m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Monday, June 10, 2013

KJ Closet (Part 1)

By: Prometheus

It was my first kiss.

Yun lang ang tumatakbo sa utak ko ng mga sandaling iyon at tila ba naka slow motion ang lahat ng mga pangyayari matapos nya akong halikan. Damang-dama ko pa yung labi nyang napakalambot; kung papaano nun binuka ang sarili kong mga labi para makapasok ang kanyang dila sa aking bibig. How his hands wrapped around my waist and crawled up my spine. At yung mga hiyawan ng mga barkada nya habang nagka-countdown na para bang in-amplify ng eardrums ko - everything in 5 seconds.

At sa loob ng limang segundong iyon, ayun, tulala lang ako. Nakikiramdam, pinagmamasdan yung mukha nya na para bang gustong-gusto yung ginagawa nya. Bigay na bigay, ika nga.

Nung binabalak ko nang gumanti ng halik, saka naman sya bumitaw. Tapos na pala yung 5 seconds - na hindi ko man lang na-enjoy. Shit. Pero hindi ko makakalimutan yung smile na binitawan nya matapos ang limang segundong iyon kasi, well, ngumiti rin ako. At iyon lang yung moment na masasabi kong na-enjoy ko kasama sya. It was the happiest moment of my life.

Kung hindi ko lang tiningnan yung grupo ng mga babaeng nasa likod nya; para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Sakto namang umalis na sya. And I know by that time that I'm fucked.

*
"Uy, bakla! Grabeeeee! Nakita mo yung kanina?! Si Jason. Oh-my-god si Jason hinalikan si-"

"Eh paanong hindi ko makikita iyon kung ako yung hinalikan ni Jason? Ang tanga-tanga neto."
"Kasi naman ikaw eh, kitang-kita ko sa mga mata mo noon na nasa ibang planeta ka. Kahit sino naman sigurong babae o bading sa lugar na 'to eh makikipagngabngaban din kapag hinalikan sya ng isa sa pinaka-gwapong nilalang dito sa paaralan!" sabay halakhak na parang ewan.

"Oy ikaw ah, sumosobra ka na. First and for most, I am not gay. Hindi ako bading, ok? At-"

"Asuuus. Kunwari ka pa. Pa-I'm not gay I'm not gay ka pa, gustung-gusto mo rin lang naman na hinalikan ka ni Jason kanina. Buong hapon nga tulala ka eh. Kaya nga hinabol kita ngayon kasi alam kong ang dami mong iku-kwento habang naglalakad tayo pauwi. Hihi."

"Ok, fine. Gusto ko nga na hinalikan ako ni Jason. Pero alam mo naman siguro kung bakit pinagpipilitan kong hindi, diba?"

"Oo na, oo na. Kasi nga ikaw lang ang kaisa-isang magpaparami ng lahi nyo."-buntong hininga-"Pero isa lang ang point nun."

"Ng alin?"

"Nung pagkiss sayo ni Jason."

"Oh, ano nga ba point nun?"

"Na may gusto sya sayo! Ahaha! At natupad din ang dream mong magkiss kayo. Oh diba? You killed two birds with one stone! Swerte mo te!" si Clarisse.

Bestfriend ko si Clarisse. In fact, crush ko sya. Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa mala-Angel Locsin nyang ganda (at katawan, if you ask me). Halos lahat yata ng lalaking nadadaanan nito napapalingon sa kanya.

Pero noon yun. Nang lumalim na kasi ang pagkakaibigan namin, napapansin ko na medyo lumalamig sya kapag nagpapa-sweet ako sa kanya kaya naisip ko na mas mabuting maging friends na lang kami. Sayang naman kasi kung masisira lang ang pinagsamahan namin kung ipagpipilitan ko pang ligawan sya. Besides, may nagugustuhan maman syang iba na, unfortunately, nililigawan sya. Awts. Pero hindi ko pinagsisisihan yung naging desisyon kong iyon kasi mas lalo pa kaming naging close na parang magkapatid na sya namang ikinatuwa ko - wala kasi akong kapatid.
*
"Dad, bless po."

"Oh my god, tito! Hindi kayo maniniwala sa ikukuwento ko-"

"Eh 'di wag mo nang ikwento, hindi naman pala maniniwala si Dad eh," singit ko na siyang ikinangisi ni Dad.

"May kahalikan po ang anak nyo sa school!" sabay halakhak.

"Ano?! Anung kahalikan, wala akong hinahalikan no! Masyado namang overstated yang sinasabi mo," tanggi ko.

"Talaga? Hmmm. Sino naman?" tanong ni Dad kay Clarisse. Medyo sinasakyan nya yung mga pinagsasasabi ni Clarisse kasi alam naman nyang mapagbiro ito.

"Yung heartrob lang naman po ng school namin! Ahahaha! Woooooh!" pagbubunyag ni Clarisse. Tatakpan ko sana yung bunganga ng mokong kaso alam siguro na gagawin ko yun kaya hinarang na kaagad mga kamay ko.

Hindi ko mabasa ang ngiting ibinaling sa akin ni Dad. Hindi ko alam kung natutuwa ba sya o tinatakpan nya lang galit nya kasi nandito si Clarisse. Shit, ito na yata yung araw na kinakatakutan ko. Kung bakit ba naman kasi dakdak nang dakdak 'tong bestfriend ko. Kung ito na nga yun, bahala na. Tutal mas maigi naman na malaman ni Dad ang tunay kong pagkatao ng mas maaga diba? At least hindi na sya mage-expect ng kung anu-ano sa akin.

"Sira ka talaga, no? Hay, ewan. Magbibihis nga muna ako." Umakyat na ako para magbihis sa aking kwarto at iniwan ko na sila sa sala. Nakita kong naglabas ng juice at muffins si Dad mula sa ref sa kusina, at alam kong magtsi-tsismisan na naman ang dalawa.

Ang daming gumugulo sa isipan ko habang nagbibihis ako nang mga sandaling iyon. Para kasing lahat ng mga pangyayari nung araw na yun ay dumaan lang na wala akong nagawa kahit mapigilan man lang ang isa. Gusto ko nang umiyak nang maisip ko na baka itakwil na ako ni Dad. Kahit na kasi 2nd year college na ako, hindi ko pa kayang buhayin ang sarili ko. Lumaki kasi akong wala man lang pinroblema - mapa-pera man o pag-aaral. Natutustusan ako ng maayos ni Dad dahil sa pagsusumikap nya. Ngayon, parang gusto kong umiyak dahil mawawala na ang kaisa-isang parte ng pamilya ko.

Bumaba na ako upang ihatid si Clarisse sa kanila. Naabutan ko silang masinsinang nag-uusap kaya medyo nilakasan ko ang yabag ng aking paa para hindi awkward ang pagdating ko. Ayaw ko kasi ng mga ganoong moments lalo na kapag nandyan si Dad.

"Grabe ang tagal mo namang mag-make-up," bati sakin ni Clarisse na may kasamang ngiti. Hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng bestfriend ko kaya napangiti na lang din ako sa kanya kahit na may pagtatampo akong nararamdaman.

"O, nag-bake nga pala ako kanina para may meryenda kayo. Kumain ka na muna bago mo ihatid si Clarisse," ang sabi sakin ni Dad. Hindi ko sya halos matingnan at mas lalong ayaw ko na munang kumain na nandun sya kasi siguradong sesermonan nya ako, kaya sumagot na lang ako ng, "Hindi na po Dad. Magdadala na lang ako. Kakain na lang ako habang naglalakad."

"O sya, bahala na kayo at may aayusin pa ako sa taas."

"Sige po," maikli kong sagot.

"Sige po tito, salamat!" pagpapaalam naman ni Clarisse. Batukan ko kaya 'to? Ang saya-saya pa binunyag nya na nga pagkatao ko.

Habang naglalakad kami, napansin nya sigurong tahimik ako.

"Uy, sorry nga pala ha? Masyado kasi akong na-excite kanina eh, kaya hindi ko napigilan bunganga ko. Baka magtalo pa tuloy kayo ng daddy mo kasi nasabi kong may humalik sayong guy," ani Clarisse.

"Okay lang yun. Ipapaliwanag ko na lang sa kanya mamaya. Mabait naman si Dad eh. Hindi yun gagawa ng kung anu-ano hangga't hindi kami nag-uusap," ang sabi ko naman sa kanya.

Medyo tahimik ang paglalakad naming iyon. Hindi kagaya ng dati na panay ang tawanan namin. Napansin ko ring hindi na sya nagkukuwento tungkol sa nangyari kanina sa school at puro lang mga lesson at assignments ang laman ng mga sinasabi nya. Napangiti ako. Alam nya talaga na ayaw kong pinag-uusapan ang mga ganoong bagay. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam kong may nakakaintindi sa akin.

Dumating kami sa bahay nila at nagpaalam na ako para umuwi, "Sige, uwi na ako."

Akmang maglalakad na ako pabalik nang tawagin nya ako, "Kenneth.."

Nilingon ko sya.

And for the very first time, niyakap ako ng bestfriend ko.

Hinanap ko yung pakiramdam na matagal ko nang ine-expect na mararamdaman ko kapag nangyari ito. Yung sobrang saya na may halo ng umaasa ka na may chance pa kayo? Pero hindi iyon ang naramdaman kong saya; masaya ako kasi naramdaman kong mahal nya ako, at kahit anong mangyari nandyan lang sya para sakin.

Napangiti ako nang bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin.

"Oh, para san naman yun?"

Ngumiti rin sya at sinabing, "Wala. Masaya lang ako para sayo." Sabay gulo ng buhok ko. Pakiramdam ko tuloy ate ko sya. Napansin ko rin ang mga nangingilid na luha sa mga mata nya.

"Ang drama mo naman ate," sambit ko.

Napatawa sya at pinisil yung kaliwang pisngi ko.

"Hmph. Ate ka dyan. Umuwi ka na nga.."

Umuwi ako na may ngiti sa aking mga labi. Ang sarap sa pakiramdam, lumakas ang loob kong harapin si Dad pagdating sa bahay.

*
"So, may boyfriend ka na?" bungad sakin ni Dad pagkasara ko ng pinto ng bahay. Naka-upo sya sa sofa tapos in-off yung T.V. saka lumingon sa akin. Namasa ang mga mata ko.

"Dad, pati ba naman ikaw-?" hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Ang sakit na kasi ng lalamunan ko kakapigil umiyak pero tuluyan pa ring umagos ang mga luha ko.

"Halika nga rito," pina-upo nya ako sa tabi nya. Hinawakan nya yung kanang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

Alam kong disappointed sya sa akin kasi kitang-kita ko yun sa mga mata nyang nagpipigil na ring lumuha. Tapos pinilit nya pa ring ngumiti dahilan para ako'y mapayakap sa kanya at tuluyan nang umiyak.

Hindi ko kayang makitang ganoon si Dad. Sa buong buhay ko, pinipilit kong maging proud sya sa akin: sumusubsob sa pag-aaral para makakuha ng matataas na marka, umiiwas ma-barkada, hindi tumitikim ng alak o ano mang bisyo. Santo ika nga. Napahagulhol ako kasi alam kong nabigo ko sya ngayon. Naisip ko na ako na rin lamang ang kaisa-isang natitira sa pamilyang pinapangarap nya tapos bibiguin ko pa sya.

"Dad, I'm s-sorry." pautal kong sabi sa kanya.

"No. It's okay, Ken," sagot nya.

"Hindi naman sa ine-expect ko ang ganito pero napag-usapan na namin 'to ng Mommy mo nung nasa tiyan ka pa lang nya."

"B-but Dad, paano yung mga pangarap mo para sakin? Gusto kong t-tuparin y-yon para sayo Dad. I-" hikbi "-want you to be proud of me... Dad, a-ayokong ma-disappoint kita."

"I know, baby. But I'm telling you that I am very proud of you. Oo, pinapangarap ni daddy na makahanap ka ng babaeng para sayo at magkaroon ng sariling pamilya, pero okay lang kung hindi mo matupad iyon kasi isa lang naman ang pangarap ko para sa'yo. Ang maging masaya ka. Nasabi ko lang naman na gusto kong makahanap ka ng babaeng para sayo kasi iyon yung nakapagpasaya sa akin; nung nakilala ko ang mommy mo. Lalo na nung nalaman naming magkaka-anak na kami, na darating ka na.

"Actually nagtalo pa kami ng mommy mo noon, eh. Nung na-brought up nya yung topic about sa magiging sexual preference mo. Ewan ko ba kung bakit nya naisip yung topic na iyon. Inisip ko na lang na napaka-open-minded ng mommy mo, which is true. Kaya ko nga sya nagustuhan dahil doon eh. So, nung nabanggit kanina ni Clarisse about yung sa school? Handa akong marinig iyon, anak. Oo medyo nagulat si daddy pero handa kang tanggapin ni daddy, ok? Wag mo nang isipin na magagalit ako kasi walang magmamana ng pangalan natin. Pwede namang mag-ampon dyan diba? O kaya kung gusto mong galing sa'yo, you can try surrogacy gaya nung sa Ina, Kapatid, Anak."

Mahinang "hmm-hm" lang ang sagot ko sa kanya.

"Wait, hindi ko ni-research iyon, ha. Galing yang idea about surrogacy sa mommy mo," sabay napatawa sya.

Napangiti na rin ako sa imaheng nabuo sa aking isipan ng aking nagtatalong mga magulang at yung pag-suggest ni mama ng surrogacy. Tapos tiningnan ko si Dad. Punung-puno ng pag-uunawa ang nakita ko sa mga mata nya. Hindi ko akalaing sa simpleng tingin nyang iyon ay mawawala na yung lahat ng bigat na pasan-pasan ko sa pagtatago ng tunay kong pagkatao. Ang sarap sa pakiramdam na tanggap ako ni Dad noon pa man. Sa sobrang tuwa ko, hinalikan ko sya sa pisngi.

"I love you, Dad. And salamat sa pag-unawa mo at sa lahat lahat na din."

Medyo nagulat sya sa ginawa at sinabi ko.

"I love you too, anak. Always remember na nandito lang lagi si daddy para sa'yo, ok?"

"Ok." Niyakap ko sya ulit. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko nang mga sandaling iyon. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko namalayan ang pagtulog ko habang nakayakap sa kanya.

-----
ACCEPTANCE.

It's what we, closeted ones, needed most especially from the people we care about.


- Prometheus

P.S.:
Sorry po kung medyo magulo yung story. First time kong magsulat eh. Comments and criticisms are welcome naman para ma-improve ko yung second part at mga susunod ko pang stories. Hope you like it, though. Thanks! ^_^

5 comments:

  1. Uhm...Twice ko'ng binalikan yung simula ng story mo at ang title. I thought i am reading a part 2 or continuation. Maganda ang ginawa mo'ng impact at first. Nakulangan lang ako in some parts. Overall maganda s'ya :)

    Also, there's a flow. Hindi naman mahirap intindihin. Keep it up :)

    Thanks for sharing your story :)

    ReplyDelete
  2. I just wanna say ur story that so hard to tell the parents what we are or who we are kaya im proud to u coz u have a strong... But i like ur story din hope so they have a part two good luck for ur career

    ReplyDelete
  3. Cool, bro! Congrats! Apir! Haha!

    -Engineer

    ReplyDelete
  4. Hi. Thanks for your comments. ^_^

    ReplyDelete
  5. I Just Want To Say Congratulation!! This Story is Very Nice, Actually I'm Very Emotional (Crying) When I Read This Story. I Wish I can go Back to the Time that My Father is still alive. para maipagtapat ko rin sa ka niya na ganito ako at marinig ko rin sa kanya na tanggap niya rin ako bilang anak niya kahit ganito. I Love You Dad!!.. :)

    ReplyDelete

Read More Like This