Pages

Saturday, June 15, 2013

Sleepless (Part 1)

By: Lothario

Chapter One: The Glory that was Greece And The Grandeur That Was Rome

Grade four ako noong mga panahong iyon. Katulad ng ibang mga bata, mahilig ako mag laro tuwing hapon.
“bang Dada… bang Omel… bang Junjun”
Tuwang tuwa akong mahanap ang mga nagtatago kong kaibigan, pangatlong beses ko na kasi iyong maging taya sa laro naming bang-sak.
“sak” bulong ni toper sa aking kanang tenga habang nakayapos mula sa aking likuran. Mangiyak ngiyak ako dahil ang ibig sabihin noon ay uulit ako sa pagiging taya.
Masayang masaya ang aking mga kalaro na naglabasan sa kanilang pinagtataguan.
“Toper ang galing mo” sabay apir ni Dada kay Toper, laking pasasalamat nito dahil kamuntikan na siyang maging taya kung hindi dahil kay Toper.
Umulit kami ng laro ng mga dalawang beses pa. At katulad ng dati, lagi akong umuuwing luhaan.

Laging ganun, nagtataka nga ako sa sarili ko kung bakit naapektuhan pa ako. Sa araw-araw na naglalaro kami ng bang-sak, lagi ako ang buro, yun ang tawag naming sa taong lagi nalang taya. Haist ewan ko ba, parang malas yata ko sa mga larong pangkalsada. Hindi naman kasi ako katulad ng mga kapatid kong lalake na laki sa kalsada. Masakit kasi sa balat ang sikat ng araw kaya hapon lang ako lumalabas para makipag laro. Dahil dun, kapag sumasali ako ay lagi na silang nakapag simula at ayon sa batas ang bagong sali ang magiging taya.

Nga pala, ako po si Samuel, Sam for short. Bunso ako sa anim na magkakapatid. Mayroon akong Tatlong kuya at dalawang ate. Ang aming ina ay isang doctor ng mga baby sa Manila at ang aming ama ay isang Intsik na nasa tunay na nitong asawa sa China.
Madalas na wala ang aming ina dahil kailangan niyang magtrabaho. Ang aking mga ate lamang ang lagi kong kasama sa bahay dahil pareho pa silang nasa high school. Ang dalawa naming kuya ay nasa kolehiyo na at ang aming panganay ay nasa America naka destino.
Halos lahat ng aking kapatid ay kumuha ng hitsura sa aming ina, tipikal na Caucasian bukod sa brown na mga mata at itim na buhok. Ako at ang aking ate na sinundan lamang ang nagmana sa aming ama. Singkit at hindi katangkaran pero hindi rin naman kaliitan. Mas maganda nga lamang DAW ako sa aking ate dahil light brown ang aking mata siya ay dark na halos itim na, pantay pantay ang aking ngipin samantlang ang aking ate ay naka braces para gumanda ang kaniyang sungking ipin, at mas makinis ang balat ko sa kanya.
Oo, marami ang nagsasabi na papasa daw ako na maging babae kaysa sa lalake. Ang aking mga kapit bahay ay napagkamalan akong babae noong lumipat kami dito sa probinsiya ng Rizal noong nakaraang taon. Nalaman lang nilang isa akong batang lalake nang nagka siyota yung isa sa mga kuya ko. Nalaman ng bruha na lalake ako at ipinaalam sa mga alagad niyang mangkukulam ang impormasyong iyon. Mga tsimosang bruha na nakatira sa liblib na probinsiya, ano pa bang aasahan mo? Instant celebrity agad ako. Tuwing lalabas ako ng bahay ay lagi aking tinatanong kung lalake daw ba talaga ko. Kulang nalang ay ibuyangyang ko sa kanila ang aking pututoy ng manahimik na sila. Sa kinalaunan ay natapos din ang usap usapan at laking pasalamat ko, hindi dahil sa tumigil na sila katatanong, kundi dahil hindi na nahiyang lumapit sakin ang mga kaedaran kong lalake at ako ay nagkaroon na ng mga kalaro. Salamat sa bruhang gf ni kuya.

Sa mga kalaro ko ay si Toper ang pinaka malapit sa akin. Brusko, kulay pinoy, kaedaran ng sinundan kong ate, halatang laki sa lansangan pero marami siyang medalya galing sa kanyang paaralang pinapasukan. Crush siya ng ate ko pero sabi ni Toper ay ayaw niya daw ang ate ko dahil may iba siyang gusto. Kawawa naman ang aking ate, asa na lang siya.

Kahit na malapit sa akin si Toper ay hindi niya ko pinagbibigyan sa mga laro namin, para pa ngang natutuwa siyang maburo ako eh. Ang kumag, masama ang ugali, hmp. Kung hindi lang masarap magluto ang kaniyang nanay ay iniwasan ko na siya.
Madalas kasi akong nasa bahay nila Toper. Kapag uwi ko galing paaralan, mag bibihis lang ako, kakain, gagawa ng takdang aralin at didiretso na ako kila Toper para makikain hehe. Pero siyempre may kapalit yun. Ako lagi ang bantay sa tindahan nila kasi layas si Toper at katulad ng sinabi ko kanina, ayokong lumabas ng tirik pa ang araw. Isa pang dahilan kung bakit gusto kong lagi sa tindahan ay ang pinsan ni Toper na si kuya Buboy na bantay din sa tindahan. Ito ay nasa huling taon ng high school. Gwapo ito. Sa aking paningin ay mas gwapo pa nga sa aking mga kuya. Hindi ko nga alam kung bakit crush ko ito samantalang pareho kaming lalake. Sabi ni Toper ay bading daw ako. Pero kami lang ang nakaka alam at hindi niya ito pinag kakalat. May kabaitan din ang kumag.

Isang araw ng Pebrero habang kami ay nagbabantay ng tindahan ni kuya Buboy ay napansin nitong nakatulala ako sa kaniyang mukha.
“gusto mo ba yang nakikita mo?” saad ni kuya Buboy
Nagulat ako at tila bumalik sa aking ulirat.
“ah… eh… ano, ano po k-kasi…”

“hahaha nauutal siya oh! May gusto ka sakin no?”
“uhm ano po… ah… o-opo”
“hmmm sabi ko na nga ba eh. Ang cute mo talaga hehe”
“gusto mo rin ako?” abot tenga ang ngiti ko ng mga panahong iyon
“hahaha teka lang. mmmm pano ko ba to sasabihin? Hindi kasi pwede eh.”
Biglang pakiramdam ko tinusok ako ng libo libong karayom. Namamanhid ako at tila may namuong ulan sa mga mata ko at gustong bumagsak.
“bakit? Kasi pareho tayong lalake?”
“Sam bata ka pa. Baka naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo”
“Hindi na ko bata, grade four na ko!!! Malapit na akong maka graduate ng elementary. Sabi ng teacher ko matalino daw ako.”
“Sam alam ko matalino ka. Kaya umaasa ako kahit papano na maiintindihan mo na bata ka pa para sa mga ganyang pakiramdam. Maaring gusto mo ako ngayon pero after a week or so mawawala din yang infatuation mo sa akin”
Umiiyak na ako ng mga panahon iyon. Ang babaw ko talaga. Pero ayaw kong patalo. Siya ang hindi makaintindi.
“Sige, pag ka graduate ko ng high school at ikaw pa rin ang gusto ko. Magiging akin ka.”
“hayyy Sam naman”
“Siguro naman sa panahong iyon hindi mo na ako bibigyan ng mga ganyang dahilan. At wala ng pero- pero”
Mabilis akong kumaripas ng takbo pauwi sa bahay para wala na siyang pagkakataon makapag dahilan.
Pag dating ko sa bahay ay agad akong nag isip. Pag katapos ng high school. Anim na taon yun. Ang tagal pa pala. Ano ba naman yan. Parang gusto kong bumalik at sabihing pag katapos na lang ng elementary. Pero hindi kailangan kong mag tiis.

Makalipas ang anim na taon…

“miss, excuse me, can I go to the loo?”
“be here within 5 minutes or we’ll start the exam without you mr. chua”
“noted” sabay bigay ng napakatamis na ngiti sa aking propesor.
Alam kong angat sa karamihan ang aking pisikal na anyo. And i have mastered on how to use my assets for my advantage.
Where you at? , text ko kay ram, isa ito sa mga matatalinong estudyante sa aming kurso. Batch mates kami pero magkaibang block
“babe, eto yung mga sagot sa exam.”
“thanks. And by the way, im not your babe” at sabay talikod
“soon you’ll be”
“dream on” habang patuloy sa paglalakad
1st year college. But Ram was already asked to represent our school for the upcoming Mr. and Ms. Ambassador of Goodwill. Ito yung pageant ng mga accountancy students sa buong Pilipinas. Kadalasan ay mga 3rd yr students ang representative ng school namin. Puwera sa taong ito kung saan isang freshman ang ipanlalaban namin sa male part ng patimpalak. Wala naman tumutol sa mga Juniors dahil wala naman sa batch nila ang mas gwapo kay ram.

Magnet ako ng mga straight guys. Napansin ko yun noon pang nasa 4th yr high school ako, well that’s another story. I’ll tell you some other time *wink*. Hahaha mahilig ako kumindat, ewan ko ba kung nahipan ako ng masamang hangin.

*riiiiiiiing*
“Time’s up. Pass your papers in 30 seconds. I won’t accept any paper after that.” Tinig ni Ms. Garcia na ayaw patalo sa tunog ng bell ng unibersidad.
Tapos na rin ang exam. Woah woah. Quiz is the right term, pero putik, 6 items but took us 3 hours to solve. Buti na lang may kodigo ako kung hindi baka hanggang ngayon ay nagsosolve pa ako.

Sino ba kasing nagsabing mag accounting major ako?
Toper.
Right! It’s his entire fault. Gusto niya kasing mag tayo kami ng firm kapag pareho na kaming CPA. At ewan ko ba kung bakit sumunod naman ako.
Gusto ko lang naman kasing mapasaya ang kaibigan ko.
Speaking of the devil, niluwa ng elevator ang mokong. Manonood kami ng sine ngayong araw na to. Wala naman akong gustong panoorin dahil sa November pa showing yung Movie based on the book that I was reading.
“Shoot, ang gwapo talaga ng bf mo Sam”
“Haha he’s not my bf. And never will be.”
“Bakit naman? He’s a hunk. Last year’s Mr. AOG. Ayaw mo nun?”
Alam ng mga classmates ko ang sexual preference ko, and they’re cool with it.
“Una, he’s my best buddy. Almost my brother, parang incest kung magiging kami. Pangalawa, he’s as straight as an arrow”
“Well then. Akin na lang siya”
“You wish”
“At bakit naman? Maganda naman ako diba? Bagay kami” habang tila sinusuklang ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Ang sarap sabunutan. Close naman kami ni Mary, pero ewan ko ba, hindi ko trip kpag nag papacute siya sa bestfriend ko.
“He’s in love with his imaginary gf”
“Weirdo”
“I reckon to that”
At nagtawanan kami
“Hi mary, hi sexy. I hope hindi ako ang nilalait niyo”
Sabay pout ng labi niya. Damn, he’s so sexy when he does that.
Enough Sam, wag kang mahuhulog sa kaibigan mo. Wag please.
“We’ll never do that to you.” Malanding bigkas ni Mary
“Mary stop flirting with my Toper”
“What now Sam. Kakasabi mo lang na hindi kayo.”
“I still own him though haha”
“Urg whatever Sam. Toper are you free tomorrow?”
“Sorry mary may lakad kasi kami bukas”
“Kung gusto mo sama ka nalang samin ngayon manood ng sine” singit ko sa usapan nila
“Sure.”
Natapos ang sine. I was bored to death, si Mary kilig na kilig, si Toper, ewan hindi ko mabasa nasa isip niya. Hinatid namin si Mary sa dorm niya. Kami ni Toper naka rent ng bahay malapit sa University kasama ang ate ko na kaedad ni Toper. dalawang kwarto, isa ang sa kapatid ko, ang isa samin ni Toper. Tahimik si Toper hanggang sa makarating kami sa bahay. Badtrip yata
“May problema?” tanong ko
“Wala” singhal niya
Badtrip nga. Kung bakit, aba ewan ko.
Pagkarating ng apartment. Nasa sala ang kapatid ko, may kausap sa mobile phone niya. Bf niya panigurado. Hindi na naubusan ng bf to. Gustong gusto ko na talagang sabitan ng medalya sa kalandian at tatakan ng salitang POKPOK sa noo.
Nang mapansin ng hitad na may kasama na siya sa bahay ay agad na nagpaalam sa kausap niya at nagkunwaring nag aaral.
“Naku, alam mo bang pag bumaha dito hinding hindi ako mag aalala sayo kasi lulutang ka.”
Nakapamewang kong bati sa kapatid ko.
“Bading” ganting sagot niya
“Plastik na pokpok” sabay talikod
Binato niya ko ng unan. Wala lang yun sa amin. Mahal namin ang isat isa. Walang hiya lang talaga kami mag salitaan.
Si Toper dedma, diretso sa kwarto.
Kating kati na ko sa suot kong damit. Gusto ko ng mag palit, kaso andun ngayon si Toper, panigurado nagbibihis. I can’t risk it. Baka kung ano magawa ko. Mahuhulog ako sa lahat pero hindi sa best friend ko. Hinding hindi.
“Toper, Toper”
Kanina pa ako kumakatok sa pintuan ng kwarto naming pero hindi pa rin siya sumasagot.
Wala na akong magagawa. Pumasok ako sa kwarto. Ayun ang kumag nakahiga sa kama niya. Naka brief lang.
Lunok.
Isa pang lunok.
Sa lahat ng santo tulungan niyo ako.
Dumilat ang kumag, nakasimangot na nakatingin sa akin. Huli akong nakatitig sa katawan niya
“Anong ginagawa mo diyan?” Nakasimangot pa rin niyang sabi. Parang bale wala lang sa kanya yung nakatingin ako sa halos hubad niyang katawan. Hay salamat ligtas.
“Tinititigan yung katawan mo” Pota. The story of me and my big mouth.
Gustong gusto ko ng mawala sa oras na iyon.
Nananatiling tahimik lang ang mokong. Nakasimagot pa rin. Gwapo nonetheless. Anak yata ng isa sa mga diyos ng griyego ang mokong.
“Mag bihis ka na. marami ka pang pagkakataong titigan ang katawan ko mamaya”
Pulang pula na ang aking mukha. Kung pwede lang lumabas na ang mga dugo sa bibig, tenga, mata at ilong ko sa sobra kong pula.
Isip… Mag isip ka Samuel.
“Bakit ba kasi ayaw mong sumagot sa katok ko kanina pa.” Galit galitan ang peg ko
“At bakit naman kasi kailangan mo pang kumatok eh kwarto mo rin naman to”
“Siyempre malay ko ba kung nakahubad kang madatnan ko katulad ngayon”
“Ano naman ngayon?”
“Wala lang. Baka mahiya ka.”
“Baliw. Mag bihis ka na.” sabay ngiti
Oh my wag kang ngingiti sakin habang naka brief ka lang.
“Oh. Bakit hindi ka pa magbihis?”
“I need some privacy, Pwede bang tumalikod ka muna”
“Arte.” Sabay talikod
“Thanks.” Aba gentleman talaga ang loko. Kilig.
If I was Troy. He’d probably be that horse sent by Sparta. He’s a real beauty that could cause my fall. Wahhh wag kang mag isip ng ganyan.
(itutuloy)

16 comments:

  1. tamang landi lang. .gusto ko to'.

    ReplyDelete
  2. hahaha. ang cute. ang landi. Part two na,

    ReplyDelete
  3. Hahahahahahahaha...i want part two i like the story...

    ReplyDelete
  4. murag makalingaw nga storya...kanus-a ang sunod?????

    ReplyDelete
  5. Gusto ko pagkakakwento,, napapasmile ako habang binabasa toh.hehe

    ReplyDelete
  6. Landi mo author! gaga ka! Hahahaha. Part 2 na dali!!! bitin na bitin ako potah. Hahahaha.

    ReplyDelete
  7. salamat at nagustuhan niyo. im almost done with part 2, pasenxa na kasi im also working on another story. akala ko kasi this one would not be posted. salamat ulit. -Lothario

    ReplyDelete
    Replies
    1. lothario, super relate ako sa kwento mo, daming common hahahahaahah, taga rizal, accountancy students, and alam ko yung mga terms na pinagsasasabi mo dito lalo na yung AOG, hahahahahaha nangingiti ako habang binabasa ko yung kwento mo kasi, super tumatakbo imagination ko, lalo na dun sa quiz na 6 items pero hour ang binilang para masagutan lahat, hahahaha sana magkaroon ako ng contact sayo, kasi astig ka haahahahaah, by the way im mike, nagkarron ako ng connection sa org, kaya super alam ang AOG, kasi once naging floor director ako sa ncr aog hahahahaahahah,

      Delete
    2. maraming salamat. akala ko talaga walang magkakagusto sa kwento. i enjoyed writing it kaya napakasarap sa pakiramdam na may nakaka appreciate nito. base lang ang kwentong ito sa mga kwento ng mga kaibigan ko. pinag tagpi tagpi ko lang at yung tunay na ako ay isa lang minor character sa kwentong ito.

      Delete
  8. HAHAHA!! ANG LANDI!!! LUV UR STORY... I RECKON YOU'RE A 'BOOK WORM'

    ReplyDelete
  9. Parang patay naman na ang ating model dito kaloka ha hehehe

    ReplyDelete
  10. Galing :) sarap basahin part two.na yan :) ilikeit when the story is.balance with lust and.love hahahaha

    ReplyDelete
  11. nice story!! can't wait to read the next chapter.

    ReplyDelete
  12. Mr.author c peter b ng gapo ung model?

    ReplyDelete

Read More Like This