Pages

Sunday, June 23, 2013

Sa Apat na Sulok ng Silid (Part 1)

By: Joshua Reyes

Ang pag-ibig ay isang mapaglarong bagay. Kadalasan kung sino ang nagmamahal, siya ang nasasaktan. Siya ang iniiwan. At siya ang nagdurusa. Sabi nga nila “Find him or let him find you”. In my case, I found him. I found him unexpectedly. And I’m willing to risk everything just to save our relationship. kaya, kapag natagpuan mo o natagpuan ka ng taong magmahal sayo. Wag mo na siyang pakawalan. Dahil minsan lang dumating ang taong lubusang magmamahal sa atin. Ang kwentong ito ay tungkol sa aming dalawa na hindi sukat akalain na matatagpuan naming ang pagmamahal na hinahanap sa isa’t isa at saksi dito ang apat na sulok ng silid.

Chapter I

Tuesday. April 9, 2013.

    Oo, hindi mo ko kilala at hindi din kita kilala. Pero kailangan ko ng mapagsasabihan kaya ikaw ang napili ko. Siguro, pwede mo kong tawagin sa pangalang Josh. Hindi na ko magsasabi pa ng ibang bagay na tungkol sakin kasi baka makilala mo ko at sabihin mo pa sa pamilya ko ang munti kong sikreto. Pero wag kang mag-alala, kapag napagkatiwalaan na kita, malalaman mo din ang lahat ng bagay na tungkol sakin.

    Gusto ko lang sabihin sayo ngayon na may nakilala ako sa chat. Hindi ko din alam. Hindi ko naman kasi ugali yung kumuha na lang ng Skype account na hindi ko masyadong nakakausap sa KM. Sobrang bored lang talaga siguro ako at kailangan ng makakausap. Pasado ala una na din naman kasi yun. Bakit ba kasi nag ka virus ang site ng KM. Ang konti tuloy ng tao.

Ang pangalan niya pala ay Basty, okay naman siya. Moreno, medyo chubby, cute ng boses, tsaka aminin na nating may itsura. May dating din naman sakin pero hindi talaga yun yung mga tipo kong lalaki. Nung una, nakaka-asar siyang makipag usap. Hindi mo alam kung trip ka lang ba niya, o gaya ko na pinagtyatyagaan na lang dahil sa walang makausap. Pero habang tumatagal, maayos naman siyang maka usap. At nagiging interesado din ako sa kanya. Pero kinabahan ako ng malaman kong malapit lang pala siya samin at magyayang kumain. Siyempre, tumanggi ako, dahil hindi ko pa ugali ang makipag kita ng harapan sa mga nakakausap ko sa chat at tsaka gabi na yun. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sakin.

    Buti naman at naintindihan niya ako. Tumagal ang usapan naming hanggang ala singko ata yun nang siya lang ang nagsasalita. Oo siya lang, kumbaga kapag nagtatanong siya isasagot ko lang sa chat box at ganun kapag magtatanong ako. Bawal kasi akong mag salita. Baka kasi magising yung mga kapatid ko. Akala ko nga hanggang dun na lang yung pag uusap namin. Pero hindi, dahil nagpalitan kami ng number at nag-usap na magkikita sa Thursday sa Starbucks. At bago pa man siya tuluyang mag-out lumabas ang taglay niyang kalandian. Sabihan ba naman ako ng nakaka in-love. For the record, first chat pa lang yon.

    Hindi din ako maka tulog sa mga panahong ito. Hindi ko alam kung bakit. Kaya ang ginawa ko ay pumunta na lang ako sa tindahan namin at tumambay. Alas otso na yun ng maisipan kong i text si Basty. Susubukan ko lang kung mag re reply. Titignan ko lang kung hindi drawing yung mga pinagsasabi niya. So, nag text ako ng “Good morning Basty boy!”.

    Nung una akala ko hindi siya mag re reply, pero mali ako. Nag text siya at nagpapasamang bumili ng foam. Ayoko pa sanang makipag meet dahil nga ang usapan namin eh sa Thursday pa kami magkikita. Ewan ko ba pero, may kung anong nag udyok sa akin na umuoo. Usapan namin magkikita na lang ng 2 o’clock sa SM San Lazaro pero napaaga iyon.

    Bilisan lang natin ng konti ang mga pangyayari kasi mabilis din naman ang mga nangyayari samin. Ewan ko ba, pero ang bilis bilis ng oras ko sa kanya nung mga panahon na iyon. Hindi ko din sukat akalain na makakatulog ako sa dorm niya. Hindi na ako nahiya dahil sa wala naman talaga akong tulog. Ang saya lang dahil sa ako ang naka binyag ng foam niya. Isa pa sa hindi ko inaasahang mangyari eh ang halikan niya ako. nak ng tokwa. Eto ang eksena sa kama.

“pwede pa kiss?” sabay halik.

    Nagpaalam pa diba? Gulat na gulat ako nung mga panahon na iyon dahil sa wala pang nakaka halik na lalaki sa akin. Pero hindi na ako pumalag. Hinayaan ko na lang siya sa kung ano man ang gusto niyang mangyari. Nakatulog ako non. At nagising na ng mga bandang alas otso at nag pasyang umuwi.

    Gusto ko lang din sabihin sayo na sobrang saya ko ngayon.. sa susunod uli. 


    Wednesday. April 10, 2013

    Pag gising ko tumambad kaagad sa akin ang napaka haba niyang text. At ito ang eksato niyang sinabi. Wag mo na nga palang pansinin yung grammar.. )

“April 9. “The Chat” I met this guy sa chat. We talked. We laughed. We enjoyed each other asaran at bolahan. April 9. “The Eyeball” the first time i saw you. Wala lang. Simple lang. Pero nung nakita ko na yung big smile mo. Nahulog na ako agad. :p tapos sinamahan mo ako maghanap ng bed ko. Nag date sa casa reyes na gusto mo. Nag mall hopping. Hays. Nakabili ng bed. Nagharutan, natulog. Seems like konti lang nagawa natin pero, you completed my day already. Naka smile ako until now. Alam ko habang tulog ako naka smile pa din ako. . Thank you so much Joshua boy! I know mahirap paniwalaan pero I’m into you na. Sobra. Seryoso ako sayo. Hindi na ako babalik sa chat for you. Sana ikaw din. Buburahin ko na lahat ng contacts ko for you! Maybe bukas..:). I like you yun ang alam ko. And sana let me love you! Aantayin ko oo mo. Hindi ako nagmamadali basta. SERYOSO  ako sayo Joshua Reyes. Sleep na po ako. Good Morning!:) 

Wala namang masyadong nangyari sa araw na to. Except for I am rejected to take my summer class. Nakaka asar lang. Ang hirap talagang umasa ano? Lalong lalo na kapag gustong gusto mong manyari yung isang bagay. Ang sakit lang kapag hindi mo nakuha. Nonetheless, nagkita na naman kami ni Basty ngayon. And I am so thankful na nasa tabi ko siya, atleast may malalabasan ako ng inis dahil sa mga nagyari sakin ngayong araw na to.

And I decided to go home by 8:30. Hindi ko din alam kung anong pumasok sa isip ko nun at after 30 minutes ay niyaya ko ulit siyang lumabas. Ang sarap niya talagang kasama. 

Good night! Sleepy na ko. Sa susunod ulit.


Saturday. April 13, 2013


Today, I took the biggest risk ever in my life. I don’t know. I just felt it. Hindi naman sigurong masamang ma in-love diba? Besides, Masaya naman ako sa kanya ehh.. so there’s nothing to worry about.

And here’s what happened.

Tinatanong na niya sakin yun. Na maging kami nitong mga nakaraang araw. Pero ayoko pa. Pero alam niya din naming magiging kami. Actually we made a bet na kapag napasa niya yung program ehh magiging kami na. Pero sabi ko nga sarili ko, kahit hindi niya naman mapasa yun sasagutin ko talaga siya or magiging kami as soon as maramdaman ko na love ko na talaga siya.  And at this point, hindi ako pwedeng magmadali. For I am gambling my whole love life. Kasi nga sabi ko sa sarili ko na last na yung susunod. Di ba dapat naman ganun? We should treat every person who comes in our life last. Para susulitin talaga natin ang bawat oras na kasama sila. Dahil ang taong mag-mamahal satin ng totoo ay minsan lang dumating. Kaya kapag nandiyan na, hindi na dapat pakawalan.

I decided to say yes because I received a very long sweet text message. At bago ko ipakita yun. Eto nga pala yung text niya for april 10. He really knows how to make me happy. 

April 10 “ang clingy mo”. You made me loved you more when you went to SB and willing to wait for me kahit 3 hours pa. So I decided to go home early just to see you. Kasi miss na din naman kita. And then when i saw you, sobrang pawis and sobrang naiinitan tiniis mo lahat yun. Para lang makacharge and makatext ako. Pogi points na naman. Sinamahan mo magpa gupit si Basty boy. And we stayed sa dorm. Spend the rest of the time cuddling and asaran. Loving. Kissing. Hugging each other. It’s about 8:30 when you decided to go home na to do your letter. Syempre date muna sa jobee. Nagsuka ka. Hahaha. And hinatid kita. Pagkauwe ko. And stayed about 30 mins. Inaya mo ako lumabas. Ang clingy sobra. Nakakainlove. Lakad lakad lakad the lugaw. Hays. Busy day! #clingy

April 11.5 “Confessions” ang dami ko ng sinabi ka turn off turn off about me. And still you accepted me for who I am. Nakakahiya naman sa taong virgin at maraming kiliti. Hahahaha. Kayang kaya mo n akong titigan sa mata ha. I am very blessed. I have my family. That program and now I have my Joshua boy! Since the day I met you, I always thank god for giving me a person like you. Yung naging katapat ko, na mahal ako. Ang lakas ng tama ko sayo, i can spend all my life being with you. I will be the happiest and luckiest man..  i love you Joshua boy.. . Sobra. Sobra. Ayun. Nakatulog ka..  pagod? Weak!!! See you on sat. GOOD MORNING!  charge mo phone mo at at ittxt ka na nila na tanggap na yung letter mo. At ready mo na din tuition mo. Thank you for all the inspiration and efforts na ginawa mo for me. Naapreciate ko lahat yun Joshua boy. Hindi ko man ma express personally but that’s the reality. I LOVE YOU!

    And here’s the three text messages that made me love him more. I don’t know. Hindi ko talaga alam na eto pala yung mga bagay na tumatakbo sa isip niya kapag magkasama kami.

April 11 “I LOVE YOU” wohooooo. Hindi mo lang alam how happy I am when you finally said that YOU LOVE ME TOO. Pero hindi ko masyado pinakita kanina, nahihiya ako eh. Hahahahaha. Deep inside sumisigaw ako ng ang gwapo mo talaga Basty boy! Hahahahahaha. After ng interview ko. Ikaw agad ang nasa isip ko. I want to see you agad agad kaya i called you. Then sinamahan kita sa school mo. Tapos 1st try. Epic fail ng letter mo. So we went to SM. Tapos bad news naiyak si baby ko. When I saw you when you were about to cry how I wish i could hug and kiss you that moment but I can’t so I just tapped you sa shoulders. Then, 2nd letter done. Nagpapirma kay future papa in law ko.. Then, school again. Atlast, na pass na din ang letter. Dorm again. Landian to the max again. Then you said “I love you”. Hahahahahaha. Happiest man alive until now. Thank you so much. You found me. Haha. I will never let you go baby!

April 12 “Man of your Dreams” when I was able to read your story, I was shocked. Haha. Really. Medyo coincidence lahat. I may not have the height or braces of Ken. But I have the guts to win the love of Josh. Hahahaha. Thank you for accompanying me. Accompanying my friend. Gulo. Hahahahaha! Effort mo baby. Sobra bait. Then you watched me sleep. Nakakainlove! Sumusobra ka na! Hahahahaha. Tapos nasabihan pa ng gwapo..  baby. Yung tummy mo ha. Ayus ayusin mo!  thank you very much sa well ironed long sleeves. Hays. Can’t wait to see my baby again tomorrow. I found my addiction. My life. My world. My everything. You go here as early as you can..:). Ako bahala sayo bukas. Baby Josh kong pinakamamahal! I want to prove to you that I am very serious about us. I love you and forever I will. I will do everything for you. Joshua Reyes – Dela Pena. Coming soon. Haha. I love you baby ko labs.

I received this 3 text messages, madaling araw na. Sobrang saya ko. Sobrang kinikilg ako. Sobrang gusto kong ipag sigawan sa buong mundo na yung taong mamahalin ko ay nakita ko na. So i decided to call him. Papauntahin ko sana siya namin, kasi magiging kami na. I’m trying to call him pero hindi siya sumasagot so i decided to sleep na. Sayang.


    Naka punta ata ako sa dorm niya mga 10 na. Then sinabi ko sa kanya na dapat sasagutin ko na siya kanina kung makaka punta siya samin. Then ayun, kwentuhan lang. Pupunta dapat kami ng greenhills kanina. Pero takte, dahil sa sobrang kalandian namin. Hindi na kami natuloy. 4 pm na ata nun ng mag decide kaming kumain ng lunch. Yep. 4 pm akalain mo. Pumunta kami ng savemore bought some bread, chocolate spread, cheese and lays. Then yun.

    I really feel the urge to say YES to him sa araw na yun. Kaya nung nagpagawa siya ng bread, i tried to design it with a YES word. Pero hindi ko makuha. Nakaka asar lang. Kaya hindi ko na naman itinuloy.

    Pauwi na ako nung ng may sabihin akong napakahina sa kanya. Feeling ko naman narinig niya yun gusto niya lang ulitin ulitin ko. Yep. Kinulit niya ko ng sobra sobra dahil ayaw kong sabihin hanggang sa yung mukha ko eh sobrang lapit na sa mukha. He asked me if that’s a YES. I’m just smiling and he asked me again, I nodded with eyes closed.

    Before the day ends, we decided to eat dinner in shakey’s.

    Every person deserved someone whom they’re going to love and give everything they’ve got. And this day, is the day I found him. I found the person whom I’m going to spend the rest of my life sharing every moment. I found the person whom I’m going to love with everything I’ve got. This may be too fast but I don’t care. I love him. Do I have to wait years before we became official? Nonsense. There might be a little question mark in his life but still, I don’t care. We are a work in progress. We will know each other more in this coming days. And I know, loving him is enough to make a starting relationship works. I know I love him and I know he does to.

14 comments:

  1. Waaaah !! Watta Love . Naiyak ako dun ha ?! sobrang nakakainngit -__- .. Sna matagpuan ko nrin yung mamahalin ko at mamahalin ako . Tsssss . Super Inspiring at nakakakilig :) .. Ang ganda nang kwento at pagkakalahad , ang ganda ng Connection Between The Author and The Readers . Two Thumbs up :) .. Ipasa ang Korona :-P

    -Little Monster

    ReplyDelete
    Replies
    1. don't you worry. darating din naman ang taong para sayo. for now, maiingit ka muna. HAHAHAHA. joke lang po. you just have to wait. if it's meant to be, it's meant to be :)good luck!

      -author:)

      Delete
  2. This story made me happy and sad at the same time. Happy cos i know that there are people out there really looking for love and not just to satisfy whatever their body tells them, they want romance ika nga. Sad kase nakakainggit. LOL. i just hope that whoever is destined to be my partner in life, that i get to meet that person when we are both ready and SOON *crossfingers*. Don't we all wonder kung anong ginagawa nung "future" naten right at this very moment? kung binabasa mo to ngayon, ano kayang ginagawa nya? :)

    CHEERS!

    -kael

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. ka name mo yung ex ko.. hahaha kaso di ko na alam kung nasan na siya .. wala ng communication eh. pero miss ko na siya hahaha..

      -UEKI

      Delete
    2. LOL. talaga? cybername lang yan eh. :) ganon talaga not everyone eh ngsstay sa buhay naten. be thankful nalang at nakilala mo siya. :D

      -kael

      Delete
    3. hahahahaha. okay lang yan. :) daratin din yung taong para sayo and you are really right when you said na may mga taong naghahanap ng romance. madami. sobrang dami. :) kasi iba pa din yung feeling na at the end of the day may masasabihan ka ng "i love you" o kaya pag ka gising mo may mag te text sayo ng "good morning". alam nating napaka liit na bagay lang ang mga ganoon. pero hindi lahat ng tao nakaka experience ng ganoon. :_ good luck! :)

      -author

      Delete
  3. Hhmmmm naghiwalay si Josh and Ken from the Starbucks love story?!? :( if yes, then even if this story is all about love and spark, kkalungkot pa din dahil sobrang okay ang pagssma at pagmmahalan ni Josh and Ken :( Ken parin ako!

    ReplyDelete
    Replies
    1. heyy.. uh, the starbucks is a totally different story po :) i just made Joshua Reyes my name here. :) this is actually a true story po. :)) by the way, thank you because tou have read my 2 stories. :) thank you so much. :)

      -author

      Delete
  4. Aus un ah!!! Wala ako masabe sa nagkwento... Akala ko puro libog lang ang laman ng site na to... Dahil sayo author nagbago ang lahat! Apir! Pero nakakakilig honestly sa sobrang bilis ng nngyari. Ako din po 2years na kame ng live in partner ko halos ganyan din kabilis ang love story namin. Nakilala ko agad sya at pinakilala nya ako agad sa family nya. Parang wala ngang ligaw na nangyari. I can say na worth it pagsinubukan mo at hindi mo alam kung gaano karaming fireworks ang kasunod. Kaya Bubbles ko... I Love You too!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. heyyy.. congratulations on the both of you! stay in-love! :) hahahahaha. hahabulin namin yang 2 years nyoo :)))

      -author:)

      Delete
  5. hayyy thank god after a long long days. lumabas na din siya, im so happy! thank you for reading my story! watch out for part two. :)

    ReplyDelete
  6. Hello. After several months ngayon na lang ulit ako ngkaroon ng time para mgbasa ng KM, busy eh. So much for that. Well, na-engganyo ulit ako basahin ung SB kasi nga maganda talaga ung story and ang sarap ulit-ulitin, then nabasa ko sa comments itong kwento na ito. As expected, maganda and very inspiring sya. Hihihi. Well, ang kwentong ito ang nagbigay sakin ng lakas ng loob para mglantad. Haha, I'm bi. At sana tulad ni mr. Author eh may magmahal din sakin kagaya ng pagmamahal na binibigay sa kanya ni basty. :D . More power kay mr. Author, push lang ng push. ;) more inspiring stories!

    -R.M.G.

    ReplyDelete

Read More Like This