya sa akin kahit may ibang tao. Kahit ako ay ganun din. Masaya kaming gumigising sa umaga at natutulog sa gabi nang magkatabi at magkayakap.
Pero naniniwala ako na hindi ito ang happy ending namin ni Rob, dahil naniniwala ako sa kasabihang
'True love has no happy ending because true love never ends'
The End :)

Sobrang ganda ng storyng ito, sinubaybayan ko talaga. . . It's like reading a fairy tale that came true to life. Congrats to the Writer. You really deserved the happiness that you experienced now in your life. Good Luck and God Bless po sa iyo 2 thumbs up. (^^,)v
ReplyDeletethe story was very great..fr0m the first to last..!sinubaybayan ko tlga e2..!nkakat0uch at nkakainspire..god gave u a nice and great relationship..to both of u..c0ngrats and m0re power.!u deserve it..to the writer..job job..100 stars to you.
ReplyDeleteEchuchera ilusyandang bading haha
ReplyDelete^ Watch you words dude. Nakikibasa ka lang so respect. It's their story, not yours so shut the fuck up
ReplyDeletehahahaha... tama.. (natawa ako don ah)... syanga naman Anon (March 5, 2013 at 9:26 PM), make ur own story... nakikibasa na nga lang tayo...
DeleteGumawa ka kaya ng sayong story (suits to your needs, na sa alam mong mapi-please mo ang mga readers, sige nga). At nang makita naman natin ang reaksyon ng mga readers at ma-feel mo kung ano ang feelings ng ma-eklay.... (hahahha... "maeklay"... wagas ang terminology ko)... nyahahaha.. saya tlaga dito sa KM.
May mga kwentong makatotohan at may ilusyon lamang . Ang isang ito ay ilusyon lng kaya natawa ako haha masyado kayong seryoso sa buhay haay pathetic gays nag papaniwala sa ilusyon bwahaha
DeleteAno bitter ka sa life mo? Kahit fictional to atleast some people can learn from it.. we are not pathetic we just know how to appreciate good things..
DeleteYan mga tarushi ekek was taste teh di ko na read ...superb hallucinating illusyunist
Deletenaluha ako sobra. a story worthy of a thousand applause..
ReplyDeletehonestly d ko nasubaybayann ang story nato.. bgong reader lng kc ako ng site na to.. i think 4 or 5 chapters lng ata nabasa ko sa story nato. but this story was great. medyo may pagka oa ang ilang segments.. real life story b to.? ask lng. if ever real life story to npakaswerte ni trav from family lovelife to career .. ang sarap maging bakla kung ganyan buhay mu. hehehe
ReplyDeleteNapaisip din ako kung real story ito.. Pero hindi naman nabanggit sa kwento na binigay ang lahat ng ganun ganun na lang, from love life hanggang sa career pinaghirapan yun para makuha.. Masarap talaga mabuhay lalo na kung pinaghihirapan ang mga bagay bagay hindi lang puro hingi... Para sa akin real story to
DeleteAng ganda ng kwento naiyak ako.... Sa kakareklamo ng mga bitter at mga insecure dito baka wala na tayong mabasang magagandang kwento dahil sa baka mawalan na nang gana ang mga writers... Please lang kung bitter kayo sa mga love life nyo wag nyong isisi sa iba na bakit sila may magandang love life at kayo wala, hindi na nila kasalanan yun.... Yung mga hindi magandang salita na binibitiwan nyo babalik din sa inyo yan....
ReplyDeletePak na Pak! Correct!
DeletePako ko pak ay mali..nge nge
DeleteIkaw na yan Travis! Lumelevel ang haba ng hair mo sa buhok ni Kakai Bautista! Ganda mo teh! NKKLK
ReplyDeleteI read the story from the 1st chapter to finale.. it is not good or better than the other stories... it is the BEST!!! Almost everyday i am visiting this site to check kung may update na yung story na to... i was really hooked sa kwento ni travis... at first i was pro xander pero when he said the things that rob is doing for him everyday i had the changed of heart...
ReplyDeleteBut this finale is the only story here in this site that made me cry... from the start naaccident si rob until the end my tears never ceased to fall... eventhough bumalik na yung memories nya, still i was crying.. i really love this plus the fact that i also have my "rob" in my life minus the amnesia part..
May this story be fictional or not, one thing is still important. I managed to feel how important is it to love and to be loved.
gusto kong gawin nila tong movie.!!! pls!!! sinubaybayan ko toh simula una hanggang huli. hnd tuloy ako mkpgconcentrate sa klase. naiiyak akooo!!!!
ReplyDeleteyup.. sana gawin movie to. kakaiyak talaga.
Deletegaling ng story... nkaka-inlove, nkaka-iyak and nkaka-inspire... good luck sa inyo and sna magpatuloy ang healthy relarionship... :)
ReplyDeletekenj
Trav!!!!!! Grabe i follow this story all throughout. And wla n akong story n dpat abangan every week, kc ntapos n din ang love story mu with a happy ending. We readers really appreciate ur story. Thank you and take good care of Rob.
ReplyDeleteThanks Trav!! Ganda ng story...
ReplyDeletePara sa mga hopeless romantic na kagaya ko, well, salamat sa story mo. Ito lang ang sinubaybayan ko sa site na to. And it's a pleasure na nashare mo ang story mo. Alam ko ang feeling ng pag-pustahan(part 12-revelation), gawin kang parausan(first part). Peo kakalokang ewan lang, it's just like nagiging nostalgic ako sa mga nakakalokang sitwasyon ng life ko. Although super single ako, I do still manage to wait. Wait. Wait...... Baka mahanap ko rin ang Rob na babago ng buhay ko. AT NG PAGKATAO KO. SALAMAT NG MARAMI, balik na ako sa project ko, baka kung di ko pa gagawin to, magra-rush na naman ako. Hehe.... Ciao!
ReplyDeleteTravs and rob ang gnda ng story..two thumbs up..
ReplyDeleteiyak aako ng iyak..una dahil akala ko ay di na sila magkatuluyan ni trav and rob, i placed myself sa katauhan ni trav, nagdurusa for 2 years sakaling bumalik ang tamang pag iisip ni rob..ngayon ay naiiyak pa rin ako, iyak ng kaligayahan ngayon...GOD blesses you both Trav and Rob....tama ang nabasa ko.."TRUE LOVE HAS NO HAPPY ENDINGS BECAUSE TRUE LOVE NEVER ENDS."
ReplyDeleteTrav! Kung cnu ka man saludo ako sayo... ansakit sa heart nong Last Part. Im still Crying till Now.. posting a comment Is d least thing i could do. Pinagtyagaan Ko To talaga.. thanks sa kwento.. wala akong Masabi... galing galing Mo talaga.. gusto Ka Nmin Makita.. sana magawan Ng movie to. o Sa magpakailanman Sa gma O Mmk. I'll treasure Ur story... huhuhuhu...
ReplyDeletewill i end up writing my story? a story that ends just like yours? hehehehe... pd umiyak? lols
ReplyDeleteOMG! I am so teary-eyed with this story. I have been following this story ever since the first part. Kudos to you Trav for this wonderful story! I'm happy that you found your peace of mind in Rob. At first I must admit, I wanted Xander for you, but after everything Rob has done for you, he really is the best person for you. Someone who loves you unconditionally and accepts you for who you are and what you are. I wonder if ever I'll find my own Rob. Too bad I'm not as optimistic about that possibility. Anyway, thanks again for this wonderful story and kudos! Hopefully, your love for each other stays forever!
ReplyDeleteEnd nba talaga? Sana may ksunod na chapters pa ang story mo! By the way thank you for sharing your very unpredictable life/love story.. It was totally awesome.. Ang ganda ng naging takbo ng buhay mo, dito mo masasabi na may true love talaga at yung destiny na makakita ka ng taong mamahalin ka at tatanggapin ng buong buo! Hindi lng sya luck of finding or getting someone na mamahalin ka for life but bec. You deserve this and very worthy lalo na sa pinagdaanan mo.. Congrats to you Mr Travis!
ReplyDeletemapa totoo man ito or hindi, my mga aral padin na naibahagi ang kwntong ito para sa satin...
ReplyDeletepero untill now panay parin ang luha ng mga mata ko...
Sana maging movie nga ito... gudluck sainyo...
Happy for both of you!
panalo!! kudos sa author!!
ReplyDeletei love it..
Hey guys, this is Travis. Thank you sa lahat nang mga readers ng kwento namin. Good or bad comments ay naappreciate ko. Thank you sa inyo na nagtiyagang bumasa nito kahit na minsan ay OA para sa iba. Pero hindi ko naman pwedeng dagdagan o bawasan ang mga nangyari para lang magmukhang katanggap-tanggap sa lahat kasi yun talaga ang mga tunay na nangyari. Madami pang kwentong nangyari pagkatapos nun katulad nang nagkita ulit kami ni Aaron habang kasama ko si Rob. Muli ay isusulat ko ang mga pangyayari na dapat nyong malaman. Maraming salamat ulit sa inyo at sa muli nating pagkekwentuhan.
ReplyDeleteGaling ng kwento mo Trav.
DeleteIf this is fictional, congrats. It shows that ur a very good writer, the fact na napakaraming sumubaybay sa kwento mo, including myself.
If this is true-to-life naman, congrats lalo! Haha! Bihira ang nabibiyayaan ng ganyan, to find the person who truly loves you. (The "kahit nakalimutan ka na ng isip nya, pero hindi ng puso nya" part). I wish you too all the best! For you both deserve it.
Sulat ka pa ibang kwento. Kahit karugtong pa ng love story nyo ni Rob or iba naman. Wag intindihin mga bitter jan. Mga utak-lamok yan. Hehe.
Kudos to you Trav. Godbless. ;)
Jadedboy
Very inspiring.....sobrang nakakaiyak....congrats Travis:)
DeleteIm so happy for both of you, nabasan yung problema na nararamdaman ko when i read this story. Kelan ko kaya makikita si right one ko? Hahaha hope i can find it soon. :)
ReplyDeleteSana makilala ko si TRAV at ROB! haha gusto ko sila ma-meet in person kung true story man ito! Sobrang ganda ng love story nyo at saludo ako sa inyo! more power!!
ReplyDeleteShet.sobrang naiyak ako dito.ang ganda ng story .worth it ang pagbabasa ko.
ReplyDeleteI read the 14 chapters again and right now I'm still crying! This chapter really broke my heart into a million pieces. I always tell my Quality Coach before that I was not born with empathy but then I empathized with you all the way. Putting myself in your shoes made me cry so hard. Good thing no one is awake yet. Thank you for this wonderful story Travis! I just hope I find my missing puzzle peace. My own "Rob."
ReplyDeleteI simply LOVE THE STORY! sana mameet ko sila in person! Kung totoo man sila :-)
ReplyDelete3 last chapter lang ang nabasa ko sa story ba ito. pero sulit na. habang binasa ko ang final chapter ay di ko napigilan ang aking mga matanag lumuha. subrang na-appreciate ko ang story. wala kong paki kung fiction or non-fiction ang kwentong ito, basta na enjoy ko ito masyado. masayang basayahin dahil hindi kalaswahan ang umiikot sa boung boung kwento kundi purely real love even without sex... na may sex na nangsa final chapter. lahat naman tayo seguro yun ay tawg ng laman, syempre isa na ako nyan. pero ang kwento kwento ay subrang nakakadala ng damdamin sa tunay na pag-ibig ng dalawang lalaking nagmamahalan hindi badal ka sa story dahil sa kalibugan. which yun na man talaga ang mas mahalaga: first is real love then second is just spice of real love. yun ang dapat hindi yung libog ang nauna sa pagmamahala dahil hindi magtatagal ang ganoong relasyon. at mas lalo na kung pure sex lang lang baka aida amor pa ang kinalabasan. so bravo sa writer ng story nito. hoping tom read another story na hindi lang sex purely ang tima kungdi talagang tunay pagmamahal.
ReplyDeleteTHANK YOU TRAV. True story or fiction…, I LOVE IT!!! :-)
ReplyDeleteJedd
Ang galing ng story.... enjoy and inspiring...hnd na ako kumain ng lunch and breakfast..... .. while reading d q na notice na medyo naninikip na pla dibdib and tumutula na luha q... gustuhin q man mag hagolgol and maghysterical d q magawa d nman mkkarelate mga boardm8 q......this is a wake up call to me... now i know who really am i! i'll do everything to express my feelings and to avoid bitternes... i also learned from this story,,,do good things and u will be rewarded at the end ... this story is my Lenten reflection.... Godbless and thank you travs... more power.... sna mkanap aq na friends tulad mo! true love will always be in our heart no matter what happen....
ReplyDeleteGood story! Pro mas gusto ko kng c Xander pa rin till the end..
ReplyDeletewala akong pake sa negative comment dito..
ReplyDeletebasta nagustuhan ko ung story..
kung totoo man to.. sana makilala ko kaung lahat.. hehehe.. lalo ka na travs..
ang tapang mong tao.. hehehe..
hindi na din ako nag break sa office para matapos lng tong binabasa ko.. hahaha..
sana mas dumami pa ang ganitong love story dito sa blog na to.. puro kasi kalibugan ang laman e.. hehehe.. kung sabagay, un nga naman ang title ng blog na to.. ^_^
good luck sa relationship ninyo..
gusto kong maging friend si travs at rob.. parang ang sarap nilang maging kaibigan at hingan ng advice tungkol sa lovelife.. hehehe..
kung mababasa mo to autor, reply ka naman.. hehehe..
--dave QC
hoping, na mabasa mo to autor.. ^_^
fictional or true story
ReplyDelete2thumbs up. kudos for the writer
Nakakainggit ang pagiging babae ni travis! Isa kang tunay na babae! Great story..
ReplyDeleteAlam mo trav,, kung nababasa mo man ito... thank you,,,hindi ko alam kung bakit nag thank you ako... cguro binigyan mu aku nag pagasa na may magmamahal sa akin,,, thank you,,hindi ako nagcomment sa lahat ng chapters ng story kasi straight reading ginawa ko hanggang last...thesis defense na naman next week...alam mo kayu yung naging ispiration ko. thank you sa lahat .. sa ko sa lahat lahat,,, dto ku nalaman kung anu talaga ang silbi ko dito sa mundo,, thank you,,, hindi masusukat ng thank yong ito ang sinsiridad ko sa pagthank you,,, babaunin ku tung storyang tu,,, hanngang dumating yung BF ko.. kung dumating man cya,,, thank you..THANK YOU !
ReplyDeleteTravis, maraming-maraming salamat for sharing this to us... =)
ReplyDeleteAsk ko lang why Saltwater Room ang title? haha
-eRiQuE
Favorite nya kasi yung kantang Saltwater Room by Owl City :)
ReplyDeleteWhat a great love story. The likes of Endless Love. A loud roar to the writer.
ReplyDelete